BOOK 1 Kabanata 3 (Grumpy Boss)

1946 Words
(MARCO'S POV) "Anak, Marco!" tawag sa akin ni Nanay Esther. Tatayo na sana ako sa kinauupuan at maghahandang umalis papuntang opisina nang marinig ko ang boses niya. Nahihiyang umupo siya sa isang silya kung saan ako nag-aagahan. "Kuan kasi... uuwi galing Amerika ang pamangkin ko. Kilala mo si Abyang, 'di ba?" Napaisip ako. Pamilyar ang pangalan pero hindi ko agad maalala. "Si Ava ba. Ang pamangkin ko na dinadala ko rito rati, iyong nakilala mo sa Davao?" pagpapaalala niya. "Ow!" I mouthed. Naalala ko na. Ang batang makulit na laging nakasunod sa akin noon. Nasa walo o siyam na taong gulang pa lang siya noon habang magki-kinse ako. Sino ba naman ang makakalimot sa batang unang nagyaya sa aking magpakasal? FLASHBACK "Hoy Otep! Pakasalan mo ako! Nakita mo akong umihi!" maktol ni Ava habang naglalakad kami pauwi. Inutusan siya ni Nanay Esther na bumili ng toyo sa tindahan at nagpasama sa akin. Nasa Davao del Norte kami noon, sa Samal Island, sa lugar ni Nanay Esther. Dahil matagal at malaki na ang tiwala nina Mommy at Daddy sa kaniya, pinayagan kaming magbakasyon doon ni Rhem. Bagong lugar para sa amin. Tuwing bakasyon kasi, sa abroad kami madalas pumupunta. Pero dahil ayaw naming mawalay nang matagal kay Nanay Esther na itinuring naming tunay na ina, we asked our parents to let us go with her. Una, ayaw ni Mommy, pero kalaunan napapayag din namin siya. Simula nang magsama-sama kami kay Nanay Esther, nakabili ng malaking lupain ang lolo at lola ko sa isla. Ngunit mas gusto naming manatili sa baryo nina Nanay Esther. Ang kaso, may asungot ding kasama ang matandang katiwala namin na kay sarap kutusan. "Otep! Otep!" tawag ulit ni Ava. Nauna na akong maglakad. Medyo madilim at tanging ilaw lang ng flashlight ang nagbibigay-liwanag sa daan. Binilisan ko ang hakbang. Naiingayan na ako sa batang ito kaya hindi ko na siya pinapansin. "Oteeeeeeeepppp!" Isang matinis na boses ang halos dumagundong at bumulabog sa buong baryo ng San Isidro. Nagsitahulan ang mga aso at tumahimik ang mga kuliglig. Agad ko siyang nilapitan at tinakpan ang bibig. "Bakit ba?" naiinis kong tanong. Kinuha niya ang mga kamay ko at sumimangot. Kahit madilim, kitang-kita ko ang pagnguso ni Ava. "Sabi ko pakasalan mo ako! Sabi ni Mama, walang puwedeng makakita kung iihi ako!" nakahalukipkip pa siya. "Nababaliw ka na bang bata ka? At isa pa, malay ko ba na umiihi ka pala, eh nawala ka na lang bigla." Hindi ko sinasadyang ma-ilawan siya habang nakaupo at umiihi sa damuhan. "Basta Otep! Pakasalan mo 'ko!" pagmamaldita niya. "Huwag mo nga akong matawag na Otep. Marco Joseph ang pangalan ko!" sigaw ko. Kahit mas bata siya, handa talaga akong makipag-away. Ang kulit eh! "Dito sa probinsya, hindi uubra kahit gaano pa ka sosyal ang pangalan mo. Ako si Ava, Abyang ako rito. Si Kuya Rhemuel, Reming. Ikaw, mamili ka, Otep o Makoy?" Iiling-iling ko na lang siyang tinalikuran at naglakad palayo. "Otep!" sigaw uli ni Ava. "Bahala ka riyan! Kukunin ka ng mga sigbin sa kakasigaw mo!" Iiling-iling ako nang maalala ang batang iyon. Pagkatapos noon, nabalitaan ko kay Nanay na kinuha na pala siya ng mga magulang na nasa Amerika at doon pinag-aral. Dahil walang anak si Nanay Esther at halos sa kaniya na lumaki si Ava, nakita ko kung paano siya nalungkot nang umalis ang pamangkin. "Bakit po pala si Ava, Nay?" tanong ko. "Eh, nakahanap na raw siya ng trabaho rito sa Maynila. Sa akin na muna siya titira habang pinapaayos ang condo niya. Puwede ba, rito ko siya papuntahin pagkagaling niya ng airport? Dadaan lang muna raw siya saglit sa kompanya na papasukan niya dahil gusto silang makita ng mga bosses nila," paalam niya. Agad akong tumango. Wala namang problema iyon. At isa pa, malalaki na rin kami. Alam kong malaki na ang nagbago kay Ava. Kahit pinilit ko si Nanay Esther na rito na tumira kasama ko, mas pinili niyang umuuwi araw-araw. May mga pamangkin kasi siyang inaalagan at pinapaaral. Sa katunayan, ang isa niyang pamangkin na si Peter ay napag-aral ko ng Engineering at pinangakuan na patatrabahuin ko sa kompanya kapag nakatapos. Malaki ang utang na loob namin kay Nanay at tututulungan namin siya sa abot ng aming makakaya. "Walang problema," sabi ko sabay higop ng kape. "Basta't huwag niya na ulit ako yayayain na magpakasal," dagdag ko sabay tawa. Sakto sa oras akong nakaabot sa opisina at agad akong tumungo sa conference room kung saan naghihintay ang mga bagong empleyado. Since I already bought half of the holdings of M&Z Construction and Designs, Inc., kailangan ko ng mga bagong skilled Engineers and House Designers. M&Z was owned by my cousin, Marphon. He was the first son of my Uncle Zachary Montefalco. Nang mamatay si Uncle, si Marphon na ang namahala ng kompanya—ang kompanyang unang pinaghirapan ni Dad at ni Uncle. Pero nalubog ito sa utang at nag-back out ang mga investors at kliyente. Nagmakaawa si Tita, asawa ni Uncle Zach, na saluhin ko ang kompanya at paghatian namin ng pinsan ko ang pamamahala. We have the same blood, kaya sumang-ayon ako kahit alam kong labag sa kalooban ni Marphon na makasama ako sa iisang opisina. Obviously, we are not in good terms, dahil iniisip niya na kalaban kami sa negosyo. Ngunit hindi iyon ang nasa isip ko. Para sa ikalalago ng mga negosyo namin ang layunin ko. Nagsitayuan ang lahat nang makita akong pumasok. “Are we good to start?” tanong ko kay Julius, ang assistant ko. Bumulong siya sa katabing si Sheryl, isa sa mga tauhan ko sa recruitment. “Bakit? Tinawagan mo ba?” pabulong na sabi ni Julius. “Oo, on the way na raw,” sagot ni Sheryl na pabulong din. “May problema ba? Para kayong mga bubuyog diyan,” iritableng tanong ko nang hindi sila nililingon. Matagal bago may nagsalita sa kanila, tila nagtutulakan kung sino ang magsasabi sa akin. “Kuan… may isang—” Napalingon kaming lahat nang biglang bumukas ang pinto. Masiyado yatang napalakas ang pagtulak kaya halos mag-bounce ito sa door stopper. “Oh gosh! So sorry! I’m late,” hingal na turan ng isang babae. Oh, wait… parang namali yata siya ng pasok na building. The girl was wearing a leather jacket, black pants, and black boots. Her hair was short with bangs, her lips coated in red lipstick, and she had a mouth piercing. Nilapitan siya ng isang staff ko. When she showed a paper, nag-aalangang ngumiti si Sheryl. “Eh, pasensiya na. Galing pa kasi akong airport tapos ang traffic diyan sa may Pasay,” pagpapaliwanag nito. “S-siya na po ang hinihintay natin,” ani Sheryl. “What do you mean?” tanong ko kay Sheryl. Hindi siya makasagot. I eyed back at that weird-looking woman. “I think you entered the wrong building, Miss.” Napatayo na ako dahil paanong nakapasok ito rito? Kinakabahang nagsitayuan din ang mga staff ko. “Talaga? Kasi ang sabi sa e-mail ay Horizon Tower, M&Z Construction and Designs, under Montefalco Builders, Inc. Am I at the wrong building?” Hindi ko alam kung namimilosopo siya o nagtatanong. She sounded so sarcastic—and I hated it! “Sir Marco, siya po si Miss Gavaina Marie Santillan, ang newly hired Senior Interior Designer,” sabat ni Sheryl. I furrowed my brows and looked at the recruitment staff at my back. Nakayuko ang lahat, walang gustong tumingin sa akin. “Can I sit?” Hindi na niya hinintay ang sagot namin at naupo sa bakanteng upuan malapit sa akin. What happened? All the new employees were dressed formally. Bakit ang isang ito ay… naka-costume? Naiinis akong bumaling muli sa mga staff sa likuran ko. M&Z will be having a big project. Korean ang mga clients and it’s worth billions. That is why I asked and hired skilled new workers para rito. This project was M&Z’s last ace. And now, they will show me an employee like her? Senior Interior Designer pa? “Who interviewed her?” tanong ko kay Julius. “Sino raw nag-interview?” bulong na naman niya sa katabi. Naririnig ko na naman ang mga bulungan nila, and it made my head ache. “Si Sir Sam daw ang nag-initial interview sa kaniya via Zoom. She was based in New York,” sagot ni Julius. “Call Sam and give me her record—the interview sheet,” utos ko. Sa totoo lang, sumasakit na ang ulo ko sa stress. From my own company and M&Z, and now, dadagdag pa ang isa sa mga new hires? “Sis, inspired Blackpink ka, ’no?” narinig kong bulong ng katabing babae ni Miss Santillan. “Oo, Lisa Manoban inspired. Ayos ba?” nakangisi pang sagot nito. Tss! Blackpink inspired? Eh, sa Korea sana siya pumunta! “Totoo iyang hikaw mo?” tanong uli ng katabi niya, tinutukoy ang mouth piercing. “Uy, hindi. Char-char lang ’to. Pati rin itong buhok ko, wig lang. Alam mo kasi, may concert next week ang Blackpink dito sa Maynila kaya ni-ready ko na ang sarili.” At proud pa? Tss! I will make sure this will be her first and last day. I cannot accept an employee like her. Sasakit lang ang ulo ko . “Sir, ito na po. At nandito na po si Sir Sam,” inabot sa akin ni Julius ang file. I sequestered myself from them at hinarap si Sam na nakayukong nakatayo sa harap ko. “Why do you want to work here in the Philippines?” basa ko sa interview sheet. And her answer made my jaw drop: “Honestly, I was really planning to go back to the Philippines because of the Blackpink concert. And as an offer knocked on my door, I instantly grabbed it.” “This is ridiculous!” bulalas ko, sabay lingon kay Sam. Sinong matinong tao ang sasagot nang ganito? “What happened?” “S-Sir, y-you can check her credentials and… experiences,” kinakabahang sagot ni Sam. As I checked her profile, I was a bit amazed—just a little bit, kasing liit ng tuldok lang. She studied at the Parsons School of Design in New York. She had experience in various companies such as Carrier and Company, Aero Studios, Victoria Hagan, and Miss Bella Mancini—one of the best interior designers in New York. But all her experiences lasted less than a year. Why? Actually, I was trying to find drawbacks. I’ve been in business for so many years and she’s the type that screams ‘headache.’ “I want her out of the company,” mariin kong sabi. Nagulat si Sam sa deklarasyon ko. “You cannot do that, Marco!” biglang sabat ni Marphon na nasa likuran pala namin. Nakayukong umatras si Sam. Nakapamulsang hinarap ako ng pinsan. He’s taller and broader than me, pero hindi naman ako padadaig. I am better than him. “You can’t let her out. She is the best designer na inirekomenda mismo ni Miss Mancini. You can check the recommendation if you want,” sabi niya. “This is getting out of hand, Marphon. M&Z has a big project. We need good and reliable employees here.” He just clicked his tongue and shook his head. “Tsk, do not use your arrogance here, Marco. Remember, I can share a decision in this matter as half of M&Z is mine.” Iyon lang at iniwan akong nagtitimpi sa galit. I cannot take it. How can I work with him if he always defies my decisions? Napasulyap akong muli kay Miss Santillan. That woman! Hindi lang siya magkakamaling pasakitin ang ulo ko—or else, she will regret joining my team.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD