Ms Dy Ep 7
.
.
After namin kumain, sinabihan ko siya na magrelax na muna sa sala. She insisted, pero di ako pumayag na hindi ako ang magligpit at maghugas ng pinagkainan namin.
Nakakahiya naman, kagabi pa ako nakikikape at kain dito. Lol
I heard the tv on so I supposed na andun na nga siya at nanonood na. But after a brief moment, me naramdaman akong bigla yumakap sa kin sa likod habang naghuhugas ako ng plato.
"Hhhhhmmmm.. Ang sipag naman ng bata.. Papakitang gilas ata.. Hehehe..." pabiro nyang sabi.
"Baka di ka talaga marunong nyan ah, napipilitan ka lang. Don't worry di ko babawasan pogi points mo kung di ka tlga marunong maghugas ng plato. Hahaha..." patuloy nyang biro.
"Uy hindi ah. Sabi ko nga mag isa ako sa bahay kaya ako lahat yan. Gusto mo ikaw pa lutuan ko ng lunch e. Baka bigla mo ko ayain ng kasal pag natikman mo luto ko," pabiro ko ring tugon.
"Abahh... Confident ah.. Baka patulan ko yan, pakainin mo ako ng de lata. Hahaha" patuloy nyang pang aasar.
"Alright, you asked for it. I'll cook a meal for you. Then be the judge. Hahaha," pabiro ko rin sagot.
.
"No, seriously, I would love to cook for you. Para kahit yun man lang pang bawi ko sa mga kinain ko kanina. Hahaha," patuloy ko.
"Seryoso ka talaga ah. Okay, I'll give in. Pag nasarapan ako sa luto mo, I'll give you a reward." sabi nya saba'y kindat.
"I'll go take a quick bath and join you in a bit, okay?" sabay lakad palayo.
Napatingin ako sa kanya habang siya'y naglalakad. Grabe talaga hubog netong babaeng to. Kahit nakatalikod, napakaganda.. Lalo siguro pag wala yun robe.. Natatawa kong pag iimagine.
.
"Teka ano ba pwede lutuin dito?" tanong ko sa isip pagkatapos maghugas ng pinagkainan namin.
Binuksan ko yun ref at tumambad sa akin ang sangkatutak nyang stocks ng pagkain!
Langya, kaya pala ang tapang neto maghamon ng 2 day lockdown. Kahit isang buwan kami dito di kami magugutom dalawa!
Napansin ko rin ang mga spices and flavors nya sa cabinets, wala pa atang sampu ang kilala ko!
Me chef ba nakatira dito? Gaano ba katakaw yun mga pinapakain nya dito? O baka naman malapit na talaga ang zombie apocalypse kaya nagreready na sila.
Balik ako sa ref. Kelangan di ako mapahiya. Mukhang mataas ang standard ni ms Dy sa pagkain. Oo ako nagluluto ng kakainin ko, pero hindi naman ako magaling magluto talaga! Yari na..
.
Tapos bigla ako me naisip. "Ano bang dish ang hindi kelangan ng special skills pero masarap? Yun tipong kahit mga kids kaya lutuin?"
Then suddenly, a flash of brilliance.
Pinoy beef steak it is.
.
.
Kinuha ko agad yun beef sa freezer tas diretso sa microwave para ma thaw. Pagkatapos ay ibinabad ko na sa tubig para pakuluuan. While waiting for the beef to be tender, I started preparing all the other ingredients. Dinamihan ko yun sibuyas para mas masarap. Yun din kasi paborito ko sa bistek. Lol
Naghihiwa ako ng sibuyas ng lumabas si ms Dy. Naamoy ko agad ang bago nya, lalo't bagong ligo siya ngayon.
Naka robe pa rin siya pero ibang kulay na. I'm sure me undies na rin siya ngayon. Sayang. Hahaha..
.
"Bat parang walang amoy yun niluluto mo?" kunot noo nyang tanong.
"Basta. Dun ka muna. I'll let you know once lunch is ready," sabi ko sabay ngiti.
"Oo na po. Nakuu! Pag yan di masarap, ikaw kakagatin ko," pabiro nyang tugon.
Pumasok siya ulit sa kwarto para ituloy ang pagbibihis. Ako naman ay itunuloy na yun pagluluto ko.
.
.
At nun matapos, tinikman ko. Nagulat ako dahil ang sarap ng luto ko! Ngayon ko lng natikman na ganito kasarap ang sarili kong luto! Or maybe dahil di sa mga imported nila spices and seasonings? Basta masarap!
.
Hinintay ko muna maluto yun sinaing bago siya tinawag.
"Hey beautiful, lunch is served!" tawag ko sa kanya.
Walang sagot. Inulit ko.
.
"Ms Dy! Luto na, we can eat lunch na!" wala pa rin sagot.
Medyo nag alala ako dahil sa kawalan nya ng tugon kaya pinuntahan ko siya sa kwarto. Nakaawang ng bahagya ang pinto kaya tinulak ko lng ito ng marahan at nasilayan ko nga siya sa loob.
Nakaupo sa kama, nakasandal sa headboard. Nakalungayngay mga kamay na akala mo nabiktima ng salvage. Napangiti ako.
You can see from her pose that she fell asleep while using her phone, kasi bahagya pa nakapatong sa kamay nya yun phone, naka on pa rin ang screen.
I slowly got closer to her to see if she would wake up. She didn't. So I got a bit closer, put my lips next to her ear, and whispered.
.
"Hey, beautiful.. Your lunch is served..." anas ko.
Parang napapitlag siya at nagulat sa ginawa ko kaya bigla siya napatingin sa akin. Our eyes got locked, our lips just a few centimeters away from each other. I closed my eyes and reached for that kiss..
"What are you doing?" She said before our lips touched.
Her face expressionless.
.
"I.. I.. Uuuhhhmm.." I'm lost for words.
"Ang cute mo no? Hahaha.."
Sabay kurot sa pisngi ko. Then she planted a sweet kiss on my forehead.
"Tara na, let's see if your cooking is as good as your claim," sabay kindat.
.
At the table, we sat side by side. She is on the side and I am in the armchair.
"So, how was it?" Sabik kong tanong.
"Kahit di ko pa natitikman? Excited lang sir? Hahaha.." pabiro nyang sagot.
Kumuha siya ng piraso ng karne, nilagay sa kanin, tapos dalawang sibuyas. Sabay patak ng sarsa. Saka nya isinubo.
Bigla nanlaki mga mata nya na parang nagulat! Bigla nya tinutop ang bibig nya na animo'y maduduwal.
.
"Sheeett!! Hindi ba masarap??!!" naglalaro sa utak ko.
.
"Joke lng. Hahaha. In fairness, masarap siya ah.. Hindi siya lasang luto ng chef. Lasa siyang authentic lutong bahay.
Which is something I really miss dahil sobra bihira na ako umuwi sa min. Tapos dito naman mas gusto nila ipaluto sa kin yun mga special na putahe.
Kaya rin lagi kami maraming stocks, cause you don't know what they'll ask for," sabi niya.
.
"Good job. Pasado ka na sa stage one. Hahaha! " Pang aasar nya sa kin.
"Whew. Kala ko tlga hindi masarap e. Baliw ka tlga," pinapawisan kong sagot.
"Seriously, masarap. I love it. Thank you for cooking this for me!" sincere nyang sabi.
Mukha naman totoo dahil madami siyang nakain.
.
After kumain, she insisted na siya naman daw magliligpit and maghuhugas. I didn't argue kasi gusto ko na rin maligo. Buti na lng me change of clothes ako dala sa motor.
.
Nang bigla na lng ako mapaisip.
Why am I getting dragged with this girl's flow?
Why can't I resist it?
I really wanted to know everything about her.
Not just something. I want to know everything.