M A R C O M O N T E F A L C O Nagmamadali akong bumaba ng kotse. Late na nang nabasa ko ang text sa akin ni Nanay Esther na umuwi siya dahil ang sama ng kanyang pakiramdam at si Ava ang nagbabantay kay Lovie. How can she take good care of my daughter? Sarili nga siguro nito ay 'di maalagan. Alalang-alala ako sa anak ko dahil buong buhay ko ay 'di ko siya iniwan sa iba, maliban kay Nanay Esther. Agad akong naglakad papasok ng bahay. Nasa bungad pa lang ako nang narinig ang malakas na tugtog sa loob. May nagpapa-party ba? Do not tell me, Ava brought her wildness in my house! "s**t!" BOOMBAYAH YAH YAH YAH BOOMBAYAH YAH YAH YAH BOOMBAYAH YAH YAH YAH YAH BOOM BOOM BA BOOM BOOM BA "Oppa!" Narinig ko ang boses ni Lovie. "Lovie?" Kitang-kita ng dalawa kong mata ang dalawang taon

