2

3346 Words
  --2-- SHANIKA'S POV Summer 2014 I'm on leave. Just simply because napapagod din naman ang ganda ko no! Fly dito. Fly dun! Dalawang buwan ang leave na kinuha ko. Dito muna ako sa Kalibo. Sa AEROBO. AERO Boracay Guide. May share sina papa dito.Dito ako tumatambay kapag matagal na walang lipad. Work pa din no? Sumusundo kasi ako sa mga gusto ng helicopter travel to Boracay Island. One reason din kaya nagleave ako ay gusto ko ng space sa isa sa mga stewardess dun. Nacoconfuse kasi ang preference ko sa tuwing nakakasama ko siya. So better leave na muna. "Good morning guys!" masigla kong bati sa mga co-pilots ko. "may sched ba ngayon? I feel like flying today..." Inabot sa akin ni Margarito ang log book. "margarito talaga?" Natatawa ako habang tinitingnan ang logbook. Isisi niya sa parents niya ang pangalan niya ah. Haha! Margarito. So may 9:00 ako. Mr. And Mrs. Peterson Perez. Mariane naman ang pangalan ng maybahay nila. "May problema tayo by land guys." Worried na sabi ni Fred. "May sakit si Caleb. Nasa hospital. Si Dexter naman dinala sa hospital yung asawa niya. Manganganak na yata. Walang magdadrive ng van." "Kaninong sched ang wala?" usisa ko. "Perez and San Diego."sagot niya. "Wala tayong mahiram na driver kasi loeaded din ang mga ibang agencies." "Ako na bahala sa mga Perez. So guys? Gotta go na! let's work na... Let's fly high!" masigla kong paalam sa mga ito. Hay! This is my life! Kakalabas ko ng office nang magring ang phone ko. Ate checking on me! >>>good morning ate...zup? (Kumusta ka diyan? Kailan ka uuwi dito?) >>>Next week? Ayoko pa diyan kasi. Gusto ko muna dito. (lagi ka na lang pinagbibigyan Shan. Kung nandito ka naman nag-i-stay ka kay ate Zynthia. May tampo ka ba sa amin?) >>>Wala. Gusto ko lang muna dito. kasi ate yung stewardess na si Cielo.. Hayan nagsumbong na ako! Ayoko kasing umasa si Cielo. Sinabi ko nang walang pag-asa yung sa amin kasi hindi ko siya gusto pero sige pa rin siya sa pagpaparamdam. Nao-awkward na ako. (Kausapin mo hindi yung nagtatago ka diyan.) >>>Oo na. pagbalik ko. pero kausapin mo din kasi ate. Iexplain mo na ayoko ng commitment sa babae. (oh bakit? May boyfriend ka na? Naku Shan! Makukurot kita sa singit kung may boyfriend ka na e hindi pa yan umaakyat ng ligaw dito.) >>>wala,,sige ate...may sched ako ngayon...bye na.. -- Ahy angcute nina Mr. And Mrs. Perez. Happy couple! Sorry for me kasi never kong nakita ang tatay at nanay kung ganito. Hay! Enough with the past. "Good morning Sir and Maam. I will be your pilot for today. I'm Shanika Silverio at your service."bati ko sa kanila. Nakipagkamay ako sa kanila. Tinulungan ako ni Margarito sa mga gamit nila. All set! Ito yung masaya sa sideline na to e. You get to witness couples as old this them enjoying birds eyeview of the beatiful island of boracay. Hay! Sweet! Kapag ako nagparoon ng partner gusto ko tatagal din ng ganito. Forever! Okay walang forever. For keeps maybe. They were so amazed when i said, ako din ang magdadrive ng van. No choice naman e! and enjoy din to. Sa Station 1 ang destination namin. "Hija, wala ba kayong ibang empleyado at ikaw na rin ang magdadrive ng van?" "ah sir may emergency po kasi kaya kailangan mag-extend ng tulong." I humbly answered. "Gusto niyo ng music sir, maam?" "Do you have 80s songs here hija?" "Ofcourse sir! Wait lang." So i played 80s midley. Nakakarelax ang mga ganitong kanta e. old but very heartwarming. Holding hands pa sila. Magiging bitter sana ako kaso they are prood of for keeps! "Hija may boyfriend ka na ba?" Haha! Mga ganitong tanong e. parang alam ko na saan to patungo. "Wala po sir. I prefer girls." Haha! Ganito lagi ang sinasagot ko para iwas sa mga reto-reto e. effective naman. So far hindi na nagpafollow up question ang mga nagtatanong sa akin kung may boyfriend ako. "oh Nice to hear that. We have a daughter and i think you'll make a good pair." Ano daw? First time to ha? Like hello sir baka mamaya chaka ang anak niyo kaya kayo ang humahanap ng majojowa niya. Pero sa features naman nila impossibleng magkaroon sila ng anak na ugly. "Mahal, binibigla mo naman si Miss Shanika." Natawa si Sir. "Sorry hija. Natuwa lang kasi ako sayo. You tanggap ka ba ng parents mo? Anong mga hobby mo hija?" Si sir naman parang too eager to know my background. Haha! Haha! Mukhang super yaman pa naman nila. Baka maisipan nila ang hell of arranged marraige! "mahal... ano ka ba..." "Okay lang naman maam. I do racing po. And yes po. Okay naman sa parents." Mukhang natuwa si Sir. "Magkakasundo kayo ng anak ko talaga. Kapag nakabalik tayo mahal,ipapa-date ko tong si Miss Shanika kay baby natin e." Napapailing na lang ako kay Sir. Panay ang hingi ng pasensya ni Maam. Angcute talaga nila. Parang they compliement each other. Dahil naging at ease ako sa kanila sinamahan ko sila hanggang sa room. Hay! I just miss having parents with me. Namimiss ko si nanay. After ko sila i-assist nagtungo ako sa cafeteria to have my meal. Hay! Parang ayoko pang bumalik sa office. Matawagan nga si Margarito. (Yes Shan...Pabalik ka na ba dito?) >>May schedule ba mamayang hapon? (Wala na.. bakit?) >>>Gusto ko pa sana magstay dito. bukas na ako babalik diyan. (Sure boss! Sige. Yun sana ang isasuggest namin sayo e. Kahit magtagal ka diyan boss okay lang.) >>>Haha! Baliw! Wala akong dalang damit dito no! (haha! Mamili ka na lang diyan no! Ikaw ba! Alangan wala kang dalang pera diyan.) >>>acutally wala nga. Haha! Pero sige utangin ko na lang! Haha! Bye Margarito! Pinutol ko na ang call. I was just joking. So okay. Dala ko naman ang wallet ko. Namili muna ako ng mga damit bago nagcheck in. -- Night came. So many choice of bars na pwedeng tambayan. Where to go? Paglabas ko ng room i saw sii Peterson ang his wife. Three rooms away lang ang room nila. "Good Evening sir."bati ko sa kanila. "oh Miss Shanika, Akala ko ay bumalik ka na sa office niyo." "Change of plans sir. Saan po pala si Maam?" "Nagpapaganda pa. Ang mabuti pa ay saluhan mo na kami sa dinner." Dahil namimiss ko ang nanay ko go na rin ako. Makikihiram na muna ako ng magulang ng iba. Hay! Dinala ko sila sa isang resto na masasabi kong for all ages! Sa Hearts and Strings. Sa tuwing nandito ang family ni ate dito kami lagi nagdidinner. Kilala na rin ako dito. VIP na rin dahil madalas kong irecomend ang resto nila. "Good evening Miss Shanika. Same table?" Nang makaorder kami ay inilibot ni Sir ang tingin niya. Pinapansin siguro ang interior design ng resto. "I like this place. Ilang beses na kaming pumunta dito pero ngayon ko lang to napuntahan." "Hindi po kasi ito sikat sir. Pero nitong nakaraang taon naging viral dahil sa ilang marraige proposals na ginawa dito." Napatango-tango si sir. "Gusto mo ba dito magpropose ang anak ko sayo hija?" Ahaha! Si sir talaga hindi pa nakakalimutan ang chikahan namin kanina. "huwag mo nang pansini itong asawa ko." nahihiyang sabat ni Maam. "and call us tito and tita na lang. Angformal ng sir at maam e." Napangiti ako. "Sure po! Tita." Nagrequest ako ng violinist para sa kanila. I love to make old couple happy. Tapos sumayaw pa sila sa gitna. Haha! God! Angsaya nilang panoorin! Masayang silang bumalik sa table namin. "alam mo bang ganitong ganito kami kapag idini-date kami ng anak namin at mga kaibigan niya?" masayang kwento ni tito. "magkakasundo talaga kayo ng anak ko." Nahihiya akong napakamot sa ulo ko. "Tito ha? Hindi ako ready sa mga ganyan. Baka mamaya biglang may bumulaga sa airport tapos anak niyo na pala." Natawa naman si tito. "kung pwede lang talaga hija pero yung anak ko e mukhang hindi pa handang magmahal. Niloko kasi ng boyfriend." Wow! Ganun sila kaclose ng anak niya? Daddy's girl? "Ibenebenta mo na Si Precious natin mahal ah? Magagalit iyon sayo." "Don't worry tita. Hindi ko siya bibilhin."biro ko naman. "at mukhang nagbibiro lang naman si tito e." "no hija. Seryoso ako." Haha! Nalintikan na po! "Pero don't worry. Ipagdarasal ko na lang na pagtagpuin kayo ng pagkakataon. Pero hija paglipas ng apat na taon kung wala ka pa rin asawa at si Precious naman namin ay single pa rin paglaanan mo naman ng oras na kilalanin siya." So that makes me 29 years old? Why not kung wala na talaga. Haha! "Sige tito. Rest assured kapag wala pa akong asawa nun." Haha! Natuwa siya pero what makes it more surprising? Nagrequest siya ng ballpen sa waiter at papel! Oh my gosh. Negosyante talaga siya! "Let's make it black and white hija." Pati si tita ay parang hindi makapaniwala sa sinusulat ni tito. Kakaiba talagang magulang. Haha! May date pa. Dalawang kopya pa talaga. So nauna siyang pumirma saka ito binigay sa akin. "Apat na taon tito ha? Saka lang ako magpapakita sa inyo kapag wala pa akong asawa nun o karelasyon man lang." "Oo nama hija. May palabara de honor ako." Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin para pumirma. Four years. Sapat na panahon naman yon. Impossibleng hindi ako magkaroon ng boyfriend or girlfriend nun. Nagring ang phone ni tita. Napangiti siya nang tiningnan kung sino ang tumatawag. "yung anak natin tumatawag. Siguro nasense niyang ibinebenta mo siya."natatawang sabi ni Tita. Sinagot niya ito. Siguro sweet yung anak nila. Kasi hindi mawala ang ngiti ni tita. Namimiss ko na si nanay. -- Nasa hotel room na ako. Natatawa ako sa sarili ko habang nakatitig sa pinirmahan kong kontrata. Negosyante talaga! Out of curiosity hinanap ko sa f******k ang pangalan ng anak niya. Precious Perez. Okay search. Not much of pictures. Pero mayroon yung nasa race track siya. Future seafarer huh? Si tito naman! Gusto niya ako para sa anak niya hindi niya naisip yung height namin! Haha! Pero infairness, this Precious is pretty but shorty. Hays. Sumasakit na ang ulo ko. nag-sign out na ako. Isinilid ko sa wallet yung mini contract. Four years pa naman yon makakalimutan na ni Tito yon for sure. -- Isang linggo na rin ako dito sa Manila. Kinukulit ako ni papa kung may boyfriend na ako. My God! Pati si tita Melicia gusto na akong magboyfriend! "Hindi naman ako mamatay kung wala akong lovelife diba?"sagot ko sa kanila bago uminom ng juice. "Sarap nito ah. Sinong nagtimpla?" "anak? Huwag mong ibahin ang usapan. Kailan ba yung huling may nanligaw sayo? Aba wala na kaming naiinterview ng tita mo." "Yun lang ba pa? Papuntahin ko dito ang mga aplikante sa airport para may mainterview po kayo." I joked. "Pati mga aplikante sa agency niyo kuya.para may magawa sina papa at tita." Natawa na rin si kuya Moises. Twin brother ni ate. "Nga pala bunso, may party sa agency. Pwede ka bang isamang date? Nakakasawa na kasi si kambal na isama e." "Porke wala si ate dito ginaganyan mo na ha. Kailan yung party?" "Friday. Masquerade party yun. 20 year celebration ng agency." "Pagbigyan mo na yang kuya mo." Said tita. "Naglalambing lang yan kasi hindi ka sumipot nung nakaraang dinner natin." Nagpacute pa tong si kuya. Swerte ko rin sa kanila. Lalo kay tita kasi kahit anak ako sa labas e pinapasok niya ako. Hehe. Joke lang naman. Hay. So it's gonna be a party on a Friday. Gusto ko mag-stand out ako kahit hindi nila masisilayan ang mukha ko. -- Umiinom si kuya sa may mini bar. Sus! "Hey kuya. May pinagdadaanan?" "Wala naman. Oh.." inabot niya sa akin ang glass of vodka. "Kumusta ka na ba? Hindi na ba kayo lumalabas ng mga college friends mo?" Umiling ako. "Bad influence sila e. so i better go on solo." "Baka misunderstanding lang naman." "Nah. Betrayal. Nang-iiwan sila ere. Nandadamay sa problema." Nilagok ko ang alak. "Alam mo yung nagtiwala ka sa kanila tapos sa huli ilalaglag ka rin." There was this incident sa bar kasi. Yung isang kaibigan namin nag-aya for overnight. Wala akong work kinabukasan kaya sumama ako. Pero front lang pala nila yun dahil makikipagtanan sa girlfriend niya si Riana. To make it short, nahuli sila ng parents ni Riana. Tapos napunta sa akin ang sisi dahil ako ang ginamit ni Riana na excuse sa magulang niya. Simula nun hindi ko na sila kinausap. "Oh isa pang shot? Wala si Mauren kahit ubusin natin tong isang bote okay lang." "Speaking of ate. Nagbalikan na ba sila ni Kuya Vyron?" Nagkibit-balikat si Kuya. "Hindi naman nagkukwento si Mau e. basta lovelife niya. We're off limits with it." "Tsk. Ano ba yan. Malihim talaga si ate. Pero feeling ko nagkajowa yun na hindi sinasabi sa atin e." Sinalinan ulit ni kuya ang baso ko. "Bunso? Huwag mo nang problemahin yon. Hayaan mo si ate. Matanda na siya. Baka ikaw may nanliligaw na sayo." "Hindi nawawalan pero wala akong interes." Sagot ko naman agad. "Career muna bago asawa."     Friday came. Sa tagaytay venue. Nice place! We can stay overnight. Pinagsuot ako ni kuya ng suit! Feminine version ng suot niya. Hay kuya! Kung hindi lang kita mahal hindi ako papayag sa date na to e. "Ready?" nakangiting tanong ni kuya. "angpogi natin ngayon Shan ha. Buti nakamask ka. Kung hindi pagkakaguluhan ka nag mga babae dito." "You mean bisexual ladies right? Huwag mong isali ang mga straight." Natawa siya saka inilahad ang kamay sa akin. "Let's go my dear sister. Paramihan tayo ng makikilalang babae." Ofcourse he's just joking. Hindi niya ugali ang gumanyan pero nung nalaman niyang i am into girls, lagi na lang niyang jinojoke sa mga parties na paramihan ng chicx. This party is boring. Number one rule ni kuya huwag kong tatanggalin ang mask ko kasi marami daw ditong palikero. Angprotective niya rin e. "Hi... can i join you?" sabi ng isang lalaki na tumabi sa akin. "Wine?" alok niya ng extra glass of wine. "No thanks."tugon ko. "Pero you can join me here. Boring e." Just like most of those men, nagyayabang din naman siya. Hindi ko na gaano pinapansin. I just nod like i am interested. "How about you? Anong work mo? Seafarer ka din ba?" Umiling ako. "What do you do for a living." "Why?" "Gusto ko lang malaman." "Bakit? Ihahanapan mo ako ng trabaho?" "Kung kailangan mo. Kaya kitang bigyan ng trabaho." Pero yung kamay niya parang hahawak sa kamay ko kaya iniiwas ko at dinampot ang glass ko. "Uh i don't really need a job. Shareholder ako sa isang travel guide." Tamang dumating si kuya. Umakbay siya sa akin. "may problema ba tayo dito babe?" "Nothing. Dun muna ako sa kabila." Paalam ko kay Kuya. Hay! Mas masaya sa party ng mga piloto kaysa dito e. Angboring. Siguro mga tanda ang nag-organize nito. Nakuha ng pansin ko ang isang babae na umiinom mag-isa sa mini bar malapit sa exit. Tulad ko mukhang bored din siya. Pinapanood lang niya ang mga nagkakasiyahang senior citizens e. Binugahan ko pa ang palad ko saka inamoy kung okay pa ang breath ko. babae to! Nakakahiya naman kung mabaho hininga ko. "Hi... Join ako ha? Bored kasi." Tumango naman siya. "Drink? Juice? Vodka? Beer?" "water."sagot ko. "Nangangasim na ang tiyan ko sa juice e. kanina pa ako umiinom sa dun." Nagpakuha siya ng tubig sa waiter. Akala ko may makakausap na ako e! Kaso heto siya tahimik lang. Nasa phone ang atensyon niya. Nakikipalakpak kapag pumapalakpak ang mga tanders after ng speech. "Dito ka din nagwowork?"tanong ko. panis na kasi ang laway ko. Kung hindi ko to kakausapin ako na ang mababaliw sa kawalan ng kakwentuhan. Umiling siya. "daddy ko nagwork dito." "ah... okay... Hindi pa ba masakit ang puwet mo? Two hours ka na yatang nakaupo dito." Napaangat ang tingin niya sa akin. Sa likod ng maskara niya napansin ko sa mga mata niya ang kalungkutan. "May problema?" "wala naman. Pero baka umapoy na yang puwet mo sa tagal mong umupo diyan." Tumayo na ako. "Sayaw tayo." Hindi naman niya ako kilala kaya okay na ayain ko siyang sumayaw. Hindi siya kumontra nang iginiya ko siya sa dance floor. Ahy! Hindi na namin naabutan yung dance na freestyle. Nagshift sa love song naman. Pero nasa gitna na kami. "Balik na tayo."Sabi niya na hinihila ako pabalik sa mini bar. "E teka. Nakasuit naman ako. Saka hindi nila mahahaltang babae ako." Hinila ko siya nang marahan then pinaton ko ang mga kamay niya sa balikat ko. "halla sorry. Abot mo ba?" "anong akala mo sa akin pandak?! Angyabang mo ah!" Haha! Kailangan ko pa pala siyang asarin para magsalita nang mas mahaba e. "Kaya mo palang magsalita ng higit sa five words e." natatawa kong pansin sa kanya. Humawak ako sa beywang niya. "Bored din ako dito. kuya ko lang nag-aya sa akin so better spend ko din sa isa pang board soul diba?" "Ewan ko sayo." Pwede naman siyang bumitaw sa akin e. Anytime pero hindi niya magawa kasi pinalibutan na kami ng mga matatandang couples dito! Nakita ko rin si kuya na napailing na lang. "Paano ba yan? Parang center of attraction pa tayo?" "Kasalanan mo to. Nanahimik ako dun e hinihila-hila mo ako."angil niya. Definitely! Labag sa loob niya tong pagsayaw namin. Pero parang naiimagine ko yung itsura niya na naiinis sa akin. Haha. Yung parang puppy na nakasimangot pero cute pa rin! -- "You enjoyed fooling around huh?" inabutan ako ni Kuya ng drinks. "Nakuha mo ang name?" Umiling ako saka ininom ang binigay niya. Gosh! Vodka! Sarap. "Not interested kuya. She's a lost soul. But i think the face behind that mask is as beautiful as her voice." "Hayan ka na naman. Nagbabase sa boses." "Dahil dun ako magaling. Labas na muna ako. Magpapahangin. Or balik na ako sa room natin." Paglabas ko ng hall tinanggal ko na ang mask ko. Balik na lang ako sa room namin. Pakanta-kanta pa ako nang napatigil ako kasi parang may narinig akong himihikbi. Shit! May multo ba dito?! Madilim pa naman! Huhu. Feeling ko creepy yung mga halaman tuloy dito. tapos biglang may lalabas na white lady sa wishing well na yan! Shit! Yung hikbi na naman! Ah tao na to! Suminga pa e! hahaha! Kalmado na ako. Hinanap ko kung saan nanggagaling yung pag-iyak. Sa likod ng wishing well! Isinuot ko ulit yung mask ko para pa-hero effect. Joke. Ayokong makilala ako nang kung sinong iyakin na to. Oh my gosh! Si Miss Short legs! "Uhm miss, panyo?" alok ko ng panyo sa kanya. Imbes na kunin niya ang panyo bigla siyang tumayo saka tumakbo papalayo sa akin. Okay. Siya yata ang natakot sa laki ko. Mukha ba akong tikbalang sa dilim? Kung ganun magana akong tikbalang! Mestisa! Hay! Bahala nga siya. Iaalok ko na nga ang panyo ko para singa-singahan niya umayaw pa siya. Expensive kaya to! 100 pesos to girl! -- Pagdating ko sa kwarto marami akong natanggap na messages. Puro picture nung masugid kong manliligaw na may kasamang ibang babae. As if naman affected ako! Sige. Given.affected ako kasi hindi kagandahan yung babae. Maputi lang at kung magshorts ay parang isang dangkal na lang. Seenzoned ko na lang silang lahat! Parang hirap akong dalawin ng antok ngayon. Sino kaya yung babae kanina. Well sana okay lang siya ngayon. Sana iniiyak na niya lahat ng sama ng loob niya. Ipinikit ko muna. Pero ilang imahe ang nagflash sa isip ko! Naglalakad ako sa madilim na lugar. May nakaagapay sa akin. "Kapatid ko pala..." iniangat niya ang braso ko. tapos may nakipagkamay sa akin. "Hi..." babae. Husky voice. "Hello..."garalgal kong sagot. Anglambot ng kamay niya. "Maganda ka siguro..." Sambit ko. kinapa ko ang pisngi niya. Unti=unting luminaw ang paligid. Ngumiti siya. Tapos nagliwanag na ang paligid! Sobrang liwanag nakakasilaw na! Pinilit kong magmulat dahil nahihirapan na akong huminga! Damn! Heto na naman ang sakit ng ulo ko! ano ba tong nangyayari sa akin? Ano ba yung mga nakikita kong nagfaflash sa isip ko?   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD