Ms Dy EP 8

2140 Words
Ms. Dy EP 8 . . Matapos kaming kumain ay nagpumilit siya na siya na ang magliligpit at maghuhugas. So I took the time para makaligo at makapagbihis. Buti meron akong dalang damit lagi sa motor ko. Boyscout ata to. Lol. Habang naliligo ay hindi ko mapigilan isipin kung ano nga ba ang ginagawa ko dito. Alam kong attracted ako kay Ms Dy, pero hindi ako sure kung totoo ba to or baka naman kaya ko lang nararamdaman to ay dahil kaming dalawa lang ang magkasama dito. Hindi naman siguro impossible ma-fall ako sa kanya kasi maganda naman talaga siya. Ubod pa ng sexy. Mabait, masipag sa trabaho, matalino. Saka nakakasabay siya sa mga jokes ko na kung minsan, hindi gets ng iba. Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi. . "Totoo kayang nangyari yun? Or lasing lang ako at naimagine ko lang yun?" tanong ko sa sarili ko. Bumalik sa alaala ko kung paano namin pinagsaluhan ang maiinit naming halik.. Kung paano ko siya pinaligaya gamit ang aking mga kamay at labi.. At kung paano niya yun sinuklian.. Tumigas tuloy ang hindi dapat tumigas habang nagsasabon ako ng katawan dahil sa isiping iyon. . . Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako ulit. Naabutan ko siyang nakaupo sa sala, nanood ng tv. At dahil naka kamison lang siyang pambahay ay litaw na litaw ang ganda ng legs niya. Mahaba at napakakinis. Parang pang pageant ang biyas ni Ms Dy! "Nakaligo ka na? Tara, join me." yaya niya sabay usog ng konti para magkaespasyo sa tabi niya. Pagkaupo ko sa tabi niya ay agad siyang sumandal sa balikat ko. "Hhhhhmmmm... Ang bango naman.. amoy safeguard.. " asar niya sa akin. "At least bagong ligo na. Bakit, mas gusto mo ba yun amoy ko kanina? Hahaha.." biro ko naman. "Well, hindi ka naman mabantot kahit pinawisan ka sa pagluluto. Saka for some reason, gusto ko yun amoy ng pawis mo. Hindi mabaho. Hahahaha.." sagot niya. "Sus.. nambola pa.. Hahaha" sabi ko sabay pisil sa ilong niya. Nagmangot naman siya kunyari pero hindi inalis yun kamay ko sa ilong niya. "Ang ganda mo kahit nakasimangot ka no?" nakangiti kong sabi. "Naman! Kaya swerte mo.." pilyang tugon niya. Dumukwang naman ako sa kanya para kunyaring kakagatin ang ilong niya. "AAAaaahhhh!" kunyaring ring pag-aray niya. . Tinitigan ko siya sa ganoong posisyon. Halos magkadikit na ang mga mukha namin. Kulang na lang maghalikan kami. "You are so beautiful, Ms Dy.." seryoso kong sabi habang nakatitig sa mata niya. "Thank you.." masaya niyang sabi habang nakangiti ng ubod ng tamis. "I really want to kiss you, pero I know we have our rules.." parang nagpapaalam kong sabi sa kanya. "Me too.." sagot niya habang hinahaplos ang mukha ko. . . "Maybe it wouldn't be the worst idea if we share just one more kiss.." nakangiti niyang sabi. Hindi na ako sumagot, inilapit ko na ang labi ko sa kanya para halikan siya. Pero bigla niya inilagay ang hintuturo niya sa labi ko. "Just one kiss, okay?" sabi niya. "One kiss.." paniniguro ko sa kanya. . At naglapat na nga ulit ang mga labi namin. Parang sabik na sabik sa isa't isa.. Mainit.. Maalab.. Punong puno ng pagnanais na wag nang magkahiwalay pa.. Napakasarap talagang angkinin ng mga labi niya.. Habang nadadarang kaming dalawa sa sarap ng aming pinagsasaluhan ay dahan dahan na rin gumalaw ang aking mga kamay.. Sinalikop ko ang likod ng ulo niya para siguraduhing hindi magkakahiwalay ang mga labi namin.. Saka ko siya dahan dahang inihiga sa sofa. . Ipinagpatuloy ko ang paghalik sa kanya habang marahang gumagalaw ang kamay ko para himasin ang makinis niyang hita.. Una ay sa may bandang likod lang ng tuhod niya.. Pero habang tumatagal ay tumataas na ang aking himas paangat sa laylayan ng kanyang kamison.. Tumagal muna ako doon ng ilang sandali para pakiramdaman kung pipigilan niya ako. "Hhhhhhmmmmm.." ang tanging tugon niya habang patuloy kaming naghahalikan. Kaya lumakas ang loob ko para pagapangin pang muli ang aking kamay paakyat sa loob ng suot niya.. Hanggang maabot ko na ang pinanggigigilan kong pang-upo niya. Pinisil pisil ko iyon ng marahan sa labas ng panty niya. . "Hhhhhmmmmmm" mahina niyang ungol. Ibinaba ko ang halik ko papunta sa leeg niya.. "Oooohhhhhh.... Wait.. wag jan.." awat niya sa kin. Nakatitig sa akin ang namumungay niyang mata na parang nakikiusap. Naintindihan ko naman siya. "Come here.. Just kiss me in my lips again.." anyaya niya. Kaya muli kong sinakop ang kanyang mga labi.. Habang ang mga kamay ko'y kuntentong humihimas sa makinis niyang hita hanggang puwetan.. . Nagtagal pa ang halikan namin ng ilang minuto bago siya kumalas na parang kinapos ng hininga. "Grabe namang one kiss yun.. Pang sampu na ang katumbas.." natatawa niyang sabi. "Ang sarap mo kasing halikan, Ms Dy. Kahit ilang oras, gagawin ko. Hahahaha.." tugon ko naman. "Hahaha.. Baliw ka.. Baka matuyuan na tayo ng laway. Alis na jan at tumutusok na yun junior mo sa kin. Baka mabutas na brief mo sa tigas niyan. Hahahaha.." biro niya. Nahiya naman ako kaya umalis na ako sa pagkakadagan ko sa kanya at umupo ulit nang maayos. "Ang cute mo pag nacoconscious ka no? Bigla kang namumula.. Hahahaha.." pang aasar niya sa kin. Lalo naman akong namula. . Umupo na rin siya ulit pero yumakap sa bewang ko sabay sandal sa kin. Kaya inakbayan ko siya. "Thank you.." mahina niyang sabi. "For what?" tanong ko sa kanya. "For not violating our rules. Pwede mo naman akong manyakin dito, for sure, hindi kita matatanggihan. Pero you chose to uphold yung pinagusapan natin.. Naappreciate ko yun.." nakangiti niyang sabi. "Hhhhhmmmmm.. Siyempre, I don't want to force you to do things you don't want to do. Gusto ko, tuwing me gagawin tayo, ginusto natin pareho. Sabi mo nga di ba, if we're going to do this, gawin natin ng tama. I can wait. Saka andito ka lang naman sa tabi. I'm good with that.." sagot ko. "HHhhhhhhmmmmm.. Kakakilig naman yun.." sabi niya sabay mabilis na halik sa pisngi ko. "Pag ako nainlove sayo tapos sinaktan mo lang ako, sinasabi ko sayo.. Mag-aaral ako mangulam.. Hahahaha.." biro niya. "Pag sinaktan kita, di mo na kelangan gawin yan. Ako na mismo gagawa dahil siraulo na ako sigurado pag ginawa ko yun." sagot ko. Niyakap niya ako ng sobrang higpit na parang nanggigigil. "Siguraduhin mo lang." nakangiti niyang sabi. . Nasa ganun kaming sitwasyon nang biglang tumunog ang doorbell. Agad naman tumayo si Ms Dy para tingnan kung sino ang dumating. Biglang parang nagdilim agad ang aura niya. Dumiretso siya sa pinto sabay bukas nito. "ANO GINAGAWA MO DITO??!!" galit niyang tanong sa dumating. "Anong gamit?? Sige kunin mo na lahat ng gamit mo dito para wala nang usapan pa." matigas niyang sagot. . Biglang pumasok ang isang lalaking medyo mas matangkad sa akin. Halata rin ditong nagwowork out dahil maganda ang hubog ng katawan. "AAhhhhh.. Kaya naman pala wala kang kapalag palag kanina nun nag break tayo, me kapalit na pala ako agad. Ayus ka rin ah!" sabi ng lalaki. "Hoy, ikaw ang nakipag break sa akin! At kasama mo pa sa labas ang malandi mong kabit! Tapos ikaw pa mag eeskandalo rito? Kunin mo na mga gamit mo at umalis ka na!" galit na sabi ni Ms Dy. "Ikaw ba ha? Ikaw ba ipinalit sa akin nitong babaeng to?" tanong nito sa akin habang dinuduro ako. Hindi naman ako sumagot para hindi na mag escalate at hinayaan lang si Ms Dy sa gusto niya sabihin dito. . "Hindi ko siya BF, para sa ikakapanatag ng loob mo! Buti pa nga yan, nandito at dinadamayan ako! Hindi tulad mo, ikaw na nagloko, ikaw pa matapang na isama ang babae mo rito sa bahay ko! Umalis ka na! Di kita kailangan!" nang gagalaiti na sa galit si Ms Dy. "Hoy, wag mo akong sigaw sigawan ah, kanina pa ako nagtitimpi sa yo! Alam mo kung bakit tayo umabot sa ganito! At wag mong idamay yung kasama ko dito! Baka gusto mong tamaan sa akin!" sagot naman ng lalaki. Naramdaman kong medyo hindi na maganda ang nangyayari kaya pumwesto na ako para siguradong mapoprotektahan ko si Ms Dy kung me gawin man si loko. . "Oh, anong tinatayo tayo mo jan? Baka ikaw ang upakan ko! Wag kang haharang sa dinadaanan ko!" singhal nito sa kin. "Hoy ang kapal ng mukha mo, wag siya ang awayin mo! Kunin mo na ang kailangan mo at umalis ka na! Tatawag talaga ako ng pulis!" sabi ni Ms Dy. "At pinagtatanggol mo pa tong gagong to?" duduruin niya sana ako ulit pero di na ako nakapagtimpi. . Isang solid na straight sa mukha ang tumama dito kaya tumumba siya palabas ng pinto. Tatayo pa sana siya pero inunahan ko na nang tadyak sa sikmura bago makabangon. Alam kong argabyado ako dito pag nakatayo kaya hindi ko na pinagbigyan. Sunod sunod na tadyak ang pinakawalan ko sa ulo at sa katawan niya. Tinadyakan ko pati gulugod para mahirapan siyang makatayo kung sakali. "Tama na! Tama na!" umiiyak na sumugod ang babaeng kasama nito. Paglingon ko ay may luha na rin sa mata ni Ms Dy kaya tinigilan ko na. Sa labas ng bakod nila ay may mga tao na ring nakikusyoso. Parating na rin ang ilang guard ng subdivision nila sakay ng tricycle. . "Ano po nangyari dito ma'am? tanong ng guard kay Ms Dy. "Palabasin niyo yang lalaking yan, wag nyo na ulit papapasukin dito yan!" galit niyang sabi. "Tara po sir, escortan na po namin kayo palabas.." alok na tulong nito sa lalaking duguan. Hinawi naman nito ang kamay ng guard at pinilit tumayong mag-isa. Inalalayan na lang ito ng kasama niyang babae. . Pagkaalis ng mga ito ay dahan dahan na rin nag alisan ang mga tao. Binalingan ko si Ms Dy na parang nanginginig pa sa nangyari. "Are you okay, Ms Dy?" nag aalala kong tanong sa kanya. "I'm good. Thank you sa pagligtas mo sa kin. Sorry nadamay ka pa sa gulo.." mahinang tugon niya. "Okay lang yun, alangan namang pabayaan kita? Tara na muna sa loob para makaupo ka." saka ko siya inalalayan para makapasok sa bahay. . Tuluyan na siyang umiyak nang nakaupo na kami ulit sa sofa. Yumakap siya sa kin habang humahagulgol. "Bakit siya ganun? Parang siya pa ang matapang? Siya pa ang galit? Dinala pa dito ang babae niya!! Ang kapal ng mukha niya!!" hagulgol niya dahil sa sobrang galit. "Hey... It's done.. It's over.. Tapos na yun.. Tahan ka na.." pag alo ko sa kanya. "Hindi na niya ako nirespeto! Ako na nga ang niloko niya, siya pa ang may ganang magalit! Napaka hayup niya.. Huhuhuhu.." patuloy niyang pag iyak. "Hhhhmmmmmm.. Tahan ka na.. He's not worth your tears.. Kung kaya niyang saktan ng ganun, at least now you know na hindi siya kapat dapat sa yo.. Wag ka na umiyak.." sabi ko. "I am so over him. Last na iyak ko na to sa lalaking yun! Wala siyang kwentang tao! Huhuhu.." sabi niya. "There you go.. Come here.. Let me see your face.." sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha niya. Napakaganda niya pa rin talaga kahit umiiyak. "Tama na ha? Wag ka na umiyak.. Nalulungkot din ako e.. Mababaw pa naman ang luha ko.." biro ko sa kanya. Natawa naman siya at pilit pinipigilan ang paghikbi. . "Pero in fairness, ikaw lang ang nakita kong maganda pa rin kahit humahagulgol.." patuloy kong biro. Tuluyan na siyang ngumiti sabay kurot sa tagiliran ko. . "Thanks for being here with me.. Hindi ko alam kung ano nangyari kung wala ka dito.. I can't thank you enough for standing up for me," mahinahon na niyang sabi. "I'm just here whenever you'll need me. From today moving forward, lagi na ako sa tabi mo.." malambing kong sabi sa kanya sabay halik sa ulo niya. Ngumiti lang siya sabay lalong humigpit ang yakap. "Be careful.. I might take you accountable for that.." biro niya. "You have my word.. Alam ko it's too early na sabihin natin na mahal natin ang isa't isa.. But honestly, that's how I feel. I don't know how to explain it, but this is so different from what I've felt before.. I surely don't know what the future holds for us, but if you're to ask me, I want to spend it with you. And kung hindi man to humantong sa isang romantic relationship, gusto ko pa rin kasama kita.. Kung hindi man as a lover, kahit as my forever friend man lang.." mahaba kong sabi. Masaya naman siyang humarap sa akin saka hinawakan ang mukha ko. . "That is so sweet.. I want that too.." tugon niya sabay halik sa labi ko. Tumagal din ng ilang segundo ang madiin niyang halik bago siya bumitaw. "Hindi counted yun ah, ikaw ang kumiss sa kin.." biro ko sa kanya. Natawa naman siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD