"Walanghiya kang katulong ka! Ang kapal ng mukha mo!" Itinulak ako ni Señora papasok sa loob ng condo at pinagsasampal. Nang takpan ko ang mukha ko ay pinagsusuntok naman niya ako. Kung saan-saan tumama ang mabibigat niyang mga kamay. Sa ulo ko, sa dibdib ko, sa tiyan ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak nang umiyak at pilit na tinatakpan ang mga parte ng katawan kong inaatake niya. "Punyeta ka! Anak ko pa ang nagawa mong perahan. Ito ba?! Ang mga 'to ba ang dahilan ng panlalandi mo sa kanya?" Hinablot niya ang kuwintas na suot ko. Pilit niya ring pinaghihila ang tela ng bestidang suot ko. Nang hindi niya ito mapunit ay muli niya akong pinagsasampal. Naramdaman ko ang mahahabang kuko niya na sumugat sa magkabilang mga pisngi ko. "Tama na po, Señora!" humahagulgol kong sabi sa kan

