Ms Dy EP 19

2204 Words
Ms Dy EP 19 . . Habang nagdadrive kami papasok ng office.. "So, sayo talaga to?" tanong niya. "Well, sort of. Magulo e.." sabi ko sa kanya. "HHmmmm... mahaba pa naman biyahe natin.. Kwento ka na Hon.." request niya. . "Ganito kasi yun, sila pareng Loy, mag mamigrate na to New Zealand. E mahal na mahal niya tong oto. Hindi niya raw kaya iwan kung kanino lang. Ayaw naman niya ibenta. Kaya sa kin na lng daw niya iiwan. Basta daw alagaan kong mabuti. Kaya yun. Magulo ba? Basta yan yun gist. Hahahaha.." sabi ko. . "Magulo nga yan Hon, e pag me nangyari dito, baka mapahamak ka" nag aalala niyang tugon. "Kilala ko naman yun si Pareng Loy, parang kapatid ko na yun. Saka inaanak ko tatlong anak nun. Imagine, lahat yun 3 ginawa niya akong ninong. Binalewala niya rules ng tradition para maging ninong ako ng lahat ng anak niya. Hahahah.. Tropa ko kasi yun mula bata pa kami. Sabay na kami lumaki, kasama rin iba pang tropa. Saka tuwing magigipit sila noon, ke Itay sila lumalapit. Hindi siya napapahiya sa kin. Kaya siguro mas may tiwala siya sa kin kesa mga kamag anak niya na kilala lang sila pag me pera sila. Kilala ko rin tong oto na to, marami rami na rin kaming napuntahan sakay nito.." kwento ko sa kanya. . "Okay. Alam ko naman na alam mo ginagawa mo. At least me service ka na pag hindi mo pwede gamitin motor mo.." sabi niya. "Tayo. Me service na tayo. Sino pa ba isasakay ko dito kundi tayo nila Cloude.." nakangiti kong sabi. "Okay na po tayo na.. HHhhhmmmmm... Thanks, Hon.." sabi niya. "Thanks saan? E sinusundo naman talaga kita.." nagtataka kong tanong . "Hindi yun.. Thanks kasi laging kasama si Cloude sa mga ginagawa mo for me.. Hindi kaya lahat ng guys ganyan.." mahina niyang sabi. "E siyempre, pag gusto kita mainlove sa kin, dapat pati sila. Ano gagawin ko kung inlove ka nga sa kin, galit naman sa kin family mo. Ano yun, magtatago ako lagi sa family gatherings?" dinaan ko sa biro ang gusto kong sabihin sa kanya. "Hahahaha.. hindi naman.. Basta.. You never fail to make me smile every day.. Thank you.." malambing niyang sabi. "You don't have to thank me for that.. Ginusto kong gawin yun.. Ako nagdecide para gawin yun.. And if you still don't get it.. Doing things that make you smile also makes me happy.. Ang sarap mo kasing tingnan pag masaya ka.. And gusto ko ituloy na pasayahin ka hanggat kaya ko.." nakangiti kong sabi. "Aawwwweee.. Akala ko tapos na ko sa pakilig mo.. hhhhmmmmm... " sabi niya sabay yakap sa braso ko. . . Pagdating namin sa office, medyo marami na rin tao. "Wow! Pak na pak ang newly wed couple natin!" bungad agad ni beki. "O diba, ang gwapo ng daddy ko? Dati pa poloshirt poloshirt lang, ngayon naka long sleeves na! Ang lakas maka manager! Kaya kayo guys, pag gusto niyong makabingwit ng kasing ganda ni beshie ko, ayusin nyo din ang porma niyo no! Manliligaw kayo, every week niyo naman suot yun shirt niyo.. Ano to, lima lang ang tshirt??" biro nito. . "Ang aga mo na naman bumangka jan beks! Pagkapehin mo naman muna mga tao dito, para kang AM sa radio!" asar ng boss namin na kakadating lang din. "Hahahaha.. Binibigyan ko lang sila ng tips mamshie.. Kaya wala akong sinasagot sa mga yan kasi wala silang fashion sense!" patuloy ni beki. "Baka walang nanliligaw sayo kasi napaka ingay mo! Try mo kaya magpa demure, baka maligawan ka na dito.." asar pa nito. "Ay ganun ba.. Sige try ko yan.. Pag wala pa rin nanligaw sa kin mamshie, ikaw ang sisingilin ko!" biro pa rin ni beki na ikinatawa ng mga kasama namin. . Pagkaupo ko sa desk ko ay lumapit si Diana sa akin. Nag sesetup pa lang ako ng station nun. Napanganga naman ang mga tropa ko sa bay namin dahil sa ganda ni Diana. "Asan yun travel mug mo? Gawan kita ng coffee.." offer niya sa akin. "Huh?!" takang tanong ko naman dahil nabigla ako sa ginawa niya. "Hahaha.. yun mug mo.. kukuha ako ng coffee, kuha na rin kita" malambing niyang sabi. Inabot ko naman sa kanya nang hindi nagsasalita. . Pag alis niya ay kanya kanyang kantiyaw ang mga kasama ko. "Ang haba ng pubic hair mo sa kili kili idol!!!" sabi ng isa. "Panalo! Kartada diyes ang nadale!" yun isa pa. "How to be you po?" yun pangatlo. "Mga siraulo. Bumabawi lang yun si Ms Dy dahil tinulungan ko siya nun monday diba?" palusot ko. "E bat ka namumula?" asar ng isa ulit. "Rosy cheeks talaga ako, ganyan talaga kaming mga tisoy! Wag na nga kayo jan! Wala pa ba kayong mga load?" iwas ko. . "Kaya pala sabay ko kayong nakitang bumaba sa isang blue car.. The plot thickens.." pang aasar ng isa pa. "Ooooooowwwww.." sulsol ng ibang nakikinig. . "Hahahah.. mga siraulo kayo. Magtrabaho na tayo. Friday ngayon, bilisan natin para makauwi ng maaga" sabi ko. "Oo nga naman.. Masarap umuwi ng maaga lalo pag me kasabay ka sa blue car.." patuloy niyang pang aasar. "Tigilan mo na yan dre, baka mapikon na si idol, hindi na magdala ng foods yan.. Or magdadala, hindi ka kabilang.. Hahahaha.." sabi ni kuya, yun me edad na namin kasama. Sabay sabay naman kaming nagtawanan. . "Here you go! Enjoy your coffee!" masaya sabi ni Diana sabay abot ng mug. Tulala na naman ang tropahan pagdating niya. "Thank you.." nahihiya kong sabi na nginitian lang niya. "Hoy nakanganga ka pa! Sinasabi ko sayo, babatukan kita!" biro ko sa kasama kong tulala. Natawa naman si Diana saka bumalik sa desk niya. . "Tsong seryoso, kayo na ba?" tanong nito nang nakaalis na si Diana. "E bat ako tinatanong niyo, e manliligaw lang ako. Tanungin niyo kaya siya kung sinasagot niya na ako para malaman niyo!" natatawa kong biro. "Ayaw pa kasi sabihin, para namang di tropa.." tampo pa nito. "Hoy, gawin mo na yun pinapagawa ni boss kesa nakikialam ka sa buhay nila.. Kalalaki mong tao, chismoso ka. Magbabago ba buhay mo pag naging sila?" biro ni kuya dito. Natawa naman si mokong at bumalik na sa trabaho niya. . . Lunch time.. Her: Hi Hon! Tapos ka na? Lunch na tayo? Me: hindi pa eh.. If you'd like, you can go ahead. Baka matagalan pa to.. Her: awwwee.. I can wait for you.. =) Me: That's okay. Madami pa to e.. Sige na, mag lunch ka na. Sabayan mo na sila. Sabay naman tayo uuwi mamaya. ^_^ Her: Okay.. pero wag ka magskip ng lunch ah.. Me: Yes po, tapusin ko lang to, then kakain na rin ako. ^_^ . Late na ako nakapag lunch kaya wala na ako nakasabay. Pabalik ko sa office ay may message si Diana sa akin. Her: Hon! Kumain ka na? Me: yep, kakatapos lang, why? Her: wala naman. tapos na kasi ako sa load ko =) Me: nice! wala na rin ako gagawin e.. punta ko jan? ^_^ Her: wag na, mamaya na lang. Pag titripan ka na naman ni beki dito.. Me: okay lang. mabait naman yan, makulit lang. Her: She calls you daddy. hahahaha Me: alam ko, narinig ko kayo the other day. Her: okay lang sayo? baka kung ano isipin dito sa office? Me: Let them think what they want to think. wala naman tayo control dun. Let's just mind our own business.. ^_^ Her: hhhhmmmmm... I like that mindset, Kaya love kita e.. MWAH!! . Ilang minutes pa.. Her: Hon, sabay daw siya pauwi kasi same way naman tayo. Me: Okay lang sa kin, kung okay sayo.. Her: Sure ka? Me: yep, not a big deal. kung dun din naman talaga way natin, why not. wala naman nakaupo sa likod.. Her: I knew you'd say yes.. Hahahah.. wag ka mag alala, singilan natin ng pang chip in sa gasoline tong baklang to. Me: No, it's okay. magpapagas rin naman talaga tayo, kahit sumabay sila or hindi. Her: Okay.. If you say so.. See you later, me dinagdag lang si boss sa akin.. Me: Okay! ^_^ . Nun uwian na ay lumapit din si kuya sa akin. "Tsong, same way pala tayo, sabay na ako sa inyo, chip in na lang ako sa gas. Grabe trapik nitong nakaraan araw e, ang mahal naman pag nag grab or angkas ako.." pakiusap nito. "Tara kuya, sabay ka na. Sabay din namin si beki. Tago mo na yan, pang dagdag mo na sa mga anak mo yan" nakangiti kong sabi. "Ay, salamat! Nakakarami ka na sa kin.. baka mainlove na ako sayo niyan.." biro nito. "Hahahhaha.. Siraulo ka kuya, di tayo talo!" nagbading badingan pa ako na ikinatawa namin pareho. . . Pagkaout ay sabay sabay na kaming pumunta ng parking. "Para tayong one big happy family! Me daddy, me mommy, me baby, saka me lolo!" pang aasar ni beki ke kuya. "Wag mo akong simulan, baka isiwalat ko mga nalalaman ko tungkol sayo.." biro naman ni kuya. "At ano naman yan?" tanong ni beki. "Ahhh.. sige.. simulan natin ke roger, the maintenance.. tapos si bong the guard.." patuloy niyang biro. "AAAYYYYY!!!! tigilan mo yan kuya.. masisira ang reputasyon ko!!!" nagtititiling saway ni beki dito. Nagtawanan naman kaming lahat. . Habang biyahe ay masaya lang kaming nagkukwentuhan. "Naalala niyo pa si Arnold, yun tirador ng kahit ano?" paalala ni kuya. "Yung klepto yun diba? pati dental floss hindi pinatawad.." patawa ni beki. "Di ba diagnosed siya as clinical kleptomaniac?" paniniguro ni Diana. "I think so, yes. Kaso as a business, mahirap isugal yun, unless mapatunayan mong okay ka na.." sagot ko. "E si Bonjing, yun lahat na lang pinagpantasyahan?" sabi ko naman. "Sino yun?"tanong nila Diana at beki. "Ahhhh... naaalala ko yun! Yun pati yung nakaoverall sa annual med, pinagpantasyahan? Hahahaha.. Grabe yung isa na yun walang patawad.." kaming dalawa lang ni kuya ang natawa dahil for the boys yun kwento na yun. . . Ganun lang kami buong biyahe.. Masaya, nagrereminisce ng mga nawala nang kasama. Pagkababa ng dalawa ay bigla akong niyakap ni Diana sa braso ko. "Alam mo Hon, habang tumatagal talaga, lalo akong humahanga sayo.. Kada kwentong marinig ko, laging ikaw ang bida.. Kung hindi ko kilala yun mga nagsasabi, I'd say na you're too good to be true.. Lalo tuloy nahuhulog ang loob ko sayo.." malambing niyang sabi. Napangiti naman ako. . "I'm glad.. Pero I'm just being me.. Gusto ko kasi, people will like me for who I truly am.. Parang ikaw din.. Mas nagustuhan kita nun nakilala ko na ang tunay na ikaw.. Hindi yun Ms Dy na pinagkakaguluhan ng mga lalaki sa office.. Yun Ms Dy na pantasya ng bayan.. Mas nagustuhan ko si Dayang.. Yun ikaw mismo.. Yung hindi lang maganda dahil mesmerizing ka sa mga outfit mo.. Mas gusto ko si Dayang na walang makeup.. Si Dayang na hindi nahihiyang kumain ng fishball.. Si Dayang na mapagmahal sa magulang.. Ikaw na hindi ikinakahiyang me anak sa pagkadalaga.. Si Dayang na kayang aminin sa akin ang weakness niya, at kaya ko ring sabihin ang kahinaan ko ng walang pag-aalinlangan.. I love the genuine you, Diana.. And that's why I love you," sabi ko. "Awwweee.. Hon.. You're making me cry..." sabi niya and true enough, may luha nga sa mata niya. . "Hey.. Bakit may tears?" malambing kong tanong. "Ikaw kasi.. I've never felt so loved before.. Tapos ever since pumasok ka sa life ko.. Feeling ko special ang kada araw ko.. Kasi andun ka... And you'll make sure that I'll feel special.. These are tears of joy, Hon.. Thank you.. Sana hindi ka magsawa.." mahaba niyang paliwanag. . Itinabi ko saglit yun sasakyan para makafocus ako sa kanya. "I'm glad, Diana.. I'm glad that I can make you happy.. But I hope hindi lang to ngayon.. Just like you, I'm afraid that one day, I'll just wake up na panaginip lang pala lahat ng ito.. Kaya every chance I get, gusto ko andun ako.. Gusto ko, maibibigay ko lahat ng kaya ko.. Gusto ko pag gising natin bukas.. Ikaw pa rin ang kasama ko.. I love you, Diana.. I really do.. Ayoko ng isang weekend stand lang.. Gusto ko pang habambuhay.. And ayoko ng ikaw lang, gusto ko, kasama buong pamilya mo.. Di ba sabi mo, you want to do this right? Iyon din ang gusto ko.. I want to be with you until my life is through.. I love you, Diana.." seryoso kong sabi. "Huhhuhuu..." bigla siyang humagulgol sa braso ko. . "Ang daya mo Hon.. Sabi mo hindi mo ako papaiyakin... E bat pinapaiyak mo ako ngayon.. Huhuhhu.. Thank you.. Sobrang thank you sa lahat ng ginagawa mo para sakin.. Para sa family ko... Lalo na ke Cloude... Thank you, Hon... And I love you.. I love you too.. Huhuhhu.." hagulgol pa rin niya. . "Hey.. stop na.. I know you are overwhelmed, ako din naman.. Pero nasa gitna tayo ng kalsada.. People are looking.. Baka iniisip nila nag totorrid kissing tayo dito sa gitna.." biro ko para kumalma na siya. "Huhuhu.. Siraulo ka talaga.. But I love you.. I love you, you crazy guy.." pinipilit niyang tumawa kahit me luha sa mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD