His a Psycho

2223 Words
Ariah was holding a piece of paper in her hands, while sipping a hot cup of coffee. Tambak ang trabaho niya at pakiwari niya naging kulungan na niya ang sarili niyang opisina ng halos tatlong araw. Bumuntong hininga siya saka niya tinapunan ng pansin ang bintana na nasa kaliwang bahagi ng kanyang opisina, ilang araw na niyang hindi nakikita ang maliwanag na sikat ng araw dahil na rin ilang araw ng walang tigil ang buhos ng ulan. "You're spacing out again Ma'am. Magpahinga na po kaya kayo ngayong araw?" nabaling ang pansin niya kay Jezel, nasa tabi na pala niya ito ngunit hindi man lang niya napansin. "Gusto mo ba na ikaw na lang maging bise presidente ng kumpanya? Ayoko naman talaga ng posisyon na to." lumukot ang noo nito, saka ipinatong sa lamesa niya ang dagdag sa tambak na niyang trabaho. "Ilang beses niyo na po na inalok sa akin ang posisyon na yan, ayos lang po ako sa pagiging sekretarya niyo. Okay na ako sa pagiging supporter niyo lang at alam niyo naman pong kayo lang ang may kayang tapatan ang energy ng Presidente ng kumpanya." sagot nito, saka nito inayos ang pagkakalagay ng mga papel sa harapan niya, at pinulot na rin nito ang mga nahulog sa sahig. "Ganoon ba ako ka masunurin Jezel?" tanong niya sa babae, kaagad itong tumigil sa pag–aayos ng mga papel at tumingin sa kanya. At basi sa ekspresyon ng mukha nito ay mukhang ayaw nitong sabihin sa kanya ang totoo. Muli siyang napa buntong hininga, saka niya inilapag ang hawak na tasa sa lamesa, her secretary's reaction answered the question that keeps on ringing inside her mind ilang araw na ang nakalipas. "I don't want to be like this anymore Jezel," nanatiling nakatingin ang babae sa kanya, an obvious question was written all over her secretary's face, even though hindi nito itanong ay nakaguhit na sa mukha nito ang tanong kung paano niya gagawin ang bagay na sinabi niya. Paano niya gagawin na hindi maging masunurin? Lalo na sa mga magulang niya. Kilala siya ng babae she had been her secretary ever since she became a part of the company saksi ito sa lahat ng araw ng hirap at saya niya sa buhay niya sa mismong kompanya ng kanyang pamilya, it was never easy to be became part of the company. Walang special treatment na nangyari sa pagpasok niya sa kumpanya and knowing her strict and dictator father hindi nito gagawin na bigyan siya ng posisyon kaagad sa sariling kompanya. She earned her position as a Vice President of the company because for the passed five years niya sa kumpanya ay walang siyang ginawa kung hindi ang patunayan ang sarili niya sa mga tao, at sarili niyang mga magulang. She spent nights without sleeping and barely even letting herself have a relaxing day off from work. Hindi naging madali sa kanya ang mga bagay, ngunit tinuruan siya ng mga iyon na gawin ang lahat ng kaya niya and those hard works put her from where she was at that moment, at alam niyang tinuruan lang siya ng mga magulang niya na gawin ang lahat ng makakaya niya at wag isipin na magiging madali sa kanya dahil anak siya ng may-ari ng kompanya. But marrying Railey was never part of that learning, letting her marry someone just because of the company and the pride that her parents had was never acceptable iyon ang alam niya. Hindi siya isang bagay lang na ipapamigay ng mga ito kapalit ng mga bagay na gusto ng mga ito, telling her that everything they are doing was for her own sake and for her future. "Kasali din ba doon ang diktahan ang buhay ko? At ipakasal ako sa taong hindi ko kilala just for the sake of the company? Kasama din ba doon ang ilayo sa akin ang lahat ng mga taong gustong maging bahagi ng buhay ko? Ni hindi ko pa nga alam kung ano ang pakiramdam na magkagusto sa isang tao! You don't even let me do what I want!" naalala niya ang naging sagot niya sa mga magulang niya, noong araw na sinabi ng mga ito ipapakasal niya ng mga ito kay Railey. "Ma'am, hindi naman po mali na minsan yung sarili niyo naman yung piliin niyo. Why don't you try to fall in love? or spend your time or a day na yung gusto niyo lang ang gagawin niyo?" bumalik ang pag-iisip niya kay Jezel na nagsalita sa harapan niya. Seryoso ang suhestiyon nito. Nasa ganoon silang posisyon nang marinig niya na tumunog ang phone niya. Kaagad niyang inabot iyon mula sa kanyang lamesa isang unknown number ang nagpadala sa kanya ng mensahe, she was about to ignore it nang bigla itong tumawag. She just stared at the phone screen and after a few rings ay isa pang mensahe ang natanggap niya. "Gusto mo bang puntahan na lang kita dyan sa office mo? I probably missed you a lot," Kaagad na umalsa ang isang kilay niya, kaagad na niyang nakilala ang nagmamay-ari ng numero. Pangatlong numero na iyon ng lalaki na ginamit upang i text at tawagan siya, but she never answer any of his calls. She doesn't want to be involved with a psychopath. She put her cellphone back to her table, at muli niyang binalingan ang mga papel sa kanyang lamesa, hindi na niya kakayanin kung isa pang baliw ang pumasok sa buhay niya at mukhang pasado na maging bagong problema si 'RED' sa buhay niya. The Guy whom she had a one night stand, ngunit mukhang hindi lang pala isang gabi ang pakay sa buhay niya. Ilang araw na ang nakalipas, mula nang huling makita niya ang lalaki at sabihin nito sa kanya na kailangan siya nito at planado ang naging pagkikita nilang dalawa, matapos ang araw na iyon ay iniwasan na niyang makita o magkita sila ng lalaki. Sigurado siyang problema lang ito sa buhay niya, ngunit ilang araw na itong nangungulit sa kanya at tila wala pa rin itong plano na tantanan siya. Kaya ilang araw na rin siyang nagtatago sa lalaki. "Sabay tayong umuwi mamaya Jezel, ihahatid na kita mamaya sa inyo." tumango lang ang sekretarya niya saka ito nagpaalam na babalik na sa cubicle nito sa labas ng opisina niya. Habang siya naman ay muli ng binalingan ang sandamakmak na papel sa harapan niya, wishing that it will be done before the day ends dahil hindi na niya kakayanin ang lima pang tasa ng kape, upang magising lang siya. Nagising siya sa malamig na temperatura ng kanyang opisina, kaagad niyang iminulat ang mga mata niya and she found herself alone inside her office madilim na sa labas at mukhang ilang oras din siyang nakatulog na naman sa desk niya. Inilibot niya ang tingin sa paligid niya saka siya nagpasya na tumayo at pupuntahan sana niya si Jezel, ngunit natawag ang pansin niya ng isang papel na nakadikit sa reminders corner ng opisina niya. "Ma'am, sorry po nauna na po akong umuwi may utos po si Papa niyo sa akin urgent, don't forget to rest kapag umuwi na kayo." napa buntong hininga siya, hindi niya maintindihan kung bakit lagi na lang inuutusan ng Ama niya ang sarili niyang sekretarya kahit meron naman itong sarili nitong sekretarya? Ngunit hindi rin naman niya masisi ang Ama. Jezel was good at everything at isa din ito sa mga scholar na pinag-aral ng kanyang Ama, her father trusted her dahil bago paman ito ng naging sekretarya niya ay sa Ama niya muna ito naging sekretarya, then he decided to let the woman be her secretary. Matapos ang ilang minuto ay nag desisyon na rin na siyang umuwi, tinungo niya ang pinto at binuksan iyon ngunit kaagad din siyang natigilan nang isang pamilyar na mukha at katawan ang nakita niyang nakatayo sa gilid ng pinto,, kaagad na lumiwanag ang mukha nito ng makita siyang binuksan ang pinto, but a sudden chill entered her body hindi niya alam kung ano ang gagawin niya ng mga oras na iyon, kung tatakbo ba siya, sisigaw o muli niyang isasara ang pintong hawak pa rin niya ng mga oras na iyon. Ilang segundo ang naging pag-iisip niya, when she decided to just close the door again, ngunit masyadong mabilis ang lalaki as if he predicted her next step, dahil bago paman niya tuluyan na maisara ang pinto ay napigilan na iyon ng lalaki at tuluyan itong pumasok and closed the door behind him. "What the hell! I will call the security!" sigaw niya sa lalaki, ngunit hindi man lang ito at sa halip ay nagpatuloy pa sa paghakbang tungo sa kanya. Suot nito ang uniform nito bilang driver ni Railey ngunit mukhang hindi lang ito nandoon upang sunduin siya. "Why are you avoiding me?" Isang malungkot na tanong ang narinig niya mula sa lalaki, hindi niya alam kung bakit may lungkot siyang narinig mula dito. Or was she imagining things again? She continued walking backwards hanggang sa maramdaman niya na tumama na ang katawan niya sa glass wall ng opisina. "You look nervous," komento nito, hindi niya alam kung magiging masaya ba siya sa sinabi nitong iyon she was so d*mn nervous at pakiwari niya ay tatakbo na siya sa sobrang kaba, habang gahibla na lang ang layo nila sa isa't isa. "Ano ba ang kailangan mo sa akin?" tanong niya sa lalaki. "Am I that obvious na kailangan kita?" balik na tanong nito sa kanya, saka nito pinaglaruan ang dulo ng buhok niya, bumaba ang mukha nito upang pumantay sa mukha niya. "I think I miss the taste of your lips." Isang ngiti ang ginawad nito sa kanya. He was obviously teasing her, ngunit hindi siya magpapatalo sa lalaki isang ngiti din ang pinakawalan niya saka niya binangga ang ulo niya sa ulo nito. Kaagad na napaatras ang lalaki, saka nito nasapo ang bahagi ng noo nito na tinamaan niya. "You're crazy!" sigaw niya sa lalaki, saka siya patakbo na tinungo ang pinto ng opisina niya, ngunit hindi paman siya nakakalabas doon ay nahawakan na ng lalaki ang kamay niya at walang pagdadalawang na muli siyang hinila, pakiwari niya ay umikot ang mundo niya ng walang hirap siya nitong hilahin at isandal sa likod ng pinto. "Try running away again, at hindi mo magugustuhan ang susunod na gagawin ko. You need to listen to me first." "Ayokong makinig! At mas lalong ayokong ma involve sa'yo! I had enough things in my life!" sigaw niya, habang pilit na kumakawala sa pagkakagapos niya sa mala troso nitong katawan. "Would you stop closing your doors for me?" tanong nito sa kanya. Nakatingin ito sa kanya with his puppy eyes na tila ba nagmamakaawa ito sa kanya. She was immediately mesmerised by his eyes. His nice and manly scent was drowning her at hindi niya magawang iwasan ang mga tingin nito. Nasa ganun siyang paghihinuha nang biglang tumunog ang cellphone niya, she immediately reached for the phone at her pocket at nakita niya ang pangalan ni Railey sa screen ayaw sana niyang sagutin ang tawag ngunit kung iyon ang tanging paraan niya upang maiwasan niya ang lalaki na nasa harapan niya ng mga oras na iyon ay wala na siyang pakialam kung ano pang reklamo ang ibato na naman sa kanya ni Railey. "Don't answer it." may diin sa tono ng lalaki na kaharap niya ng mga oras na iyon. Ngunit hindi niya pinansin ang lalaki, at sa halip ay sinagot niya ang tawag. "Where are you?" kaagad na tanong sa kanya ni Railey sa kabilang linya. "Nasa Office." sagot niya, saka niya binalingan ang lalaking nasa harapan niya. Seryoso ang mukha nito at tila ba biglang nagbago ang ekspresyon nun. "When are you going home? Nandiyan na ba ang driver na pinasundo ko sa'yo? What's taking you too long?" kaagad na lumukot ang noo niya. Kaya ayaw niyang kausap ang lalaki masyado itong demanding. "Uuwi na rin-" naputol ang dapat ay sasabihin pa niya ng bigla abutin ng lalaking nasa harapan niya ang mukha niya, natigilan siya sa malamig na palad nito sa mukha niya at hindi niya inasahan ang sumunod nitong ginawa. He kissed her. Nawindang siya ng bumaba ang mga labi nito sa leeg niya. "Ariah!" narinig niya ang boses ni Railey sa kabilang linya. "I'm still here," habol niya ng hininga at pilit na inayos ang boses niya at pinakalma ang gulong nangyayari sa dibdib niya. "What are you doing?!" galit na tanong ng lalaki sa kabilang linya, she was about to answer Railey's question ng abutin ng lalaking nasa harapan niya ang phone niya at itaas iyon sa ere gamit ang kamay nito. "Anong-" halos lamunin na niya ang boses niya, upang hindi lang marinig ni Railey ang boses niya at hindi nito marinig na may kasama siya. Yumuko ang lalaking kaharap niya at muling inangkin ang mga labi niya. Matapos ang ilang segundo ay pinakawalan nito ang mga labi niya, saka lumipat sa tenga niya. "Do you want me to tell him how sweet the taste of your lips is?" nanlaki ang mga mata niya. "What do you want from me?" muling tanong niya sa lalaki, hindi pa rin siya sigurado kung ano ba talaga ang gusto nito sa kanya. "You. I want you." sagot nito. Hindi niya alam ang dapat na isipin ng mga oras na iyon. When suddenly he kissed her again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD