Ihinatid ako ni Señorito Arthur sa condo. Napakarami niyang bilin. Pinilit pa niya akong mangako na tawagan siya sa kung ano man ang magiging resulta ng pag-uusap namin ng kapatid niya. Hinintay kong dumating si Apollo. Isang oras. Dalawang oras. Natatakot ako. Kinakabahan. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pagkatapos ng nangyari kanina. Mag-aalas dose na nang dumating siya. Ninenerbyos ko siyang sinalubong. Nang makita niya ako ay nagmamadali siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ko, dinaklot niya ang mga braso ko at isinalya ako sa dingding. "Bakit mo itinulak si Mama?! Hindi mo ba alam na muntik na siyang atakehin kanina?!" Galit na galit siya sa akin. Napaiyak ako sa takot dahil sa nag-aapoy niyang mga mata. "S-sinaktan niya a-ko!" pagrarason ko pero itinaas niya ang kanyang

