Ms Dy EP 16
.
.
Bago kami dumiretso sa kanila ay dumaan na muna kami sa drive thru ng isang fastfood para bumili ng pagkain.
"Di ko kasi sure if gigising pa yan si Cloude para kumain.. Nakatulog na sa sobrang pagod yang bata na yan. E pag ganyan nagdidiresto na nang tulog yan e, di ba yaya?" sabi ni Diana.
"Opo ate, kaso parang ang aga ng tulog niya. Baka magising na naman ng hating gabi tapos maghanap ng pagkain.." sagot naman nito.
"E para sure, isang bucket na kunin natin. Bucket of 8?" tanong ko habang nakatigil sa kiosk
"Sige. Saka fries. Parang gusto ko rin ng sundae.. Gusto mo yaya? " tanong niya.
"Ayoko ate, kayo na lang ni Cloude. Chicken na lng po sa kin. Mas gusto ko tong uwi nating mangga" sagot nito.
"Okay. Ikaw hon, gusto mo?" tanong niya sa kin.
Napangiti na naman si yaya sa likod.
.
Pagkakuha ng order namin ay nagdrive na ulit kami pauwi sa kanila.
"Bat smile ka ng smile jan sa likod, yaya.. naku curious na ako sayo.." pabiro kong tanong dito.
"Wala po kuya, ngayon ko lang kasi nakita si ate na ganyan kasweet.. Hindi siya ganyan dun sa dati e.." kwento nito.
"Hoy yaya, wag mo akong siraan.. Sweet talaga akong tao, wag kang ano jan.. Hahahah.." biro niya dito na ikinatawa naman nito.
.
"Teka, bat ba yaya? Ano ba talaga name mo?" tanong ko.
"Evelyn po. Pero nasanay na kasi si Cloude na yaya tawag ng mga classmates niya sa mga yaya nila kaya ayun, naging yaya na rin tawag niya sa kin.." sagot nito.
"Parang wala ka naman kasing sariling personality pag ganyan. Ano ba nickname mo?" tanong ko ulit
"Eve po." maiksi nitong tugon.
"Oh? Bakit naging Eve? Kala ko ba pangalan mo, Evelyn?" tanong ko ulit.
"Oo nga po" nagtataka na nitong tugon.
"Edi dapat ang nickname mo, Ev, hindi Iv. Kais hindi naman Ivilyn pangalan mo." biro ko.
Natawa naman silang dalawa ni Diana sa joke ko.
"Ang witty witty mo talaga.. Hahahahaha.." tawa nito habang kinukurot ako.
.
.
Pagdating sa bahay, ako na ang kumarga kay Cloude para ipasok ito sa kwarto niya. Yumakap naman ito sa akin para makarga ko siya ng maayos.
Nakasunod sa akin si Diana at pinagbuksan kami ng pinto.
Nang maihiga ko ito sa kama ay magkatabi kami ni Diana na pinagmasdan ito habang natutulog.
"Ang cute niya no? Kita ko yun mga distinct features mo sa kanya.. Yun mata saka jawline.." sabi ko.
"Oo nga e.. Kitang kita ko sarili ko sa batang yan.. Saka yun hindi magpapatalo basta alam niyang tama siya.." nakangiti niyang sabi.
"Hhhhmmm.. Matigas pala talaga ulo mo.." biro ko.
"Ano ba kasi yan? Me secret kayo ni Tatay sa kin, alam ko.. Kanina pa kayong dalawa.." lambing niya sabay yakap sa bewang ko.
"I'll tell you later.." sagot ko naman sabay halik sa noo niya.
At magkaakbay kaming pumunta sa kusina.
Naipasok na ni Eve yun mga gulay at prutas.
Nakapag hain na rin ito nun binili naming takeout.
.
"Kain na po kayo ate.." sabi nito.
"Thanks, Eve.. Tara sabay sabay na tayo.." yaya ko dito.
"Sige po una na kayo, mamaya na lang po ako.." parang nahihiya nitong tanggi.
"Tara na, sabay ka na para makapagpahinga ka na rin ng maaga. Me pasok na kayo ni Cloude bukas.." sabi naman ni Diana.
.
Pagkakain ay pumunta muna kami ni Diana sa sala habang hinahanda ni Eve yun iuuwi kong prutas at gulay.
"AAwwwwwee.. Uuwi ka na.." parang nalulungkot niyang sabi.
"Oo nga e.. Biruin mo, halos 3 days na pala tayo magkasama.." sabi ko.
"Bukas ka na umuwi.." lambing niya.
"Gustuhin ko man e wala na akong damit.. Saka kelangan ko rin umuwi, baka nagrarambulan na yun pagong ko saka koi fish.. Hahahah.." sabi ko.
"E kelan ka ulit pupunta rito?" tanong niya habang nakasandal sa kin.
"Magkikita naman tayo sa office bukas.. Sabay tayo maglunch, gusto mo?" sagot ko.
"Hindi naman kita masosolo dun e.. Di kita malalambing ng ganito.." sabi niya sabay yakap sa bewang ko.
"HHHmmmmmm.. Gusto mo next weekend, dito ulit tayo? Sakto andito si Cloude, pede ko na siya turuan mag bike.." sabi ko.
"Talaga? Dito ka ulit next weekend?" masaya niyang tanong.
"Siyempre naman, nandito ka e.." sagot ko sabay yakap din sa kanya.
"Paano ako sasaya sa apartment ko kung nandito yun nagpapasaya sa kin.." lambing ko sa kanya.
"Hhhhhmmmm.. Di pa rin ubos yan pakilig mo sir? HAhahaha.." natatawa niyang sabi.
Sabay dating naman si Eve dala yun mga iuuwi ko.
.
"Oh, nakangiti ka na naman jan, Eve! Baka mahipan ka ng masamang hangin, ikaw rin.." biro ko dito.
"E nakakakilig kasi kayo ni ate e.." malapad ang ngiti nitong sabi.
"Hahahah.. Maghanap ka na rin kasi ng boyfriend mo para hindi ka naiinggit sa ibang tao!" biro ni Diana dito.
"Hahaha.. wala pa nagkakamali ate!" sagot naman nito.
"Sige po, papasok na ako sa kwarto ko. Tawagin niyo lang po ako pag me gagawin pa" paalam nito sa min sabay talikod na papunta sa kwarto niya.
.
.
Pagkalapat ng pinto ayagad kong iniharap ang mukha ni Diana sa kin.
"Ayan, wala na sila. The coast is clear!" biro ko sa kanya.
"Hahahaha.. Abangers ka lang pala.." tawa naman niya.
At hinalikan ko na siya..
Malalim at puno ng pagmamahal..
.
Humawak naman siya sa batok ko habang nilalasap ang sarap ng aming halikan.
"Hhhhhhhhmmmmm" mahina niyang ungol.
Kusa nang humaplos ang mga kamay ko sa likuran niya.
Matapos ang ilang sandali ay naghiwalay rin ang mga labi namin.
.
"Uuwi ka na ba talaga?" tanong niya.
"Kelangan e.. Basta bukas, sabay tayo mag lunch sa office..
Ano nga pala sasabihin natin dun?" tanong ko sa kanya.
"HHhhhmmmmm.. okay lang naman sa kin kung gusto mo agad sabihin sa kanila..
Basta ako, wala muna ako sasabihin unless magtanong sila" sabi niya.
"Okay.. Sige ganun na lang.. Pag me nagtanong, sasabihin ko, nililigawan ko na ang pinakamagandang babae sa office" nakangiti kong sabi.
"Waassshhhuuuu.. Manliligaw ka ba talaga?" tanong niya.
"Wait and see.." sabi ko naman saka ko siya ulit hinalikan.
Ilang saglit pa ay tumayo na ako at inayos ang mga dadalhin ko.
"Alis na ako, idadaan ko pa kina Inay tong ibang gulay saka mangga. Hindi ko mauubos to e" paalam ko sa kanya.
"Okay, sige. Ingat ka hon.." sabi niya sabay yakap sa kin.
"Tawagan mo ako pagkadating mo sa bahay.." paalala niya.
"Of course.." tugon ko.
.
.
Pagkauwi ko sa apartment ko, chineck ko agad ang mga alaga ko. Okay naman sila, although parang namiss nila ang sikat ng araw dahil sinara ko ang mga bintana.
Inasikaso ko lang sila saglit at naglinis na rin ako ng katawan para mag ready matulog.
.
"Hi beautiful, bahay na ko.." video call ko sa kanya after magbihis.
"Hi Hon.. I'm glad you're safe home.." parang inaantok na niyang tugon.
"Sige, sleep ka na, you look tired na.." sabi ko.
"Okay.. Bigla lumabas ang lahat ng pagod ko sa mga pinag gagawa natin after mo umalis.. Hahaha.." natatawa niyang sabi.
"Hahahaha.. Okay.. Edi sige, rest ka na. I'll see you in the office tomorrow," sabi ko.
.
"Hon wait.." sabi niya.
"What's that, po?" tanong ko.
"You still owe me a massage.." nakangiti niyang sabi sabay kindat.
"Hahahaha.. Di mo pala nakalimutan.. Manang mana ka ke Cloude.." sagot ko.
"Sige, I'll give you a massage next time..." lambing ko pa.
"Okay.. Goodnight Hon.. See you tom.." paalam niya.
.
.
Kinabukasan, tinawagan ko siya agad pagdating ko ng office.
"Good morning, beautiful! Nasa office ka na?" bati ko sa kanya.
"Hay.. ang traffic dito Hon.. Naipit ako.." inis na sagot niya.
"San ka na ba banda? Sunduin kita jan, gusto mo?" alok ko sa kanya.
"Wag na po, ganun din matraffic ka rin papunta rito, baka dalawa pa tayo malate.." sabi niya.
"Okay.. I'll just wait for you here.. Ingat ka.." sagot ko bago ibaba ang tawag.
.
Dahil medyo maaga pa naman at alam ko naman wala masyado gagawin sa office, naisip kong bilhan siya ng breakfast para mabawasan badtrip niya sa traffic.
.
Pagdating niya ng office ay almost 30 minutes na siyang late, nakasimangot at parang galit sa earth..
Pinapanood ko lang siya galing sa desk ko, mga 2 aisle ang pagitan. Madami rin kasing nakatayo at palakad lakad dahil nga wala ginagawa.
Nag-iingat lang ako para wag niya ako mapansin.
"For the most beautiful lady.." nabasa niya sa post it na nakadikit sa coffee niya sa desk. Me kasama pang croissant.
Nakita ko siyang biglang ngumiti at nawala na ang simangot sa maganda niyang mukha.
Inilibot naman niya ang tingin niya para hanapin siguro ako, pero hindi niya ako nakita.
.
.
"Wow beh! Me bagong admirer ka na naman?!! Ang haba talaga ng hair mo!!" sabi ng isa naming officemate.
"Sweet naman.. Sana all me nagpapacoffeee and croissant.." yun isa naman.
"Sino na naman kaya yan?" tanong ng isa pa.
"Sino pa edi yun katabi niya sa party nun Friday.. YYyiiiiihhhh.." pang aasar nun una.
"Tigilan nyo nga ako mga beks! Umagang umaga, chismis inuuna nyo. Bad for the health yan!" biro naman niya sa mga ito. At nagtawanan silang lahat.
Nagmessage siya sa akin after nun.
Her: Thanks for the coffee! =)
Me: Anything for my beautiful lady. ^_^
Nakita ko ulit siyang ngumiti.
.
"Oi tsong, anyare nun after party? Hinatid mo daw si Ms Dy ah.. Ayus, jackpot! Score ba?" tanong ng isang tropa sa office.
"Siraulo, di ganun babae yun. Hinatid ko lang dahil me tama na. Kayo talaga, puro score ang laman ng utak niyo e.. Hahahaha.." sagot ko.
"Wow ah! Parang hindi ikaw yan dre! Ikaw nga pinakamaraming nadale dito sa office, tapos ikaw pa magsasabi sa amin niyan.. Hahahaha" pang asar ng isa pa.
"Oo nga. Siguro hindi to naka score kaya ganyan. Waahahaha.." kantiyaw nun nauna.
.
"Mga siraulo talaga kayo. Magtrabaho na nga kayo, para kayong mga hindi lalaki, nagchichismisan ke aga aga" taboy ko sa mga ito.
"E wala pa talaga ako gagawin e. Naghihintay pa ako ng input. E wala pa rin ata si boss. Dito muna tayo. Hahahaha.." sagot nito.
"Oo nga. Kwento ka naman 'dol! Si Ms Dy na yun ah.. Ibang level ka na.. Kung ako yun, nakupow! Pwede na ako mag sakristan after.." biro ng isa pa.
"Wala nga ako ikukwento, ano gusto niyo sabihin ko. Hinatid ko siya, umuwi ako sa min natulog. Naglaro ako ng basketball nun linggo. Gusto niyo pa details?" natatawa kong pag iwas sa kanila.
.
"Weh di nga? Balita ko dumayo ka raw sa probinsya nun linggo e.. Me karga ka pa nga daw bata.. Wag ako, Sniper.. Hahahaha.." sabat naman isa pa na bagong dating. Mahilig rin to sa basketball, baka kaya nakabalita.
"Pinagsasabi mo. Teka nga, makapag cr muna. Natatae ako sa mga pagmumukha niyo e. Ano, sasama rin kayo sa banyo? Hahaha.." sabi ko para makaalis na dun.
Maya maya ay nagsimula na rin dumating ang mga trabaho namin kaya sa wakas ay natigil na rin ang mga mokong sa pangungulit.
Iba talaga ang charisma ni Diana sa mga to. Talagang tulo laway ng mga loko.
.
.
Mga 1 hour bago mag lunch, nagmessage ako ulit sa kanya.
Me: Lunch? Where to?
Her: I got loaded with tasks, Hon! Sorry... You go ahead, I'll just take my lunch later.. =(
.
Sinilip ko siya sa station niya.
"Patingin tingin.. Di naman makabili..
Hahahah.. Hindi mo maabot yan brad kung di ka tatayo jan at lalapit sa kanya.." pang aasar ng kasama kong medyo me edad na.
"Siraulo ka kuya, me tiningnan lang ako" palusot ko.
"Sabi mo e! Pero kung ako sayo, bibilisan ko galaw. Ang daming naka aligid jan ke Ms Dy, pati mga boss natin. Pag nawalan ng bf yan, dudumugin ng mga buwitre yan.. Hahahah.." sabi naman niya.
Tinawanan ko lang siya.
.
Nag message ako ulit.
Me: Hhhhhmmmm.. Madami ba? Send me some, and I'll help you.
Her: Sure ka? Madami to.. Kelangan na daw nila kasi mamaya hapon kaya kelangan na tapusin..
Me: As sure as I love seeing you smile. Send mo, wala ako masyado ginagawa saka wala pa akong naka deadline. ^_^
Her: You're a lifesaver, Hon! Thanks! Mwah!
Saglit lang at may nareceive na ako sa email na files. May limang emails ata yun sunod sunod.
"Ang dami nga! Sinend niya ata lahat sa kin ah!" natatawa kong sabi sa sarili ko.
Sinilip ko siya ulit, seryoso pa rin sa screen niya. Mukhang busy pa rin.
.
"Wow! Ikaw na busy!" puna ng isang tropa.
"Me load ka na? Bat ako wala pa sinesend si boss?" tanong ng isa pa.
"Busy yan, busy manligaw. Hahahaha.." sabi ng pangatlo.
"Mga baliw! Dun na kayo at kelangan ko tapusin to!" taboy ko sa kanila.
"Oo na, alis na kami. Baka mabulilyaso pa diskarte mo jan ke Ms Dy.." nakangisi nitong sagot.
"Pinagsasabi mo jan?" iwas ko.
"Sus, magkakaila ka pa e load niya yan ginagawa mo. Kami nag compile niyan para isend sa kanya tsong. Hahahaha!" pag bubuko nito sa kin.
Natawa na lang din ako.
"Dun na kasi kayo! Mag lunch na kayo maaga, baka gutom lang yan.. Hahahaha.." biro ko na lang sa kanila.
.
Pinilit kong tapusin yun sinend niya, pero dahil marami talaga ay di ko natapos bago mag lunch.
Me: Hey sorry, di ko pa tapos sinend mo..
Her: Alam ko. Marami talaga yan kaya sure ako di mo kaya tapusin agad yan.. Hahahaha.. Don't worry, di pa rin ako tapos.
Me: Huh? What do you mean?
Her: Basta, wag ka na magtanong. Message mo ako pag tapos ka na. Sagot ko na lunch natin. =)
.
Mga past 1pm ko na natapos yun mga pinagawa niya kaya nag message ako agad.
Me: I'm done. Sorry natagalan. Ang dami pala nun..
Her: That's okay. Ang bilis mo nga e. Thank you! Meet me on the ground floor in 10 minutes. Check ko lang to ginawa mo tas send ko. MWAH!!
Kaya gumanti muna ako ng pangaasar sa mga kasama kong nakabalik na from lunch.
"Tara na tsong, lunch na tayo. Wag kana magtrabaho, nakakapagod yan.. Hahahaha.." pang aasar ko sa kanila.
"Dun kna! Sisiraan ka namin ke Ms Dy pag dika tumigil jan.." nakangising ganti naman nila.
"Hahahah.. mga siraulo! Jan na nga kayo! Lunch muna ako" paalam ko.
"Ako or kami?" nang aasar nilang tanong.
Tumawa na lang ako saka lumabas.
.
.
"Let's go?" bati niya sa kin pagdating niya sa baba ng building.
"Tara, san mo ako treat?" biro ko.
"Kahit san mo gusto" ganting biro niya naman.
"Sa langit" sagot ko.
"Hahahaha.. Ikaw na lng. Gusto ko pa makita si Cloude lumaki.." tumatawa niyang tugon.
"Hahaha.. Kahit san na lang.. Basta naman ikaw ang kasama ko dun, feeling ko nasa heaven ako.." nakangiti kong sabi.
"Here we go again! Hahahaha.." sagot naman niya sabay hila na sa kin para lumakad.
.
"Ano yun sinabi mo kanina na alam mo naman na di ko matatapos yun pinagawa mo by lunch?" tanong ko sa kanya habang kumakain.
"Hahahaha.. Sinadya ko damihan talaga para di mo matapos agad. Para sabay tayo mag lunch." pacute niya sabay kindat.
"Hahahaha.. Ang talino mo dun ah.. Pero sweet.. I love it.." nakangiti kong tugon.
"Di ba sabi ko nga, gusto kita solohin. Kaya ginawan ko ng paraan.." pilya niyang sabi.
"Pasalamat ka public place to. Kung hindi.." biro ko.
"Kung hindi ano? Ano na naman naiisip mo Mr. Genius?" nakangiti niyang tanong.
Kinindatan ko lang siya at nagtawanan kami.
.
.
Pagkatapos kumain ay sabay na rin kaming umakyat pabalik ng office.
"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!!" sigawan ng mga kasama namin.
"HOY! Anong kaguluhan to??" natatawang tanong ni Diana.
"Umamin na kasi kayo beh, obvious na obvious naman.. Para hindi na namin kayo pagchismisan dahil alam na namin ang katotohanan.." biro ng chismosa naming kasama.
"Oo nga.. Bagay naman kayo e.. Walang tututol dito.." sabi ng isa pa.
"Tama, sa akin na lang yun jowa mo beh.." yun isang bading naman.
"Hahahaha.. Sayong sayo na beh.. Gusto mo igift wrap ko pa?" biro niya naman dito.
"So wala na kayo?" tanong pa nito.
"Oo wala na. Para sa kapanatagan ng kalooban mo dahil sobrang concerned ka sa lovelife ko.. Hahahaha.." biro niyang sagot dito.
"Hahahaha.. Grabe ka sa akin besh.. E kung ganun naman pala,
TULOY ANG KASAL!!" sigaw nito.
"Guys, guys.. I love to see that you are having fun, pero me mga kaopisina kayong me ginagawa. Tone it down please.." nakangiting saway ng isang boss namin.
.
Bago bumalik sa desk ko ay narinig ko pa nagtanong pa ulit yun isa.
"So kayo na ba or nililigawan ka niya?" tanong nito ke Diana.
"Napaka lalim talaga ng concern niyo sa kin no? Hahaha.. Sa min na lang yun.." sagot niya.
Nilingon niya ako saka ngumiti.
Kinilig naman ang beki naming officemate.
"AAAYYYYY!!!!" tili nito.
"SSShhhhhhh.. Please.." saway ulit ng boss namin dito.
"Sorry po.." nahiya naman ang beki at bumalik na sa desk niya.