Ms Dy EP 17

2937 Words
Ms Dy EP 17 . . Bago matapos ang shift ay nagmessage na ako sa kanya. Me: Are you done? Her: Almost.. Hintay mo ako.. Sabay tayo paglabas =) Me: Sure. Gusto mo hatid na kita sa inyo para mabilis ka makauwi? ^_^ Her: It's fine, Hon. Mapapalayo ka lang.. Mag commute na lng ako.. Thanks for the offer, though.. Me: Okay lang mapalayo ng way, basta mapalapit sa yo.. Her: Hahahaha.. Mr. Pakilig strikes again.. Pero okay lang talaga, Hon. And besides, naka dress po ako. Baka makita nag hindi dapat pag umangkas ako sayo.. Hahahah.. Me: Okay. Mag out na ako. . Pagkaoff ko ng pc ko ay pinuntahan ko na siya. "Wait lang po, I'm almost done. Upo ka muna jan.." sabi niya. "Oh, andito pala ang bagong kasal. San ang reception?" pang aasar sa min ng isa naming boss. Natawa naman kami. "Mga siraulo kasi sila boss, nananahimik kaming dalawa.." depensa ko sa kanya. "Isali nyo kasi sila, alam nyo naman inggitera mga yan. Lalo na tong isa na to, mas updated pa sa details ng lovelife ng ibang tao kesa sa mga involved!" yun beki naman ang inasar niya. "Hahahaha.. Hayaan mo na ako momshie.. Wala kasi ako sariling lovelife kaya sinusubaybayan ko na lang yun sa kanila.. Nakiki-kilig ba.. Hahahaa.."sagot naman nito. "Hahahaha.. Baliw ka talaga. O siya una na ako, wag mo na pinag gugugulo tong dalawa na to! Alam nila ginagawa nila, model employees ko yan! Ingat kayo pag uwi ah! Bye!" sabi nito sabay alis na rin. "Alis na rin ako beh.." yun beki. "Iwan ko na kayo dito.. Basta wag kayo dito mag hahoneymoon ah.. Or kung gagawin nyo man, tawagin niyo ako para maidocument natin ang mga kaganapan.. " biro nito. "Siraulo ka talaga! Sige na, uwi ka na. Ingat!" paalam ko dito. . "Done! Patayin ko lang to pc." sabi niya habang nagliligpit ng mga gamit niya. "Tara!" yaya niya pagkatapos . Me mga iba pa kaming nakasabay pababa ng elevator. Pero dahil oras ng uwian ay tumitigil kami kada floor. Nasa pinakalikod na kami dahil mataas ang pinanggalingan namin floor. Halos siksikan na dahil gusto lahat makalakabas agad ng building. Sinamantala ko naman yun siksikan para hawakan kamay niya. Nagulat man ay napangiti siya sa ginawa ko. . Pagkalabas namin ay diretso na kami papunta sa sakayan niya pauwi. Medyo matagal na rin kami naghihintay dahil puro puno dahil sa dami ng nag-aabang makasakay. Napagod na siguro kakatayo kaya sumandal siya sa kin. "Napagod ka no?" tanong ko. "Yes.. Ang dami ko ginawa kanina.." sagot niya. "Massage?" biro ko. "Naku Hon, kung nasa bahay tayo, magpapa masahe talaga ako sayo.. Hahahaha.." tawa niya. "Ayaw mo dito para me thrill?" asar ko sa kanya. "Ang siraulo mo no.. Hahahaha.." tugon naman niya sabay kurot sa akin. Ilang minuto pa ay nakasakay na rin siya. . Habang naglalakad papunta ng parking para kunin ang motor ko ay nagmessage ako sa kanya. Me: ingat! Bitin naman ng kiss.. beso lang.. Her: Hahaha.. ano gusto mo, torrid sa gitna ng kalsada? Me: pwede rin.. ;-) Her: ang siraulo mo talaga Hon! Hahahaha.. Sige na ingat ka pag drive ah.. VC tayo pagka uwi mo.. MWAH! Me: Okay po.. . . Pagkauwi ay tinawagan ko agad si Diana para icheck kung nakauwi na rin siya. "Hey! I'm home. San kana?" bungad ko. "Hays.. wala pa sa kalahati.. Me ginagawang kalsada rito, isang lane lang nagagamit.. Bottle neck lahat.." nakasimangot niyang sagot. "Ouch.. Gusto mo sunduin na kita jan?" alok ko. "Wag na, Hon.. Sa traffic na to di ka rin makakarating dito ng mabilis. Iidlip na lng muna ako dito dahil mukhang matagal pa to. Mas na stress pa ako dito kesa sa work kanina.. Hahaha.. Tawagan kita pag nasa bahay na ako" sabi niya. "Okay. Just let me know if you need me. I'll come flying if I need to," nakangiti kong sabi. "Pakilig na naman to.. Sige na po.. I'll call you later" nakangiti niyang paalam. . Naisipan ko na lang maglaba dahil maaga pa naman. Kaso bigla tumunog phone ko. "Oi pareng Loy, balita?" bungad ko. "Bahay ka ba? Saglit ka dito sa min pare, me sasabihin lang ako sayo" yaya nito. "Sige punta ko jan." sagot ko. . . Pagdating sa kanila ay inabutan ko siyang nililinis ang kotse niya. "Pareng Loy, ang kinis pa rin nitong oto mo ah.. Kinukulambuan mo ba to pag gabi?" bungad kong biro dito. "Ay siyempre naman! First car ko to pre! Mahal na mahal ko to! Nag seselos na nga si esmi minsan e.. Mas nauna ko tong minahal kesa sa kanya.." ganting biro naman nito. "Hahahaha.. Asan pala sila kumare?" tanong ko. "Wala pa, andun sa mga biyenan ko. Nabalitaan mo na ba pre? Paalis na kasi kami, pa New Zealand na kami ng kumare mo. Kami muna dalawa, pero kukunin din namin ang mga bata pag naka settle na kami dun. Kape pre, ikuha kita?" alok nito. "Hindi na, ok lang ako pre. Edi mababawasan na naman pala ang tropahan natin dito. Isa-isa na kayo nagliliparan ah.." sabi ko. "E ganun talaga pare, walang pag-asa umunlad dito sa atin hanggat ganyan ang gobyerno. Hanggat hindi marunong bumoto nang tama ang mga tao, ganito na lang tayo kahit sipagan mo ng todo.." hinanakit nito. "Kilala mo naman ako, kung hindi naman kinakailangan hindi ako aalis dito. Pero kita mo naman ang panahon ngayon.. Saka naglalakihan na mga inaanak mo.. Para naman mabigyan ko sila ng tamang sustento.." malungkot na sabi nito. "Wala pare, ganyan talaga buhay e.. Kelangan gawin kung ano nararapat para sa pamilya. Wag kang magalala, titingnan tingnan ko sila nanay mo dito saka mga inaanak ko pag alis nyo.." sabi ko. . "Salamat, alam ko naman gagawin mo yan kahit di ko ipakiusap sayo, pare. Kaya isa rin yan sa gusto ko pag-usapan natin e.." panimula nito. "Ano ba yun pre?" tanong ko. "Eh eto nga kasing si Blue.. Hindi ko naman pwedeng basta iwan to dito. Wala naman marunong magdrive sa amin. Yun utol naman ni esmi, nakailang kotse na naibangga.. Papakiusap ko sana iwan sayo e.." sabi nito. "Yun ba, e walang problema yun. Wala na laman garahe sa bahay nila Itay dahil dadalhin na nila sa binili nilang lote" mabilis kong sagot. "Hindi pre, gusto ko gamitin mo. Baka masira lang pag natambak tong si Blue e.. Malulungkot yan.." sabi nito. "Ngayon lang ako nakarinig ng kotseng me puso't damdamin ah.." biro ko dito. "Hahahaha.. Basta, gamitin mo. Wala ka pa naman oto di ba? Motor ginagamit mo? O ayan, meron ka na" sabi nito. "Binebenta mo ba sa kin to? Akala ko kna mahal mo to?" tanong ko. "Iiwan ko lang sayo, pero gusto ko ariin mo ng parang sayo talaga to, para maalagaan mong mabuti.. Kaya nga sayo ko inaalok e.. Kasi alam kong di mo papabayaan to.." sagot niya habang hinihimas himas pa ang kaha ng kotse. "E bat di mo na lang ibenta para magamit nyo yung pera?" takang tanong ko. "Ayoko nga e, pag binenta ko to, di ako sure kung makikita ko pa siya ulit. E pag iniwan ko sayo, sure ako makikita ko pa. Mamimiss ko kasi talaga to e.. Marami rami na rin kasi kaming pinagdaanan nito.." paliwanag niya. "Walangya ka pare, naiintindihan ko na si kumare bat nag seselos, parang me pagnanasa ka dito sa oto mo! Hahahaha.." biro ko dito. "Hahahaha.. Marami kasing alam na sikreto ko to, baka ipagkalat niya sa iba pag nagtampo!" ganting biro niya. . "Basta seryoso pre, ikaw na muna bahala dito ke Blue. Wala tayo pag uusapan sa pera, gamitin mo, ituring mong sayo yan. Kung maaksidente ka man,wag naman sana mangyari, wag ka mag-alala, wala ka babayaran sa kin. Alam ko naman maingat ka magmaneho saka aalagaan mo siya. Update mo na lang ako paminsan minsan kung kamusta na ba siya." seryoso nitong sabi. "E kung ganyan ang gusto mo pre, hindi naman kita matatanggihan.. Ikaw pa ba e parang kapatid na kita.. Sige, ako na bahala jan" tanggap ko sa pakiusap niya. "Ayun, salamat, alam kong di mo ako mahihindian e.. Hehehehe.. Sige, dadalhin ko na sa mekaniko ko bukas para i-check mabuti tas hatid ko sa inyo kahit sa huwebes o biyernes" masayang sabi nito. . "E kelan ba alis niyo?" tanong ko. "Next week na, kaso marami pa inaasikaso kaya inuna na kita. Baka hindi na ako makagalaw sa isang linggo e" sagot niya. "Ganun ba? E hindi ka man lang magpapaalam sa tropa?" tanong ko ulit. "Gusto ko sana, kaso alam mo na, marami kaming gastusin ngayon. Paalis pa lang kami e. Pag balik siguro namin saka na ako babawi" kamot ulong sagot niya. . "Ay hindi pwede yan pre. Kelangan magpaalam ka ng maayos sa tropa. Iilan na nga lang tayong solid e.. Wag ka mag alala, sagot ko na. Sa Sabado, pwede ka ba? Pero dun tayo sa bahay nila Inay. Masikip sa apartment ko e. Sama mo sila kumare para makapag paalam naman kami ng maayos.." alok ko dito. "Bah, hindi ko hihindian yan, pare. Salamat! Sige, pag lulutuin ko rin ang kumare mo ng paborito mong dinakdakan. Pandagdag man lang" parang nahihiyang tanggap nito. "Kahit hindi na pare, ikaw naman oh. Dating gawi tayo. Kung ano kaya mong dalhin, basta legal. Hahahaha" biro ko dito. "E paano, una na ako pare, me pasok pa rin ako bukas e. Basta sa sabado na lang, hintayin ko kayo nila kumare kila Inay. Ako na rin magsasabi sa ibang tropa" paalam ko dito. "Sige pare, salamat!" sabi nito sabay bumalik sa pagpupunas ng kotse niya. . . Pagkauwi ko ay chineck ko kung tumawag na si Diana, kaso hindi pa. Pagtingin ko sa oras, halos mag 3 hours na mula nun huli namin usap. Nagaalala na ako kaya tinawagan ko na siya ulit. "Hey! Asan ka na? Bahay ka naba?" tanong ko. "Hay Hon, grabe! Ngayon lang kami nakalusot sa jampack ng traffic.. Waaaahhhh.." ramdam mo ang inis niya, pero dinadaan na lng sa tawa. "Hahahaha.. sakit sa bangs niyan.. E kung ginagawa at least ilang days bago matapos yan.. Pano yan, ganyan ka araw araw? Late na makapasok late din makauwi?" pag-aalala ko sa kanya. "Oo nga Hon.. Waaaahhhh.. Ayoko na sa Philippines! Hahahaha.." biro niya. "I'm sure gutom ka na rin. Kumain na daw ba sila Cloude?" tanong ko. "Hindi pa rin.. Hindi raw alam lutin ni yaya yung mga stocks na nandun.. E ayaw naman ni Cloude ng mga prito prito lang.. Hon.." malungkot niyang sabi. "You mean si Eve?" nakangiti kong tanong. "Oo nga pala, yes po, si Eve.." natatawa niyang tugon. "Sige na po, wag kana mag worry diyan. Basta ingat ka na lang pauwi. Malapit ka na naman diba? Call me when you get home.." pagtatapos ko sa tawag. . After less than an hour ay nag vivideo call na siya ulit. Naka upo lang ako sa sofa at nanonood ng replay ng NBA. "Hi, Beautiful.." bati ko. "Nakakainis ka! Nagpapakilig ka na naman!!" masayang bungad nito sa kin. "Hahahaha.. E kasi wala ka na time magluto and baka gutom na rin sila Cloude kaya nagpadeliver na ako jan ng food.. Kumakain na ba kayo?" natatawa kong tanong. "Eto kumakain na yung dalawa. Si Eve, naka smile na naman.. Kinikilig na naman mag isa.. Hahaha.." sagot niya sabay narinig kong may tumawa sa tabi niya. "Wait lang, Hon. I'll put you on speakers. Bihis muna ako" sabi niya. . "E paano yan bukas, for sure ganyan pa rin ang traffic.." tanong ko. "Oo nga e, baka agahan ko na lang siguro ang alis.." sagot niya. "So mga 4 am aalis ka na para di ka malate sa 9 am na shift?" pang aasar ko sa kanya. "Hahahaha.. Wag kang mang asar jan, di ko to ginusto.." tugon niya. "Wow! 10 hours a day spent just being stuck in traffic.. I love the Philippines.. Hahahaha.." biro ko pa. "E anong gusto mo gawin ko??!! Hon!! Naiiyak na ako.. Hahahaha.." natatawa niyang angal. "Hahaha.. wag ako sisihin mo, yun DPWH.. Hahahaha.." patuloy kong biro. "Hahahaha.. Mga wala silang puso! Pinapahirapan nila ang mga mamayang Pilipino! Haist.. Call kita ulit mamaya, Hon.. Kain muna ako.. Thank you ulit!! MWAHH!!!" paalam niya sabay baba ng tawag. . . Ilang minuto lang ay nagvivideo call na naman si Diana. Pagsagot ko, katabi niya si Cloude. "Tito, yun promise mo ah! Tuturuan mo akong magbike this weekend.." masayang bungad nito. "Hala! Sinabi ko ba yun?" asar ko dito. "TITO!! You promised!" nakasimangot bigla ito. "Hahahaha.. Joke lang. Sure, sa weekend, magbabike tayo. Magpaalam ka sa mommy mo ah, baka hindi tayo payagan. Makulit ka ata sa school e.." bawi ko. "Hindi ah! Ate Eve, makulit ba ako sa school? Di ba hindi? Naglead pa nga ako ng prayer kanina e.." kwento nito. "Opo, good boy yan, pati sa kin mabait siya. Hindi pasaway" narinig kong sigaw sa background "Oh, sabi sayo e.." si Cloude. "Awesome! Dapat ganyan ka lang lagi ah kahit tapos na tayo mag bike. If you do, we'll do more fun activities together with your mom," pangako ko dito. "You got it! Thanks, Tito!" masayang sagot nito sabay abot ng phone sa mommy niya. . "Sabi sayo di nakakalimot ng promises yang isa na yan.. Kaya ingat ka ng mga sinasabi jan.. Hahahah.." sabi ni Diana. "Oo nga e.. Manang mana sa pinagmanahan.." biro ko. "Bakit ayaw mo ba sa ugali ko?" naka pout pa siya nagpapacute. "Me sinabi ba ako?" nakangiti kong tugon. . "Ano ginagawa mo?" tanong niya. "Hhhhmmmm.. Iniisip kita.." sabi ko. "Sus, hindi ako kinilig, luma na yan.. Hahahaha.. Strike one ka na.. Hahahaha.." tawa niya "Hindi ka pa ba pagod?" tanong ko. "Dahil kanina pa ako tumatakbo sa isip mo? Luma na din yan sir! Hahahaha.. Strike 2!" biro niya. "Hahahaha.. Ayoko na nga. Baka ako yun pagod na, korni na mga banat ko e. Bukas na lang ulit.." sabi ko. "Hahahaha.. Takot sa strike 3! Sige Hon, rest ka na. Patulugin ko na rin tong makulit dito.. I'll see you in the office tomorrow.. Goodnight.." paalam niya. "Sleeptight!" paalam ko. . . . Kinabukasan.. "Hello? Hon? Asan ka? 5:30 pa lang! Jan ka sa labas?" gulat na sabi ni Diana sabay bangon sa kama. " Ano ginagawa mo rito ang aga pa.." nagtatakang tanong niya. "Wait lalabas ako.." sabi niya. Pagbukas ng pinto ay nabungaran niya akong nakaabang sa labas ng gate nila. "Tara dito Hon, ang aga mo naman.." bungad niya sa akin. "E baka kasi hindi kita abutan pag hindi ko inagahan.. Baka totohanin mo yun pagalis ng sobrang aga e.." paliwanag ko pagkapasok sa kanila. "Hahahaha.. Praning ka noh.. Sweet na praning.." sabi niya sabay halik sa pisngi ko. "Kuha kita coffee.. Wait.." aalis sana siya pero hinila ko siya pabalik. "Tulog pa sila?" tanong ko. "Oo, mamaya pa pasok ni Cloude.." sagot niya. Hindi naman na ako nag aksaya ng panahon. Hinalikan ko na siya agad.. "Wait, Hon.. Hindi pa ako nagtutoothbrush.. Hahahah.." awat niya. "Okay lang yan.. Mabango pa rin hininga mo kahit bagong gising.. Hmmmmm.." sabi ko sabay kiss ulit sa kanya. Napangiti naman siya at tinugunan ang halik ko. . After the kiss ay sinamahan ko siya sa kusina para kumuha ng kape namin. "Bakit ang aga mo?" tanong niya ulit. "E ayoko kasi malate ka na naman.. And ayoko rin ng nabuburyong ka sa traffic.. Kaya naisipan ko sunduin ka na lang para sabay tayo pumasok.." paliwanag ko. "Pakilig na naman tong batang to.. Hahahah.." sabi niya sabay kiss sa pisngi ko. "Oh, eto na gamitin mo" sabay abot ko sa kanya ng bagong helmet. "Akin to? Kelan mo binili to?" nakangiti niyang sabi. "Kagabi, buti inabutan ko pa bukas yun shop. Hindi kasi kita napakilig bago ka matulog, kaya naisip ko, ngayon umaga na lang ako babawi.." naka smile kong sabi. "Awwwwee.. Ang sweet mo Hon.. Thank you.." sabi niya sabay yakap sa akin. "Ayaw ko na rin kasi ipasuot sayo yun isa kong spare na helmet. Kung sino-sino nagsusuot nun e, kaya amoy nakaraan na. Hahaha.. At least eto, ikaw lang magsusuot niyan.. Amoy mo lang ang maiiwan jan.." biro ko. "Hhhhhmmmmm.. Oo na po. Napakilig mo na ako ulit today.." sabi niya sabay smack ng kiss sa lips ko. . "Good morning, ate, kuya.. Ang aga mo ah.." bati ni Eve na kakagising lang. "Good morning Eve.. Ganun talaga. Pag ganito kaganda nililigawan mo, aagahan mo talaga, baka maunahan ka pa ng iba.." biro ko dito. Napangiti na naman ito. "O ngingiti ka na naman mag-isa jan.. Alam mo, magpatingin ka na kaya.. Baka iba na yan.. " patuloy kong biro dito. Tawa naman ng tawa ang dalawa. . "Hahaha.. Ang aga aga, si Eve agad napagtripan mo. Pagkapehin mo muna yan Hon.. Eve, kayo na lang ni Cloude ipaghanda mo ng breakfast ah? Maaga kami aalis, sobrang traffic kasi baka malate na naman ako.. Natapos naman natin kagabi yun project niya di ba?" si Diana. "Opo ate, ipapass na lang niya mamaya. Tapos yun para sa weekend, yun picture ng how do you spend your time with your family na lang. Pero next week pa pasahan nun" update nito sa kanya. "Okay! Hon, magbabike kayo sa weekend diba? Sakto, yun na lang picturan natin.." suggestion niya. "Teka, bat ako? Di ba dapat kayong dalawa kasi family nga?" tanong ko. "Bat ayaw mo ba kaming maging family?" seryoso niyang tanong. "Siyempre gusto.." nangingiti kong sagot. "Yun naman pala e.. Umaangal angal ka pa diyan.. Hahahaha.." natatawa niyang sabi. At nakangiti na naman ng malapad sa Eve sa isang tabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD