26 PREY'S POV "Fame! Ahsjadhasiaykdldjlask" haha! Sinolo na ni Axel ang mic! Ako yung masama ang loob pero siya yung todo ang pag-inom. "Putangina single pa rin ako!" Atleast yan malinaw! We're in her cousin's restobar. Nasa VIP nga kami dahil close-close daw sila nun e. "Kaya pa?" pang-aasar ko sa kanya nang pabagsak siyang umupo. "Shot pa? broke ka yata e." Hindi naman niya tinanggihan. Bottoms up yung isang beer. Alright! Parang hindi babae! Humarap siya sa akin saka pinihit ako para magka-eye to eye contact kami. "Sabihin mo nga beshie. Pangit ba ako?" Yes! You heard it right! Beshie ang tawag niya sa akin. Kanina lang. Kanina lang daw kami beshie nung Makita niyang na-sad ako. Siya talaga ang nagngitngit sa byahe. "Magsabi ka ng totoo. Pangit ba ako?" Umiling ako. "Hindi ka p

