Tatlong linggo na kaming nakatira dito sa condo ng kaibigan ni Apollo na si Harry. Okay naman sa akin na kaming dalawa lang ang magkasama. Hindi ako masyadong napapagod dahil konti lang ang linilinisan ko. Minsan kapag nasa school nga siya nabo-boring ako rito kaya binilhan niya ako ng mga magazine na pwede kong basahin. Hindi naman ako pwedeng lumabas dahil ayaw niya. Dapat daw kasama ko siya tuwing lalabas ako. Hmmp. Masyado niya akong kinukulong kaya feeling patabaing baboy na ako. Lumalaki na nga ang bilbil ko dahil kapag tapos na ang mga gawain ko ay nakaupo o nakahiga lang ako. Sa gabi lang ako pinagpapawisan. Alam n’yo na kung bakit. Hehe. Tinatamad akong nagbububuklat ng magazine. Grabe ha ang seseksi ng mga babae bukod pa sa ang gaganda nila. Kakainggit naman. Nagpunta ako sa

