Grabe nakakabingi ‘yung tawanan ng mga kaibigan ni Apollo roon sa kuwarto niya. Kanina pa sila kantiyaw nang kantiyaw sa mahal ko. Kawawa naman siya at pinagtutulungang asarin ng mga kaibigan niyang keguguwapo. Huhuhu. Sila na ang pinagpalang mga nilalang ng Diyos. Ngayon ko naisip, siguro ang mga guwapo ay para sa mga guwapong kaibigan lang. Pero para sa akin, si Apollo ko ang pinakaguwapo sa kanilang lima. "Hi!" nakangiting bati ng nobya ng isa sa mga kaibigan ni Apollo. Ang ganda naman ng babaeng ito. Rosy cheeks. Nakakainggit ang kutis niya. Syempre dahil batak ako sa pagtratrabaho namin sa bukid noon kaya insecure ako sa kulay ng balat ko. Buti na lang wala akong coins sa paa kundi magpapakamatay na talaga ako. Haha. "Ay, hello po. Ano po ‘yun?" nahihiya kong tanong sa kanya. "‘W

