bc

When The Foolish Heart Beats

book_age16+
4.7K
FOLLOW
45.6K
READ
opposites attract
playboy
arrogant
others
badboy
drama
comedy
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Nagsimula ang lahat sa panaginip ni Janine del Rosario kung saan naka-date niya ang campus heartthrob na si Marco Zobel. Ikinuwento niya ang napanagipinipan niya sa kanyang matalik na kaibigan ngunit sa kasamaang palad, narinig siya ng mga tsismosa na inakalang totoong nangyari ang lahat. Kumalat sa buong unibersidad ang tungkol sa date at ito ang naging dahilan ng paghihiwalay nina Marco at ng kanyang girlfriend.

Paano kaya haharapin ni Janine ang galit ni Marco?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - The Moment I Laid Eyes On You
*Janine* EEEEEEKKKK! Nagulat ako nang marinig kong sumisigaw si Arlene habang nakatingin sa poster. "OMG buds, hindi dapat natin ‘tong palagpasin," sabi niya habang tinuturo ang poster tungkol sa valentine concert ng Adonis band. Kilalang banda sa unibersidad ang Adonis band, at ang mga miyembro nito ang kinagigiliwan at tinitilian ng mga kababaehan sa campus. Pawang mga mestizo kasi, palibhasa may mga dugong banyaga. Maliban sa pagiging gwapo, mayayaman at galing sa mga prominenteng pamilya ang miyembro nito. "Ewan ko sa'yo," walang emosyong saad ko. Hindi naman sa ayoko sa Adonis band members, ayoko lang talagang makikipagsiksikan sa mga babaeng OA. Grabe kasi silang magtilian tuwing nagpapatugtog na ang Adonis Band, dinaig pa ng mga ito ang mga tili ng mga k-pop fans. Pero kung tutuusin, araw-araw naming nakikita ang mga ito sa campus. "Buds naman," sabi ni Arlene habang nakasunod sa akin, "Palibhasa kasi puro w*****d lang ang nasa isip mo. Hindi ba pwedeng mag-landing ka muna sa totoong mundo?” pagpapatuloy niya saka biglang humarang sa daan ko, “Hello? Earth to Janine," sabi niya sabay hablot sa tablet ko. "Hey!" sabi ko habang inaagaw ko pabalik ang tablet. "Ano ba ‘yan Janine? Magkaroon ka na nga ng tunay na crush. Nakakatakot ka na ha. Last week si Drake Palma ang crush mo, ngayon naman si Twain Crawford. Eh hindi mo naman ‘yan sila mahawakan dahil pawang mga characters sa w*****d stories na binabasa mo," reklamo ni Arlene. Yep, isa akong certified w*****d ADDICT. At maliban kay Arlene Mejorada, bestfriend ko ang w*****d. Nagigiliw kasi ako sa mga characters at feeling ko, ako yung babaeng bida sa mga stories. Hindi ako engot, hindi rin naman ako pinakamagaling sa class. Hindi ako sikat sa school pero hindi rin naman ako nobody. Si Arlene lang ang lagi kong kasama sa school, pero hindi rin ako anti-social dahil miyembro ako ng drama club at ng school dance troupe. Sadyang mahilig lang talaga ako sa mga romance stories. "Tapos na kami ni Twain, kay Kent Fuentabella na ako ngayon," saad k okay Arlene nang maagaw ko ang tablet sa kanya. "So sino kana ngayon?" Agad akong napadreamy look saka sumagot ng, "Ako ngayon si Phoebe Isabelle Bernal-Fuentabella." "Naku buds gumising ka. Kasi paghindi ako makapagpigil baka dadalhin kita ngayon sa mental hospital," inis na saad ni Arlene saka naunang maglakad. "Buds naman," habol ko sa kanya, "Oo na. Hahanapan ko ng paraang makakuha tayo ng front seat sa concert." "You're the best buds!" sabi niya sabay yakap sa akin. Hindi sa pagmamayabang pero kahit hindi ako sikat, malapit ako sa student council dahil palaging nirerequest ang dance troupe na mag-intermission sa mga programa nila. Dahil doon, naging acquainted ako sa kanila. Since student council ang sponsor ng concert ng Adonis band, kampante akong makakakuha ng VIP tickets. "Oy! Janine, buti nakita kita," tawag ni Benjo, ang president ng student council. “Pasuyo naman oh. Pakisabi sa president niyo na maghanda ng isang dance number para sa opening act ng valentine concert ng Adonis band,” saad ni Benjo. "So ibig sabihin magbibigay ka ng special privilege?" nakangiting tanong ko. "Siyempre naman, sa front row kayo pagkatapos niyong sumayaw," sabi niya habang may sinusulat sa planner niya. "Eh paano kung may kasama ako," ningitian ko siya ng matamis. "Ang cute mo talaga," pinisil niya ang pisngi ko, "sige na nga basta isa lang ha." "You're so great!" niyakap ko siya saka kinindatan si Arlene. Wait. Nasabi ko ba na boyfriend ng pinsan ko si Benjo? Oh well, so ngayon alam niyo na. Unlike me, my cousin is somebody in school pero hindi siya yung kikay type na sikat. Active kasi siya sa mga school org at palagi siyang nahihirang na officer sa lahat ng sinasalihan niya. Palibhasa kasi ang lakas ng PR, tatak Del Rosario. "Oh, ayan na ha," tumabi ako kay Arlene, "You got your front row seat." "Thanks buds,"napadreamy mode si Arlene, "sana this time ako na ang kakantahan ni Mago Concepcion." I rolled my eyes. Isa si Mago sa mga miyembro ng Adonis band. Siya ang lead guitarist at kasabay niyang tumutogtog din ng guitar si Kaz Legaspi. Si Stuart Cordoval ang drummer ng banda habang ang tahimik na si Angelo Cruz naman ang keyboardist. Pero ang pinakasikat sa kanilang lahat ay ang kanilang lead singer na si Marco Zobel. Maliban sa ganda ng boses, matipuno at mukhang pinotoshop ang mukha sa sobrang kinis_ may dugong kastila kasi. I am not saying na crush ko siya, mahirap magka-crush sa mga kagaya niya. Gwapo at talented nga pero heartbreaker naman. Ay ewan! Ang mga tulad niya kasi ang tipong mala-Drake Palma, Twain Crawford, Kent Fuentabella, Theo Henares o Chance Sandoval - mga gwapong may mga dark secrets sa buhay, ‘yung tipong pakikiligin ka pero paiiyakin ka naman. I learned a lot from the stories I read in w*****d at kahit may nakitang true love ang mga cassanova heartbreakers sa mga nabasa ko, ayoko namang matulad sa mga babaeng bida na sobrang nagpapakatanga sa pag-ibig. Magulo kasi - ang daming drama: kilig, iyak, takot, saya at kabiguan. Kontento na ako na naranasan ko ang mga 'to habang nagbabasa sa w*****d. At least, pagkatapos kong magalit, maiyak o mapatawa, buo pa rin ako. BOGsh! – bigla akong natamaan ng isang bola. "Ay sorry miss," sabi ng lalaking kumuha ng bola. Handa na sana akong magsungit kaya lang nasabi na ni Arlene na okay lang. Naiinis pa rin ako habang hinarap ko 'yung nagsorry pero pagtingin ko sa lalaki, si Marco Zobel pala_ ayun nawala sa hangin ang confidence ko. "Oi - buds, manood tayo,"saad ni Arlene nang mapagtantong naglalaro ng volleyball ang mga miyembro ng Adonis band. Pumayag na lang ako kasi pwedi ko namang ituloy ang pagbabasa ng w*****d habang pinanonood ni Arlene ang laro ng mga Adonis. Matagal ko nang kaibigan si Arlene Mejorada. Ang tawagan naming buds ay galing sa term na buddy. Kami kasi ang ginawang buddy noong first year orientation namin. Kailangan daw kasing may buddy ka dahil rampant ang bullying sa school. Kaya simula noon, kami na ang laging magkasama. Hotel and Restaurant Management ang course namin and we are currently on our Second year in college. Matagal nang baliw si Arlene sa Adonis band marahil din dahil pareho silang galing sa St. Mary's Academy. Bale sikat na ang Adonis Band kahit noong High School pa sila. Umupo kami malapit sa serving area. It was just so timely that it was Marco turn to do the service. And when he did, biglang nag-slow-motion ang lahat tapos nag-zoom ang paningin ko sa kanya na para bang sa camera lense na sa kanya lang talaga naka-focus. OMG! Ito na ba ang tinatawag nilang pag-ibig? No! Hindi pwede. I shook off the idea. If I fall in love, he has to be the right guy at dapat hindi ‘yun from the Adonis band dahil sakit lang sa puso ang aabutin ko sa love na 'yan. Bumalik ako sa pagbabasa ng w*****d but sh**s! Bakit si Marco ang nakikita kong mukha ni Kent Fuentabella? Gabi na nang natapos ang laro ng Adonis band kaya ginabi na rin kami sa pag-uwi. I rushed to my room for a shower and to continue reading Secretly Married. "Janine?" tawag ni ate Judice. "Pasok," I shouted back. "Kain na tayo. Inihanda na rin ni manang ang salad mo," sabi niya when she opened the door. Hindi na ako sumagot pero agad akong bumangon at sumunod sa kanya sa hapagkainan. "Hay naku Janine. Ang bata-bata mo pa para maging super conscious sa katawan," komento ni manang. "Alam mo naman kung bakit ‘di ba," sagot ko sa kanya. "Hindi ka naman mataba ah," sabi ni ate Judice, "well, to be honest, malaki ang boobs mo at dahil loose shirts ang mga ginagamit mo, kaya ka mukhang mataba." "Ayoko rin naming magsuot ng fitting. Ayokong mapagkamalang sexy star," paliwanag ko. "Ay ewan ko nga sa'yo; dahil sa mga baggy pants and loose t-shirts mo, lagi ka na lang napagkakamalang tomboy," kantyaw ni ate. Hindi na lang ako sumagot at tinapos ko na lang ang salad ko. Ang totoo, conscious ako sa katawan dahil feeling ko mabigat akong tignan kapag sumasayaw ako. Aside from reading romance stories, mahilig din akong sumayaw. Bata pa lang ako nang i-enroll ako ng ina ko sa ballet class. Sabi nga ng mga tita ko, mas nauna ko pa raw natutunang sumayaw kaysa magsalita ng tuwid. Pagkatapos kong kumain, I went back to my room pero halip na tapusin ko ang binabasa ko, nagpasya na lang akong matulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.5K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.7K
bc

Just Another Bitch in Love

read
28.2K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.8K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook