Chapter 2

2126 Words
Chapter 2 Nagising si Emma, naroon na naman muli sa sasakyan at suot ang uniforme na dati niyang pinapasukan. Hindi niya matadaan kong anong oras at kong anong araw nang sandaling iyon. Ginala ni Emma ang tingin at naroon siya naka-upo sa backseat samantala naman naka-upo at nag mamaneho ang kaniyang Mommy. Dumungaw si Emma sa bintana at pinapanuod ang kanilang dinadaanan. Naging iba at hindi familiar ang kanilang dinaraanan, at mukhang naroon sila sa ibang lugar. Hindi naman naka ramdam ng takot at pangamba si Emma dahil kasama niya naman ang kaniyang Ina, kaya't alam niya naman sa kaniyang sarili na ligtas siya at wala dapat siyang ipangamba pa. Inaaliw ni Emma ang pamamasid sa paligid at wala siyang matanaw na anumang bahay o tao. Matataas na puno lamang ang kaniyang nakikita at liblib, na matatayog na mga puno lamang iyon. Hindi rin umiimik ang kaniyang Mommy na naka-tuon lamang ang atensyon sa pag-mamaneho. "Mommy?" Tawag ni Emma ngunit parang hindi siya nito narinig. Pabaling-baling ang ulo ni Ester na hindi mapakali at patuloy na kinakamot nito ang kaliwang batok– at kahit na rin sa likuran ng parte ng taenga nito. Pabilis nang pabilis ang paraan ng pag-kamot ni Ester doon na mag bigay ng nakaka-takot na tunog ng pag tama ng kuko sa balat nito. Pag tuklap ng sariwang laman nito sa ulit-ulit na kinakamot na para bang napaka-kati no'n. "Mommy, saan tayo p-pupunta?" Pawisan ang batang si Emma at kahit na rin natatakot sa kinikilos nang Ina. Naging intense ang paraan ng pag-kamot nito sa parteng leeg at hindi na makayanan ang kakaibang tunog ng mag pakaba sa kaniyang puso. "M-Mom?" Biglang inapakan ni Ester ang preno ng sasakyan kaya't sila nahinto. Kulang na lang tumalsik ang batang si Emma sa lakas ng pwersa na biglang pag hinto ng sasakyan. Inayos ni Emma ang magulong buhok at tinignan ang Ina na naka-talikod pa rin at hindi gumagalaw kong saan ito naka-upo. "M-Mommy." Tawag ni Emma sa Ina. Gumilid na ang bakas na luha sa mata ni Emma dahil natatakot na sa kakaibang kinikilos nang Ina. Ginalaw ni Ester ang leeg at rinig na rinig mo ang pag tunog at kabali nito ng buto nito. Nakaka-takot at kilabot na pag-masdan ang kinikilos nang kaniyang Ina. "Hmm.. Hmm. Hmm." Patuloy nitong hum ng kanta. Hindi maalala ni Emma kong anong kanta iyon ngunit nag bibigay kilabot na pakinggan. Nakaka-takot na kahit ikaw mismo, ayaw mong pakinggan. "Hmm. Hmm.hmm." patuloy nitong pag hum ng kanta na maiyak pa lalo si Emma. "Mommy, you're scaring me p-po." Naiyak na sambit ni Emma na kumilos ng weird ang ina at kasunod ang pag hum ng song na ngayon niya pa lang narinig. Tumayo ang balahibo sa katawan Emma at may kong anong sindak sa kaniyang dibdib na paulit-ulit lang nitong kinakanta ang kanta. Sinubukan ni Emma na buksan ang pintuan nang sasakyan ngunit may kong anong pwersa ng enerhiya na kahit anong tulak at pilit niyang buksan iyon–hindi niya magawa. "Mommy, t-tama na po. Natatakot na ako." Basag na salita ni Emma at pilit pa rin na binubuksan ang pintuan. Hindi niya maayos na mabuksan dahil sinasabayan na rin nang panginginig ng katawan sa takot. "Hmm. Hmm. Hmm." May tuno ang pag hum ng kanta at hindi nito naririnig ang aking sinasabi. "Mommy." Naiyak na tawag ni Emma sa Ina. "Hindi mo ba nagugustuhan ang aking kanta, Emma?" Galing sa kailaliman na balon ang nakaka-kilabot na boses nito. Tumigil si Emma sa pag tulak ng pinto nang sasakyan at nabaling ang tingin sa Ina. Umikot ang ulo ni Ester paharap kong saan naka-upo ang anak sa backseat, na hindi gumagalaw ang katawan nito. Ang ulo lamang gumagalaw. Rinig na rinig ang pag kabali ng leeg nito at pag tunog ng buto. Nasindak at nagimbal si Emma ng makita ang nakaka-takot na itsura ng Ina. Umaagnas at sunog ng mukha nito. "Ahhh!" Matinis na sigaw ni Emma at kasabay ang pag-balikwas ng bangon sa kina-hihigaan. Hinahabol ni Emma ang pag-hingga kasabay ng malakas na pintig sa nakaka-takot na panaginip. Ginala ni Emma ang paningin sa paligid. Base pa lang sa liwanag ng araw na pumasok sa kaniyang silid–hudyat mataas na ang sikat ng araw. Bakit ganun? Bakit ganun na lang kasama ang kaniyang panaginip? Bakit pakiramdam niya, totoong-totoo iyon? Bumaba na si Emma sa kama at tumunggo sa banyo para mag ligo. Simpleng suot na uniforme na pag-pasok ang kaniyang sinuot at hinayaan lamang naka-lugay ang mahabang buhok. Pag baba sa unang palapag nadatnan ang Ina na nag hahanda ng almusal, naamo'y kaagad ni Emma ang mababgong niluluto nito. "Good morning Emma." Nilapag ni Ester sa lamesa ang hinanda nitong almusal. "Tara almusal tayo." Aya nito at nauna na ngang kumakain ang tahimik lamang si Paul sa bakanteng silya. "Halika na Ate, ang sarap nang niluto ni Mama na mga pag-kain." Ngumiti si Paul na makita ang maputi at pantay-pantay nitong ngipin. "Nagustuhan mo ba Paul?" Lumapit si Mommy sa naka-upo lamang si Paul, na sarap na sarap na nilalantakan ang pag-kain na inihanda nito. "Opo Mommy, nagustuhan ko." "Kain ka ng marami ha?" Hinaplos ni Ester ang buhok ng bunso at sabay ngumiti nang ubod ng kay tamis. "Yes po!" Nag salute pa ang kapatid na kina-lawak ng ngisi ni Ester sa bibong anak. Umupo na rin si Emma sa bakanteng silya at nilapag ni Ester ang hinandang almusal sa harapan ng anak at tinimplang gatas para dito. "Kain ka ng marami para may lakas ka sa school, anak." Ngumiti si Ester na maaliwas at masarap pag masdan. Naalala muli ni Emma ang mukha ng kaniyang Ina sa panaginip. Hindi niya mapigilan ang sarili na isipin at alalahanin sa kaniyang isipan muli. "Bakit Emma? May problema ba?" Napansin ni Ester ang pananahimik at ilang segundo na napa-titig sakaniya ng anak. Mabilis naman na binawi ni Emma ang tingin at tinuon sa hinandang almusal ng Ina. Simple lamang iyon ngunit masasabi mo talaga na masarap. "Wala po Mommy," "Sorry, kong iyan lang ang naihanda ko na almusal dahil wala masyadong stock sa ref." Dugtong pa ng kaniyang Ina. "Mamaya at mamalengke ako, para naman ipag luto ko kayo nang mga paborito niyong mga pag-kain. Ano bang gusto niyong ulam mamaya?" Ginala ni Ester ang tingin sa anak para alamin ang magiging opinyon ng mga ito. "Me, me, Mommy." Tinaas pa ni Paul ang kamay para maagaw ang atensyon ng Ina. "Gusto ko po M-Mommy ng fried chicken po at spaghetti po." Humalakhak ng tawa si Ester sa kabibuhan at kakulitan ng anak. "Gusto ko rin Mommy ng pork adobo. Na-miss ko ang luto niyo." Suhesyon ni Emma. "Sige, ipag hahanda ko mamaya na hapunan ang nirequest niyong mga pag-kain mamaya.. Siya, huwag lang kayong makulit at mainggay at baka madistorbo natin sa pag-tulog ang nag-papahingga na si Auntie niyo Flora, sa kaniyang kwarto." Paalala nito at umupo na rin si Mom sa bakanteng silya na katabi lamang namin ni Paul. Masaya at napunan ng masayang kwentuhan at tawanan habang kumakain sila nang sabay-sabay ng almusal. ***** Rinig mo ang malakas na tunog ng bell na hudyat tapos na ang klase, ng hapon na iyon. Kanya-kanya ng tumayo sa kina-uupuan ang mga estudyante at kinuha na nila ang gamit at bag nila. Nabalot rin ng masayang kwentuhan at asaran ang mga estudyante, na kasama ang kani-kanilang mga kaibigan. Huling tumayo sa kina-uupuan si Emma at lumapit ang matalik niyamg kaibigan na si Maureen. "Oh my problema ba Emma?" Panunuri nito sa itsura ng kaibigan. Naka ponytail ang buhok ni Maureen at anak ito ng Mayor sa kanilang bayan. Ang iba nilang mga kaklase ayaw makipag-kaibigan dito dahil mataray at maarte na kumilos si Maureen, para kay Emma kabalikan ang kaniyang nakikita dahil mabait naman ito kaso makulit din paminsan. "Wala." Isa-isa nang nilagay ni Emma ang ilang gamit sa bag at ilang mga color pencil at sketch sa kanilang naging activity kanina. "Mukhang napaka-lalim ng iniisip mo, na ilang beses kana napuna ni Teacher Jerry, dahil hindi ka nakikinig sakaniya kanina." Dagdag pa nito. "Ang weird kasi ng napanaginipan ko kagabi." Walang buhay na tugon ni Emma. Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isipan ang nakaka-takot na panaginip mula kagabi. Dati-rati naman light lang naman ang napapanaginipan ko. At halos paulit-ulit lang ang nangyaring car accident, pero ngayon kakaiba talaga. At mas nakaka-takot. "Talaga? Ano iyon?" Nilapit ni Maureen ang taenga para gaano siya nito mapa-kinggan. "Ganito kasi iyon." Pang bibitin ni Emma at nag dadalawang isip kong sasabihin iyon o hindi.. "Wala iyon." Biglang bawi ni Emma ng kwento na, kina-busangot naman ng mukha ni Maureen. "Kainis ka talaga.. Halika na Emma" Kinuha ni Maureen ang bag sa upuan at nauna na itong mag lakad palabas ng kanilang silid. Sila na lang natira ni Maureen sa loob kaya't kailangan niya na din mag madali. "Sige, susunod na ako." Binilisan ni Emma ang kaniyang pag-aayos at hindi na saayos na nilalagay ang iba pa niyang mga gamit sa bag para lamang mahabol ang kaibigan. Sinarhan ni Emma ang bag at sinabit sa balikat ang backpack. Ihahakbang na sana ni Emma ang paa at may isang bagay ang nag paagaw nang kaniyang atensyon. Nakita ni Emma ang bulto ng isang tao na naka-tayo katabi ng malaking puno. Saksing-saksi ni Emma ang nakaka-takot na itsura nito at naka-titig lamang sa malaking bintana. Mahaba ang buhok at mahaba ang suot nitong damit na bestida. Hindi niya gaanong makita ang itsura dahil may kalayuan din kong saan ito naka-tayo. Tumayo ang balahibo sa katawan ni Emma na hindi inaalis ng tingin ng babae ang direksyon. Nakaka-kilabot ang paraang titig nito, na para bang galit na galit. Nag danak ang malamig na pawis sa noo ni Emma na kahit gusto niya man ihakbang ang paa at ibuka ang bibig–ngunit hindi niya maigalaw iyon. Base pa lang sa korte ng katawan at mukha nito–nakilala niya kong sino ito. "M-Mommy." Sa wakas naibuka ni Emma ang bibig. Napa-lundag si Emma sa takot na biglang may humawak sa kaniyang kaliwang balikat–walang iba ang kaibigan niyang si Maureen. "Oh ano na? Kanina pa ako nag hihintay sa'yo, pero hindi kana man pala naka-sunod sa akin." Pag su-sungit pa nito. "Oh bakit takot na takot ka? Ang putla mo na rin, Emma." Malilikot ang mata ni Emma na bumaling muli sa malaking bintana, ngunit aking pag kadismaya na wala na doon ang bulto ng babae na aking nakita. Ano iyon? "Ayos ka lang Emma?" Pakiramdam ni Emma naipon ang panunuyo ng laway sa lalamunan sa nakaka-takot na aking nasaksihan kanina. "O-Oo, ayos lang ako. Tara na?" Pilit na ngumiti at maging maayos si Emma, kahit sa loob-loob niya hindi niya pa rin matuloy sa sarili kong totoo ba ang aking nakita. O guni-guni ko lamang iyon. Sabay na silang lumabas ni Maureen sa silid. Nilalakad lamang ni Emma ang pauwi sakanila hanggang eskwelahan, na kinse–minutos mo lang naman iyon lalakarin. Para sa batang si Emma, hindi na sakaniya alinlangan na mag lakad na ganun katagal dahil nasanay na rin siya. Pumasok na si Emma sa loob ng bahay ng kaniyang Auntie Flora, sanay naman siya na walang nadadatnan dahil tulog pa ito. Mamaya pa ito gigising at aalis, para sa kaniyang trabaho. Paakyat na si Emma sa ikalawang palapag para mag palit nang damit–naka-salubong niya ang kaniyang Ina na may matamis na ngiti sa labi. "Kumusta ang school anak? Siya nga pala, nag handa ako ng meryenda. Kumain kana muna bago ka mag palit nang damit." Napa-titig si Emma sa suot ng Ina at hindi mapigilan na obserbahan ito ng palihim. Gayang-gaya ang suot na mahabang bestida nito at posisyon ng buhok nito sa babaeng nakita ko sa school kanina. Sa babaeng nakita ko, na nakakatakot ang paraan ng titig. "Pumunta ka ba sa school k-kanina Mommy?" Kumunot ang noo nito at nawala ang matamis na ngiti sa labi. "Hindi, bakit mo naman maitanong? Kakatapos ko lang mag laba, ngayon lang ako natapos dahil sa katambak na mga labahin." Hindi pa rin maipaliwanag ni Emma ang misteryoso sa kaniyang nakita kanina. Bakit kamukhang-kamukha ito ng aking Ina? Hindi pa rin maalis sa isipan ni Emma ang matatalim nitong titig na naka-tingin sa skwelahan namin. "Sige, m-mag papalit muna ako ng damit Mommy." Alangan na ngumiti si Emma at mabilis na tumunggo sa hagyan para mag palit na nang damit. Naka-apat na hakbang pa lang si Emma sa hagyan–biglang nanigas ang kaniyang katawan ng marinig ang munting pag hum ng kanta ng kaniyang Ina. Hindi lamang simpleng hum ng kanta iyon, na kadalasan natin na naririnig na tugtog at bagong uso na musika. Kundi isang musika, na aking narinig mula sa aking panaginip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD