Ms Dy EP 18
.
.
Maaga na nga kaming nakaalis ni Diana papasok ng office dahil sinundo ko siya. Pagdating namin ay halos wala pang tao sa loob.
"Wow! Ang aga nyo ah! Pagpatuloy nyo yan, you have positive effects on each other's behavior!" bungad ni beki.
"Ang aga naman niyan beks.. Hintayin mo naman muna maibaba namin gamit namin.." ganting biro ni Diana dito.
"Ay oo nga, sorry! Good morning officemates!" bawi nito.
At nagtawanan kaming tatlo.
.
Dahil sobrang aga pa ay niyaya ko muna si Diana na bumili ng coffee.
"Ay sama ako, pinarinig nyo sa kin ang plans nyo mag-asawa, kaya kelangan isama nyo ako!" si beki.
"Tara na, bilisan mo baka magbago pa isip ko!" natatawa kong yaya dito.
"Perfect!" sagot nito sabay yakap sa braso ni Diana na tawa naman ng tawa.
.
May isang oras din siguro bago kami nakabalik, pero sobrang konti pa rin ng tao sa office.
"Guys, mag ready na kayo. Kung kailangan nyo kumuha ng coffee, please do so. Maraming male-late dahil sa sobrang traffic. Me mga nagpaalam na rin na hindi makakapasok.
Pagtulungan na lang natin mga nandito yun loads natin.
Focus muna tayo, please," announced ng boss namin.
"Bakit sa akin ka nakatingin mother?" biro ni beki dito.
"Ay sayo ba ako napatingin, sorry, out of habit lang.." ganting biro nito.
Tawanan kaming lahat.
.
.
Kaya ganun nga ang nangyari. Lahat kami naging busy kaya walang magulo sa floor. Nagpabili na lng din ng lunch sila Boss para wala na lalabas para maglunch.
Kaya after ng shift ay exhausted kami lahat.
"Tsong, una na kami.. Sumakit ulo ko e.." paalam ng mga kasama ko.
"Sige tsong, ingat! Bukas na lng.." sagot ko.
.
Pagpunta ko ke Diana..
"Besh, una na ako sa inyo ni daddy.. nahihilo na ako sa ginawa natin today.." Paalam ni beki.
"Daddy?" natatawang tanong ni Diana.
"E nilibre niya ako ng coffee kanina, kaya siya na ang aking bagong sugar daddy. AAYY!!" biro nito.
"Hahahaha.. Baliw ka na besh.. Sige na, pahinga ka na.. Itulog mo na lang yan.. Ingat!" paalam niya.
"Babush!" paalam nito.
.
Pagkaalis niya ay saktong dating ko naman.
"Tara na?" tanong ko sa kanya.
"Hon.. Mas napagod ako today kesa kahapon.. Hahahah.." sabi niya sabay sandal sa aking ng ulo niya.
Hinimas ko naman ang mukha niya.
.
"Tara, uwi na tayo. Massage kita sa inyo. I still owe you, di ba?" alok ko sa kanya.
"Ay gusto ko yan, Hon. Tara na" sabi niya sabay ligpit na ng mga gamit niya.
"Boss, una na po kami! Bukas ulit!" paalam ko.
"Okay, thanks sa efforts niyo today! Ingat kayo pag-uwi!" sagot naman nito.
.
Pagdating ng parking ay kinuha ko agad ang mga helmet namin. Habang sinusuotan ko siya ng helmet ay diko mapigilan titigan ang maganda niyang mukha.
Ang ganda talaga..
Kahit pagod sa trabaho..
Parang ang sarap pa rin halikan..
"Bakit? Nagde-day dream kna naman jan.. Hahahaha.. Bilisan na natin, excited na ako sa massage" sabi niya.
"Ang ganda mo kasi.. Na tetempt ako i-kiss ka dito.." sabi ko.
"Mamaya na. Pag masarap massage mo, me kiss ka sa kin.." nakangiti niyang sabi.
"O e ano pa hinihintay natin dito? Umuwi na tayo at may naghihintay pa sa aking halik galing sa magandang binibini!" biro ko.
Tawa naman siya ng tawa.
.
.
Mabilis lang kami nakarating sa bahay nila dahil may alam akong mga dadaanan para makaiwas sa traffic.
"Wow, ang bilis lang pala ng biyahe pag nakamotor tayo Hon.. Sunduin mo na kaya ako araw-araw.." biro niya.
"Actually, that's my plan," nakangiti kong sabi.
"Hala, e kawawa ka naman.. Tapos uuwi ka pa sa apartment mo. Ang hassle nun Hon.. Ayaw ko.." tanggi niya.
"Diana, hindi ko naman iooffer sayo yun kung ayaw kong gawin. Gusto ko yun kasi mas matagal kitang makakasama.." sabi ko.
"E kahit na, baka hindi mo na magawa mga dapat mo gawin sa inyo.." tanggi pa rin niya.
.
"Wala naman ako masyadong ginagawa talaga dun sa apartment.. Kulang na nga lang, kausapin ko yun pagong at isda sa sobrang bored ko dun..
Saka bakit ba marunong ka pa sa akin?
Ikaw ba nanliligaw, di ba ako?" biro ko sa kanya.
"Ah ganun, edi ligawan mo sarili mo!" ganting biro niya sa akin.
.
"But seriously, let me do that. That way, I am sure na safe ka nakauwi and nakapasok ng office. And I also get to spend more time with the prettiest girl I know..." malambing kong sabi.
"Waaassshhhuuuu.. Pakilig pa more.." nakangiti niyang sabi.
"Sige na, basta sabihin mo lang pag me iba ka gagawin. Hindi naman kelangan araw araw mo ako sunduin. Wala ka obigasyon sa akin. At least, wala pa" patuloy pa niya sabay kindat.
.
Pagpasok namin sa kanila ay nandun sa sala sila Cloude at Eve habang gumagawa ng homework.
"Mommy!" masayang bati ni Cloude kay Diana sabay yakap.
"Hhhmmmm.. How's my baby? Natapos mo ba yun pinagawa ni teacher kanina?" tanong niya.
"Yes, mommy! Yun gawa ko nga nilagay ni teacher dun sa board namin e" pagbibida nito.
"Hi Tito! 3 days na lng, weekend na ha, don't forget!" paalala nito sa akin.
"Of course! I wouldn't miss it, buddy," sagot ko dito ng nakangiti.
"O sige, tapusin nyo muna ni Ate Eve mo yan ah, magluluto muna kami ng dinner natin sa kitchen" paalam nito.
.
Sa kusina, inihanda muna ni Diana yun mga gagamitin namin sa pagluluto.
"Hiwain mo muna to, Hon. Ako mag titimpla mamaya. Magbibihis lang muna ako" utos niya sabay kiss ng mabilis sa lips ko.
Mabilis ko namang hinapit ang bewang niya saka hinalikan ko siya ng malalim.
After a few seconds ay bigla niya ako hinampas ng mahina.
"Ikaw talaga Hon! Anjan lang si Cloude oh! Pag nakita tayo niyan, yari tayo ke Tatay!" halos pabulong niyang sabi.
"Sorry na, di ko natiis e.. Sige, bihis ka na" mahina ko ring sabi sabay tapik sa paborito kong pang upo niya.
"HON!" mahina niyang awat sa kin.
.
.
After kumain ay pumunta na kami sa sala. Nanood ng cartoons si Cloude habang magkatabi kami ng mommy niya sa sofa.
"Gusto mo na nang massage?" tanong ko.
"Ay sige, please?" malambing niyang sabi.
.
Kumuha siya ng stool na medyo mababa para nasa harap ko siya at abot ko ang buong likod niya.
"Ayannn.. Ang sarap Hon.. Dito pa sa gilid ng shoulder baldes papuntang spine.. Ayyyaaannn... That's the spot.." ungol niya habang tinuturuan ako ng gusto niyang pagmamasahe.
"Tito, can I go next? Masakit din back ko, ang dami namin sinulat sa school.." angal ni Cloude.
"Sure, after your mommy, I'll massage you next," sabi ko dito.
.
Ilan minutes pa lang..
"Matagal pa ba yan, Tito? Ako naman po.." tanong niya ulit.
"Baby, it's still mommy's turn. Wait for your turn, okay?" saway ni Diana dito.
"Yes, mommy.." parang nalungkot na sagot naman ng bata.
"Hey Cloude, I'll tell you what. Gusto mo ako muna massage mo habang hinihintay mo matapos si mommy mo? Massage mo ako, tapos massage ko si mommy mo. Tapos, we'll take turns. Gusto mo yun?" aya ko dito.
"Sige po!" sabay akyat nito sa sadalan ng sofa at nagsimula niyang gayahin ang ginagawa ko kay Diana.
"Ang galing mo dun ah.. Napatigil mo agad yan sa pangungulit.." puri niya sa kin.
"Siyempre naman, kami pa.. Di ba, buddy?" sabi ko sabay fist bump sa bata.
.
Maya maya ay nakita namin si Eve na kinukunan kami ng picture..
"Huy ano yan?" takang tanong ni Diana dito.
"Sorry, ate. Sabi kasi ni Nanay, picturan ko daw ang ginagawa niyo pag andito si kuya.
Namimiss daw kasi niya kayo.. Hahaha.." tumatawa nitong paliwanag.
"Ang galing mo rin pumili ng moment no, Eve. Ngayon pang para kaming mga matsing na nagkukutuhan ang napili mo.." biro ko dito.
"ang cute nyo nga e.." sagot naman nito habang tawa ng tawa.
.
.
.
Yun mga sumunod na araw ay ganun pa rin ang aming siste. Susunduin ko siya sa umaga, tapos sabay kami papasok sa office. Ihahatid ko siya sa gabi, magdidinner sa kanila tapos uuwi na ako.
Kaso come Thursday night, ang lakas bigla ng ulan. Buti nakauwi na ako bago bumuhos.
"Paano yan Hon pag di tumigil ang ulan? Mukhang me bagyo pa naman.." nag-aalalang sabi niya habang magka VC kami.
"Hhhhmmmm.. Let me worry about that.. Basta magready ka na lng nang mas maaga ng konti pag malakas ang ulan.." sagot ko.
"Dadalhan mo ako ng raincoat? Dala na rin kaya ako ng pamalit, sa office na ako magbihis?" suggestion niya.
"Pwede naman, kung gusto mo. It's up to you" nakangiti kong sabi.
"Me pinaplano na naman to si Mr. Pakilig.. Hahahah..
Pwede naman natin dalhin yun sasakyan dito.." alok niya.
"Wag na, makikita sa office, sasakyan mo dala natin. Baka sabihin pa nila, sugar mommy kita.." biro ko.
"Hoy kapal mo! Ako sugar mommy??!! Excuse me.. Hahahah.." sakay niya sa biro ko.
.
"Basta wag ka na magworry about it, okay? Napahiya ka na ba sa akin?" biro ko ulit.
"Hahahaha.. hindi pa, baka bukas pa lang.." pangaasar niya sa kin.
"Ah ganun ha.. E pag nagawan ko ng paraan na di natin gagamitin sasakyan mo, bibilib ka na sa akin?" hamon ko.
.
"Sus.. Hon, kahit wala ka na gawin, bilib na ako sayo.. Saglit pa lang nga tayo magkasama, ang dami mo na ginagawa na nakaka amaze.. Mas naaattract ako sa character mo at kung paano ka makisama sa mga tao kesa sa kung ano material things ang meron ka.." nakangiti niyang sabi.
"Wow.. Parang ako naman ang kinilig dun.." sabi ko.
"Akala mo ikaw lang marunong niyan? Kaya din kita pakiligin no.. Hahahaha.." natatawa niyang tugon.
"Alam ko naman.. Saka minsan, kahit kindat mo lang or ngiti, kinikilig na ako e.. Di mo na kelangan mag effort.." sabi ko naman.
"Wassshuuu.. Pero seriously, namimiss na kita kasama, Hon.." sabi niya.
"Huh? E araw araw na nga tayo magkasama.. Gusto mo na ba tayo mag live-in? Tara na.." biro ko sa kanya.
.
"Hindi, baliw ka.. I mean magkasama nga tayo araw araw, hindi naman kita masolo.. Laging me mga tao.. Ni hindi kita mahug pag gusto ko.." malambing niyang sabi.
"Hhhhhhmmmm.. I get you.. Ako din naman.. Namimiss ko yun weekend natin na tayong dalawa lang talaga. Me sarili tayong mundo..
I can kiss you whenever I want.. Hold you however I want..
Touch you wh-" di ko natapos dahil tumikhim siya bigla.
"Uhhuurrmmm" natatawa niyang tikhim.
"Touch you where you let me.." biglang kambiyo ko.
Tawa naman siya ng tawa.
"I miss that too.. " malambing niyang sabi.
.
"Alam mo kung ano pinakanamimiss ko? Yun weight mo pag nakadagan ka sa kin.. Yun parang iisa lang ang katawan natin.. Not in a s****l way ah.. Baka sabihan mo na naman akong manyak.." sabi ko naman.
"Hahahaha.. Pero ako din. Ang sarap kaya ng tulog ko nun nakadagan ako sayo mo after ng massage.. Bago mo ako minanyak nun umaga.. Hahahahha" malambing tapos bigla niyang bawi.
"Hahahaha.. Akala ko pa naman lusot na.. HHhhhhhmmm... I miss you Diana.. " seryoso kong sabi.
"I miss you too.." malambing niyang tugon.
"Sleep na tayo Hon.. Para pag gising ko, andito ka na.. Gusto kita kagatin.. Hahahah.." sabi niya
"Okay.. Goodnight, Diana. I'll see you tomorrow.. I love you." sabi ko.
"I love you too.." sabi niya bago ibaba ang tawag.
.
.
Kinaumagahan, mga 6:30 am pa lang ay nandun na ako sa kanila.
"Good morning Hon.. Pasok ka muna. Wait mo ako, bibihis lang ako. Pinaggawa na kita ng coffee.." bungad niya sa akin.
"Thanks.. Sige bihis ka na. Gusto ko yun magandang dress.." biro ko.
.
"Ngek! Dress e umuulan nga, naka motor pa tayo.. Baliw ka no? Hahaha.." natatawa niyang tugon.
"Bat nga pala naka ganyan ka.. Ang gwapo mo today ah! Akala mo naman hindi mababasa ng ulan.." pang aasar pa niya.
"Basta bilisan mo na.." natatawa ko namang tugon.
.
Ilang minuto lang ay lumabas na rin siya. Naka simpleng fitted pants saka poloshirt ng office.
Reading ready sumabak sa ulan.
.
"Tara na?" tanong ko.
"Sure ka ganyan suot mo? Asan jacket mo? Saka helmet natin?" takang tanong niya habang nagsusuklay.
"Helmet? Baka hulihin tayo ng enforcer. Driving without motor. Hahahah.." tumatawa kong biro sa kanya.
"Hahahaha.. Hindi tayo mag momotor? Yun sasakyan ba dadalhin natin? Kunin mo na susi, dun sa sabitan.." sabi niya.
.
"Wag na yun, dalawa lang naman tayo e. Yun car ko na lang" mayabang kong biro sa kanya.
"Weh? di nga, me dala ka car?" sabi niya sabay silip sa labas.
"Wow ang pogi ah! Sa yo yan? Angas! Mas dadami maiuuwi mong chicks nyan.." biro niya sa kin.
.
"Hahaha.. E bat gugustuhin ko pa ng maraming chicks, e nandito na yun pinakamaganda. Sayo pa lang, ako na ang grandslam champion.." lambing ko sabay yakap sa kanya.
"Hhhhmmmmmm... Kaya pala ang gwapo mo today ah.." lambing din niya sabay halik sa kin.
.
"Ay wait, ang daya mo. Magpapalit ako ng suot. Dapat maganda rin ako. Hahahaha.." magiliw niyang sabi
"Huh? Bakit hindi ka pa ba maganda sa lagay na na yan?" sabi ko.
"Basta. Wait ka lang jan" sabi niya sabay kindat.
.
Just a few minutes after ay lumabas na siya ulit. This time wearing a really nice office dress na talaga namang nagpanganga sa kin.
"Oh, laway mo, sir. Ako lang to.. Hahahah.." biro niya.
.
Eto yun MS Dy na nagpapalaglag ng mga panga ng mga kalalakihan sa office..
Hindi ko masyado nakikita lately dahil lagi kaming naka motor.
"Wow! Just wow.." wala ako nasabi at lumapit lang sa kanya bago hinawakan ang bewang niya.
"Do you like it?" masaya niyang tanong habang humamak sa batok ko.
"Yes.. I love it.. Sobrang ganda mo Diana.. Can I kiss you?" malambing kong paalam sa kanya.
"Yes you may.." nakangiti naman niyang tugon bago tinanggap ang halik ko.