Chapter 2 – The Search for Mystery Girl

1400 Words
*Marco* “Pare,” tinapik ni Mago ang balikat ko, “kung nakakatunaw lang ‘yang titig mo, kanina pa siguro natutunaw ‘yang litratong hawak mo. Are you seriously trying to find out who that girl is?” ”I am serious, man,” sagot ko, “nobody has caught my attention the way she did.” “I’ll support you, Pare,” sabat ni Kaz, “ngayon ka lang naging interesado sa babae mula noong nalaman mong ikakasal si Natasha kay kuya Mark.” I pressed my lips when I heard Natasha’s name. Masakit pa rin hanggang ngayon na ang babaeng matagal mo nang hinahangaan at minahal ay mapapasakamay sa nakakatanda mong kapatid. I thought Natasha and I were a thing. Hindi pala. All that she sees in me is just a younger brother. Malapit ang mga pamilya naming at bata pa lang ako, alam ko nang ipinagkasundo siya sa kapatid ko. Pero hindi ko napigilang mahulog ang loob ko sa kanya. She was kind, caring and thoughtful. Siya palagi ang nakakaintindi sa akin. At times when I thought the world do not care about me, si Natasha ang nagpaparamdam sa akin na mayroon akong halaga. I did confessed my feelings to her pero hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko sa kanya. She was crazy in-love with my brother, my brother who does not care about her. Akala ko may pag-asa ako. I continued to pursue her kahit ikinasal na sila. Ang alam ng lahat, my brother was just so focused with his medical profession kaya hindi sila nagkakaanak ni Natasha. But the truth behind it is that my brother is seeing someone else. A woman he met while studying medicine. Ang babaeng ito ang dahilan kung bakit hindi magawang mahalin ni Kuya si Natasha. Kahit ikinasal na si kuya kay Natasha, pumayag pa rin siyang ituloy ang relasyon nila, kahit ang ibig sabihin ‘nun ay isa siyang kabit. Ito rin ang dahilan kung bakit kahit kasal na si Natasha sa kuya ko ay patuloy ko pa rin siyang minamahal. I thought I could take her from him. I had it all planned. Tatapusin ko ang pag-aaral ko at kapag nagtagumpay ako sa negosyong itatayo ko, I will pay the annulment fees upang makasal sa akin si Natasha. But I was wrong. Natasha’s love melted the cold heart of my brother. When Natasha almost gave up on him, my brother realized that he fell in love with her. Ginawa niya ang lahat to win her back at nakita ko kung gaano kasaya si Natasha nang aminin ni Kuya siya ang mahal nito. I was both sad and happy when it happened. Masaya ako dahil magiging masaya na rin si Natasha, pero nalulungkot ako dahil alam kong kailangan ko nang itigil ang kahibangan ko sa kanya. I tried to forget her. I had girl friends but none of them surpass Natasha. None of them helped me forget about her. Hanggang sa nakita ko siya – my mystery girl. Why Mystergy girl? Well that is because her face is always hidden whenever I meet her. It all started two years ago, during the Talent showcase of the university. Kagawian na ng university na magkaroon ng talent show case. Sa programang ito nagsasama-sama ang iba’t ibang performing arts club upang ipamalas ang kanilang galing sa entablado. Bilang sikat na all-male band ng university, palagi kaming kasali sa show. Dahil dito, we always have the privilege to sit in the front row. Prenteng nakaupo ako sa harap ng stage nung nagsi-labasan na ang mga miyembro ng dance troupe para sa production number nila. Gaya ng inaasahan ko, naka-face paint na naman sila pero napatitig ako sa isang pigura na nakatayo malapit sa akin. Ang ganda ng katawan at kutis niya. Hindi siya masyadong maputi pero nabibighani ako sa balat niya na para bang may halong ginto na kumikinang nung tumama na sa kanya ang ilaw. Para atang tumulo ang laway ko habang winalis ko ang mga tingin ko sa hubog ng kanyang katawan. Ewan ko ba pero nang magsimula na ang kantang, “Hips Don’t Lie” ni Shakira ay napatuwid ako ng upo. Nagsimula siyang gumalaw pero hindi ko na maalis ang pagtingin ko sa kanya. Sinusundan siya ng mga mata ko saan man sa stage siya pumunta. Gusto ko siyang makilala. Gusto ko siyang makausap. Hindi ko alam pero may naramdaman ako sa kanya, isang damdaming akala ko’y hindi ko na mararanasan. Muli siyang lumapit sa kinauupuan ko at bago matapos ang kanyang sayaw ay nagtama ang mga tingin namin. She smiled at me. Tila nabuwag ng ngiti niya ang mala-great wall of China na nakapalibot sa puso ko. I felt something for her, something that I have never felt even when with Natasha. “Hoy!” niyugyog ako ni Mago sabay sabing, “you’re spacing out again, Marco. Ano, wala ka pa rin bang idea kung sino ‘yang hinahanap mo?” “I don’t know, pare,” dismayado kong sagot, “lahat na atang magagandang babae sa campus ay nakadate ko na. But none of them is my mystery girl.” “Bakit hindi mo na lang tanungin si Patricia?” suhestiyon ni Stuart. “Papayag ka bang i-date si Patricia?” balik kong tanong sa kanya, “malamang ‘yan ang hihinging kapalit ni Patricia kung sakaling magpapatulong ako sa kanya.” “Never mind. I-date mo na lang lahat ng babae sa campus,” mabilis na sagot ni Stuart. Natatawa talaga ako sa kaibigan kong ‘to. I don’t get why he never fell for Patricia. Patricia is one of the hottest girls in campus but he tries not to give in to her. Pero ang totoo, we often catch him staring at Patricia. I don’t know what’s stopping him but he obviously tries to control his emotions over Patricia. “So what’s your next move?” tanong ni Angelo. “I plan to date Nathalie,” I said. “Nathalie? Akala ko dance troupe member ‘yung mystery girl mo. ‘Di ba cheerleader ‘yun?” tanong ni Angelo. “I am opening myself to all possibilities. Malay mo guest performer lang pala ng dance troupe ‘yung mystery girl ko. I’ve dated and flirted all the dance troupe members but none of them has the features of my mystery girl.” “All of them except one, Janine del Rosario” sabat ni Stuart. “Shut up, Stuart,” natatawang saad ni Mago, “paano magiging si Janine ‘yung mystery girl ni Marco.” “Oo nga,” sang-ayun ni Kaz, “ang sabi ni Marco, maganda ang katawan at magaling sumayaw ang mystery girl niya. I have never seen Janine perform with the other dance troupe members.” “Saka tignan mo nga hitsura ‘nun,” saad ni Mago, “I don’t know if she is a tomboy or simply boyish. Pero pare, our bare eyes clearly see that she does not have the body that Marco mystery girl has.” “I was just saying,” saad ni Stuart, “if Marco is open to all possibilities, dapat open din siya na possibleng si Janine ang mystery girl niya.” “I am only open to possibilities that is not as impossible as what you have just said,” seryoso kong sabat. “Well,” nagkibit balikat si Angelo, “since you had your eyes fixed on Nathalie, why don’t you start now. I heard she had her eyes on you also.” “They all have their eyes on me,” pagmamayabang ko, “lahat sila gustong buwagin ang record ko na hanggang isang linggo lang ang mg aka-relasyon ko.” “Then do you think Nathalie can break your record?” Mago smiled mischievously. “Depende,” nagkibit balikat ako saka tumingin sa litrato ng mystery girl ko, “if she can prove that she is my mystery girl, maybe she can.” “You mean, kahit ang mystery girl mo, pwede pa ring flavour of the week pa rin?” naaaliw na tanong ni Mago. “If she can keep my attention to her the way I thought she would,” I answered nonchalantly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD