M A R C O M O N T E F A L C O "Baby, you want something to drink?" tanon ko kay Lovie na abalang naglalaro ng mga manika niya sa sala. Marahang umiling ang bata kaya ako tuluyan ng tumayo para kumuha ng maiinom sa kusina. Nakalimutan ko pala kaninang uminom ng tubig. Hindi ko alam bakit ako naiilang sa presensiya ni Ava kanina habang kumakain kami. Hindi ko tuloy na-enjoy ang kinakain kahit masarap ang adobong iniluto ni Nanay. "Kakain ulit ako mamaya," sabi ko sa sarili habang naglalakad patungo sa kusina. Malapit na sana ako nang narinig ko ang sermon ni Nanay roon. Tila sinasabon niya si Ava dahil ang bilis niyang magsalita. "Ano itong nabalitaan ko sa mama mo na may nakaaway ka sa club, ha?" narinig kong sabi ni Nanay Esther kay Ava. Nasa kusina sila at naghuhugas. Kukuha sa

