CHAPTER 37

1010 Words

"Rhomien, kakain ka na ba?" Napalingon ako sa nakangiting si Mimi. Hindi pa rin ako sanay na pinagsisilbihan. "Sige, kain na tayo." Tinulungan ko siyang ayusin ang mesa. "Oh, bakit nakatayo ka pa diyan? Tara sabay na tayong kumain," aya ko sa kanya. Nakangiti siyang umiling. "Rhomien, isa ka ng de Blanch. Dapat masanay ka na sa buhay ng isang mayaman. Dapat masanay ka nang may nag-aasikaso ng lahat ng mga pangangailangan mo," 0agsusuway niya sa akin. "Mimi, ako pa rin ito. Hindi porke nagkaasawa na ako ng nakaaalwan sa buhay ay mag-aastang señorita na ako. Hindi naman ako naoperahan sa utak para makalimot sa pinanggalingan ko. Pula ang dugo ko at hindi bughaw," pagbibiro ko sa kanya. "Halah, umupo ka na. Sige ka, hindi ako kakain hanggat hindi ka makikisabay sa akin." Napatawa itong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD