A V A S A N T I L L A N Pareho kaming abala ni Lovie sa pagguguhit nang biglang may masiglang bulto ang bumungad sa pinto. Dumating na pala siya, hindi man lang bumusina "Lovie!" masiglang tawag ni Otep na nakabuka ang dalawang braso para mayakap ang anak. Sa sobrang energetic niya ay halos matumba siya sa gulat nang nakita ako. Natawa tuloy ako sa biglang paghinto niya at pagkawala ng sigla. May natatagong Gary V pala itong si Otep, eh! Kung makatawag sa anak ay akala mong isang taong 'di nagkita. "Daddy!" Agad din na tumayo ang bata at sinalubong ang ama. Tumayo na rin ako. Napatingin si Otep sa akin. Nagtataka. Kung gaano siya kasigla kanina, ay gano'n din kabusangot ang mukha niya kaya nawala tuloy ang kumpyansa ko sa sarili. Tss. Pati rin ba rito ay trabaho pa rin

