NAGSALUBONG ang kilay ko nang makita ang pagkunot ng noo ni Drei habang may kausap sa cellphone. Kanina nang lumabas ako ng coffee shop ay sumunod siya sa akin at basta na lamang akong kinaladkad at isinakay sa kaniyang sasakyan. And we're on our way to somewhere when someone called him. Humigpit ang hawak niya sa manibela at kinabig ito pabalik. He's still on his phone while driving fast. "Anong nangyari?" tanong ko nang hindi makatiis. Mahigpit akong humawak sa seatbelt ko dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya. He glanced at me. "Samarah needs me." I don't know why my heart tightened as I heard the panic on his voice. Siguro nga si Samarah talaga ang babae para sa kaniya. And I'm just the other woman who admire him a lot. "Ibaba mo na lang ako diyan sa may kanto," sabi ko. Hindi

