Chapter 2: Under Him

2241 Words
Red Irish “Sit down right here,” utos ni Senti sa akin na parang bawal na bawal akong tumutol. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinaupo niya ako sa swivel study chair niya sa harap ng mesang puno ng mga blueprint at engineering notes na wala akong maintindihan bago niya marahas na nilapag ang shoulder bag ko sa gilid ng malawak niyang kama. Dinala niya ako nang diretso rito sa kwarto niya sa loob ng Alpha Gamma Chi fraternity house para lang bantayan ako at siguraduhing hindi na ako makakatakas o makikipagkita sa kahit na sinong lalaki. Kulang na lang ay ikadena niya ako sa kanya para lang masigurong sa kanya lang nakatutok ang mundo ko! “Study if you want or you can take a nap. Pero hinding-hindi ka aalis ng kwarto ko hangga't hindi tayo sabay na lumalabas, Irish,” seryosong dagdag niya. Napabuntong-hininga ako nang malalim. Ang bigat-bigat ng dibdib ko dahil sa sobrang inis ko sa kanya at mabilis siyang inirapan. Ito na naman siya, ang lalaking laging gustong kontrolin ang bawat galaw at desisyon ng buhay ko. Daig pa niya ang sarili kong ama kung makaasta! “Nagugutom na ko. Hindi ako aso para ikulong mo rito!” bulyaw ko. Tumayo ako nang padabog mula sa silya at naglakad papunta sa malinis at pormadong king-size bed niya. Padapa akong nahiga habang hila-hila ang isang unan. Pero sa gitna ng pag-iinit ng ulo ko, mabilis kong naramdaman ang mga mata ni Senti. Ang mabibigat at mapanlinlang niyang tingin ay dahan-dahang gumapang mula sa mga binti ko pataas sa hita ko dahil naka-skirt lang ako! Dahil sa naramdamang init ng titig niya, mabilis akong nagtalukbong ng makapal na comforter para itago ang mga binti ko na ikinasingkit naman ng mga mata niya bago ngumisi nang nakakaloko. “H’wag kang mag-alala, Irish... hindi pa kita gagalawin ngayon,” bulong niya. May halong pang-aasar ang tono niya na nagpainit lalo ng mukha ko. “H’wag ka ring mag-alala dahil hinding-hindi kita hahayaan na galawina ko!” sagot ko mula sa ilalim ng comforter. Mahina lang siyang natawa sa inasta ko bago niya ko nilapitan sa gilid ng kama niya. Naupo siya roon dahilan para lumubog ang gilid ko kaya mabilis akong umurong palayo sa kanya. Pero sadyang mabilis ang mga kamay ni Senti! Inabot niya ang bewang ko sa at hinila lang din ako pabalik sa tabi niya nang walang kahirap-hirap at wala na naman akong laban. “Kaya ba ang init na naman ng ulo mo ngayon dahil gutom ka na?” natatawang tanong pa niya habang nakatitig sa akin. “Senti, kahit hindi ako nagugutom, mainit na talaga ang ulo ko sa’yo! Umalis ka na nga rito! Ikuha mo na lang ako ng pagkain kung ayaw mong ibalibag ko sa mukha mo ang bag ko!” “Don’t leave this room,” mahigpit na paalala pa niya bago tumayo. Hinaplos muna ang buhok ko bago tuluyang humakbang palayo. Wala man lang pakialam na pinagbantaan ko siya. Napaira na lang ako sa likuran niya. Asa naman siyang lalabas ako ng kwarto na ‘to nang walang kasama. Ni hindi ko nga alam ang pasikut-sikut dito sa teritoryo ng mga lalaking ‘to kahit ilang beses na kong nakapasok dito at bukod kay Senti, ang tanging kakilala ko lang dito ay ang sarili kong kapatid. Dito rin nakatira si Kuya Saint dahil part din siya ng fraternity. 5th years na rin siya pero electrical engineering. Kaya lang most of his project is with Senti. I don’t know. Minsan mas mukha pa silang magkapatid na dalawa. “Babalik din agad ako,” ani pa ni Senti ng nasa pintuan na siya. “Kahit h’wag ka nang bumalik, mas matutuwa pa ako!” sarcastic na sigaw ko pabalik. “Magugutom ‘yong maldita ko kapag hindi ako bumalik,” pahabol pa niya bago tuluyang isara ang pinto. “Maldita?” Napaupo ako nang mabilis sa kama, tinuro ang sarili ko habang nakatingin sa saradong pinto. “Sa’yo lang naman ako nagiging maldita dahil nakakabwiset ka!” Napairap na lang ako nang husto sa hangin, kinuha ang shoulder bag ko at dinukot ang phone ko para i-check kung may bago ba kong text galing kay Zed. Pero pagbukas ko ng screen, nanigas ako sa kinauupuan ko. Naka-block na ako kay Zed! Mabilis kong binuksan ang dating app na ginagamit ko para makipag-usap sa iba pero walang lumabas! Bumungad sa mukha ko ang isang malamig na notification na permanently banned na ang account ko! Oh, God! Senti! Talagang ang demonyong ‘yon! I am one hundred percent sure na kagagawan niya ito! He knows a lot about computers and cybersecurity dahil may background in computer science noong mas bata pa kami. Senti is a total nerd! Isang engineering nerd na hinding-hindi mo kailanman mabu-bully dahil siya mismo ang mang bu-bully sa’yo kapag hindi niya nagustuhan ang ginagawa mo! Masama pa rin ang tingin ko sa screen ng phone ko nang biglang bumukas nang malakas ang pinto. “Senti, tingnan mo ‘yong updated design sa taas para–” Pero natigil si Kuya Saint sa pagsasalita nang makita akong nakaupo sa gitna ng kama ni Senti. “Nasaan si Senti?” tanong niya, blangko ang mukha at walang pakialam na para bang normal lang na makita akong nakakulong sa kuwarto ng kaibigan niya. Sigurado ako na alam na agad niya na nandito na naman ako dahil kay Senti. Para bantayan ako at ilayo sa mga tao sa labas. Kaya rin naman ako hinayaan nina Mommy at Daddy na tumira sa sorority house tuwing weekdays dahil alam nilang kasama ko si Kuya Saint dito sa university para magbantay. Hindi lang ‘yon dahil alam na alam din nila na doble ang security ko dahil kay Senti! “Inutusan kong kumuha ng pagkain ko. Bakit?” baling ko sa kanya. Napailing-iling sa akin si Kuya Saint. May halong panenermon agad ang mga mata niya para sa akin habang isinasara ang pinto sa likod niya para pumasok nang tuluyan. “Ano na namang ginawa mo para dalhin ka na naman dito ni Senti?” tanong niya na para bang ako pa ang laging may kasalanan. “What?!” gulat at irita kong tanong pabalik kay Kuya Saint. “Wala akong ginawang masama! Si Senti ang may problema sa utak!” “Well, knowing Senti, he won’t drag you here unless you did something reckless again, Red.” “Wala akong ginawa, Kuya! Siya ang may pakana ng lahat! Tinakot niya si Lucy at ‘yong ka-date ko para umalis dahil masyado siyang possessive at akala mo kung sinong nagmamay-ari ng pagkatao ko! Seloso siya kahit ilang beses ko na rin sinabi na ayaw ko sa kanya!” “Ka-date mo?” Nagsalubong agad ang makakapal na kilay ni Kuya Saint at sa isang iglap ay sumeryoso nang husto ang mukha niya. “Saan mo naman nakilala ‘yan, Red Irish?” Napairap ako nang malalim dahil alam ko na ang susunod na sasabihin niya. Wala man lang siyang pakialam kung paano ako tratuhin ni Senti dahil mas okay sa kanya na kino-control ako ni Senti kaysa naman maging malaya ako sa lahat ng gusto kong gawin. “Mabuting tao si Zed, Kuya—” “Saan mo nga siya nakilala?” putol agad niya sa akin na mukhang nauubos na ang pasensya. Napabuntong-hininga ako nang malalim dahil alam kong ako na naman ang talo rito. Kabilin-bilinan sa akin nina Mommy at Daddy na h’wag na h’wag akong gagawa ng mga dating app profile o makikipag-date sa kung sino-sino pero anong magagawa ko kung naka-lockdown ang buong buhay ko rito sa university? “You did not,” malamig na sambit ni Kuya Saint na nabasa na lahat ng sagot sa mismong mukha ko kahit hindi pa ako nagsasalita. “Red Irish! I told you a hundred times, dating apps are dangerous! You don’t even know the real background of the guy you are talking to! Tapos ngayon sasabihin mo sa akin na mabuting tao? Paano kung siraulo pala ‘yon?” “Kuya, anong gusto mong gawin ko?! I can’t even date anyone normally! Hindi ako pwedeng makipag-usap sa mga lalaking kaklase ko dahil kapag nakita ni Senti, bubugbugin niya nang walang dahilan! Hindi ko magawang ngitian ang mga lalaking nakakasalubong ko sa campus dahil kapag nalaman ni Senti, magseselos siya nang sobra at gagawa ng gulo!” sigaw ko dahil masyado na kong frustrated kay Senti! “And Senti is the best and safest option for you, Red! Men outside are dangerous—” “Yes, exactly like you and Senti!” putol ko sa kanya na siyang ikinatahimik at ikinatikom ng bibig ni Kuya Saint. Muling bumukas ang pinto at pumasok si Senti na may dalang tray ng pagkain. Seryoso lang siyang pumasok at tumabi kay Kuya Saint. Dalawa pa talaga sila ngayon. “But you know that we will never going to hurt you, Irish,” seryosong at mababang boses na wika ni Senti pero may diin na direktang tumama sa dibdib ko. I know. Nilapag niya ang pinggan ng pasta sa study table at dahan-dahang lumapit sa gilid ng kama para maupo ulit sa tabi ko. Mabilis kong iniwas ang mukha ko sa kanya at ako naman ngayon ang natahimik. I know that there’s no place that is safe for women. Naiintindihan ko ang point nila pero minsan sakal na sakal na ko lalo na kay Senti. “Senti, hihintayin na lang kita sa taas. May kailangan pa tayong tapusin,” ani ni Kuya Saint bago niya ako binalingan ng huling tingin at iniwan na kaming dalawa sa loob. “Hey,” tawag ni Senti. Dahan-dahang inabot ang baba ko gamit ang mga daliri niya para pilitin akong humarap sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang init ng balat niya. “Do you really want to go out with that boy so bad?” tanong niya at habang tinatanong niya ‘yon, mahigpit na nag-igting ang panga niya at namuo ang ugat sa kanyang leeg. Alam ko ang itsura ng mukhang ‘yon. Kapag umamin ako o sinabi kong oo, siguradong gagawa na naman siya ng paraan para masaktan si Zed kahit wala namang kasalanan ‘yong tao. “I just want my freedom, Senti. Ayokong lagi mo na lang akong binabantayan rito na parang isang preso!” “Not a chance, babe. Hinding-hindi mangyayari ‘yan.” At bago pa ako makaiwas, mabilis niyang sinalubong ang labi ko para sa isang mabilis na halik bago siya tumayo. “Senti! Ang bastos mo talaga!” sigaw ko habang pilit pinupunasan ang labi ko gamit ang likod ng palad ko. “Kumain ka na muna, Iris. I’ll give you a ride later pabalik sa sorority house niyo.” “Hindi na! Kaya ko nang maglakad mag-isa!” Ang bilis-bilis pa rin ng kabog ng dibdib ko, sumasayaw sa kaba at inis dahil sa halik na ‘yon. Palaging ginagawa ni Senti ‘yon nitong mga nakaraang araw. Ang magnakaw ng mga halik sa gitna ng pag-aaway namin. Ang hirap-hirap kasing kalkulahin kung ano ang susunod niyang galaw dahil parang laging kontrolado niya ang paligid ko. “Babe, you are blushing,” he teased softly, a smug smile playing on his lips. “Stop calling me that! Umalis ka na nga, Senti! Gawin mo na ang kailangan mong gawin sa labas!” Dumukwang ulit siya nang bahagya at inabot ang baba ko. Tumatama ang mainit at pamilyar na hininga niya sa balat ko. Pinilit kong iwaksi ang ulo ko palayo pero sadyang mas mabilis at mas malakas siya. “Let’s eat dinner later outside before I drop you. Tayong dalawa lang,” bulong niya nang malapit na malapit sa tainga ko. “No way in hell,” mabilis at mariin kong tanggi. Ayoko ngang makita kami ng mga tao sa labas! Baka isipin pa ng buong university na pumapayag na ako sa mga gusto niya! “Kumain kang mag-isa mo!” Natawa siya nang mahina, ‘yung tawa na lalong nagpapakulo ng dugo ko. “Go eat your pasta, Irish. I’ll be back for you.” Binitawan niya na rin sa wakas ang baba ko at tumayo nang tuwid sa gilid ng kama. Mabilis kong inalis ang comforter sa ibabaw ng mga hita ko, bumaba sa kama at tinulak siya nang malakas palayo para makagawa ng espasyo sa pagitan naming dalawa. “Kahit h’wag ka nang bumalik, Senti! Masaya akong mag-isa rito!” Pero bago pa ako tuluyang makalayo, mabilis na kumilos si Senti. Hinawakan niya ang bewang ko at marahas na hinila ako papunta sa matigas niyang dibdib. Napahinga ako nang malalim at napahawak sa tapat ng t-shirt niya para mapigilan ang pagdikit namin. “Senti, ano ba! Bitawan mo nga ko! Inaantay ka na ni Kuya Saint sa taas!” pagpupumiglas ko habang ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya. “What do I have to do to finally get you, Irish?” mahina at halos pabulong niyang tanong. Mas lalo pa siyang lumapit hanggang sa ang dulo ng ilong namin ay nagdikit na naman. “Wala kang dapat gawin, Senti. Ang tanging kailangan mong gawin... ay ang lubayan na ako. Alisin ‘yang mukha mo sa harapan ko at patahimikin ang buhay ko.” “That’s never going to happen, Irish. But keep dreaming, babe,” nakangising sagot niya. “Next time... you will be completely under me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD