--3—
ONE YEAR LATER (NOVEMBER 2015)
HORIZON THREE
SHANIKA's POV
"Hindi masosolusyunan ng alak ang problema mo. Angtanga mo din kasi." Pilit kinukuha ni Jynn,pinsan ko, ang bote ng alak sa kamay ko. Dito na ako nagpalipas ng buong araw. Makakapagtago kasi ng sekreto ang magkakapatid. Pag kay ate Zynthia ako baka wala pang isang oras alam na ni ate Mauren na naglalasing na naman ako.
"Ssshhh..."Pigil ko sa kanya. "Ito na lang ang karamay ko. Iniwan na ako ng pinakagusto kong tao. Kasi angtanga-tanga ko. Diba? Angtanga ko?"
Si Chloe. Yung maganda, may makapal na kilay, yung masarap kausap. Yung gusto kong maging girlfriend. Hindi ko siya pinaniwalaan. Sinisi ko pa ang mga kaibigan niya sa nangyari sa kanya.
Pinagsamantalahan siya nung gagong manliligaw niya pero anong ginawa ko? Tinalikuran ko siya! Gusto kong humingi ng tawad pero ayaw niya akong kausapin. Dumagdag pa boardmate niyang kung umasta ay girlfriend.
"Oo ate. Angtanga mo. Oh gusto mo pa ng isa? Pakalasing ka. Kasi good catch na si ate Chloe pinakawalan mo na. Tanga e."
Iniwan niya ako talaga sala? Si Jynn yung kainuman ko. May kakambal siya si Flynn. Kanina lang ay kainuman naming pero umiskip na naman.
Sa sahig na pala ako nakaupo. Nakasandal sa sofa. Inom ulit. Nakatingin sa kisame. Kinokonsensya ang sarili sa katangahan ko. Parang may nakikita akong malaking butiki? Napalapit nang palapit ang tingin sa akin? Tapos tinampal ako?!
"s**t!" napaatras ako. Nabitawan ko yung bote. Ouch! Basag! Bakit may higanteng butiki dito. "s**t! s**t! Lumayo ka sa akin!" pinaghahampas ko siya.
"Ate ano ba! Bakit ka nananakit?!"
Pamilyan yung boses. Si Lynn yun! Bunsong kapatid nina Jynn at Flynn. Saka lang ako nahimasmasan nang binuhos niya sa mukha ko yung malamig na tubig sa pitchel.
"Anong nangyayari ditto? Bakit kayo nagsisigawan?"
Base sa boses na yun, si Flynn. Medyo husky kasi.
"s**t! Ate! Huwag kang gagalaw. Maapakan mo yung bubog!"
Too late! Feeling ko may naapakan na ako! Napaupo ako sa sofa at umiikot pa rin ang paligid. Gosh! Naririnig kong nagpapanic na sila!
"Ate..." si Lynn yon. "yung paa ko...ate!!!"
Naalala ko takot siya sa dugo! Gustuhin ko mang tumulong hindi ko magawa dahil sarili ko nga hindi ko maiayos ng upo e.
"Tawagin mo yung manong! Dadalhin natin sila sa hospital!" si Flynn yun. Sure ako! Manipis boses niya pero authoritarian.
"Kaya ko!" inihawak ko ang kamay ko sa sandalan at sinubukang tumayo. Pero itinulak ako ni..hindi ko alam kung sino sa kambal. Hindi ko na marinig si Lynn.
"Isusumbong na talaga kita kay ate Mauren!"
De natakot na ako! Narinig ko na ang pangalan ng ate ko e. Hinintay ko na lang na alalayan ako ng kung sino sa kanila. Worse thing is bumibigat ang talukap ng mga mata ko.
--
--
Kaliwang paa ko ang may sugat. Si Lynn sa kanan. At nagdadaldal si ate Mauren. Gusto kong takpan ang tainga ko kaso baka mas tumagal ang panenermon niya.
"Oh sige mag-akayan kayo para makauwi na kayo." Nakapameywang niyang sermon. Kanina pa yan. Bakit kasi tinawagan pa ng kambal.
"Ano? Mandadamay ka pa? Kung sa bahay ka mag-inom kahit hanggang umaga." Feeling ko anytime bubuga na siya ng apoy. Buti wala siyang madampot dito na ihahampas sa akin.
"De nilunod mo na ako sa pool." Sagot ko naman. "tapos na ate. Gagaling na to. Sa condo pala ako uuwi muna."
"Hindi! Sa bahay ka hanggat hindi pa magaling yang paa mo."
"Malayo sa bituka to." pag sa bahay nila ako uuwi panigurado araw-araw din ang sermon.
Umiiyak pa rin si Lynn. Anglalim kasi nung sugat niya. "Bunso sorry..." hingi ko ng tawad.
Hindi niya ako pinansin. Umiiyak pa rin siya. Maya't-maya ang punas niya ng luha. Angsama ng tingin sa akin ni ate tuloy.
--
Ilang araw na rin ang lumipas. Nagfile si ate ng leave para sa akin. This is hell! Pati si daddy nagalit kaya grounded daw ako. Gosh?! Sa edad kong ito grounded pa? Bored na bored na ako! Maayos naman na akong maglakad. Alis na muna ako.
Dahan-dahan akong humakbang sa hagdan habang palinga-linga sa paligid. Hindi ako pwedeng mahuli! Baka ibalik ako sa kwarto nang sapilitan lalo at nandito si ate. Bantay sarado! Nasa huling baitang na ako. yes! Road to freedom!
"Shanika Silverio!" oh s**t! Napapikit ako. Si guwardiya sibil Mauren Jeanny Silverio yon!
"Ate..." nilingon ko siya. nakahalukipkip siya sa may taas. "kumusta? How's the view up there?"
"Saan ka pupunta?"
"E mamamasyal? Please? Bored na ako dito. As in! tinutubuan na ako ng ugat sa kwart ko ate. Ikaw din baka maging puno ako dito."
"Hindi pa magaling ang sugat mo."
Nagtanggal ako ng tsinelas saka ko pinakita sa kanya. "Okay na oh. May cover naman. Sige na ate. Saglit lang ko."
"Mabuti pa sunduin mo si Lynn. Nang makabawi ka naman. Half day lang daw sila ngayon e."
"So I get to drive?" Excited kong tugon. Feeling ko nagliparan ang mga stars sa paligid.
"No. Nandiyan si Manong Henry."
Akala ko pa naman ako na magdadrive. It takes around 30 minutes to reach Ravenswood Solale Academy. Angbagal magmaneho ni Manong. Baka umabot pa ng isang oras bago kami makarating sa RSA.
"Maam, sa bahay na po kayo nina senior titira? Ito na kasi yung pinakamatagal na pananatili niyo dun e."
"Hindi Manong. Uuwi pa rin ako sa condo ko. Independent kaya ako."
Nailing-iling siya. "Independent na iyakin hija? Iyong iniiyakan mo ba e minahal mo?"
"E gusto ko siya manong."
"ikaw talagang bata ka. Wala pa akong naririnig sayo na minahal mo e. Lahat e gusto mo lang."
"Papunta na rin dun yon manong. Iniintriga mo ako ha? Focus ka na po kayo diyan baka mabangga pa tayo."
Itinuon ko ang pansin ko sa labas. Mga buildings lang nama nang view dito. Miss ko na ang himpapawid! Miss ko nang magpalipad ng eroplano. Miss ko na ang Boracay. Miss ko nang magtrabaho.
"Manong pwede ba tayong dumaan sa apartment ni Chloe?"
"Naku maam, mahigpit na bilin ni Maam Mauren na sa RSA po tayo dederetso. Kilala niyo naman ang ate niyo kalkulado niya ang oras."
Napabuntong hininga na lang ako.
---
Nasa RSA na kami. Isang oras pa bago matapos ang morning class niya. Malayo ang building ng Junior High at sa fourth floor pa ang classroom niya kaya minabuti kong hintayin na lang siya sa canteen. Hay! Wala nang bakanteng table. Sumasakit na ang paa ko.
Pwede siguro ako maki-share dun sa dulong mesa. Iika-ika na akong maglakad. Bad idea nga siguro tong umalis pa ako. Damn! Pero dapat ko tong pangatawanan.
"Hi. Pwedeng maki-share ng table? Wala na kasing bakante."
Nag-angat siya ng tingin saka iginilid yung mga capcakes na nakahilera sa mesa niya. Binili na niya yata lahat ng flavors ng cupcakes. At tatlong empty wrappers na ang nakalagay sa plastic.
Naupo na ako sa tapat niya. Nagbukas ulit siya ng isa. Yung pandan flavor naman. Para siyang yung mga bata sa mga commercials na ninanamnam ang bawat kagat ng capcake.
Sinumulan ko na lang kainin tong binili kong cinnamon roll. Panay rin ang tingin ko sa relo ko.
"Bakit ka iika-ika maglakad?"
"May sugat ako sa paa."
Gosh tong batang to! Kung kapatid ko to pinisil-pisil ko na pisngi niya e. She's munching and nodding like a cute little brat.
"Mas okay na yan kaysa sugat sa heart."
Kanina gusto ko siyang iuwi, ngayon parang gusto ko siyang pektusan dahil naalala ko na naman si Chloe. Uminom na lang ako ng tubig. Mga bata talaga ngayon. laging konektado ang love sa kahit anong bagay.
"May naalala ka no?"
"huh?"
Tinupi niya yung wrapper bago nilagay sa bag. "e kasi nung nabanggit ko yung sugat sa heart nagbago ang mood mo. so may naalala kang hindi magandang kaganapan sa buhay pag-ibig."
Nag-abota ng kilay ko. "Manghuhula ka ba?"
Ngumiti siya saka muling nagbukas ng capcake. Mocha naman ngayon. Angtakaw niya? hindi kaya sumakit ang tiyan nito.
"Hindi po. Pansin ko lang." nagpangalumbaba siya saka tumitig sa akin. "Miss, hindi ako nag-cut ako ng klase kasi pakiramdam ko may ibang taong deserving ng oras ko.baka ikaw yon. May problema ka ba? Share share na miss habang hindi pa uwian." Tinaas-baba pa niya ng makailang beses ang kilay niya.
"Sige. Dahil angdaldal mo at angcute mo naman magshishare ako nang kaunting problema."
Ahy na-excite siya. nilagay niya lahat ng capcakes sa bag niya. tapos yung mga plastic ng wrappers nilagay sa upuan. Pinatong pa ang dalawang kamay sa mesa.
"Makikinig po akong mabuti."
And she transformed again into an adorable kitten. Haha!
"okay. So there is this woman. I like her. You wouldn't mind naman na lesbian ako diba?"
Umiling siya. "Not at all. Bakit ka niya iniwan?"
"What? Iniwan?"
"E dun din patungo yung kwento e. shortcut mo na po."
"Ako ang nang-iwan."
"wow!" pinalo niya ang mesa. Napatingin sa amin ang ibang estudyante tuloy. "sorry na-carried away..."
"Grabe ka. Isipin nila dito inaaway kita."
"Sorry na nga po miss. Tuloy mo na... nakikinig ako talaga."
"Gustong gusto ko siya, Pero nung pinagsamantalahan siya ng manliligaw niya tinalikuran ko siya. hindi ko matanggap. Pati mga kaibigan niya sinisi ko. Gusto kong bumawi pero parang huli na ang lahat."
Iiling-iling siyang uminom tubig.
"Diba angtanga ko? Ngayon umalis siya ng bansa. Miss ko na siya."
"Oo miss. May pagkatanga ka nga. Kung gusto mo ang isang tao tapos willing ka naman mahalin siya bakit hindi mo na lang panagutan ang pangri-r**e sa kanya ng iba? After all loving is acceptance. Hindi mo kaya magmahal ng isang tao nang buo kung hindi mo tanggap lahat sa kanya."
Napatingin ako sa kanya. "Bata ka ba talaga? Kung makapagsalita ka para kang matanda e."
"Ikaw naman miss kung umasta parang teenager. Kung ako yung babae ayaw ko na talaga sayo. Dun ako sa dadamayan ako kahit hindi na ako pure na ihaharap sa dambana. Knight in shining armour kumbaga." Tumingin siya sa relo niya. "Kailangan ko nang umalis miss. OH sayo na tong yogurt. Pampalinaw ang isip yan. Babye po!"
--
Nakokonsensya ako dahil hirap parin maglakad si Lynn. Nakasaklay siya. Ilang bubog kasi yung naapakan niya nung gabing yon.
Kasama niya ang isang lalaki na may bitbit nglibro niya. Sino tong batang to? !
"Sino siya?"
"Kaklase ko. Si Bob."
Kinuha ko ang mga libro kay Bob. "Sige na pwede ka nang umalis."
"Ate?"
"Ano?" binalingan ko yong Bob. "Sige na. Ako na ang bahala sa pinsan ko."
Magalang naman siyang umalis.
"Tinakot mo yung kaklase ko. Anglaki mo pa naman ate." Sabi niya habang patungo kami sa parking lot. Napapatingin sa amin ang ilang estudyante. "Ililibre mo pa ako ate?"
"Oo. Peace offering."
"Bilhan mo na lang ako ng libro. Yung advance physics."
Ano ba naman to? Puro libro ang gusto. Nung huling birthday niyang chemistry book ang request niya sa akin. Sige na nga lang para makabawi sa atraso ko sa kanya.
--
Minsan iniisip ko sa sobrang katalinuhan ng pinsan ko nababaliw na siya e. Inaamoy niya kasi yung mga pahina ng libro. Dun yata niya binabase yong quality ng bibilhin niya e.
"Angbango talaga!" nakangiti pa siyang parang ninanamnam ang amoy ng librong dinampot niya.
"Ewan ko sayo. Adik ka diyan. Tawagan mo ako kapag nakapili ka na ha? Maglilibot lang ako dito."
Hindi naman ako lalabas ng bookstore. Bili lang ako ng filefolders. Marami na kasing tambak na papel sa unit ko. Baka maisipang bumisita ni are Mauren dun e sunugin ang mga yon. Hindi ko pa naman nasosort.
Anong magandang kulay? Ito kayang orange?
"Shanika? Hija? Ikaw nga ba yan?"
Nilingon ko ang tumawag sa akin. oh my Gosh! Si sir Peterson Perez! Paano ko ba naman sila makakalimutan e bukod sa marami silang nairefer na clients sa AEROBO ay hindi ko pa rin naman nakakalimutan yung mini kontrata namin.
"Sir..." nakipagkamay ako sa kanya. "Kayo lang po?"
"Ah hindi. Kasama ko ang anak ko. Ang mabuti ay sumabay ka na sa amin for lunch para magkakilala na kayo."
"Tito ha? Four years yung usapan natin. Wala pang apat na taon."
Ay si tito. Lumalabas yung dimples niya sa pagngiti. Nanliliit na rin yung mga mata niya.
"Saka kasama ko po ang pinsan ko. Nakakahiya naman po."
"Walang problema dun. Ipapakilala lang naman kita. Asan na ba ang pinsan mo nang makapagtanghalian na tayo."
Timing naman ang pagtawag ni Lynn. Nakapili na daw siya ng libro. Natuwa si Sir Peterson sa tangkad ni Lynn sa murang edad. Kumusta kaya si Precious mamaya pag nakita kami. Magmumukha siyang dwende. Haha!
--
Sa Shakey's kami hinihintay ni Prey. Kaibigan siya ng karibal ko. Pero may kung ano sa loob ko na nacucurious kapag nakaharap ko na siya. Bigla namang sumakit ang mga mata ko pati ulo. s**t. Bakit ngayon pa?
Napahawak ako sa braso ni Lynn.
"Ate bakit?"
"Wala. Sumakit lang ulo ko. Pero kaya ko pa." Huminga ako nang malalim bago muling naglakad. Gosh! Anong problema ng mga mata ko na naman?!
Tulad ng inaasahan ko pagkakita niya sa amin sa entrance ay nangunot na ang noo niya. Mayroon siyang bilugang mga mata na kahit malayo pa lang ay nangungusap na. at sa ngayon? Ramdam na ramdam ko ang pagtataka at pagkainis sa mga tingin niya sa akin.
"Bakit mo siya kasama dad?"
"Magkakilala na kayo?" pinaghila ni tito ng upuan si Lynn. Bago niya tinawag ang waiter. "Anak ikaw na mukha ang bahala sa kanila. At ako ay pupunta muna sa CR."
Nagtingin na ng maoorder si Lynn. Ako naman awkward na kaharap siya.
"Bakit mo kasama ang daddy ko?"
"Client namin siya sa AEROBO."
"Client pero may lunch? Tell me? Kabit ka ba ni daddy?"
"WHAT?! No!" napatingin sa amin ang ibang costumers. "Alam mo ang pinagdadaanan ko ngayon tapos ganyan ka makapagsalita?"
Umismid siya. "Yeah right. And sorry? Wala kang kwenta kaya sa mga oras na to siguradong masaya na si Chloe at Nikee."
"Umalis na lang kaya tayo ate? Masyadong matabil ang dila nitong anak ng kliyente mo e."
Ayokong madisappoint si Sir Peterson kaya titiisin ko na lang ang mga tingin nitong si Precious. Hindi bagay sa kanya ang pangalan niya. Sa totoo lang! Mas maldita pa siya kaysa dun kay Nikee.
"Nga pala anak, itong si Shanika e matagal ko nang kilala. Nagkaroon pa nga kami ng kasunduan e."
Oh s**t tito! Not a good idea na sabihin mo yang sa kanya ngayon.
Confused ang tingin ni Precious. "Business something."sabat ko na lang. "Pero four years pa yun. 2018 siguro kapag hindi na ako busy. Hindi ba tito?"
"Kailan ka naman hindi busy ate?"nilagyan ni Lynn ang plate ko ng sugpo. "Kung nakaleave ka nasa AEROBO ka naman. parang may pamilya ka na. Kung hindi ka siguro naaksidente baka nasa Boracay ka na naman."
"anong aksidente?" may pag-aalalang tanong ni tito.
"Wala yon tito. Nakaapak lang ako ng bubog."
Siniko ko si Lynn para tumigil na sa pagkukwento. Gets naman niya dahil itinuloy na lang niya ang pagkain. Nag-excuse ako para magtungo sa banyo. Hirap akong maglakad. Na-overwork yata ang paa ko. f**k! Kumikirot!
Tawagin ko kaya yung waiter? Magmumukha akong senior citizen naman! Muntik na akong ma-off baling nang pag-apak ko ng kaliwang paa ko ay may bata namang muntik na itong masagi.
"s**t!" buti nakahawak ako sa upuan ng isang costumer. Pero too late! napwersa ang kaliwang paa ko nang napaatras ako. damn! Dumugo yung sugat na naman!
Ano ba namang mga magulang to! hindi nila binabantayan ang mga anak nila!
"Hindi pa magaling ang sugat mo gumagala ka na." si Precious yan. Tinulungan niya akong makarating sa banyo. "Don't get me wrong. Inutusan alng ako ni daddy na sundan ka kasi iika-ika ka."
"Alam ko. Wala sa mukha mo ang concern." Pero masakit talaga! Paano naman to? Anglakas ng paglabas ng dugo e! Yung bata talaga ang may kasalanan nito e!
Kumuha siya ng tissue. Bahagyang umupo para mapunasan ang paa ko. Bakit parang pamilyar ang ganito? Sakit ng ulo ko na naman! hay! Kailangan ko na yata ng fresh air ng Boracay!
Nag-angat siya ng tingin. "May panyo ka diyan?"
Umiling ako.
"Kainis naman." hinugot niya ang panyo niya. tinupi ito hangang naging sakto na ang nipis saka niya binalot sa paa ko. "pag-uwi mo palitan mo ng gasa. f**k. Angmahal ng panyo ko pinantali ko lang ng sugat mo."
"Bakit mo kasi itinali?! Pwede namang pabayaan mo na lang!"
"Pagagalitan ako ng daddy ko. Okay?! You're in need. Ako ang kasama mo. Hindi man alng kita tulungan? De makakairinig ako sa kanya!"
"Bakit ka sumisigaw?!"angliit na tayo e anglakas ng loob na sigaw-sigawan ako. ibaon ko to dito sa tiles e!
"Wala."tumayo na siya. "Huwag mong imis-interpret ang ginawa ko. I still hate you. Karibal ka pa rin ng kaibigan ko."
"The feeling is mutual. Don't worry."
--
Sa bahay nina ate Mauren kami tumuloy. Naabutan namin sina Ate Mauren at Kuya Myrvyn, kuya ni Lynn, na nagkukwentuhan sa may sala.
"Oh anong nangyari sa paa mo?"
"Nilibre kami ng isa sa mga kliyente nila."sagot ni Lynn. "Kaso maldita yung anak. Yung si Precious. Yung Racer din."
Niresearch ni Lynn kasi ang ilang facts tungkol kay Precious nang pauwi kami kaya may konti nas iyang alam tungkol sa kanya.
"na-off balance si ate kasi may bata na nagtatatakbo. Napwersa yung paa niya dumugo ulit."
"Magkakilala kayo ni Precious?" pagtatakang tingin ni ate sa akin. hindi man lang pinansin ung paliwanag ni Lynn.
Umiling ako. "I just know her dad. Akyat na ako. Sumama ang pakiramdam ko e." Totoo. Kanina pa ako kinakabahan. Mula nung hinawakan niya at nilinis ang sugat ko. Parang may kung anong pamilyaridad akong naramdaman.
Napatigil ako sa paghakbang nang parang dumidilim ang paligid. Bago pa ako mahimatay at magpagulong-gulong ay minabuti kung maupo na lang sa baitang.
Shit! Ano ba to? May mga imahe na namang nagfaflash sa isip ko.
Naglalaro ang dalawang bata. Yung isa kamukha ko. o ako ba yon? impossible? Yung isa mestisa at medyo mataba. Nagba-bike sila tapos natumba yung kamukha ko. Nasugat siya sa paa. Tuloy-tuloy ang pagdugo pati pag-iyak niya. Yung may katabaang bata naman itinali yung panyo niya sa paa nung kamukha ko.
"Shan?! Shan! Anong nangyari?!" Si ate Mauren yon. "Shan..." niyugyog niya ulit ako.
Nag-angat ako ng tingin. Blurry ang tingin ko sa kanila hanggang tuluyan nang nagdilim ang paligid ko.
--