Ms Dy EP 14
.
.
"Tara hon sa loob.." aya niya sa kin.
"Hon??!!" biglang me nagsalita galing sa likod namin.
"Tay!" gulat na bati ni Diana sa matandang lalaking lumapit.
.
"Akala ko ba nagbreak na kayo nun siraulo mong boyfriend?" parang galit na tanong nito kay Diana.
"H-H-Hans kasi pangalang niya, Tay. Si Hans po, kaibigan ko.
Masakit po kasi kamay ko kaya nagpamaneho ako sa kanya" palusot nito sa ama.
.
"Magandang umaga po!" magalang kong bati sa matanda.
"Magandang umaga naman.
Akala ko e..
Ikaw Dayang, umayos ayos ka ah..
Hindi ako nakikialam sa buhay mo, pero pag puro ka ganyan, tutuktukan talaga kita para matauhan ka!" sabi nito.
"Tay naman e.." parang nahihiyang tugon ni Diana.
"Ay siya, pasok na sa loob at andun ang Nanay mo" yaya nito sa kanila.
.
"O, ang aga nyo naman? Akala ko hapon ka pa pupunta para sumundo" bati ng Nanay niya.
"Nay, si Hans po. Kaibigan ko. Pinagdrive niya lang ako kasi masakit kamay ko. Gusto niya rin daw makita tong farm niyo." pakilala niya sa kin.
"Magandang umaga po! Ang lawak po pala ng farm niyo dito.. Saka ang daming halaman!" bati ko naman sa Nanay niya.
"Ay oo, kami ng Tatay ni Dayang ang nag-aalaga sa mga yan. Sa harap yun mga ornamental plants, sa likod saka sa kabilang dulo yung mga gulay saka mga bungang kahoy. Sakto maraming mangga ngayon, pwede kayong mamitas mamaya para makapag uwi kayo. Samahan ko kayo." pagbibida nito.
.
"Magpahinga muna kayo, baka pagod kayo sa biyahe. Ano gusto niyo, kape o juice?" alok nito habang pinapaupo kami sa malaking sofa na gawa sa kahoy.
"Nagkape na kami Nay, ako na lang po kukuha ng tubig namin" sabi ni Diana.
"O sige, e maiwan ko muna kayo at me nakasalang ako e. Makapagdagdag na rin ng luto at di ko alam na darating na pala kayo." paalam nito.
"Salamat po.." sabi ko naman.
.
Naiwan kaming dalawa ni Cloude sa sala. Nakatingin lang sa kin ito, parang ini-estima kung mapagkakatiwalaan ba niya ako.
"Hey Tito, do you like my mom? Ang ganda niya di ba?" tanong nito.
"Yes, napakaganda ng mommy mo" nakangiti kong sagot ko.
"Gusto mo ba siya ligawan? I don't like her old boyfriend. Si mommy lang gusto niya kausap, he doesn't even play with me. He's so boring." kwento nito.
"Hahaha.. Baka naman hindi siya mahilig maglaro. Ano ba favorite mong games?" tanong ko naman.
"HHhmmmm.. I like a lot of games.. Mga outdoor games. Kaya gusto ko rin dito kina lola kasi nakakalaro ako sa labas. Sa amin kasi hanggang sa loob lang ako ng gate namin pwede maglaro.." sagot nito.
"I see. Ako mahilig ako mag bike, saka mag basketball. Gusto mo sama ka sa kin minsan?" alok ko dito.
"Sure! Sige, isama mo ako pag magbabike ka. Kaso di pa ako marunong. Will you teach me?" masayang nitong tanong habang nakatayo na sa harap ko.
"Oo ba, yun lang pala e. Me bike ka na ba?" tugon ko.
.
"Wala pa din po e, but I think my mom will get me one for Christmas," sagot niya.
"Hhhhhmmmm.. tagal pa Christmas e, tell you what. Pagbalik natin ng Manila, I'll get you a bike. Basta promise mo, magbabait ka, and don't make your mom angry, okay?" Alok ko.
"Okay! Sige po, deal yan ah. Pinky swear.." sabay abot niya sa kin ng hinliliit niya.
"Pinky swear.." inilock ko naman ang hinililiit ko sa kanya.
.
"Aba, mukhang nagkakamabutihan na kayo jan ah.. What are you talking about, baby?" tanong ni Diana pagbalik dala ang pitsel saka baso.
"Tito is going to get me a bike paguwi natin sa Manila and he's going to teach me how to ride it," masayang kwento ni Cloude.
"Oh, e akala ko ba yun ang gusto mong gift for Christmas" tanong niya.
"E mommy, matagal pa ang Christmas.. I want to learn na para makasama ako ke tito pag nagbike siya.." sagot nito.
"Huuuuu! Nabola mo na agad ang tito mo. Wag mo ibili ng mamahalin bike yan, saglit lang baka magsawa agad yan.." sabi sa kin ni Diana.
.
"Hey mom, pag nanligaw sayo to si tito, sagutin mo siya ah.. I like him!
He wants to play with me, hindi kagaya nun mayabang mong boyfriend!
Pati si yaya inaaway.." sabi ni Cloude.
Napangiti naman si Diana.
"Let's see baby. Let's see" sabay ngiti niya sa kin.
"Ikaw naman tito, wag mo gagayahin yung isa na yun..
Pag pinaiyak mo rin si mommy, isusumbong kita kay lolo.
May shotgun yun, nakita ko sa room niya" baling nito sa akin.
"I would never make your mom cry, I promise.
Pinky swear?" nakangiti kong sagot dito.
"Pinky swear," sang ayon naman ni Cloude.
.
"Mom, can I go to Lolo in the backyard? Nag huhukay siya ng mga bago tataniman ng vegetables, I want to help him" paalam nito.
"Sure, baby. Where's your yaya pala?" tanong niya.
"I think Inutusan ni lola bumili kanina" sagot nito.
"Okay, go to your lolo, but wag makulit ah.. Mag help ka lang, wag pasaway kay lolo" sabi niya sa bata.
"Yes mom! Bye tito! See you later!" masiglang sabi nito sabay takbo palabas.
.
"Ang bibo ni Cloude no? Parang hindi bata ang kausap ko.." natatawa kong sabi.
"Ay sinabi mo pa. Nagugulat rin ako jan kasi ang tatas niya mag salita ng both languages. Usually sa ibang bata pag english, english lang.. Pag tagalog, tagalog lang. Siya fluent sa pareho!" bida nito sa anak.
"Oo nga e. Saka parang naiinitindihan niya talaga ang nangyayari sa paligid niya. Matalino siyang bata. Mana sa mommy nya." nakangiti kong sabi.
"Waasshhuuuuu.. Nagsimula na naman po si pakilig.. Hahahaha.." masaya niyang tugon.
"Hahahah.. Nagsasabi lang naman ako ng totoo.. Ang sarap niya kasi kausap, parang sobrang optimistic niyang bata.." sabi ko.
.
"Naman. Alam mo ba dati, inabutan ako niyan umiiyak sa room ko.
Siya nagcomfort sa kin. Wag ko na daw isipin yun lalaking yun dahil bad yun..
Kahit di ko naman sinabi sa kanya na yun ang dahilan, alam niya. Hahahah..
Smart kid talaga siya.
Kahit sa school, kita mo yun leadership niya. Nakikinig sa kanya mga classmates niya.
Marami tuloy siyang nakukuhang awards.
Kaya pag me hiniling siya sa kin, di ko pinagkakait e. Kasi alam kong hindi niya ako aabusuhin.
Alam mo bang hindi humihingi yan ng hindi naman niya talaga kailangan?
Dati tinanong ko kung gusto niya rin ng playstation dahil classmates niya meron.
Ayaw daw niya kasi may tablet naman daw siya nagagamit" mahaba niyang kwento.
.
"Ang galing no? Nasa pagpapalaki rin talaga minsan e.. Yun talaga nakaka develop ng characters.. Kaya mahalaga rin talaga nakatutok sa paglaki ng mga bata e.." tugon ko.
"Hhhhhmmm ikaw ba, natry mo na mag-alaga ng bata?" tanong niya.
"Well, mahilig talaga ako sa mga bata. Kaya ko makipaglaro sa kanila the whole day.
Yun mga pamangkin ko sa kin iniiwan dati e.
Hindi ganun kalawak ang experience ko, pero I'm willing to help you raise Cloude." nakangiti kong tugon.
Napangiti na naman siya.
"Ikaw, puro ka talaga pakilig!" sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.
"Hahahaha.. Totoo naman, parang ang cool niya kasi kasama. Feeling ko magkakasundo talaga kami" sabi ko.
"And I think he likes you.." nakangiti niyang sabi habang nakatitig sa kin.
Hahalikan ko sana siya nang biglang sumigaw si Cloude.
.
"Mommy! Tito! Come here! Tingnan daw natin yun mga tanim nila lola!" tawag nito sa amin.
Nagkatawanan kaming dalawa.
"Tara!" yaya niya sa kin sabay pisil sa ilong ko.
.
.
Pagdating namin sa likod bahay ay tumabad sa amin ang hile-hilerang mga tanim ng gulay. May talong, kamatis, petchay saka mga ampalaya. Mayroon ding ibang hindi ko sure kung ano.
"Wow! Ang lago po ng garden niyo, Nay! Ang gaganda ng gulay oh!" mangha kong sabi
"Mahilig ka ba sa gulay? Ikukuha kita para maiuwi mo. Masarap yan igisa pag sariwa" bida ulit nito.
"Ay opo, mahilig po ako sa gulay. Mahilig rin po magtanim ng gulay si Inay dati, kaso maliit yun space namin sa bahay kaya konti lang tanim niya" sagot ko.
"Ay ganun ba, e damihan mo na ang iuuwi at nang mabigyan mo sila nanay mo. Marami naman yan, hindi namin nauubos. Pinapamigay lang din namin sa mga nanghihingi" sabi nito.
"Uy, di ko po hihindian yan. Mahilig po talaga ako sa gulay e.. Lalo na yan ampalaya!" masaya kong tugon.
"Ay sakto! Nagluto ako ng pinakbet. Dinamihan ko gulay nun. Wag kang mag-alala, asawa ko lang kaagaw mo diyan dahil ayaw naman magkakain ng gulay etong si dayang" natatawa niyang irap sa anak.
"Oy, kumakain ako ng gulay Nay ah.. Hindi lang ako kagaya niyo ni Tatay na parang kambing makakain ng gulay. Hahahaha.." Natatawa niyang tugon.
Natawa rin ang nanay niya sabay hampas sa kanya ng mahina.
.
"Ay siya, dun naman tayo sa dulo, kumuha kayong mangga para maiuwi niyo. Nagkakalaglag na mga hinog dun.." yakag nito.
"Hindi niyo po ba binebenta mga harvest niyo?" tanong ko.
"Nung una, oo. Pero nun tumagal hindi na. Hindi naman ganun karamihan, saka napapagod lang ako mag benta. Pagka mayroon na lang humihingi, binibigyan namin.
Merong mga kalapit bahay jan, pag wala silang gawa, nakikitulong sa pagharvest tapos pinaguuwi namin ng mga gulay at prutas para maibenta nila.
Ayun nakakatulong naman kahit paano sa mga tao rito" kwento nito.
.
"Ang bait nyo po pala.." sabi ko.
"Ay siyempre naman! Ang iksi ng buhay ng tao, pipiliin mo pa bang maging masama?
Sa dinami dami ng natatanggap mong biyaya, dapat lang tumulong ka rin sa kapwa.
Bakit, masama ba ako sa kwento nitong babaeng to?" nakangiti nitong pang aasar kay Diana.
.
Natawa naman si Diana.
"Ay hindi po! Hahahaha.. Nasabi ko lang po.
Ang ganda po kasi ng mga gulay niyo, sigurado mahal to pag dinala sa mga palengke sa Manila.." sabi ko.
"Siyempre naman, alagang alaga namin ang mga yan.. Kaya nga hindi na kami nag alaga ng hayop dito, para walang magkakalkal sa mga tanim.
Araw araw namin binabantayan yan..
Kahit mga daga, hindi nakakalapit jan.
Pero dun sa manggahan meron daw silang nakikitang mga musang.." kwento nito.
.
"Musang, as in Civet cat? Meron pa nun dito?" mangha kong tanong.
"Oo, meron pa. Kung inabot mo tong lupain na to nung nakuha namin, nakupo..
Para talagang gubat.
Lahat nang yan sa paligid puro sukal. Tinyaga lang naming linisin. Kahit dun sa daan na binagtas niyo papasok, ilang puno rin ang pinutol para lang magkaron ng maayos na kalsada..
Kaya pati bayawak at tuko, marami pa rito" kwento ulit nito.
.
Pagdating sa dulo ay nakita na nga namin ang mga puno ng mangga.
Napakarami ngang bunga nito!
Akala mo Christmas tree na maraming palamuti pag tiningnan mo sa malayo.
"Wow ang bango! Kahit dito pa lang amoy mangga na ang hangin!" sabi ko.
"Kaso mukahang mataas. Paano natin makukuha yan?" tanong ni Diana habang hawak sa kamay si Cloude.
"E me sungkit naman diyan ginawa ang Tatay mo. Kaso hindi kahabaan. Pwede naman umakyat. Marunong ka ba?" tanong nito sa kin.
"Marunong naman po, dati rin po akong matsing nun kabataan ko.." biro ko dito.
Natawa naman ang mag-ina.
.
"Ako rin tito, aakyat. Tulungan kita" alok ni Cloude.
"Ay baby, no. Pag malaki ka na saka mo na tulungan ang tito mo. For now, audience muna tayo pareho" awat nito sa bata.
"Aawwwwee.." angal ng bata.
"Hey Cloude, pwede mo akong tulungan damputin yun mga malalaglag na bunga. You can do that, right?" sabi ko dito.
Bigla naman nagliwanag ang muka nito.
"Sige tito, I'll help you collect the mangoes!" masigla niyang sabi sabay bitaw sa mommy niya.
"Hey, be careful, okay?" paalala nito sa bata.
.
"Okay lang po ba hubarin tong tshirt ko? Baka po kasi madumihan masyado, wala ako pamalit na dala" paalam ko sa Nanay niya.
"Ay sige. Sanay kami sa ganyan, ang mga taga rito ay hindi marunong mag damit. Nakasampay lang sa balikat ang mga damit ng kalalakihan dito. Hahahaha.." sagot nito.
At naghubad na nga ako ng tshirt bago umakyat ng puno. Nakangiti naman at parang pinagtitripan ako ni Diana na kinukuhaan pa ako ng picture sa cp niya.
"Huy, wag mo kong picturan, baka ikalat mo pa sa opis yan!" saway ko dito.
Tawa naman siya ng tawa.