Chapter 2

1853 Words
ANG LAKAS ng kabog ng dibdib ni Elish ng marinig na tumunog ang cellphone niya. Gusto niyang kiligin hindi pa man niya nakikita ang text sa kanya. Kanina lang sila nagkakilala pero bakit ganun parang nahuhulog na agad ang loob niya dito? Siguro dahil saglit nalang ang itatagal niya sa mundong ito. Hindi katulad noon na lagi niyang iniisip ang future. Dapat pala kung anong meron ka ngayon yun ang isipin mo, gawin mo ang mga bagay na makakapagpa saya sa iyo. You'll never know kung magigising ka pa bukas. Excited na binuksan niya ang message. Unknown Number : inday ito man bago kong roaming! padalhan mo man ako lod. khit man 300 lang. Padalhan ko kay'o ng pera bukas." Dismayadong-dismayado siya nang mabasang prank text lang pala ang nagtext sa kanya. Inis na binalik ni Elish sa side table ang cellphone at nilagay sa silent mode. Pero maya't maya parang timang na sinisilip niya iyon. Hanggang sa sumuko at mapagpasyahan niyang matulog na lang. Siguro sinakyan lang ni Dean ang mga sinasabi niya dahil naawa na sa sobrang kadesperadahan niya. Marahil nga ay hindi Dean ang nitong pangalan. Malakas na bumuntong hininga si Elish bago yumakap sa unan at isinubsob ang mukha doon. Mabigat ang loob na natulog siya.. . . PINARADA Ni Dean ang sasakyan nang makitang lumalabas na ang Inang si Martha sa airport. Nagpasundo sa kanya ang ginang na nanggaling sa isang linggong bakasyon sa Singapore. Magmula kasi ng mamatay ang kanyang ama ay palagi na itong nagmumukmuk sa kwarto. Kaya pinilit nilang magkakapatid na magbakasyon naman ito para malibang. Pito silang magkakapatid at pangatlo si Dean sa panganay. Anim na lalaki at isang babae. He's 28 and a bachelor. A Promising Architect in his generation. Unti-unti na syang nakilala sa propesyon na napili niya. Bukod sa talaga namang kilala angkan ng mga Monteverde. Hardworking si Dean. Hindi siya umaalis sa site ng hindi nasa ayos ang lahat. Madalas mag-OT kahit pa pag-aari 'yon ng nakatatandang kapatid. Kumunot ang noo ni Dean nang makitang kasamang lumalabas ng ina si Vivian na tulak-tulak ang isang push cart sa airport. What is she is doing here? Iyon kaagad ang pumasok sa isip niya. Vivian and Dean dated a few months. Actually hindi niya talaga ma-iconsider na ex girlfriend anf babae dahil nanay lang naman niya ang mapilit na nagtutulak sa kaniya kay Vivian. Yes. She's pretty and modern type women. She also came from a well known family but he doesnt feel anything about her. Wala talaga siyang maramdaman kahit na ano kay Vivian. Walang dating sa kanya ang paraan nito para makuha ang kaniyang atensyon. Madaming babae ang gumagawa ng paraan para lang mapansin ni Dean o mapalapit man lang sa kanya. Lahat ng mga babaeng iyon ay naiiwang luhaan. Hindi siya playboy pero ayaw niya lang talaga ng commitment. Yung tipong kailangan niyang mag-report sa babae kung nasaan siya. Kung anong oras nakauwi. Ayaw niya sa mga babaeng clingy at naghahabol. Gusto niya yung may challenge. Bigla niyang naalala ang babaeng kanina lang ay kausap niya. Napangiti si Dean. Iba rin ang originality ng babaeng yun. Ngayon lang may lumapit sa kanya ng ganun para tanungin kung pwede siyang maging boyfriend. May props pang kasama. Maganda naman ang babae simple lang kaya naisipan niyang sakyan nalang ang mga sinasabi nito tutal wala namang mawawala sa kanya. Matagal na din naman siyang busy sa trabaho kailangan niya din ng pahinga at mag enjoy paminsan-minsan at mukhang desperade na ang babae kaya sige pabibigyan niya ito sa gusto nitong mangyari. Hindi rin siya naniniwala na totoong may sakit ito. Alam niyang gimik lang iyon para makuha ang atensyon niya. Natigil siya sa pag-iisip ng biglang magsalita ang kanyang ina "Iho, hindi mo ba ako hahalikan man lang? I miss you, anak." Nakangiting sabi nito. Kahit matanda na ay halata pa rin ang angking kagandahan. Humalik at yumakap siya sa kanyang ina. kinuha ang mga maletang dala nito na nakalagay sa push cart inilagay 'yon sa compartment saka binalingan ang babaeng kasama ng ina. "Hi! Dean.. How are you? Long time no see.." Nakangiting bati nito sa kanya. "I'm good, Viv. Medyo busy lately." ginantihan niya ito ng ngiti. Konting kumustahan pa at nasa loob na sila ng kotse. Papauwi sa bahay nila sa isang kilalang Exclusive Subdivision. "Hijo Dean, kailan ka ba mag aasawa ha? Tumatanda kana, ah.." Nasa backseat ang kanyang ina at si Vivian ay umupo sa unahan. "Ma, Bata pa ako. 28 pa lang ako. Isa pa, I dont wanna rush everything lalo ang pag-aasawa. Career muna" napatingin siya saglit sa rear mirror "Hay nako Dean! Ilang beses ko na bang narinig sa iyo yan? Aba, gusto ko nang magkaroon ng mga apo. Naiinip na ako. Lahat kayong magkakapatid ay iyan laging sinasabi." Nasa tinig nito ang pagtatampo "Ma, dapat siguro, sila kuya Dave muna ang mauna bago ako. Mas matanda sila sa'kin," katwiran niya na sinundan ng tawa. "Kuuu.. Pare-parehas lang kayong mga bata kayo. Mawawala na lang ako sa mundong ito ay hindi ko pa nakikita ang aking mga magiging apo." Napapailing na sumagot si Dean."Ma, naman... ang lakas lakas pa ninyo, eh.. wag niyong sabihin yan. Dont worry darating rin kami sa pag-aasawa." Biglang sumingit si Vivian sa usapan. "Ay, naku.. Tita for sure nag-e-enjoy pa ang mga 'yan sa pambababae," natatawang sabi nito. "Naku.. mga batang 'to kanino ba kayo nagmana, ang Ama naman nila ay napaka mapagmahal at tapat na asawa. Samantalang kayong magkakapatid aba eh linggo linggo yata may tumatawag na babae sa bahay at hinahanap kayo. Mga batang ito!" Natatawa nalang si Dean sa pangungulit ng ina. Mabuti nalang at nasa tapat na sila ng malaking bahay. Nang magsalita siya muli "Ma, Hindi na ho ako tutuloy sa loob. Sa condo po ako uuwi madami po kasi akong trabaho na dapat tapusin." Habang isa isang binababa ang maleta. Lumabas na din si Mang Kanor na siyang nagpasok ng gamit sa loob. Humalik lang siya sa kanyang ina at nagpaalam na. "Take care, Son." . . Past 11:00 na siya nakarating sa condo niya. Diretso bathroom siya at nag shower naka boxer lang siya kung matutulog na. Biglang nahagip ng mata niya ang cellphone niya. At naalala niyang may "Dying Girlfriend" nga pala siya. Napangiti siya ng maalala ang magandang babae. Sumandal siya sa head board ng kanyang kama at Nagsimulang may type sa cellphone. "Hi! Love, Just got home." Text niya sa babae. Hindi niya 'to ginawa sa kahit na sinong naka-flirt o mga babaeng na involved sa buhay niya. Subalit lumipas na ang ilang minuto, hindi sumagot ang babae siguro ay tulog na ito. Kaya napagpasyahan na lang ni Dean na ituloy na ang mga nakatambak niyang trabaho. . . PAG-GISING ni Elish ay diretso na siya sa maliit niyang banyo. Ganito ang araw-araw na routine niya. Bahay at opisina. Paglabas niya sa banyo, nakatapis pa siya nang mapansin ang 1 message received na nakalagay sa screen. Binalewala niya 'yon sa pag-aakalang prank text na naman. Nakapagbihis na si Elish nang i-check ang text at nagulat siya nang mabasa ang pangalang naka-register sa cellphobe niya! Dali-dali niyang binasa ang text. Gusto niyang tumili. Kahit simpleng text lang yun na nagsasabing nakauwi na ito. Wala sa sariling napaupo siya sa kama, nilagay pa sa dibdib ang cellphone habang nangingiti. Ang sarap pala magka-boyfriend yung tipong. Every morning may i-lo-look forward ka. May nagpapangiti sayo. Haaaay. Nagsimula na siyang tumipa na hindi naaalis ang ngiti sa mga labi. Sira pa naman ang cellphone niya kaya kahit hirap magtext ay tuloy lang. "Gud murning wuv, late qna fala nkauwi kgavi.. breaqfazt qna.." tumitig si Elish sa screen ng cellphone. nag-aalangan siyang isend iyon, baka pagkalaman pa siyang jejemon ni Dean. Bakit ba kasi ngayon pa nagloko ang cellphone niya. Bahala na nga! Kahit nag-aalangan ay pikit matang sinend ang message. Okay lang yan Elish ang babaw naman kung ma turn off siya dahil lang sa jejemon mong text. sigaw ng utak niya Biglang tumunog ang cellphone niya at nagreply si Dean. Dean: Thanks! Love, ikaw ba kumain na Salamat naintindihan niya.. ang sweet naman niya! talagang laging may love!! Elish: Mg-aalmuzal falang wuv.. Tara zavay na tau.. Ilang minutong hindi ito nagreply—mayamaya ay nakita niya tumatawag na pala ito. Siguro sumakit na ang ulo sa pagkajejemon niya. Pagkatapos ng tatlong ring ay sinagot niya ang tawag nito. "hello...." Nahihiyang niyang bungad dito. "Morning.. Love," sagot nito. Parang kakagising lang nito. Lalaking-lalaki ang boses. Parang yung mga dj sa radyo! Husky bedroom voice. "Naku... sorryyy... nagising ba kita?" napakagat labi siya. Kung hindi kasi ay mahahalata nitong kinikilig siya. Swabeng-swabe kasi ang boses nito. sarap pakinggan "Dont say sorry Love, mabuti nga nagtext k ng ganito kaaga dahil need ko gumising ng maaga.. Dami pending na trabaho. Thank you." Wow ang sweet niya talaga.. ganito kaya siya sa lahat ng babae? "Ahh.. ganun ba.. Late ka na pala kagabi nakauwi.." para lang may masabi siya. " Oo.. sinundo ko kasi mom ko sa airport. Ikaw ba umuwi kana agad kahapon?Hmmm?" Nasa boses nito nag pagdududa. Napangiti siya. Hindi niya alam kung guni guni niya ang tono na narinig niya sa boses nito. "Oo.. umuwi rin ako agad.. nawalan na ko ng gana mamasyal kasi umalis kana." Huli na para mabawi niya ang sinabi niya. ano ba to nabubuko siya sa sarili niyang bibig. Narinig niyang tumatawa ito. Pati tawa ang gwapo! " Good.. Baka kasi may lapitan ka ulit at alukin mong maging boyfriend mo.. seloso ako eh.. Gusto ko ang pag aari ko.. sakin lang.." Sabi nitong parang sa tonong nagwawarning Totoo ba tong naririnig ko!! Diyos ko! hinding hindi ako magpapa agaw kahit kanino no! Iyong iyo ako buong buo walang labis walang kulang! Pero iba ang sinagot ng bibig niya. "Wala no.. ikaw lang sobra sobra na.." Tipid na sagot niya kung anong tabil ng utak niya eh siyang kabaligtaran ng mga sinasabi niya. Tumikhim ito at nagsalita ulit.. "So anong agenda mo for today my love?" "Papasok ako sa office tas uuwi din ng bahay.. tulad ng daily routine ko for the past 2 yrs." Nasa tono niya ang pagkatamad tuwing maiisip niya ang boring niyang buhay. "Ah.. ganun ba.. Gusto mo bang lumabas sa weekends, kung hindi ka naman busy" Nagulat siya. Niyaya ba siya nito magdate?? Hindi bat kasama ito sa bucket niya ang mamasyal! Sinamantala niya ang pag-aaya nito. "Oo.. pwede ako sa weekends.. May.. may.. gusto sana akong puntahan kung okay lang sayo...." nahihiyang sabi niya dito. Sumagot ito. "Sure. Kahit saan Elish malakas ka sakin, eh." Kahit di niya nakikita alam niyang nakangiti ito. "Thank you.. Magkita nalang tayo sa Saturday 2:30pm.." Siya na ang tumapos sa usapan nila at baka malate na siya sa trabaho. Hindi na nawala ang ngiti sa kanyang mga labi ng maghapong iyon at hindi na siya makapag hintay ng sabado.. 6 days nalang Elish.. parang gusto niya hatakin ang mga araw...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD