Chapter 1: Personal Stalker
Red Irish
“Nagtatago ka na naman ba, Red?” tanong ng kaibigan kong si Lucy sakin habang nakakulong ako sa loob ng classroom namin.
Pilit na pinapakalma ang mabilis na kabog ng dibdib ko habang iniisip kung paano ko matatakasan ngayon si Senti na siguradong naghihintay na naman sa labas ng classroom namin para i-trap ako. Kami na nga lang ang naiwan dito dahil ayokong makita si Senti!
He should be busy right now! Akala ko ba maraming ginagawa ang mga graduating student? 5th year niya na sa Aerospace Engineering. Dapat abalang-abala siya sa mga rocket designs at thesis lab niya pero hindi.
May oras pa rin talaga ang makulit, demonyo at walang kapagurang lalaking ‘yon para puntahan ako rito sa business building namin. Para siyang anino na hindi ko matakasan.
“Alam mong ayaw ko kay Senti kaya malamang nagtatago ako,” sarcastic na sagot ko kay Lucy sabay irap habang mahigpit kong hawak ang strap ng shoulder bag ko na halos mayupi na sa diin ng pagkakahawak ko.
“Bakit ba ayaw na ayaw mo kay Senti? Pogi naman siya, mayaman din. Siya pa ang president ng Alpha Gamma Chi, the top fraternity here in Cornelia State University. If you start dating him baka next year, in your third year president ka na rin ng sorority natin na Theta Sigma Chi.”
“Maybe,” walang gana na sagot ko kahit kumukulo na naman ang dugo ko sa ideyang isasabit ang pangalan ko sa pangalan niya.
I want to be a president, oo pero sa sarili kong pagsisikap at hindi dahil sa tulong o koneksyon ni Senti! Ayaw na ayaw kong umasa o lumapit sa lalaking ‘yon para manghingi ng pabor o tulong.
Everyone in this damn university knows how much I don’t like Senti. Masyado siyang possessive, seloso, at akala mo kung sinong nagmamay-ari ng buong pagkatao ko. I can’t even find a boyfriend, ni hindi ko man lang malayang maigalaw ang mga kamay ko sa campus nang walang matang nakatutok! And my parents? God, they are totally okay with it!
Dahil kilala na nila si Senti noon pa lang. My parents and Senti’s parents are close friends kaya akala nila parang prinsipe na anghel ang lalaking ‘yon. Kami lang talaga ni Senti ang hindi magkasundo dahil simula’t sapul, ayoko sa ugali niyang sakal na sakal ako!
“Halika na nga!” Kinuha ni Lucy ang braso ko, medyo hinihila na ako patayo. “Sasabihin ko na lang kay Senti na kailangan nating makabalik agad sa sorority house para magawa ang business plan natin. Baka sakaling umepekto.”
Tumango ako kay Lucy at hinayaan siyang isukbit ang braso niya sa akin habang naglalakad kami palabas ng pintuan. Matanda sa akin si Lucy ng dalawang taon. She’s twenty and I’m only eighteen. I did advance level during my elementary and junior high school kaya mas maaga akong nakarating sa college.
I am totally fine with it. Less time in school means less time facing Senti's suffocating presence o sana ayun ang akala ko.
Dahil talagang paglabas na paglabas pa lang namin ng classroom, sumalubong na agad sa akin ang mukha niya. Nakatayo si Senti sa harapan mismo ng pinto, naghihintay habang nakapamulsa at may nakakainis na mapang-asar na ngisi sa mga labi.
Mukhang bagong shave na naman siya ng buhok dahil ang linis-linis ng itim na buzz cut niya na lalong nagpalitaw ng matutulis at perpekto niyang panga.
Every week bang nagpapagupit ‘to? Para siyang sundalong laging handang sumugod sa giyera!
I always get a haircut once a year, then I donate it to a cancer patient. I recently cut my hair short, up to my shoulders to donate it again. I have been doing it every year since I was eight samantalang siya, laging nag-aaksaya ng oras ng iba para lang gupitan siya!
“Hi, babe,” his deep baritone voice wrapped around me like a heavy, suffocating blanket, sending an involuntary shiver down my spine.
“Stop calling me, babe. Halika na nga, Lucy!” pagrereklamo ko habang pilit na umiwas ng tingin sa madilim at abuhing mga mata niyang nagliliyab na naman sa kakaibang klase ng atensyon.
“Sorry, Senti,” nanginginig na ani ni Lucy, halatang takot din sa reputasyon ng lalaking nasa harapan namin. “Kailangan namin gumawa ng business plan kaya babalik na kami sa sorority house namin.”
“H’wag ka na ngang mag-explain sa kanya!” Hinila ko na si Lucy paalis sa harapan ni Senti, nagmamadaling humakbang papalayo.
Ang usapan pa naman namin ng ka-date ko online, susunduin niya ko rito sa building pero mali! Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko at nakalimutan ko na laging nakatambay rito ang personal stalker ko?!
Mabilis kong nilabas ang phone ko mula sa bulsa para i-text si Zed na sa sorority house na lang niya ako sunduin para hindi na sila magkrus ng landas ni Senti pero nag-ty-type pa lang ako nang biglang may humablot ng cellphone mula sa mga palad ko!
“Senti!” Huminto ako sa paglalakad at galit na hinarap siya na nasa gilid ko na pala, nakahawak sa phone ko. Ang bilis talaga kumilos nito talagang demonyong bigla nalang sumusulpot!
“Please pick me up at my sorority house,” paggaya niya sa boses ko at panga niya ay mahigpit na nag-igting habang hawak ang phone ko.
“Senti! Akin na ‘yan! Ano bang pakialam mo sa mga lakad ko?!”
Pero hindi ako sinagot ni Senti ng mga salita. Instead, he looked straight behind my back. Isang matalim at nanunuot na tingin lang ang ibinigay niya kay Lucy at sa isang iglap parang natauhan ang kaibigan ko at mabilis na tumakbo paalis nang walang paalam, iniwan akong mag-isa sa bingit ng hukay kasama ang demonyo!
“Senti!” I yelled out of frustration, halos pumiyok ang boses ko sa sobrang inis! Pati ba naman kaibigan ko tatakutin niya para lang iwanan akong mag-isa sa teritoryo niya?!
“Business plan? Really?” malamig niyang tanong bago niya hinagis pabalik sa bulsa ng bag ko ang phone ko, sabay pulupot ng mabibigat niyang braso sa bewang ko.
Bigla niya akong hinila palayo, pilit akong nagpupumiglas pero walang silbi ang mga galaw ko dahil sa lakas at laki ng katawan niya. He’s 6’1 at hanggang balikat niya lang ako! Para akong basahan na kinakaladkad niya.
“Senti, ano ba! Bitawan mo ko! Nasasaktan ako!”
May mga estudyanteng dumadaan at nakakakita sa amin pero agad silang umiwas ng tingin o nag-iiba ng daan nang makita kung sino na naman ang kasama ko.
They know Senti! Kilala nila kung gaano ka-toxic ang lalaking ‘to sa buong campus!
“Senti, bitawan mo nga ako!” nagpupumiglas pa rin ako, pinapalo ang matigas niyang dibdib.
“No! Shut up, Iris! Sa akin ka sasakay. Hindi ka makikipagkita sa kung sino-sino na lang ng likod ko!” bulyaw niya pabalik.
“Senti, ayokong sumama sa’yo! Tigilan mo na ko! May lakad kami!”
“Sasama ka sa akin, Iris. Tapos ang usapan.”
Nang makarating kami sa itim niyang sasakyan, mabilis niya akong sinandal nang malakas sa pinto ng backseat. Agad niyang hinarang ang malaki at matipunong katawan niya, iginuhit ang magkabilang braso sa gilid ko para wala akong kahit anong lusutan. Nakakulong na naman ako.
He leaned closer until our lips were almost touching, ang init ng hininga niya ay humahalo sa malamig na hangin. “Why do I have to keep reminding you that you belong here with me, Iris? Na ako lang ang lalaki mo sa mundong ‘to?”
“No, Senti. Kailangan ko din bang ipaalala sa’yo nang paulit-ulit na kahit kailan, hinding-hindi ako magiging sa’yo?! Hindi kita magugustuhan kahit pa ikaw na lang ang nag-iisang lalaki rito sa ibabaw ng lupa!” sigaw ko sa mukha niya.
Nag-igting ng husto ang panga niya, halatang lumabas ang ugat sa gilid ng leeg niya sa sobrang galit pero nanatili pa rin siyang nakadikit sa akin, walang balak na pakawalan ang kahit isang pulgada ng katawan ko. His dark grey eyes were burning, parang abo na may nagbabagang uling sa ilalim.
“Bakit ba kasi hindi ka na lang maghanap ng iba at tantanan mo na ko?” Tinulak ko siya nang buong lakas palayo sa dibdib niya pero mabilis din siyang bumalik parang pader na hindi natitinag.
Paulit-ulit ko siyang tinulak palayo sa akin pero paulit-ulit lang din siyang bumabalik sa akin.
“I don’t want another woman, Iris. Ikaw ang gusto ko at wala nang iba. Alam mo ‘yan.”
Mas lalo pa niyang nilapit ang mukha niya sa akin dahilan para magdikit ang mga ilong namin at maramdaman ko ang matigas niyang dibdib sa bawat paghinga.
“Pero ayoko naman sa’yo! Ang kulit mo!” Inirapan ko pa siya, pilit tinatago ang kaba sa tiyan ko dahil sa sobrang lapit niya.
Hindi ko talaga kaya ang lason ng pagiging seloso at possessive niya. When I was in senior high school, may nagbigay lang sa akin ng simpleng bulaklak na rosas at camera mula sa klase ko at kinabukasan ay halos hindi na makilala ang pagmumukha ng lalaking ‘yon dahil binugbog niya!
Dahil sa yaman at impluwensya ng pamilya niya, walang naglakas-loob na magreklamo. I felt so guilty and terrified that I even stopped talking to boys entirely in my class.
At ngayon, sinubukan ko ulit sumugal at makipag-date sa iba nang hindi niya nalalaman pero ito na naman siya na sinisira ang lahat.
“You will learn to love me, Iris. I can even marry you right now if I want to at walang makakapigil sa akin.”
“Senti, baliw ka na talaga!” Tinulak ko ulit siya nang malakas dahilan para umabante siya nang konti at magkaroon ng kaunting espasyo sa pagitan namin dahil pakiramdam ko ay nauubusan na ako ng oxygen sa presensya niya.
“Red?”
Mabilis akong napalingon sa direksyon ng tumawag sakin. Si Zed! Nandito na siya!
Naglalakad palapit habang ang buong atensyon naman ni Senti ay nanatiling nakatutok sa akin parang asong bantay na handang mangagat. Hindi pa nililingon si Zed.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Zed. Political science major siya sa kabilang university. Nakilala ko siya sa dating app para mas madali akong makahanap pero wala pa rin. Bantay sarado pa rin ako ni Senti!
Naglakad pa palapit si Zed para lapitan kami pero pinanlakihan ko agad siya ng mga mata!
Huwag kang lalapit!
Doon lang din niya nakuha ang atensyon ni Senti at dahan-dahang humarap kay Zed. Namulsa si Senti, ang mga mata ay malamig na parang yelo habang sinusuri ang buong pagkatao ni Zed mula ulo hanggang paa.
Mabilis na napatigil si Zed sa paglakad nang makita ang mukha ni Senti. Of course, everyone knows him. Our university is just outside the city pero kahit saang sulok ng probinsyang ‘to, kilala ang mukha at apelyido ni Senti Hofs.
Alam ng lahat na mahilig siyang dumihan ang mga kamay niya at basagin ang mga mukha ng sinumang lumalapit sa mga ari-arian niya. I know Senti is doing business with my father, Mason Forster.
Minsan ko silang narinig na nag-uusap sa opisina ni Dad. Lumalaban sa illegal underground boxing matches si Senti sa Trinity’s Club. I think he’s doing it for fun and my father let him.
Lahat ng mga nakakalaban ni Senti ay mga bigating kriminal, galing sa piitan, o mga death row inmates na gustong makawala. Because if they win, they can walk away.
Pero wala pang nananalo kay Senti. I think… Dahil kung meron man, dapat kalat na ‘yon sa university namin.
My father is getting a massive amount of money because of Senti's dominance in that blood sport. People who love watching those kinds of dirty, bloody games are willing to pay millions just to see Senti tear his opponents apart.
“May problema ka ba samin ng girlfriend ko?” malamig at nanunuot na tanong ni Senti kay Zed.
“W-Wala… Hindi ko alam na girlfriend mo pala si Red…” namumutlang saad ni Zed, umatras agad ang mga paa palayo sa amin ng nararamdaman ang nakakatakot na aura ni Senti sa paligid namin.
“Yes, she’s my girlfriend. So leave now before I change my mind and break every bone in your body.”
Wala nang sinabi pang iba si Zed. Mabilis pa sa alas-kuwatro siyang tumakbo palayo sa harapan namin. Parang nakakita ng multo. Napairap na lang ako nang husto sa hangin dahil sa sobrang inis. Ang bilis-bilis niyang tumiklop!
Wala talagang lalaking maglalakas-loob na lumaban kay Senti para sa akin. Wala pang nagtatangkang tumagal laban sa kanya.
Napailing-iling ako nang husto lalo na nang muling humarap sa akin si Senti. Nanlilisik ang mga mata ko sa galit sa ginawa niya.
This is the main reason why I hate Senti Maeve Hofs with every fiber of my being. He’s pushing everyone and everything away from me! Gusto niya na siya lang ang mundo ko na siya lang ang kausap ko at siya lang ang pwedeng humawak sa akin!
“I hate you so much, Senti! I hate you!” sigaw ko habang dinuduro ang dibdib niya.
“You can hate me all you want, Iris, but at the end of the day, you are still my property. Walang ibang pwedeng humawak sa’yo, wala ring pwedeng tumitig sa’yo ng ganyan. Maliban na lang kung gusto rin nilang magising bukas na basag ang mga mukha nila.”