Under the rain

2158 Words
Ariah was looking at the woman standing inches away from her, masama ang pakiramdam niya. She doesn't want to spend more of her time arguing with the woman, ngunit tila wala itong balak na pakawalan siya ng mga oras na iyon. "What the hell do you want from me?" umalsa ang isang kilay ng babae, kahit kailan talaga ay hindi ito marunong ng tinatawag na TIMING nagmamadali siya at may isa pa siyang problema na kailangan niyang harapin. "Do you really think you are that important?" anas nito, dumadagundong muli ang sakit mula sa sentido niya. Triggered talaga sa sakit ng ulo niya ang babae. "Pwede bang umalis ka sa harapan ko? Wala akong oras sa mga arte mo ngayon." she took a step towards the door, ngunit masyadong matigas ang ulo ng babae at mukhang wala talaga itong balak na tigilan siya ng mga oras na iyon. "Always remember your place here woman. You are just nothing but a nuisance. Your very existence was a venom to me and this family," saad ng babae, na tila ba may ideya sa mga pinagsasabi nito. Kung hindi pa niya alam na masyadong mahina ang utak nito sa pag intindi baka naniwala na siya ditong may alam ito sa mga pinagsasabi nito. Napa buntong hininga siya. "Wala ka na bang ibang alam na sabihin? Paulit ulit ka na lang. At saka saang pelikula mo na naman nakuha yang dialogo mo?" muli siyang humakbang palayo sa babae, at sa pagkakataong ito ay hindi na siya nag atubiling hayaan itong pigilan siya ngunit bago paman siya tuluyang makaalis ay muli pa niyang nilingon ang babae. "You should ask yourself now, kung sino ba sa ating dalawa ang walang lugar at walang kwenta sa bahay at sa pamilya na to." dagdag pa niya saka siya muling humakbang, ngunit kaagad din siyang natigilan ng makasalubong niya si Red na tila siya rin ang pakay sa bahaging iyon ng mansyon. Napatingin lang siya sa lalaki, at nakatingin lang din naman ito sa kanya habang tila tinatantya ang sitwasyon sa kanilang dalawa ng babaeng nasa likuran niya. Hinayaan niya ang lalaki, batid niyang alam na nitong kailangan nitong hayaan siya sa mga oras na iyon. Walang dapat na makaalam sa kung anong meron sila ng mga oras na iyon. Nagpatuloy siyang maglakad. Ngunit bago paman siya tuluyang makalayo ay nakaramdam siya ng isang kamay na humihila sa kanyang buhok at sumunod doon ay bigla siyang nawalan ng balanse at mabuwal sa sahig. At bago paman siya makahuma ay isang katawan ang biglang pumatong sa kanya saka siya sinampal at ginugulo ang kanyang buhok. "You ruined everything!" "What the heck tumigil ka!" sigaw niya, ngunit wala pa ring plano ang babae na bitawan siya, ngunit isang kamay ang nakita niyang humila dito at kasabay nun ay ang pag-alis nito mula sa ibabaw niya. It was Red who dragged her upang bitawan siya ng babae. "Let me go! let me-" "You two stop!" halos sabay silang natigilan nang isang boses ang kanilang narinig mula sa likuran nila, kaagad naman na natigilan si Jasmin sa pagpupumiglas nito mula sa pagkakahawak ni Red. Tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa sahig at ganoon din ang babae na ilang hakbang lang ang layo mula sa kanya. "What is the meaning of this? Hindi ba talaga kayo titigil na dalawa? Ganito na lang ba talaga tayo sa tuwing magkikita kayo?" Railey's mother burst out in anger, habang nagpapalit palit ng tingin sa kanilang dalawa ni Jasmin. Sumunod sa likuran nito si Railey na kaagad namang tumabi sa kanya at marahas siyang iniharap dito. "Let me look at you. Are you okay?" sunod, sunod na tanong nito sa kanya. He examined her from head to toe, kasabay ng pag-aayos nito ng magulo niyang buhok and from the way he act and looked at her at that moment ay tila gustong gusto nito ang ginagawa nito at tila ba totoong nag aalala ito sa kanya. "I'm alright." malamig na sambit niya, habang nanatili na nakatingin sa lalaki. "How can I stay quiet and watch? She is taking away Railey from me!" maktol ni Jasmin, kahit kailan talaga ang immature talaga ang babae. Gusto niya itong patulan ngunit ayaw niyang bumaba sa level nito ng pagiging isip bata. "You! are taking away everything from me! You!-" balak pa sana siya na muling sugurin ng babae, ngunit naging mabilis ang mga kamay ni Railey at kaagad na pinigilan ang babae na kinagulat naman ng huli "What are you doing?" tanong ni Railey sa marahas na winakli ang kamay nito at bumalik sa kanyang tabi. Jasmin was dumbfounded, tila hindi nito inaasahan ang ginawang iyon ni Railey. She doesn't want to conclude in the situation at that moment, ngunit hindi niya rin mapigilan na isipin na ginawa talaga iyon ng lalaki sa kanya. Nasa ganoon silang tagpo ng marinig nila ang pagtunog ng telepono, tila nasa isang tagpo sila ng palabas sa telebisyon nakatayo silang lahat sa bahaging iyon ng bahay nang sagutin ng katulong ang telepono. "Sir," mahinang sambit niti, matapos nitong sagutin ang telepono. Natigilan ang lahat nang magsalita ang Ama ni Railey. "We will talk about this later, you two I will get back to you!" Railey's mother said as she walked towards her husband. Nanatili doon ang mga niya saka ito nakaabot sa asawa nito na tila kaagad naman na nagbago ag ekspresyon ng mukha nito matapos matanggap ang tanggap. Nanatiling nakatingin ang kanyang mga mata sa dalawa hanggang sa magdesisyon ang mga ito na umakyat ng hagdan. Tila kaagad na nagbago ang mga ekspresyon ng dalawa, dagli naman na sumunod si Railey sa mga ito at naiwan silang siyang nakatayo mula sa kinatatayuan niya, habang si Jasmin naman ay naglakad na patungo sa daan palabas ng mansyon. Nang tuluyan nang nakaalis ang babae at nawala na rin sna Railey sa kanyang harapan ay isang kamay ang biglang humila sa kanya. "Where are we going?" tanong niya sa lalaking may hawak sa kanya ng mga oras na iyon. "Mahilig ka ba talaga sa gulo?" tanong nito sa kanya. His eyes were fixed on her, muntik na niyang makalimutan ang existence nito sa lahat ng nangyari. He dragged her inside his car, without even telling her kung saan sila pupunta hindi talaga ito marunong tumingin sa sitwasyon. Malalagay sila sa panganib kung makita sila ng kahit isa lang mga taong nagmamay- ari sa bahay na iyon. "What the hell are you doing?" tanong niya sa lalaki. Gusto niya itong tawagin sa pangalan nito, ngunit naisip niyang masyado pa atang maaga para sa bagay na iyon. "Maaga pa ba yung ilang beses nang may nangyari sa inyo?" tanong ng isang bahagi ng utak niya. Hindi ba dapat may karapatan na talaga siyang tawagin ito sa pangalan nitong si RED? "I told you. I'm taking you home." sagot ng lalaki sa tanong niya. Saka nito binuhay ang makina ng sasakyan at hindi na nag atubilig lisanin ang mansyon nila Railey. "Pala desisyon ka talaga no? Kailan ako sumang-ayon sa gusto mong pumunta ako sa bahay mo? Hawak mo na rin ang buhay ko ngayon?" anas niya. Kailan pa siya ng nagkaroon ng Secretary/P.A./decision maker? "At kailan ko ba hiningi ang opinyon mo?" napantig ang tenga niya. Gusto niyang hampasin ito ng hawak niyang bag ng mga oras na iyon, ngunit may punto din ang lalaki sa sinabi nito. Simula nga nga naman nung magkakilala sila ay hindi nito hiningi ang opinyon niya. Ginagawa lang nito ang gusto nito sa kanya, at hinahayaan lang naman niya na gawin nito na gawin nito iyon. Muling pumantig ang sentido niya, mukhang mawawalan na siya ng ulo anumang oras. Dumagdag pa sa sakit ng ulo niya ang lalaki, ngunit kahit sa ganoong sitwasyon ay hindi niya magawa na tumanggi sa gusto nitong mangyari at kung saan siya nito gustong dalhin. She's Stupid/Crazy. Iyon ang mga bagay na nasa utak niya ng mga oras na iyon. At sa muli ay hinayaan niya ang lalaki na gawin ang gusto nito at dalhin siya kung saan siya nito gustong dalhin. Ilang minuto pa lang silang nasa gitna ng daan ng bumuhos ang malakas na ulan, tumingala siya sa kalangitan while hearing the raindrops. The leaves of the trees were dancing in the rhythm of the wind and she's seeing at them with a smile on her lips. "Isn't it amazing?" a voice in front of her, interrupted her moment with nature. Napatingin siya sa lalaki. "The what?" Sambit niya, kung walang kwenta pa rin ang sasabihin nito ay sasapakin na talaga niya ang lalaki. "Isn't it amazing how nature makes everyone happy?" lumipad ang isang kilay niya. Ano na naman ang ibig nitong sabihin? "You look happy looking at those trees." gusto niyang mag protesta, ngunit hindi niya rin maitanggi ang katotohanan sa gusto nito na iparating. Yes she loves the nature pinapakalma siya ng mga berdeng dahon at ng mga natural na mga bagay na nangyayari sa mundo. "What are you talking about?" she awkwardly ended the conversation, hindi niya alam ang susunod na sasabihin hindi siya sanay na may taong alam ang mga gusto niya. It's her first time meeting someone who was paying attention sa mga bagay na gusto niya, kahit kailan ay hindi niya narinig ang mga magulang niya na nagkaroon ng interest sa mga bagay na gusto niya o sa mga bagay na pinahahalagahan niya. She's content with enjoying things by herself. At least she thought that there is no rejection and judgements inside her little world na siya lang ang nakakaalam. "Huhulaan ko. Writer ka no?" she said sarcastically, changing the tone, changing the subject. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang takot at ang kaba na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. "If I were a writer. I know I can give you a happy ending." napatingin lang siya sa lalaki. Nakatalikod ito sa kanya, ngunit nakita niya ang ngiting nakaguhit sa gilid ng mga labi nito. An unfamiliar feelings embraced, sa lahat ng taong nakilala niya ang lalaki lang nakapagbigay sa kanya ng ganoong pakiramdam and that is the reason why she was scared of him. Nasa ganoon siyang paghihinuha nang biglang huminto ang sasakyan sa sobrang bilis ng nangyari ay muntik na siyang masubsob sa upuan ng sasakyan. Balak sana niyang konpronthain ang lalaki, ngunit nagulat siya ng bigla itong lumabas ng sasakyan sa gitna ng malakas na ulan. Kaagad naman na sumunod ang mga mata niya sa lalaki, kasabay ng sigawan at walang tigil na busina ng mga sumunod na mga sasakyan sa kanilang likuran, nakita niyang yumuko ang lalaki sa harapan ng sasakyan at nagmamadali itong muling pumasok ng sasakyan. "Hold him for me," ito ang unang salita na narinig niya sa lalaki pagpasok nito ng sasakyan, saka ibinigay sa kanya ang isang basang kuting. Nanginginig ang pusa habang walang tigil sa pag-iyak, natigilan siya habang nakatingin sa pusa hindi niya alam ang gagawin dito. "Give him to me." huminto ang lalaki sa gilid ng daan at sa walang masyadong dumadaan na sasakyan, kinuha nito ang pusa sa kanyang kamay at kinalong ang pusa. "Pwede bang iaabot mo ang tuwalya na nasa loob ng bag ko?" kaagad naman niyang sinunod ang lalaki. Pagkatapos ay nakita niya itong pinunasan ang basang basang pusa, not even minding his own hair and body na basa rin ng ulan. "We need to go to the vet. Hold him, don't take the towel from his body." muli nitong ibinigay sa kanya ang pusa as he immediately drove off to the nearest veterinary. Matapos nitong masiguro na nasa maayos nang kalagayan ang pusa ay balisa itong napaupo sa upuan ng sasakyan, umupo siya sa front seat sa tbi nito saka niya inabot ang bag nito at naghanap ng pwede niyang ipunas sa basang ulo at mga braso ng lalaki. "You must love cats." binasag niya ang nakakabinging katahimikan na namagitan sa kanilang dalawa, umangat ang ulo ng lalaki at sa muling pagkakataon ay nagtagpo ang kanilang mga mata. "I'm sorry," hindi niya alam kung para saan ang paghingi nito ng tawad, ngunit batid niyang may kakaiba sa mga mata ng lalaki. "I experienced that before," natigilan siya ng hawakan nito ang kamay niya she was wiping his hair ngunit pinigilan siya ng lalaki, mahigpit ang paghawak nito habang nakatingin sa kanya. "I don't want that to happen again." hindi siya nakasagot sa lalaki nang makita niyang nagsimula itong umiyak, nataranta siya hindi niya alam ang gagawin, ngunit nagulat siya ng bigla siyang yakapin nito. While uttering words she can't understand, o mas tamang sabihin na hindi para sa kanya. "Red. What is happening to you?" tanong niya, ngunit nantiling nakayakap sa kanya ang lalaki habang humihigpit pa ang yakap nito. "I'm sorry Ma." natigilan siya ng marinig niya ang huling sinabi nito. "It's my fault. You died because of me. Because of my existence." Iyon ang huling sinabi ng lalaki, bago ito mawalan ng malay sa balikat niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD