Ms Dy EP 6
.
.
Pagbalik ni ms Dy sa kusina, litaw na litaw ang ngiti sa kanyang mga labi.
Kumukutitap ang mga mata na parang sobrang saya ng kanyang nadarama. Dumiretso siya sa upuan nya sabay patuloy sa pagkain.
.
Hindi nko nakatiis, kaya nagtanong na ako.
"What happened? Are you okay? Did you just get promoted?" sunod sunod kong tanong.
"Wala." sagot niya.
"Sobrang saya ko lang sa balita natanggap ko." patuloy nya sabay ngiti ng pagkatamis tamis sa akin.
"Well, that's good then! I am happy for you, kung ano man yang balita na yan." sagot ko.
"You should be, once you hear it." sabi nya sabay lalong lumawak ang ngiti.
"Should I ask again? Did I get promoted?" I asked her with a puzzled, eyebrows crossed face.
"Well, kinda. I'll let you know soon. Secret muna. Bleh!" pacute nyang tugon sa akin.
"Okay, if that's what you want." sagot ko habang pinagpapatuloy ang pagubos sa pagkain sa plato ko.
"Sige na nga sasabihin ko na sayo. Di ko na rin matiis eh. Hahaha" patawa tawang tugon nya.
.
"That was my bf who called. I mean ex. Nakipag break na siya sa kin. Apperently, tama ako. Me ibang babae na nga siya and ayun, nabuntis nya. Kaya pala antagal nya di nagparamdam..." masaya nyang pagsasaad.
"E bakit parang ang saya mo? Di ba dapat, galit, frustrated, magwawala ka? Ang weird mo talaga no? Buti na lng maganda ka." biro ko sa kanya.
Tuluyan na siyang natawa.
.
"Hahaha.. Alam mo, kahit ako nagulat sa reaction ko. For the longest time, iniipon ko yun galit sa kanya dahil sa mga pinag gagagawa niya. Pero right now? I don't know. I feel relieved. Para akong nakawala sa kadena ng relasyon namin." paliwanag nya.
"I think for the past few months, unti unti na rin nagfade yun feelings namin sa isa't isa eh. I can't blame him, it takes two to tango di ba nga? I am sure marami rin akong lapses na na overlook ko kaya kami umabot sa ganito..." patuloy nya.
"I don't know who the girl is, but I wished them all the best. Sana sumaya sila at magkaron ng isang magandang pamilya." pagtatapos nya.
.
"So paano ka na? I know you are a very independent and strong lady, but it would still be better if your kid had a father figure to look up to..." sabi ko sa kanya.
"We'll see. Maybe he's not really the one to be with me til the end. Maybe mine has just not arrived yet. Or maybe he just did." sagot nya sabay ngiti.
"Ako ba yan? Wow ang swerte ko naman! Girlfriend ko na si Ms Dy!" malakas kong sabi.
"At bakit? Sinagot na ba kita? Manligaw ka muna..." masungit nyang tugon sabay pouty lips.
Parang bigla ako napahiya at napayuko. Napalalim ang pagiisip habang nilalaro laro ang mga mumo naiwan sa plato ko.
.
"Huy joke lng! Eto naman, ang sensitive! Pag di mo nasakyan mga ganito kong biro mabubully ka sa kin. Hahhaa.." bawi nya sa kin sabay lapit sa may upuan ko.
She went to my back and hugged my head to her chest. Damn! This is hot..
"Sorry na.. I am just playing around.. Sobrang saya ko kasi kaya siguro na overwhelm ako ng ganun, ikaw pa napagtripan ko." suyo nya sa kin.
"Saka di ba me usapan na tayo? If we are gonna do this, we're gonna do this right. Hhhhhmmmm.." patuloy nya sabay lalong hinigpitan ang yakap sa ulo ko.
"Okay na po, okay na. We're good. Di na ko makahinga, parang nakita ko na mga yumao kong pamilya ng ilan seconds." biro ko sa kanya.
"Yan, yehey!". Parang bata nya bulas.
.
"Anyways, I'll go ahed na rin po. I'll leave you be na. Baka nakaka istorbo nko sa mga gawain mo dito." sabi ko naman.
"Can you just stay here today? Plleeeaaassee? I'll cook you anything you want for lunch," parang bata nya pagsusumamo.
"E baka dumating na rin mga kasama mo rito malaman pa nila na I stayed the night," sagot ko naman.
"Do you want to know another secret?" Pamisteryoso nyang sabi.
.
"My kid and Yaya have gone to an outing with my parents and won't be back until Sunday evening. I also asked the cleaner if she can just come back on Monday since wala naman tao dito..." sabay kindat sa kin.
Napanganga ako nakatunghay sa kanya.
.
"Yep, we got this whole house to ourselves for two whole days," she said with a grin.
"Only if you want ah, pero kung ayaw mo..." parang nagtatampo nyang patuloy.
"Sino ba aayaw sa offer mo? Free lunch cooked by none other than the beautiful Ms. Dy, plus I get to stay with her for two whole days. Count me in," nakangiti kong tugon.
"Teka wala ba maghahanap sa sayo sa inyo? Baka sugurin tyo ng pulis dito ah..." biro pa nya.
.
"Wala nga po. Like I said, I live alone. The only ones who'll miss me are my fish and my turtle. But don't worry, they have an automatic feeder setup, so they won't go hungry. I am not even sure if they'll miss me," pabiro kong paliwanag.
"Then, it is settled. You and me, locked in here for two days..." saad nya ng nakangiti.
Two days locked inside a house with a gorgeous angel.
What could go wrong?