Ms Dy EP 15

2543 Words
Ms Dy EP 15 . . Marami rin kaming nakuhang mangga. Siguro may tatlong malalaking plastic bag rin yun. Gusto pa sana ng nanay ni Diana na damihan pa namin, kaso ay baka mahirapan na kami magdala at baka hindi na rin maubos paguwi namin. May nakahanda nang mga malalaking supot ito sa loob ng kanyang apron na suot. "Naghahanda na talaga kami ng mga supot para pag me nanghingi ay me paglalagyan ang kanilang iuuwi." magiliw na sabi nito sabay abot sa akin ng supot. Kinuha ko naman ang mga ito at saka sinimulang ilagay ang mga nakuha naming mangga. . "Dayang, punasan mo nito ang likod ng kaibigan mo, pawis na pawis. Baka ubuhin pa yan paguwi niyo" utos nito kay Diana at may inabot na towel. Sumunod naman ito at pinunasan ang likod ko. "Ayan ah, taga pitas ka lang ng mangga, me personal taga punas ka pa ng pawis" asar nito sa kin. . "Una na kami ni Cloude sa bahay, ihahanda ko na ang mesa para makakain na tayo." paalam nito sa kanila. "Lola, I wanna help them pa.." angal ni Cloude. "Ay hindi, sama ka na sa kin. Ang dumi mo na. Maligo ka muna para mapagpalit ka ng damit. Baka matuyuan ka rin ng pawis. Sunod na kayo ha?" sabi nito. "Sige po, salamat po!" tugon ko naman. . . Habang inilalagay ko ang mga mangga sa mga supot, tinutulungan naman ako ni Diana na damputin ang mga napalayong mangga. "Di ko alam me lahing tarzan ka rin pala" biro nito sa kin. "Hahahah.. Ang hilig ko rin umakyat sa puno dati sa min. Tirador din ako ng mangga ng kapitbahay" tugon ko. "Ang macho naman ng tirador na to" nakangiti niyang sabi sabay halik sa gilid ng labi ko. Ginantihan ko naman siya ng halik sa labi niya. "Wait!" inilibot niya ang tingin sa paligid para siguraduhing walang tao. Tapos ay sinalikop niya ang mukha ko saka ako hinalikan ng madiin. "HHhhhhmmmmm.. Kanina ko pa gustong gawin yan" bulong niya sa kin. Yayakap sana ito sa kin pero pinigilan ko siya. . "Diana wait, puro ako pawis, didikit sa dress mo to, yari ka.." paalala ko sa kanya. "Oo nga no.. Ang talino mo talaga.." sabi niya sabay halik ulit sa labi ko. Tinugon ko naman ang halik niya na tumagal rin ng ilang segundo. . . Pagbalik namin sa bahay nila ay naghugas muna ako sa poso sa gilid ng bahay nila bago ko isinuot ulit ang tshirt ko. "Me ganito pa pala rito? Astig!" sabi ko sa isip ko. . Pagpasok ko ay nasa dining table na lahat sila. "Tara na dito hon.. Hans!" tawag ni Diana sa kin para umupo sa tabi niya. Pinakbet, pritong isda saka sinigang na baboy ang nakahanda. Tapos mga prutas saka buko juice. "Ang sarap talaga pag dito sa probinsya no? Sa Manila maghihirap ka pag ganito karami lagi pagkain mo.." nakangiti kong sabi habang kumakain. "Kaya nga naisipan namin dito na lang tumira. Saka para wala na ring gulo. Masarap dito, tahimik" sagot ng Tatay niya. "Oo nga ho. Tapos puro sariwa pa ang gulay at prutas. Sa Manila puro preservatives saka pesticides! Sa halip na maging healthy, lalo ka pa magkakasakit pag hindi ka maingat!" sabi ko. "Kaya pinapadalhan ko lagi ng mga gulay at prutas tong sila Dayang sa manila para di na sila bibili ron. Mahal na, me gamot pa" tugon nito. . "Oo nga pala, me paliga jan sa court mamaya hapon, baka gusto niyo manood. Mahilig ka ba sa basketball, Hans?" tanong nito sa kin. "Medyo po. Nakakalaro pa rin naman po paminsan minsan pag di masyadong busy sa opisina.." sagot ko. "Ayun, sakto. Manood tayo. Ako pinagmanager dun sa lalaro e. Para makakita rin tong apo ko ng naglalaro. Biglang gustong maglaro ng basketball, ewan ko kung saan niya nakuha" sabi pa nito. "Sige po" sang-ayon ko sabay ngiti kay Cloude. . Pagkatapos kumain ay nagpahinga kami sa veranda nila. "Ang sarap dito.. Magpaiwan na lang kaya ako dito?" biro ko ke Diana. "Hahahah.. Sabi sayo, masarap dito e.. Medyo malayo lang kasi. Kung kaya ko araw arawin, dito na rin kami uuwi ni Cloude e.." sabi niya. "Hhhhhmmm... I think mapapadalas ang punta natin dito.. " nakangiti kong sabi. Napangiti rin naman siya sa kin. . Mga bandang alas tres ng hapon ay nagyaya na ang Tatay niya para pumunta sa court. 3:30 daw ang laro ng team niya. Sumakay na agad kaming tatlo nila Cloude at Diana sasakyan. "Ang tagal naman ni Lolo!" naiinip na sabi ni Cloude. "Go get him na para makaalis na tayo" sabi ni Diana na sinunod naman agad ng bata. . Pagkaalis na pagkaalis ng bata ay bigla akong hinalikan ni Diana ng ubod ng tamis. Sumagot naman ako at kinabig ang batok niya para mas maayos ko siyang mahalikan. Makalipas ang ilang segundo ay kumalas din siya. "What's that for?" nakangiti kong tanong. "Kasi hindi na kita makikiss mamaya. Kaya inadvance ko na" nakangiti rin niyang tugon. Pinisil ko naman ang kamay niya. . . Pagdating sa court ay marami nang tao dun. Nakahanda na ang sound system, mga referee saka ang mga players. Nagwawarm-up na ang mga ito. "Oi Sniper! Ano ginagawa mo dito?!" tawag sa kin ng isang player. "Oi Kiko, hugot ka?" bati ko rito nang makilala ko. "Bumisita lang kami dito, sila Diana saka family niya. Me farm sila jan sa looban. Si Kiko po, taga sa min" pakilala ko sa kanila. Tumango naman ito sa mga kasama ko. . "Ang layo naman ng dayo mo. Wala na ba liga sa tin?" tanong ko dito. "Hindi, nahugot lang ako ng pinsan ko dito. E hindi ko naman matanggihan. Gusto mo ba lumaro? Tara na para sureball. Me pot money raw dito e" yaya nito. "Siraulo, hindi ako pede. Saka me mga kasama ako oh" tanggi ko. "Sus, pede yan, kasama mo naman si manager e. Di ba 'ger?" tanong nito sa Tatay ni Diana. "Aba ewan ko sa inyo. Hindi ba bawal yun?" balik tanong nito. "Hahahaha.. Pag kayo po nagsabi walang bawal bawal" biro ni Kiko. Natawa naman ang matanda. . "Next time na lng dre. Sige sasali ako" sabi ko sabay fist bump dito. Maya maya pa may ilang players pa ang lumapit sa kin at nangamusta. . "Bakit ang dami mong kilala? Taga-rito ka ba?" tanong ni Diana sa kin. "Hahahha.. Siyempre hindi. Pero mga nakalaro ko na kasi mga yun dati. Gaya nun si Kiko, malapit lang sa min bahay nun e. Yung iba naman nakakalaro sa iba-ibang paliga" paliwanag ko. "Aaahhhh.. Sikat ka pala.. Di mo naman sinabi agad, celebrity pala ang driver ko.." asar niya sa kin. "Sikat ka jan.. Marunong lang makisama.." sagot ko naman. Ang tatay naman niya ay tahimik lang nakikinig sa gilid namin. . Nang magsimula na ang laro ay hindi makita ng maayos ni Cloude ang nangyayari dahil sa dami ng tao. Wala rin kasing bleachers sa court na yun. Standing lang talaga ang mga nanonood. Kaya ang ginawa ko ay kinarga ko siya at sinakay sa balikat ko. "Hala ka, madudumihan ang shirt ng tito mo!" sabi ni Diana. "Tanggalin mo na lang slippers ko mommy! Di ko makita yun game e" sagot ng bata. . Nun nag halftime ay lumuwag nang konti. Naglabasan ang mga tao para bumili ng maiinom o makakain na streetfoods. "Mommy, pwede tayo kumain ng fishballs?" tanong ni Cloude. "Bakit gutom ka na ba baby?" tanong ni Diana. "Hindi naman, parang gusto ko lang tikman.." tugon ng bata. "Pagbigyan mo na, konti lang para matikman niya" sabi ko. "Sige, basta konti lang ah. Baka sumakit tummy mo.." sagot niya. Iniwan namin saglit ang Tatay niya sa loob para bumili ng fishball. Nakita ko naman itong tumingin sa aming tatlo at ngumiti. . Natapos ang game na panalo sila Kiko, ang team ng Tatay ni Diana. "Ang sarap pala manood ng basketball.. Ang bibilis nila at ang tataas tumalon.. Tito, you have to teach me how to play basketball soon.. Gusto ko rin sumali sa ganun.." sabi ni Cloude sa akin nang nasa sasakyan na kami. "Sure, pagbalik natin sa manila, I'll teach you. Pag wala kang pasok sa school" sagot ko. "Yehey!!" masayang sabi nito. "Ingat ka sa mga sinasabi mo jan.. Hindi nakakalimot ng pangako yan.." paalala ni Diana. Nakangiti at pinanonood lang kami ng Tatay niya. . Pagdating sa bahay ay masayang nagkwento si Cloude sa kanyang lola. Si Diana naman ay pumasok sa loob para kumuha ng tubig. "Hans, halika" tawag ng Tatay ni Diana sa kin. Akala ko ay may ipapakita ito sa garden nila. Pero nang makalayo kami ng konti sa bahay ay bigla itong nagseryoso. "Alam mo, hindi ako tanga para hindi mapansin kung ano kayo talaga ng anak ko.. Pero sabi ko nga, ayokong nakikialam sa mga desisyon niya sa buhay.. May tiwala naman ako jan, matalino yan at matapang.. Kaso nga lang, medyo tanga yan sa pagpili ng lalaki.. Binalaan ko na yan sa dati niyang nobyo, pero hindi nakinig. Ayan, pinaiyak lang siya.. Nakikita ko kung paano kayo magtinginan.. Kung paano mo siya tratuhin at pagsilbihan.. Nakikita ko rin naman ang saya sa mata niya pag kasama ka.. Kaya wag na sana tayong maglokohan.. Hindi ko naman kayo pipigilan at malalaki na kayo.. Alam niyo na ang ginagawa niyo.. Mukha ka namang mabait at disenteng tao.. Nakikita ko rin kung paano mo pakisamahan ang apo ko.. Hindi naman ako humihiling na sana mayaman ang makasama niyan si Dayang.. Yang pagyaman ay kusang darating yan, basta kayo ay nagtutulungan.. Ang gusto ko lang ay wag mo sana siyang sasaktan.. Alagaan mo sana siya gaya ng pag-aalaga namin sa kanya.. At tigilan mo na yang pa hans hans niyo. Alam ko na tunay mong pangalan, Sniper. Oo sinabi na sa kin kanina ng mga kumpare ko kung sino ka. Hans hans.. Hans ninyo mukha ninyo.. Ako pa lokohin niyo.. Hahahaha.." mahaba nitong litanya sa akin. . "Pasensya na po.. Si Diana po kasi ayaw ipasabi kaagad sa inyo dahil baka daw pagalitan niyo siya.." kamot ulong pag-amin ko dito. "Kow, talagang kagagalitan ko siya kung hindi pa siya nakipaghiwalay sa lalaking yun! Mas mabuti na sa kin to, kahit papaano alam kong hindi ka masamang tao.. Basta wag mo lang sasabihin ke Dayang ang pinagusapan natin. Matigas ang ulo niyan.." sabi nito. "Sige po," sagot ko. "Basta, alagaan mo sila at tratuhin mo sila ng tama. Yun lang ang pakiusap ko" seryoso nitong sabi sabay akbay sa akin pabalik sa bahay. . "Ano sinabi sa yo ni Tatay? Tinakot ka ba ng shot gun niya?" pabulong na tanong ni Diana pagbalik namin. "Huh?! Basketaball pinagusapan namin.. Tinatanong ako kung gusto ko lumaro sa team niya sa susunod.." sagot ko. "Aahhhh.. E bat lumayo pa kayo?" tanong pa nito. "E kasi daw matigas ang ulo mo.." natatawa kong sabi sabay lapit kina Cloude. "huh? Ano daw?" takang takang tanong niya na hindi ko na pinansin. . Ilang saglit pa ay nagyaya nang umuwi si Diana. "Una na po kami Nanay, Tatay. Baka gabihin pa kami sa biyahe e.. Uuwi pa sa kanila to si Hans galing sa atin.." paalam nito na ikinatawa ng tatay niya. Nagtaka naman si Diana dahil dito. . "E isampa niyo na yun mga gulay at prutas sa likod nang makalakad na kayo.. Tulungan mo na sila at marami yun.. Tawa ka ng tawa jan, nababaliw ka na namang lalaki ka.." biro nito sa asawa. "Ang dami naman nito! Para tayong galing baguio ah!" biro ko. "Kokonti pa nga yan dahil hindi panahon ng ibang prutas.." natatawang sagot ng nanay niya. "O, aalis ka na di mo pa kinikiss si lola?" sabi nito kay Cloude na agad naman lumapit at humalik dito. "E paano naman si lolo?" tatay naman niya na agad ring hinalikan nito. . "Babalik kayo agad ah.. Basta wala kayong gagawin, umuwi kayo rito.. Pati ikaw, sumama ka pag uuwi sila dito.. Ipagluluto ulit kita ng gulay.." sabi ng nanay niya. "Babalik yan, kukunin ko yang import sa susunod na paliga. Tirador pala sa Manila yan e.." bida ng tatay niya sa kin. "Makakaasa po kayo, babalik ako dito. Ang sarap po ng luto niyo e.." nakangiti kong sagot sa mga ito. "At ikaw naman Dayang, tatayo ka na lang diyan?" puna nito sa anak na agad naman lumapit at yumakap sa ina. "I'll miss you Nay.." sabi nito. Tapos ay lumipat sa ama. "Bye, Tay.. I'll miss you.." "Dalasan niyo kasi ang uwi rito anak.. Namimiss rin namin kayo ng nanay nyo.." tugon nito. "Opo, dadalasan na po namin ang punta rito.. Me driver na kami, si Hans.." sabi ni Diana. "Oo, tama lagi nyong isama tong si Hans.." parang nag-aasar ang pagkasabi nito sa pangalan. Kumunot naman ang noo ni Diana na ikinatawa ko. "Sige po, una na po kami! Maraming salamat po! Sa uulitin!" paalam ko sa mga ito. . . Pagdating namin sa biyahe ay madilim na. Buti at hindi masyadong traffic kaya smooth lang ang biyahe namin. Nakatulog agad si Cloude kasama ang yaya niya sa likod namin ni Diana. "Nakakatuwa ang family niyo. Parang napaka welcoming.. Feeling ko family member din ako kanina e.." sabi ko. "Bakit ayaw mo ba?" nakangiting tanong nito sa kin. "Siyempre gusto.." tugon ko sabay pisil sa kamay niya. "Pero in fairness, sa yo ko lang sila nakitang ganun. I mean, magaling naman sila mag estima ng bisita, pero iba yun asikaso nila sayo. Lalo si Tatay. Usually pag me bisita, nakiki-kwento lang yun ng konti tapos hahanap na ng gagawin para makalayo. Pero sa yo tinambayan ka niya. Me super powers ka siguro no? Kaya napapaamo mo ang mga tao.. Kahit sa office ganyan ka e.." sabi niya. "Wala ah.. Basta makisama ka lang lagi nang maayos. Kahit sino kaharap mo. Kahit janitor or CEO, dapat pareho lang ang turing mo" sagot ko. "Oo nga, pansin ko yan sayo. Kahit nun party, pati mga waiters parang gusto mo ayain uminom e.. Hahahaha.." sabi niya. . "E pare pareho lang naman tayong tao. Magkakaiba man tayo ng pinagdadaanan, sa ilalim din nang lupa ang bagsak nating lahat.. Sabi nga ni Nanay kanina, maiksi lang ang buhay para piliin mo pang gumawa ng masama.. Malay mo yun waiter pala na yun is having the worst day of his life dahil iniwan na siya ng lahat ng mahal niya sa buhay. Tapos dahil inalok natin siya to drink with us, napangiti natin siya and narealize niya na hindi pala siya nag-iisa. Yun mag-fifishball. Malay mo yun 12 pesos na sukli na hindi na natin kinuha is yun na lang pala ang kulang para mabili niya ng laruan ang anak niya.. Sa mga ganung angle ko tinitingnan ang mga nakakasalmuha ko e, para hindi ka magiging madamot sa kapwa mo.." sabi ko. Nakangit lang siyang nakatingin sa kin. . "Bakit?" tanong ko. "Lalo ka pumupogi sa paningin ko Mr. pakilig.. Hahahaha.." mahina niyang tawa. "Ano ka ba, pigilan mo sarili mo.. May mga bata sa likod oh.." biro ko. Napangiti naman ang yaya ni Cloude pagtingin ko rito sa rear view mirror. "Hahahaha.. Ang kapal mo.." sabi niya sabay kurot sa tagiliran ko. "Ouch! Wait, nagdadrive ako.. Hahaha.." angal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD