Chapter 11

1415 Words
NAGISING si Elish na nasa tabi niya si Dean. Nakatulala ito sa kawalan at tila malalim ang iniisip kaya hindi nito napapansin na nakatunghay na siya rito. "Dean..." She grab his hand to catch his attention. Lumingon ito sa kaniya't kaagad na kumilos. "Elish.. Are you okay?" Nag-aalalang sabi nito pagkatapos siyang alalayan na bumangon. Nakaramdam ng pitik ng kirot sa sentido si Elish. Subalit iglap lang 'yon kaagad ring nawala unlike sa naranasan niya kanina. Akala niya'y katapusan na niya 'yon. "I'm fine. Inatake lang siguro ako kanina," medyo nanghihina sagot ni Elish. "Mabuti na lang ay may resident doctor sa clinic ng hotel. Tinawagan ko para papuntahin kaninang mawalan ka ng malay." Bakas ang pinaghalong relief at takot sa mukha nito. "I didn't know what i'm gonna do if something bad happen to you." "Dean..." hinaplos niya ang mukha ng lalaki upang pawiin ang pangamba sa anyo nito. "I have prepared myself for this. The doctor told me my condition will get worst. Kumalat na kasi ang cancer—" Nahinto sa pagsasalita si Elish, nakasunod ang tingin kay Dean na bigla na lang siyang tinalikuran at naglakad palabas ng cottage. Naiwan siyang nakatulala sa sumasaradong pintuan. Anong nangyari? May nasabi ba siyang masama? Paglabas ni Elish ng cottage, nakita niyang nakatayo si Dean sa balcony. Nakatanaw sa dagat. Nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi nakikita ni Elish ang mga emosyong naglalaro sa mukha nu Dean. Lumapit siya kay Dean at niyakap ito mula sa likuran. Inihilig niya ang kanyang ulo sa likuran nito. "May nasabi ba akong masama?" She whispered. Ilang sandali ang lumipas bago sumagot si Dean. "You scared the hell out of me, Elish. Ngayon ko lang naramdaman na matakot para sa ibang tao. Habang nakikita kitang umiiyak kanina napaka bigat sa pakiramdam... Tapos sasabihin mong may cancer ka. Please stop.. Wala kang sakit. You're a healthy, cheerful, jolly person na hindi ko maiisip na may sakit. Please stop it.." sabi nito sa nahihirapang boses. Mariing kinagat ni Elish ang ibabang labi. Ibinaon niya ang mukha sa likod nito. Ang sikip ng dibdib niya, para bang ang hirap gawin ang bawat paghinga. Dinudurog ang puso niya. She came to realized, mali ang mga ginawa niya. Mali na ginulo niya ang tahimik na buhay ni Dean. Para saan? Sa makasariling kagustuhan niya. Pero ano pang magagawa niya? Nangyari na ang hindi dapat. Ang gusto niya lang naman maranasan maging masaya bago siya mamatay. makasarili na ba ang simpleng hiling na babaonin niya sa kabilang buhay? Nangilid ang luha ni Elish hanggang sa tuluyang bumagsak ang butil-butil na luha sa sulok ng mata niya. Naramdaman ni Dean ang pamamasa ng damit nito. Pumihit ito paharap at kinulong ang mukha ni Elish sa mga palad nito. "Stop crying.. It breaks my heart to see you cry." "Im sorry kung tinakot kita.. I'm sorry Dean.." "Ang mahalaga okay ka na ngayon. At magiging okay ka lang. Let's just cancel our plans for today. You need go rest." Ngumiti ito at magaan siyang hinalikan sa labi. Masaya ang ilang araw na stay nila sa beach. From time to time—umiinom ng pain reliever si Elish upang maibsan sa tuwing aatake ang sakit. As much as possible hindi niya ipinahahalata 'yon kay Dean, na nitong nakaraang araw ay madalas na tahimik. Malambing pa rin naman ito pero bibihira na itong magbiro. At nalulungkot si Elish sa pagbabago ng mood ni Dean. Marahil ay iniisip nito napakawalang puso naman niya, mamatay din naman siya bakit pa niya pinalalim ang kanilang relasyon. Kaya naiintindiham niya na halos hindi na nagpaparamdam si Dean pagbalik nila galing sa bakasyon. Minsan na lang kung tumawag and he became cold. Sobrang nasasaktan si Elish. But she thought this is for the best. Para hindi lumalim pa. Ngayon pa lang matutunan na ni Dean na mag-move on. Naging masaya naman siya sa maikling pinag samahan nila, tama na 'yon para sa kaniya. . . NATAGPUAN ni Dean ang sarili sa bahay ng kanyang Ina. Ayaw niyang mapag-isa kaya hindi muna siya umuuwi sa condo niya. May mga imaheng pumapasok sa isipin ni Dean sa tuwing napagsosolo. Ang luhaang mukha ni Elish at ang sakit na nararamdaman nito. Tinungga at inubos ni Dean ang laman ng basong may whiskey. Nasa mini bar siya at mag-isang umiinom para sana makatulog siya ng maayos. Hindi niya masyadong kinokontak si Elish. Kahit miss na miss na niya ang babae. Madaming tumatakbo sa utak niya at gusto munang mag-isip. Tama ba itong ginagawa niyang pag-iwas? Hanggang kelan siya maduduwag? Kapag wala na ang babae? "Fuck.." mahinang mura ni Dean. Inihilamos ang mga kamay sa mukha. Nasa ganoong posisyon siya ng biglang may tumabi sa kanya. He looked up and saw his older brother Dave. Mas matanda ito sa kanya ng tatlong taon. "Babae?" Tanong nito na may hawak ring baso na may whiskey. Hindi umimik si Dean. Insteas nagsalin muli ng whiskey sa baso at tumitig doon. "Yeah, babae nga." Ulit ni Dave. " So, kailan ka pa namroblema sa isang babae? Stalker na naman ba?" Seryosong dugtong nito. Abogado ang kapatid niyang si Dave at naalala niyang lumapit siya dito para sa legal action dahil sa isang babaeng laging sumusulpot kung nasaan siya. Stalker na may saltik. "No. This one is different," aniya't sumimsim sa alak. "Oh.." patango-tangong usal nito. Hindi masalita ang kapatid na si Dave. Kung si Dean ay womanizer itong si Dave naman ay more on the snob type. Nakasanayan na nilang kapag may problema sila ay umuuwi sila sa malaking bahay. Wala mang umaamin sa kanila, but unconciously they keep coming home to find the comfort of their family especially their mom. "She is terminally ill," mahinany usal ni Dean nang hindi na umimik si Dave. "At first.. akala ko talaga hindi totoong may sakit siya. Akala ko ginawa niya lang yun para makuha ang atensyon ko. Her smile is sweet and innocent. Laging may masayang kwento. Who would have thought.. but when I saw her in pain.. naduwag ako, Kuya. Natakot ako.." Gumaralgal ang boses niya "Natakot kang maiwan at hindi mo kayanin? Ganoon ba?" Nanatiling tahimik si Dean. Indikasyon na tama ang hinala ng kapatid. "Kaya ngayon nandito ka nagmumukmok?" Patuloy nito. "She's terminally ill and you're here drinking alone. Hindi ba dapat mas samahan mo siya? Spent your days with her.. make her happy." Hindi pa rin nagsalita si Dean. Ang mga mata ay nakatuon lang sa basong wala ng lamang whiskey. "Nasa indenial stage ka pa ba Dean? You have to accept it. Kung yun talaga ang kapalaran niya. Hindi mo ba naisip na kung hindi siya nagkasakit hindi mo siya makikilala?" "Mas pipiliin ko ng hindi kami magkakilala kaysa mawala siya, Kuya..." Anya sa boses na nahihirapan. Sandaling katahimikan. "You have to be brave for her. Kasi wala siyang ibang pagkukunan ng lakas kundi ikaw. Gawin mong masaya ang mga natitira niyang araw. Dahil tingin ko yun lang magagawa mo sa ngayon. Do you love her?" Napalingon si Dean sa tanong ng kapatid. It hit him hard. She love her. Kaya natatakot siya. Kaya hindi niya kayang makitang nasasaktan ito dahil baka mag-break down rin siya. Kaya pilit niyang itinatanggi sa sarili na may sakit ito. Naduduwag siya sa katotohanang.. mawawala rin si Elish. It hurts so bad. It hurts like hell. Tumango lang siya sa tanong ng kapatid. Tinapik naman siya nito sa braso. "Then tell her. Make her the happiest girl." Sa unang pagkakataon nakita niyang bahagyang ngumiti ang kapatid sa kanya. "I gotta go. May tinatapos akong kaso." Dugtong nito't tuluyan ng tumayo at umalis. Hindi alam ni Dean kung saan nakuha ni Dave ang mga pinagsasabi nito sa kanya. Pero kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya. . . PAGLIPAS ng mga araw, ramdam ni Elish ang unti-unting paghina ng katawan at resistensya dahilan kung bakit napilitan siyang pagpahingahin ng kumpanyang pinagtatrabahuan niya. Napapansin ng mga ka-opisina na namumutla, madalas nahihilo't sumasakit ang ulo. Pero bakit ganun? Hindi ang sakit ang iniinda ni Elish, kundi ang sakit ng puso. Umaasa pa rin siya na pupuntahan siya ni Dean. Pero sa araw-araw na paghihintay niya ay walang Dean na sumusulpot. Pakiramdam niya napakamiserable niya. Pinipigilan niyang umiyak ilang araw na. Wala siyang karapatang umiyak. Dahil kasalanan niya. Elish was lying peacfully on her bed, when she heard a knocking on the door. Nagtatakang bumaling ang tingin ni Elish doon. "Si Dean na ba 'yon?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD