--27— BAGUIO CITY SHANIKA's POV Angbusy ng girlfriend ko! Bukas na ang opening ng branch nila ditto sa SM Baguio. Ayoko namang makaistorbo sa kanya kaya minabuti kong tumambay muna ditto sa Third floor. Busog na nga ako sa dami ng kinain kong takoyaki e. Para na akong buntis nito. Haha! Hindi nakakapahinga ang phone ko sa pagdating ng mga notifs. Hindi naman ako nagpopost pero maraming nagta-tag sa akin kapag may post si Silv. Mga followers niya kadalasan na umaasa na ako ang girlfriend niya o dahil bagay daw kami subukan na lang namin. Hay! Angtigas din naman pala ng ulo niya. Sinabi ko nang hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay pero susubukan pa rin daw niya. Napakunot ang noo ko nang may nai-tag sa akin na edited pic ng kunwaring wedding naming ni Silv. Untagged ko nga

