Hindi na sumasakit ang ulo ko nang magising ako. Halos limang oras din pala akong nakapagpahinga. Bumangon ako at naligo. Dahil kay Apollo ay hindi na ako nakapagpalit ng damit ko kanina. Bumaba ako sa grand staircase ng mansyon ng mga de Blanch. May mga bagong mukhang bumati sa akin. Andito pa kaya ang mga dating kasamahan ko? Nasagot ang katanungan ko nang humahangos papunta sa akin si Mimi. "Senorita Rhomien," nakangiting bati nito. "Anong senorita ba iyang itinatawag mo sa akin? Ako pa rin ito, ang kaibigan mo." Hinila ko siya para yakapin. "Akala ko ay nakalimutan mo na ako." Yumakap na rin siya sa akin nang mahigpit. "Tara sa kusina. Magmeryenda ka muna. Alam kong gutom ka na." Hinila niya ako papunta sa kusina. Nabungaran namin si Aling Nena doon na naghahanda ng mesa. "Ali

