bc

The Last Sunset (Completed)

book_age18+
7.0K
FOLLOW
16.8K
READ
drama
sweet
first love
illness
like
intro-logo
Blurb

Nag-echo sa isipan ni Elish ang sinabi ng doctor. "Sorry to say this, Miss Garcia, pero six months na lang ang itatagal ng iyong buhay.

Pakiramdam niya pinagsakluban siya ng langit at lupa. Sino ba namang hindi, kung malaman mong mamamatay ka na?

Hindi niya alam kung dahil sa sakit ay nababaliw na siya. Nilapitan niya ang isang estranghero at tinanong kung maari ba niya itong maging boyfriend? And to her surprised he said. Yes!

Mukhang magkakakulay na ang boring na buhay at lovelife ni Elish. Sa kasamaang palad kung kailan mamamatay na siya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
This the first story I wrote 2 years ago. You might encounter a lot of grammatical errors and typos. Please bear with me. "I'm sorry, Miss Garcia. Ngunit anim na buwan na lamang ang itatagal ng iyong buhay." Nag-echo sa isipan ni Elish ang sinabi ng doktor kanina sa kanya. Noong nakaraang taon ay madalas na sumakit ang ulo ni Elish. Minsan ay hindi siya makakita ng maayos, nahihilo at nagsusuka. Akala ni Elish ay simpleng pag-atake lamang 'yon ng migraine kaya binalewala niya. Subalit tumindi ang mga pagsakit at pamamanhid ng ulo sa bandang likuran, na naging dahilan bakit siya kumunsulta sa doktor. Doon nalaman ni Elish, na ang binalewalang mga sintomas ay benigh tumor pala. Dahil napabayaan ng matagal na panahon. It was too late. She was diagnosed with brain cancer and It's already on stage it's four. Nakakapanlumo dahil siya lang ang inaasahan ng mga magulang na nasa probinsya wala siyang perang pampagamot. Mag-isang naninirahan sa isang maliit na apartment dito sa Maynila si Elish na tubong laguna. Right after she graduate in BS Accountancy, nakipagsapalaran na siya rito sa Maynila. Nakakuha siya ng trabho sa isang maliit na accounting firm bilang Junior auditor na sobra niyang ipinagpapasalamat. Hindi pa kasi nakakapag-board exam. Gustuhin man niyang kumuha ng board hindi sumasapat ang kita niya. Dahil nagpapadala sa mga magulang sa probinsya na umaasa sa kaniya. Wala siyang balak sabihin sa mga magulang ang kondisyon niyang ito dahil mag-aalala lamang ang mga 'yon sa kaniya. Magiging dagdag alalahanin lamang siya para sa mga ito. And She decided to stay here in Manila hanggang sa huling araw ng buhay niya upang hindi maging pabigat sa pamilya. Bumuntong hininga si Elish. Nangilid ang luha sa sulok ng mga mata. Naging mabait na anak naman siya at tumutulong kung mayroon. Pero bakit siya pa? Bakit siya pa ang dinapuan ng sakit na walang lunas? Alam naman niyang lahat ng tao doon papatungon. But she didn't expect this too soon.. Pagkagaling sa ospital paikot-ikot lang siya sa mall. Walang pupuntahan, walang direksyon. She felt numb, thinking what she would do with her remaining life on earth. Huminto siya sa isang coffee shop. She went inside and ordered coffee at, tulalang naupo habang pinag-iisipan ang mga gagawin sa natitirang oras niya sa mundong 'to. Anim na buwan, Elish. Anim na buwan... 'Yun na lang ang itatagal mo sa mundong 'to. Ano, tutunganga ka na lang ba dyan? Kaagad niyang nilabas ang isang notebook galing sa sling bag na nakasabit sa katawan. Ililista niya ang mga nais gawin bago mamatay. Matagal na siya rito sa maynila pero hindi pa siya nakakapamasyal dahil madalas na opisina at bahay lang umiikot ang mundo niya. Tama! 1. Mamasyal sa buong Maynila! Pinagmasdan niya 'yon pagkatapos ay pinunit niya ang papel. Ang lungkot naman kasing mamasyal mag-isa. Kung may boyfriend lang sana siya edi hindi na niya problema ang kasama. Teka.. teka.. Wala naman masama kung maghahangad ako ng boyfriend diba, lord? Huling hantungan ko na 'to. Sarili ko naman ang iisipin ko. Nagsulat siya ulit sa notebook. Inuna sa listahan ang magkaroon ng boyfriend sa edad na bente dos(22). Hindi pa siya nagkaka-boyfriend kahit fling, wala rin! Hindi naman siya choosy, mas nag-focus lang siya sa trabaho kaya kahit may mga nanliligaw. Kaagad niyang tinatanggihan. Maganda naman siya kung tutuusin (Maraming nagsasabi.) Hindi siya katangkaran. Aabot lang ng 5'1 ang height niya. Lampas balikat ang tuwid at kulay tsokolate niyang buhok, Tuwing ngumingiti naman siya ay nawawala ang mga mata niya. Wala silang lahing koreano o intsik pero may pagka-singkit ang mga mata niya, matangos ang ilong at may kaputian siya at masasabi din na makinis ang kutis niya. Kung alam niya lang na mapapa-aga pala ang biyahe niya papuntang heaven edi sana nagjowa na siya agad-agad! Pero paano naman niya magagawang mag-jowa kung wala siya ni isang matipuhan sa mga nanliligaw sa kanya! Siguro naman ngayong mamamatay na siya ay pwede na siyang maghangad ng gwapong boyfriend. Why not! Abala at nakasubsob ang mukha sa notebook habang iniisip ni Elish ang mga isusulat, natigilan siya at napalingon sa gawing kanan niya. Sino ba namang hindi mapapalingon parang naligo ng pabango yung dumaan sa tabi niya. Masculine na masculine ang amoy. Amoy mamahalin pero hindi masakit sa ilong. Sinundan niya ng tingin ang nag mamay-ari ng humahalimuyak na pabango sa bandang dulo ng cafe. Doon ito naupo at paharap ang puwesto nito sa kinaroroonan niya. Inilabas nito ang kaniyang laptop at parang interesadong interesado sa binabasa nito. Kahit medyo malayo ay pansin niyang gwapo ang lalaki. Mestizo ito at mukhang may lahi, matangos ang ilong, brown eyes, at may katangkaran siguro'y nasa 6 feet ito. Maganda ang built ng katawan. Physically fit. Wala kang maipipintas sa lalaking ito. Napansin nga niya na may mga tumitingin-tingin din dito na ibang babae at panay pa ang lakad sa harap nito pero parang walang nakikita ang lalaki kundi ang laptop nito. Casual lang ang suot nito. Polo shirt na itim na body fit, shorts na maong at kicks na itim. Hindi niya tuloy maialis ang mata niya dito. Parang ito na ang hinahanap niya sa pisikal na anyo ng isang lalaki. Pero mukhang imposible naman na pansinin siya nito at imposible na wala pa itong girlfriend sa mukha niyang yun baka nga kaliwa't kanan ang babae nito. Napapailing na ibinalik na lang niya ang mga mata sa ginagawa niya. Pero hindi siya makatiis parang namamagnet ang mga mata niya. Ano ka ba Elish! Tititigan mo na lang ba yan hanggang sa matunaw yan?! Mamamatay ka na! Do something crazy! Wala namang mawawala kung susubukan mo! Huminga siya nang malalim, niligpit ang mga gamit niya na nagkalat sa mesa. Dinampot ang maliit na body bag na dala niya at dahan-dahang nagpunta sa kinaroroonan ng lalaki. Huminga ulit siya ng malalim nang makarating sa kinaroroonan ng lalaki. Nakatayo na siya sa tapat nito. Bago nahihiyang nagsalita. "Ah.. eh.. hello po sir.." nauutal na sabi niya. Hindi man lang inalis nito ang mga mata sa laptop nang magsalita at sumagot. "Here.. Wag mo na akong bigyan niyang binibenta mong pastillas o kung ano man yan. Abuloy ko na yan sa'yo. Pero bawal yan ah." Sabi nito matapos ilapag ang five hundred peso bill sa table. Pinagkamalan pala siya nitong nagbebenta ng kakanin sa mall na may binibigay na kapirasong papel. Kahit medyo napahiya ay itinuloy pa din niya ang pakikipag-usap dito. "A-ah.. Hindi naman ako nagbebenta ng ano.. kasi.. ano.", nauutal na namang usal niya. Hindi pa din ito tumitingin sa kanya. "Kung mag-aalok ka ng condo, miss. Im not interested.", walang ganang sagot nito. Ang sungit naman nito. Sabagay bakit nga naman niya pag-uukalan ng pansin ang 'di niya kilala. "Hindi ako nagbebenta ng condominium.." "Eh ano?? Sorry miss pero di ako pumapatol sa alam mo na. Kung kailangan mo ng pera.. Yan lang ang maiaabuloy ko sayo.", wala pa din kagana-ganang sabi nito. Napaka-antipatiko naman nito pinagkamalan pa akong prostitute! Sabagay kung sakin may lalapit na ganito baka nagsumbong na ako sa guard mabait pa nga ang isang ito. sabi niya sa sarili niya. "Hindi naman ako prostitute.", medyo inis at may diin na sagot niya sa lalaki. Ini-angat ng lalaki ang mukha at tinapunan siya saglit ng tingin. "Kung hindi? eh anong kailangan mo sakin? Bakit lumalapit ka sa lalaking hindi mo kilala?",napipika na sabi nito. "Eh ano.. kasi.." "Pakibilisan mo miss ang sasabihin mo at wala akong panahon sa iyo okay.", mababanaag na ang inis sa tono ng pagsasalita nito. Napabuntong-hininga siya. Nagmumukha na siyang desperadang ewan sa ginagawa niya. "Umalis na lang kaya ako? Baka mamaya ay rapist o addict pa ang isang to. Pero hindi naman siguro. Sa itsura nito, mukha itong model! Kung ganito lang lahat ng rapist ay naku winner!", Napapailing at napapangiti siya sa kaniyang iniisip. Last na 'to. Sasabihin ko na talaga. sulsol ng utak niya. Umupo siya sa tapat nito upang hindi maka-agaw ng pansin sa ibang customers. Kanina pa kasi siya nakatayo sa harap nito. Baka mamaya ay sitahin siya ng guard at palabasin. Mahinang-mahina ang pagkakasabi niya dito na parang ayaw pa lumabas sa bibig niya sa sobrang hiya. "P-pwede ba kitang maging boyfriend...?" Bigla itong tumingin sa kanya at hindi niya malaman kung matatawa ba to o maiinis. "Miss anong trip mo? Prank ba yan? Sinong loko lokong kaibigan ko ang nagpapunta sayo dito para pagtripan ako nang ganyan?", napapailing na sabi nito. "Ah.. eh.. walang nagpapunta sakin dito.. ngayon lang kita nakita..", malumanay na sabi niya. "May...sakit ako.. may taning na ang buhay ko.." dugtong pa niya. Itinigil nito ang pagbabasa sa laptop nito at isinara iyon. Sumandal ang lalaki sa upuan at tinitigan siya. Nasa mukha pa din nito ang pagtataka. Pero napansin ni Elish na nagkaroon ito ng interes sa sinabi niya. Hinimas-himas ng lalaki ang kaniyang baba bago magsalita. "So...? Anong kinalaman ko sa sakit mo at gusto mo pa akong maging boyfriend?", natatawang sabi nito. Halatang hindi naniniwala sa mga sinasabi niya. Inilabas niya sa bag niya ang ilang resulta ng mga tests na nagpapatunay na may sakit siya. Sinilip lang ng lalaki ang mga iyon na parang di naman talaga niya nabasa ang nakasulat doon. Ipinakita din niya dito ang notebook kung saan nilista niya ang mga nais niyang gawin bago mamatay. Pinasadahan nito iyon ng tingin pagkatapos ay umalis sa pagkakasandal at lumapit nang kaunti sa mukha niya. Bigla itong ngumiti at lumabas ang pantay pantay at mapuputing ngipin. Ngiti pa lang ulam na! Pwedeng-pwede 'to maging model ng kahit na anong toothpaste! Parang ang bango-bango ng hininga niya. At parang ang sarap niya humalik! Huy! Hinay-hinay lang girl! Laway mo tumutulo na!, sigaw niya sa utak niya. Lumuwag na yata ang turnilyo niya sa utak at kung anu-anong kalokohan ang pumapasok sa isip niya eh hindi naman talaga siya ganito. Ngayon lang. Dahil sa epekto sa kanya ng lalaking 'to. "Gusto mo akong maging boyfriend?", nakangiting nakiki-ride na sabi nito "Oo sana. Kung okay lang sayo...", nahihiya pa ding sabi niya. "Hmm..", napaisip pa ito kunwari. "Sige pagbibigyan ko ang dying wish mo miss?", sagot nito na parang hindi naniniwala at nakikisakay lang sa sinasabi niya. "I'm Elisha.. Elish na lang..", tipid na ng iting sabi niya. Naglahad ito ng kamay. "I'm Dean. Nice to meet you Elish..", sabay ngiti. Iniabot nito ang kamay sa kanya. Agad niyang tinanggap ang nakalahad na kamay ng lalaki. Malambot ito at mainit. Kating-kati tuloy siya na amuyin ang kamay niya dahil panigurado dumikit ang amoy ng kamay nito sa kamay niya! Nagpigil lang siya at baka kung ano pa isipin nito sa kanya. Nakatitig pa din ito sa kanya. Hindi niya tuloy malaman kung paano magrereact at magsasalita. Parang pinag-aaralan nito ang mukha niya. Maya-maya ay bigla itong nagsalita. "So it's official? Tayo na?", nakakalokong sabi nito. Parang enjoy na enjoy ito habang nakikipag-usap sa kanya. Akala siguro nito ay nantitrip lang siya. "Oo.. Thank you.", nahihiyang sabi niya "You're welcome ,my dear Elish.", nakangiting sinabi ni Dean. "Anong gusto mong term of endearment natin?", dugtong pa nito. Wala na 'tong atrasan! Wow, ang ganda mo naman 'teh? Ikaw pa talaga nakaisip niyan! sabat na naman ng isip niya. "Ha... eh.. ikaw.. Hindi ko alam.. First time ko kasi.. Eh ikaw, mukhang sanay na sanay kana..", Nagulat siya sa sinabi niya. San yun galing? Kung anu-ano na ang nasasabi niya. Naaaliw na natatawa si Dean sa kanya. Parang nakikipag-usap ito sa isang bata. "Hmmm.. let me think... Love? Baby? Which one do you like, my Elish..", parang nang-aakit na sabi nito. My Elish... My Elish.. Haaay.. Bakit ang sarap pakinggan?! Kakakilala lang namin ganito na agad nararamdaman ko? Mamamatay kana Elish.. Enjoy every moment! sabi nanaman niya sa sarili niya habang kinikilig sa usapan nila ni Dean. "Love...", nakangiti niyang sinabi. "Okay.. Love.. May pupuntahan ka pa bang iba after dito? ", nakangiti na sabi nito. Nakakapanlambot naman ng tuhod ang mga ngiti niya! Bakit ganun? Epekto ba to ng tumor sa utak ko?? Sigaw ng baliw isip niya. "Baka umuwi na din ako maya-maya, nagpalipas lang naman ako oras dito sa mall."nakangiting sagot niya sa lalaki. Bago sumagot ang lalaki ay tumingin ito sa pambisig na relo. "Love, I need to go may I me-meet pa kasi ako..", alanganing sabi nito habang nakatingin sa kanya. How sweet..... ginamit niya agad ang term of endearment namin!!! sabi ni Elish sa isip niya. "Sure... Don't worry about me.", itinago niya sa tinig niya ang panghihinayang. "Are you sure?" Hindi niya alam kung nag-aalala ba talaga 'to o nahihiya lang magpaalam. Tango lang ang sinagot niya dito. Nagligpit na ito ng gamit. Bago tumayo ay inilabas nito ang cellphone at hiningi ang number niya. "Can I get your number, miss beautiful?", sabay kindat pa sa kanya. Gusto niyang hawakan ang panty niya kasi muntik na malaglag! Pucha! Bakit ba 'to ganito kagwapo??, sambit ni Elish sa isip. Nababaliw na yata siya at madalas na nagsasalita sa isip. Bago sila lumabas ng coffee shop ay nagpalitan sila ng cellphone number. Nakahawak pa to sa beywang niya habang naglalakad sila. Pakiramdam niya nakikiliti yung bahagi ng beywang niya kung nasaan ang kamay nito. Feeling niya tuloy ang haba-haba ng hair niya. Bawat makasalubong nilang babae ay napapatingin dito habang siya naman ay ngiting-ngiti lang. Buhay nga naman, nagkape lang siya paglabas niya may jowa na siyang mukhang model! "I gotta go, Love." Nasa may ground floor sila. Sa may exit door papuntang parking area kaya wala masyadong tao. "Sige.. Ingat ka..", nakangiting sabi niya. Akala niya ay aalis na 'to. Kaya nagulat siya nang bigla siyang halikan nito sa pisngi. Natulala siya. Hindi niya malaman kung anong gagawin. First time niya 'to! Natatawang nagsalita si Dean, "Hey are you okay?". "Oo naman no.. Sige na at baka ma-late ka pa sa appointment mo!", siguro'y pulang-pula na ang mukha niya sa sobrang pagbu-blush. "Nakuha mo lang matamis kong oo.. Pati ang masarap kong halik pinagtutulakan mo na ako bigla", tatawa-tawang sabi nito. Dahil wala nang masabi ay inirapan na lang niya ito. Nagpaalam na ito at bago tuluyang umalis ay ninakawan pa siya ng isa pang halik sa pisngi. Hindi na siya nakasagot dahil nagmamadali na itong umalis pero narinig niya na tumatawa ito. Weird napapapayag niya agad ang lalaki sa kabaliwan or baka nakikiride lang talaga ito sa kanya pero kahit ano pa man sobrang saya niya feeling niya matagal na niyang kilala ang lalaki. Dumaan muna siya sa drugstore para bumili ng pain reliever para kung sakaling sumakit man ang ulo niya. Wala na din kasi siyang balak pa magpagamot. Bakit pa? Eh mamamatay na din naman siya. Wala din siyang ganon kalaking halaga para makapagpagamot. Madilim na nang makauwi si Elish. Dumiretso siya sa kwarto. Maliit lang ang apartment na tinitirhan nila ni Bea, may dalawang kwarto at isang banyo. Pagpasok ay salas na agad. Lumakad ka lang nang kaunti ay dining area na. Nandoon na din ang lutuan nila. Nagpalit siya ng pantulog at saka nahiga sa kama. Iniisip niya kung magtetext kaya si Dean sa kanya. Mukhang hindi naman ito naniniwala sa mga sinasabi niya. Napabuntong-hininga nalang siya. Kung hindi siya magtext, edi hindi. Ibig lang sabihin nun ay di siya talaga type ni Dean. Eh ba't siya hinalikan kung hindi siya type nito? Eh baka ganun talaga siya sa mga babaeng nakikilala niya? Palay na ang lumalapit, tatanggi pa ba siya? Sumasakit na ulo ko sa kaiisip. Hay, bahala na nga!, naiinis na sinabi niya sa sarili niya. Nagpasya nalang siyang matulog nang biglang may nagtext..........

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
408.4K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
476.0K
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
826.1K
bc

Unexpected Romance

read
38.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook