bc

I See the Devil [COMPLETED]

book_age18+
201
FOLLOW
1K
READ
dark
HE
no-couple
enimies to lovers
musclebear
naive
like
intro-logo
Blurb

Si Emma ay sampung taong gulang. Dahil lamang sa car accident na nangyari sakaniya tatlong taon na ang nakaka-lipas, nag karoon na siyang trauma na sumakay sa kotse.Hindi maganda at madali ang dinananan niya na trauma at problema. Siya lamang ang himalang naka-ligtas sa bingit ng kamatayan.Samantala naman ang Ina nilang si Ester, malala ang tinamo nitong sugat at na-coma pa ito sa Hospital dulot nang car accident.Napunta si Emma at ang kaniyang kapatid sa pangangalaga ng kaniyang Auntie Flora.Isang araw, biglang umuwi ang kanilang Ina lulan ng pag-kaka aksidente.Sa pag-lipas nang mga araw- at linggo.Paano kong mapansin mong, iba na ang kini-kilos nito?Paano kong mapansin mong, hindi na ang kilala mong Ina ang kasama mo sa iisang bahay?Kundi isang demonyo?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Maiingay at ang iba naman nag hahabulan ang mga estudyante palabas ng gate— na tanda tapos na ang kanilang klase ngayong araw. Pansin mo sa tabi ng skwelahan naka-parada ang mga sasakyan na nag sisilbi na sundo ng mga ito. At ang iba naman masaya na nag-lalakad pauwi. Dapit alas kwatro pa lang ng hapon at pinapanuod lamang ng batang babae ang mga estudyante na nag kwu-kwentuhan at iba naman sinusundo ng kanilang mga magulang. Nilalaro ng batag babae ang isang paa sa maliit na bato sa kalsada at tinitignan ang araw sa kalangitan. Hindi na gaanong masakit ang sinag ng araw dahil hapon na iyon. "Emma!" Boses ng babae na mag-paagaw nang atensyon sa batang babae. Mula sa malayo naka-tayo ang isang babae na naka-ngiti at ang kamay kinakaway para makita ng bata na tinawag nito. Awtomatiko umaliwalas ang magandang mukha ng batang babae na nangangalang Emma at sabik na tumakbo patungo sa kaniyang Ina. "Mommy!" "How's your school?" Hinaplos ni Ester ang kulay itim na buhok ng anak, at hindi maalis ang matamis na ngiti sa labi nito. "Maayos naman po Mommy," "Halika na." Tumango ang batang babae at sabay na silang pumasok sa kotse. Umupo ang pitong taong gulang na si Emma sa likuran at ang Ina naman nito ang nag mamaneho. Binuhay na ni Ester ang makita nang sasakyan at binuksan ang radyo- nag play ang mahina at magandang classic music. "Kakain tayo sa Kitty's corner. Gusto mo ba iyon Emma?" Excited na sambit ni Ester sa anak. "Talaga! Wow! Gustong-gusto ko po iyon Mommy," nag ningning ang mata ni Emma sa saya–hindi lamang sa excited ang bata na maka-kain sa mamahalin na restaurant, kundi sabik itong maka-sama ang kaniyang Ina. Malimit lamang na mag-karoon ng oras ang kanilang Ina sakanilang dalawa ng kaniyang kapatid dahil abala ito sa trabaho. Minsan hindi nakaka-attend ng school activities o mamahalagang okasyon ang kaniyang Mommy, dahil sobrang busy at bihira na rin maka-sama nila ito. Para kay Emma, ito rin ang paborito niya sa lahat ang mag bonding sila ng kaniyang Ina kahit sandali lamang. "Sayang hindi natin makakasama ang kapatid mong si Paul sa ating pamamasyal ngayon, dahil tumawag sa akin ni Manang, may konting lagnat siya ngayon." Kwento ng kaniyang Ina at naka-tuon ang atensyon sa pag mamaneho. Maya't-maya na rin sinisilip ni Ester ang anak sa likuran para makita ang reaksyon nito. Mayron na kababatang kapatid si Emma na lalaki at ang pangalan nito, ay si Paul. Tatlong taon pa lang ito at napaka-bibo at makulit. Kwento nang kaniyang Ina na kamukhang-kamuha daw ni Paul ang nabubuhay pa nilang Ama. Naaksidente ito sa tina-trabuhan sa factory, na dalawang buwan pa lang nitong pinag-bubuntis ang kaniyang kababatang kapatid. Konti lang at hindi na gaanong klarado sa isipan ni Emma ang itsura ng kaniyang Ama dahil mahigit apat na taon gulang pa lang ako noon no'ng mamatay ito. Wala din naitabi na mga litrato ang aking Ina sa aking Ama dahil nasunog ang dati naming tini-terhan. "Pasensiya na Emma, kong hindi ako naka-rating sa event niyo kahapon dahil sa katambak na mga ginagawa ko sa trabaho. Hindi ako maka-alis-alis. Are you mad at me Emma?" Tanong ni Ester sa anak at matagal ito bago naka-sagot. "Naintindihan ko naman po iyon Mom." Ngumiti ng konti at hindi pilit ang bata. Mayron sa loob-loob niya ang tampo pa din dahil inaasahan niya talaga na dumating ito. "Pumunta naman po si Manang Myrna sa mother and daughter event sa school po, okay na ako doon Mommy." naka-yuko si Emma at bakas ang pag-tatampo sa tinig. "I'm so sorry sweetie...Babawi ako sa'yo si Mommy, how was it?" Tumango na lang si Emma, at hindi na muling nag-salita pa. Naka-panti naman ang loob ni Ester na makitang naka-ngiti na ang anak. Ito rin ang naisip na paraan para bumawi dito, alam niya sa kaniyang sarili na maraming pag kukulang bilang Ina. "Pag katapos natin kumain, mamasyal tayo sa lugar na gusto mo." Bumabaling si Ester sa likuran para tignan muli ang anak at ang kamay naka-tuon sa pag-mamaneho. "Saan mo ba gustong pumunta Emm—— bumaling ng tingin si Ester sa unahan at nawalan ang matamis na ngiti sa labi nang makita ang mabilis na paharurot ng truck sa kanilang direksyon. Sa bilis ng pangyayari– rinig mo na lang ang malakas at nakaka-kilabot na pag tama ng kanilang mga sasakyan. Pagulong-gulong ang sasakyan at kasabay ang malakas na pag-kabasag ng mga salamin. Para lanang laruan na nayupi ang sinasakyan ni Emma at kasunod ang nakaka-binging sandali na hindi mo nanaisin na masaksihan. "Emma. Emma." Pawisang napa-balikwas nang bangon ang sampung taon na si Emma. Bakas ang takot at kilabot ang gumuhit sa kaniyang mukha sa isang panaginip na nag-bibigay nerbyos sa kaniyang puso. "A-Auntie," niyakap nang mahigpit ni Emma ang Auntie na naka-upo lamang sa kama– at bakas ang pamamasa ng mata ni Enma, na napa-naginipan muli ang nakaka-hindik na trahedya na ayaw niya na muling alalahanin pa. "Ayos ka lang ba Emma? Anong nangyari?" Malambing na tinig ni Flora at hinaplos ang buhok ni Emma para pakalmahin lang ito. "Masama lang ang panaginip ko ngayon Auntie." Mangiyak-ngiyak na sumbong ni Emma dito. "Natatakot ako Auntie. N-Natatakot ako, na baka isang araw pag-gising ko–maranasan ko muli na nandon muli ako sa sasakyan a——" "Shhh!" Hinawakan ni Flora ang pisngi ni Emma na bakas na luha sa mata nito. Bakas ang takot at mukha ng bata na kinu-kwento ang malagim na aksidente na nangyari tatlong taon na ang nakaka-lipas. "It's alright, hindi na mangyayari ang bagay na iyon. It's just a dream. Just take a deep breath and calm down." Pag-papalakas nang loob nito. "Thanks Auntie Flora." Nakapanti ang loob ni Emma nang mag-lapat ang kanilang balat na dalawa. Pakiramdam niya, hindi siya nag-iisa Siya si Auntie Flora ang kapatid ni Mommy. Matanda lamang si Mom ng dalawang taon dito, at siya ang kumupkop sa aming dalawa ni Paul. Simula no'ng malagim na insidente, ako lamang ang himalang naka-ligtas sa car accident na nangyari 3 years ago. Si Mommy naman, nasa Hospital pa ito at nag-papagaling. Marami at malala ang natamo nito dulot nang insidente at na coma pa ito hanggang ngayon. Naroon siya ngayon nag-papagaling sa St. Berces Hospital at hanggang ngayon wala pa din siyang malay. Simula no'ng insidente, nagamit namin ang naitabing pera ni Mom para sa bayarin sa pag-gagamot at iba pang expenses–kaya't napilitan rin naibinta ang aming bahay dahil sa kakulangan ng pera. Sa ilang buwan at taon na pananaliti ni Mommy sa Hospital na wala pa ding malay, napilitan na ilipat namin siya sa public hospital para ipag-patuloy ang pag-papagamot nito. Mahigit limang oras ang byahe mula kong saan kami naka-tira kaya't malimit lamang kami dumalaw sa St. Berces Hospital. Si Auntie Flora lamang ang masipag na dumalaw kay Mom araw-araw para alamin ang kalagayan nito, pero nitong nag daan na mga buwan– naging malimit na rin dahil abala na rin ito sa pag-tratrabo sa call center, at sa umaga naman nag ra-raket pa ito, para ipang-dagdag na pera. Napaka-bait at may mabuting puso ni Auntie Flora at mahal na mahal kami ni Paul. Si Auntie Flora ang nag papaaral at nag bibigay ng mga pangangailangan namin ni Paul. Siya din ang nag babayad sa iba pang mga gastusin at sa Hospital Bills ni Mommy. Hinaplos ni Flora ang buhok ng pamangkin at kumalas sa pag-kakayakap. "Halika na, Emma nag handa na ako nang almusal. Naroon na rin si Paul sa ibaba." Paalala nito at tumayo. Bago ito umalis nag pahabol pa ito nang sasabihin. "Siya nga pala Emma, may surpresa ako sa'yo, hintayin na lang kita sa ibaba." Matamis ang ngiti sa labi nito, at kakaiba ang paraan nang pag-ningning ng mata. Tumango na lang si Emma at sunod na narinig ang pag sara nang pintuan na hudyat naka-labas na nga ito. Napag desisyonan ni Emma na tumayo at mag asikaso. Nag palit siya ng pang bahay na damit at sinuot ang tsinelas para maka-baba na. Pag labas ni Emma sa silid sumalubong ang hallway. Dalawang palapag ang bahay ni Auntie Flora at gawa iyon sa matibay na kahoy. Base pa lang sa klase ng pag-kakagawa, mukhang sinaunang bahay iyon at maka-luma na rin ang mga gamit at ibang furniture. Sa unang palapag, mayron na malawak na sala, dining area na nag kokonekta sa kusina. Mayron ding cr, mayron din na isang silid na hindi na nagagamit, doon naka-lagay ang piano at mga bookshelves na laman na mga libro na kino-kolekta ni Auntie Flora. At sa ibabang bahagi naroon ang basement kong saan naka-lagay ang mga hindi na mga ginagamit na bagay at kong ano-ano pang tools na tinatabi ni Auntie. Sa pangalawang palapag naman naroon ang aking silid, katabi nang silid ni Paul. Silid naman ni Auntie Flora sa isang tabi at dalawang silid na hindi nagagamit para sa bisita. Rinig ni Emma ang ingay at kwentuhan mula sa ibaba. Hindi klarado sa pandinig ni Emma ang tinig na aking naririnig, pero ang nabobosesan ko lang ang malambing na tinig ni Auntie. Mainggat na hinakbang ni Emma ang paa hanggang tuluyan na nga akong naka-ibaba sa unang palapag. Nadatnan ko si Auntie na ubod tamis ang ngiti at nag nining-ning ang mata nito sa kausap. Hindi gaanong nakilala ni Emma ang kausap nito dahil naka-talikod lamang ito, napag-'masdan ni Emma ang balikat at hugis ng katawan nito.Suot ang mahabang bestida at hanggang baywang ang haba ng maitim at straight na buhok. Nabaling ang atensyon ni Auntie ng madaanan ako ng tingin sa mata, at sabay sabing. "Emma, narito kana pala. Halika." Sinensyasan nito akong lumapit para ipakilala sa bagong dating. "May ipapakita ako sa'yo!" Hindi na maalis ang matamis na ngiti at excitement sa boses. Unti-unting humarap ang babae na kausap ni Auntie at tila naka-pako ang mga paa ni Emma sa sahig ng makilala kong sino ito. Sandali? Totoo ba ito? Hindi ba ako nanaginip? "Emma." Emosyonal na salita ni Ester at ang mata maluha-luha na. "Anak ko, halika dito." Binuksan ni Ester ang palad para yakapin ako. Emosyonal ang mata ni Emma at lumapit sa ina para bigyan ng mainit na yakap. Pareho sila nag hagolhol nang iyak na dalawa na sabik na makita ang isa't-isa na mag kalapat ang kanilang katawan. Doon binuhos ni Emma ang sakit at tatlong taon na pangungulilala na maka-sama itong muli. Pinugpog si Emma ni Ester ng malilit na halik sa buhok at pisngi, sabay na lumalandas ang luha sa mata. "Ang laki-laki mo na anak. P-Pasensiya na kong ngayon lang ako nagising. Sorry kong matagal akong nawala. Miss na miss na kita a-anak." "Ako din po M-Mommy," basag na tinig ni Emma. "Masaya po ako na magaling na k-kayo. Masaya ako na makaka-sama na namin ikaw muli." Nanunuod lamang sa isang tabi si Auntie at bakas na rin ang luha sa mata nito. "Ikaw na ba si Paul?" Pinunasan ni Mom ang bakas na luha sa mata ng mapa-dako sa limang taon na lalaki–na naka-hawak sa suot na damit ni Auntie. Nahihiya na tumago si Paul at mukhang nahihiya pa. "Halika dito Paul, ako ito si Mommy." Bakas ang pag-aalinlangan at hiya na tumitig si Paul kay Auntie para huminggi ng permiso. "Sige na Paul, lumapit kana sakaniya. Siya ang Mommy mo." Auntie. Kahit nahihiya man–kusang bumitaw si Paul sa laylayan na suot na damit ni Auntie. Naka-yuko pa ito at maliit rin ang hakbang na lumapit sa gawi namin ni Mom. Nang makalapit na si Mom kay Paul, kinulong niya ito sa kaniyang bisig. "Big boy kana. Ang guwapo-guwapo mo na anak...Pinapangako ko, hinding-hindi na ako muling aalis sa tabi niyo, mga anak. Mahal na mahal kayo ni Mommy." Tumulo ang bakas na luha sa mata ni Ester at sa huling sandali nag kayakapan silang tatlo at sulitin ang taon na hindi nila naka-piling na Ina. **** Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi ni Emma na sinu-suklay ang mahabang buhok sa harapan ng salamin. Ito na ata ang pinaka-masayang araw na nangyari sakaniya dahil tinupad na nang panginoon ang matagal niyang hiling, na maka-sama ang kaniyang Ina. Ang magising na ito, sa ilang taon na pag-ka coma. Sinulit nila ang araw na kasama nila ang kanilang Ina, Gabi na sila naka-uwi dulot nang pamamasyal. Naagaw ang atensyon ni Emma ng lumakas ang ihip nang hangin, na mag patayo ng balahibo sa aking katawan. Lumalakas na rin ang ulan at kasabay ang malakas na kulog at kidlat. Tangi na lang naka-bukas ang ilaw sa pader kaya't hindi na gaanong masakit sa mata ang sinag nang ilaw sa loob ng kaniyang silid. Binitawan ni Emma ang hawak na suklay at dali-daling sinarhan ang bintana para hindi pumasok ang malakas na hangin sa kaniyang silid. Pag sara ni Emma ng bintana–kusa kong nakita ang nakakatakot na nilalang babae na naka-ngiti sa repleksyon salamin, sa aking likuran. "Ahh!" Napa tili ng malakas at sabay lingon si Emma para hanapin iyon sa aking silid. Napaka-lakas nang pintig ng kaniyang labi at sumalubong sa akin ang malamig na simo'y ng hangin–wala nang bakas na babae ang aking nakita. Ano iyon? Ano ang nakaka-takot na nilalang na aking nakita? Kusa nang nanuyo ang lalamunan ni Emma at hindi na mawari ang kilabot sa kalamnan. Mula sa repleksyon ng ilaw mula sa labas ng aking silid–napa-tingin si Emma sa ibaba na siwang ng aking pintuan. Rinig na rinig ni Emma ang nakaka-kilabot na langitngit na tunog ng pag-apak ng paa sa sahig malapit sa aking silid. Mabibigat at dahan-dahan kumilos ang nakaka-takot na yabag ng paa. Sunod-sunod ang yapak na aking narinig at kusang huminto ang madilim na anino sa harapan ng aking kwarto. Ilang segundo iyon doon at hindi gumagalaw. Parang nag hihintay sa aking pag-labas. Nag hihintay sa susunod na pag-atake. "S-Sino iyan?" Kahit takot na takot–nagawa pa rin mag salita ni Emma. "Auntie? Ikaw ba iyan?" Namumuhay ang takot sa kaniyang puso at nanatili pa din ang madilim na anino sa likuran ng aking pintuan. "M-Mommy?" Napa-dako ang tingin ni Emma sa repleksyon ng anino ng paa sa ilalim na munting siwang ng aking pintuan. Palakas nang palakas ang kabog ng aking puso at may kong anong sindak na namumuhay doon. "Auntie?" Tawag kong muli ngunit wala akong narinig na sagot. Hinakbang ni Emma ang paa palapit sa pintuan. Gusto ko rin masaksihan kong ano bang nilalang ang nasa likuran ng pintuan na iyon. Paano kong nakaka-takot na nilalang iyon, at bigla na lang ako sakmalin? "M-Mommy?" Tawag kong muli at naroon pa muli ang bakas nang anino. Nilunok ni Emma ang laway at nanginig ang kamay na humawak sa doorknob. Inipon niya ang natitirang lakas sa dibdib. Pinikit ni Emma ang mata–at walang ano-ano binuksan ang pintuan. Pag bukas ni Emma ng pintuan, sumalubong sa akin ang tahimik na pasilyo at malamig na simo'y ng hangin. Lumingon ako sa kaliwat-kanan at wala akong nakitang bakas na tao dokn. Naka patay na rin ang ibang ilaw at wala akong nakita. Ano ang yabag ng paa na aking narinig? Ano ang anino na huminto sa tapat ng aking pintuan? Maraming mga katanungan at misteryo ang namuo sa isipan ni Emma ng sandaling iyon. Lingid sa kaalaman. Unti-unting namuo ang nakaka-tatakot na nilalang na maitim, na nag mamasid lamang sa sulok–at pina-panuod si Emma. Nakaka-kilabot ang gumuhit na ngiti sa labi nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook