Chapter 4

1503 Words
AN: I wrote this story 4 years ago. You may encounter typos and grammatical errors. Bare with me. I was starting my writing journey when I wrote this! PS: Expect that this story is for FREE! . . "Nandito na ako, Diane," malumanay na ani Dean pagkatapos iparada ang sasakyan sa harapan ng mala-mansyong bahay nila sa Ayala Alabang. Kanina habang nasa themed park sila ni Elish, kulang sampung missed calls at sampung text ang natanggap niya sa nakababatang kapatid. Kaya kahit ayaw pa niyang umuwi, napipilitan na lang siya. Knowing her sister, hindi ito titigil hanggang hindi pinapansin. Pangalawa sa bunso si Diane at nag-iisa pang babae sa walong magkakapatid na Monteverde kaya na-spoiled nila ang kapatid. "Hindi ko nga napapansin ang tawag mo. And what is this all about?" Bumaba si Dean ng sasakyan. Kausap pa rin ang kapatid sa kabilang linya, tinungo niya ang mataas na puting gate. Tiningala pa niya ang bahay bago pumindot sa door bell. He used to live here, but after his graduated in college, sa bachelors pad na graduation gift ng inang si Martha Celine na siya tumuloy. Mas convenient iyon dahil malapit sa site ang unit at gusto rin niyang maagang matutunan ang pagiging independent. Imbes na sumagot ang kapatid, bumukas ang gate at sinalubong siya nito na nakasimangot. "Where were you? Kanina pa ako tumatawag, eh!" Nakasimangot na pakli nito. "Sino na naman ba kasing babae ang kasama mo? Saan kaba galing? Dont tell me may bago kang pinagkaka-interesan ngayon?" Paismid na wika ng kapatid. "Wala. May inasikaso lang ako sa opisina ang dumi ng utak mo" nakakunot noong sagot niya dito. Hindi nalang muna niya sinabi ang tungkol kay Elish. Malamang na di mapapakali ang kapatid hanggang di nakikilala ang babae para kilatisin. Pakialamera pa naman si Diane sa mga nalilink sa kanila. "Wait.. Anong bang mayroon at apurado kang papuntahin ako?" Pag-iiba niya sa topic habang naglalakad sila papasok sa malaking bahay. "I planned a small welcome party for mom. Ikaw na nga lang kulang!" Naririnig nga niya ang masayang tawanan habang binabaybay nila ang kitchen papatungo sila sa backyard. "Welcome home party? Isang linggo na umuwi si Mom from Singapore, ah?" Malakas na bumuntong hiningi si Diane at iniyakap ang bisig sa beywang ni Dean, pulling the glass sliding door. "I'm worried for her, Kuya. Alam mo na.. matanda na si Mommy at wala ng katuwang sa buhay. Last night we were talking and she told me she wants us to be together again. There. Mom! Kuya's here!" Kaway nito. Sa gitna ng malawak na backyard na nalalatagan ng bermuda grass ay mayroong simpleng picnic set up. The wooden table was covered with checked mantle. There were pastle white and yellow balloons everywhere. At syempre kompleto ang pamilya at malalapit na kaibigan. Lumingon si Mrs. Martha Monteverde. Kaagad itong ngumiti nang makita si Dean. "Mom.." Hinalikan niya sa pisngi ang ina at niyakap. She caressed his face. "Hijo, Dean.. I've missed you, son." "How are you, Mom? Hindi na ako nakabalik, busy sa trabaho," alanganing ngiti ni Dean sa ina. Medyo nakokonsensya siya. Lumabas sila ni Elish samantalang di pa niya napasyalan man lang ang ina. Tila nakakutob naman ang Ina. "Kuuu.. talaga bang trabaho ha, Dean?" Nakataas ang isang kilay na nagdududang tanong nito. Dean scratches his head. "Oo naman, Ma. Kung di lang tambak ang trabaho eh ilalabas pa kita" "Ang gusto ko lang mag-asawa ka na at magkaroon na ako ng apo." Anito sa tonong naglalambing. "Yun ang makakapagpasaya sa'kin." Napangiwi siya at nilingon ang ibang nakatatandang kapatid. Mukhang lahat sila na-ungotan ng ina na mag-asawa na. Nakangisi na kasi ang mga ito sa kaniya na para bang sinasabing turn na niya para siya naman ang kulitin ng ina. "Mom, darating din ako doon. Pero sa ngayon masaya akong walang commitment," naalala niya bigla ang mukha ni Elish pero pinalis kaagad iyon sa isipan niya. "Nandyan naman si Vivian. Aba kung si Viv ang mapapangaasawa mo, walang magiging problema. Boto kami ni Diane sa kaniya. At isa pa kilala ko ang pamilya niya." Mukhang narinig ng babae ang pangalan nito kaya lumapit ito sa kanilang mag-ina. Nakaramdam naman ng pagka-asiwa si Dean. Matagal ng tapos na kung anumang namagitan sa kanila. And he made it clear to her na wala siyang balak na balikan pa ang nakaraan. But for whatever reasons, panay pa rin ang pagdalaw-dalaw ni Vivian sa Ina niya. At ito ngang huli, sinamahan pa ang ina sa Singapore. "Ay naku, Tita! Knowing Dean mukhng nag-eenjoy pa 'yan sa paghabol ng babae sa kanya." Umiirap na pasaring ni Vivian. "Ewan ko ba sa mga anak kong ito! Wala man lang nagmana sa ama nila na numero unong tapat at nag-iisang babae lang ang minahal." Naiiling na hindi na lang sumagot si upang hindi na humaba ang usapan. It's final. He doesnt want any commitment. . . Ilang oras rin ang itinagal ng party bago nagpaalam ang mga kapatid at ibang bisita. Ganoon rin si Dean. Nang makauwi sa unit doon lang nagkaroon ng pagkakataon si Dean na tingnan ang cellphone niya. Napangiti siya ng makitang may message galing kay Elish. Sinasabi nitong mag'iingat siya sa pagfadrive. Naisipan tuloy niyang tawagan ang dalaga. Parang may kung anong sumapi sa kanya at gusto niyang marinig ang boses nito. "Hello?" Her was a little bit raspy. It was like q sofly moan to his ear. Damn! Her voice is damn sexy. "Oh.. Sorry. Did I wake you up?" Kahit obvious naman tinanong pa niya. "Hmmm... medyo.." anito't malambing itong bumungisngis. Kahit alam niyang hindi intensyon ni Elish na gawing mapang-akit ang boses, parang naaakit siya sa ganitong tono ng boses nito. Kaya napapaisip tuloy siya anong itsura ng babae at anong suot nito. Shit naloko na. Kung anu-anong image ni Elish ang nag flash sa utak niya. Napalunok si Dean at hinamig ang sarili. Hindi naman na bago sa kanya ang mga late night call sa mga naging ka fling niya. Pero hindi niya maipaliwanag anong meron sa babae at natuturn siya rito kahit pa hindi naman ito nagpapa impress sa kanya. "Kauuwi ko lang. Naisip kong tawagan ka kasi gusto kong marinig ang boses mo." Napamura naman si Dean sa isip. Pano ba naman hindi naman yun ang balak niyang sabihin. Ano bang nangyayari sa kanya? Mahabang katahimikan at nawala na sa linya ang babae. Nagtatakang tinawagan ulit ni Dean si Elish pero di na sinagot ng babae. Kaya naisipan na lang niyang matulog na. . . Nagulat si Elish ng icheck ang cellphone pagkagising at makitang may nakarehistrong 5 mins call mula kay Dean at missed calls. Akala niya nananaginip lang siya kagabi! Naalimpungatan siyang nagising nang marinig ang tumutunog na telepono. Sinagot niya 'yon ng hindi namamalayan. Pero pakiramdam talaga niya tulog pa siya. "Ang tanga ko...." mahinang pinukpok ni Elish ang cellphone sa noo niya. "Ano kayang mga pinagsasabi ko sa kanya kagabi?" Mabilis siya tumipa at binati ng good morning ang lalaki. Ilang minuto na hindi ito sumagot bago niya nakitang tumatawag na ito. "Good morning, Love." Bungad nito. His voice was deep and manly. Ayun na naman yung feeling na naiihi siya sa boses palang ng lalaki. "Morning.. nagising ata kita.." "It's fine. Tamang-tama nga dahil kailangan ako ng maaga sa site." "Ay, oo nga pala! Hindi ko pa naitatanong, ano ngang trabaho mo? If its okay with you.. kung hindi mo naman gustong sabihin.. okay lang rin." Ayaw naman niyang isipin ni Dean na kabago-bago lang nila, ultimate usisera na siya. "I'm an Architech," he replied. Sa iilang beses na nakasama niya ito. Alam na niyang may pinag-aralan ang lalaki. Malamang rin na galing sa kilala at mayamang pamilya. Bigla nakaramdam nang pangliliit si Elish. Gwapo na nga mayaman at edukado pa. Malamang ay maraming naghahabol na babae rito. Tapos ganun-ganun lang, tinanong niyang maging boyfriend! Para tuloy lumalabas na wala siyang delikadeza! Kakahiya ka Elish! Pero bakit ba? Mamamatay kana! Just a reminder. Magsaya ka naman sa mga nalalabing oras mo! Nagsalita ulit ang lalaki. "How about you? Anong pinagkakaabalahan mo sa buhay?" "Auditor. Auditor ako sa isang accouting firm." Walang pagyayabang na sagot niya. Hindi kasi naman siya nakapasa ng board exam. Naawa ata sa kaniya ang may ari ng accounting na pinagtatrababuan niya kaya siya tinanggap. "Oh, that's nice.. May kuyang akong may-ari ng isang accounting firm. I can recommend you. Para mas malapit ka na sa pinagtatrabahuan ko at---" Natigilan sa pagsasalita si Dean kabilang linya na pinagtaka ni Elish. "Dean?" Untag niya. "As you were saying? Your brother have a accounting firm—" "Ah, yeah." Mabilis nitong sagot pagkuwan ay iniba na ang topic. At nagpaalam na papasok na sa trabaho. Subalit bago ibinaba ng lalaki ang telepono ay sinabi ni Elish ang pangalawa sa kanyang bucketlist. At napag-usapan nilang sa sabado ng gabi iyon gawin. Nakangiting sumandal sa pader si Elish. In-anticipate ang mangyayari!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD