Ilang minutong binagtas ni Ariah ang daan patungo sa bahay ni Red. Hindi niya alam kung saan nakatira ang lalaki, pinahirapan pa siya nitong hanapin ang address nito, kinailangan pa niya na maghanap ng pwede na tawagan sa mga kilala at maasahan niya sa teritoryo ni Railey. "Red!" gusto niyang hampasin ang lalaki ng dala niyang bag, hirap na hirap siyang tulungan si Ben isa sa mga pinakamalapit nitong kaibigan na isa din sa mga drayber ni Railey. Sinadya talaga siyang puntahan ng medyo may edad ng lalaki kung saan sila huminto ni Red kanina matapos nilang ihatid ang pusang napulot nito sa daan. "Ito ba ang unang beses niyo dito Ma'am?" tanong sa kanya ng matanda, habang hirap itong akayin si Red sa likod nito, maging siya ang hirap din kung paano niya tutulungan ang lalaki sa pasanin ni

