CHAPTER 2

1887 Words
Pagkasabi ni Lana sa pangalan ng writer ay sandali akong napaisip, pero kahit anong pag-iisip ko ay wala akong maalala na may ganoong author akong narinig. Baka bago? O di kaya international author? "Nope, hindi ko siya kilala. Bagong writer ba yan?" Tanong ko rin sa kanya, baka may author info sa bandang likuran ng libro na pwede naming tingnan. "Hindi ko alam, ngayon ko lang din ito nakita. Bilhin nalang kaya natin? Mukhang maganda naman, ang ganda din ng book cover niya, in fairness." Sagot ni Lana at dinala na ang basket na hawak niya papunta sa counter. Pati ang libro ay mukhang bibilhin nga talaga niya. Hinayaan ko nalang at dinala na rin ang basket na dala ko sa may counter. Matapos naming magbayad ay bumalik na kami sa may sasakyan, and headed our way. Fifteen minutes into the road ay nababagot na ako, at dahil iwas akong mapag-usapan namin ni Lana ang problema niya ay naalala ko yung librong binili nya sa convinient store. "Pwede ba nating icheck yung librong binili mo?" Kahit wala pang sagot si Lana ay kinuha ko na iyon sa may backseat. Tama nga siya, maganda ang libro. It's black and gilded with gold. Ang title ng libro ay 'The Chained Fate' by W.B Johanna. "Basahin kaya natin habang nasa byahe?" Dahil mas nacurious ako, I suggested na basahin na namin ito ngayon. Pumayag naman si Lana, who is equally curious, at dahil siya ang nagdadrive ay binasa ko ang libro out loud para marinig din ng best friend ko kung tungkol saan ang librong binili niya. Nag-umpisa ang kwento tungkol sa dalawang magkapatid na sina Declan at Diego Kirovsky. Their family run a conglomerate business na pinagtutulungan nilang imanage na magkapatid. Declan, the older Kirovsky is married to Zoey ang spoiled at nag-iisang anak na babae ng pamilya Villaluna na kapareho ng mga Kirovsky ay nangugat na rin sa larangan ng negosyo dito sa Pilipinas. Diego, the younger son is married to Thalia, ang nag iisang anak ng pamilya Melitante. She's also a spoiled heiress, at walang bagay na hindi niya nakukuha kapag ginusto niya. Maliban sa pagiging cold, strict, at workaholic ay perpekto na kung maituturing ang dalawang magkapatid dahil gwapo, matangkad, matalino, secured and already billionaires in their early twenties na ang mga ito. Kung may problema man sila ay iyon ay ang relasyon nila sa mga asawa nila. Hindi nila kasundo ang mga ito. Normal na siguro iyon sa mga arrange marriages. Bigla nalang kasi isang araw ay sinabi nalang ng mga magulang ni Declan na kailangan niyang pakasalan ang anak na babae ng mga Villaluna. Pagkalipas naman ng ilang buwan ay ikinasal si Diego kay Thalia sa parehong kadahilanan, for the family business. Bukod sa hindi kasundo ng magkapatid ang mga asawa nila, ay hindi rin magkasundo si Zoey at Thalia. Their wives always fought, at walang katahimikan sa tuwing nagkikita ang dalawa. Kung gaano magkasundo si Declan at Diego ay kabaliktaran naman si Zoey at Thalia. Sa totoo lang ay naaaliw naman ako sa binabasa ko, pero aaminin kong nakakainis nga naman si Zoey at Thalia. Hindi ko nga alam kung sila ba ang mga female leads ng kwento o magkakaroon ng mga bagong character sa mga susunod na chapters dahil nasa chapter 15 palang naman kami. Hindi ko kaya ang pagiging spoiled brat ni Zoey, wala na kasi ito sa lugar lalo na kapag inaaway niya si Declan, at ito namang si Thalia nakakaloka din. Isa pala sa mga dahilan kung bakit hindi sila magkasundong dalawa ni Zoey ay dahil may gusto ito kay Declan. Unang nakilala ni Thalia ang nakatatandang kapatid ni Diego, at dahil pareho silang panganay sa pamilya nila, she thought na ito ang syang magiging kapareha niya, pero bigla nalang inanunsyo na ang mapapangasawa ng panganay na anak ng mga Kirovsky ay si Zoey Villaluna. Because of this, hindi binibigyang pansin ni Thalia ang asawa niya dahil hindi naman niya ito gusto. Despite Diego's efforts para pakisamahan si Thalia ay malamig na pakikitungo lang ang ibinibigay niya rito, at mas binibigyang atensyon pa si Declan kahit may asawa na ito. Lampas dalawang oras na akong nagbabasa, at nasa bandang chapter 50 na kami ni Lana. Maraming kaganapan sa libro ang umikot sa mga problemang ibinibigay ni Zoey at Thalia sa magkapatid na Kirovsky. Nadadamay na nga pati ang mga pamilya nila dahil sa mga pasaway nilang asawa, to the point na ilang ulit ng gusto idivorce ni Declan ang asawa niya. Kung ano ano na kasi ang ginagawa ni Zoey na wala sa lugar just to get Declan's attention, marami ring kaganapan ang mag-asawang Diego at Thalia na nakakapang-init ng ulo. At tama nga ako, may mga dumagdang pang mga bagong character sa kwento. Handa na akong mabasa ang mga mangyayari sa chapter 51 pero nagulat nalang ako ng paglipat ko ng pahina ay blanko na ito. Kumunot ang noo ko at sinuri ang mga susunod pang pahina at katulad sa nauna ay blank na itong lahat. "Hala, bessy, scam ata tong nabili mong libro! Puro na blank page!" Naiinis kong sabi sabay baling kay Lana at ipinakita sa kanya ang mga blankong pahina. Gusto ko ng malaman ang sunod na mangyayari sa mga tauhan sa kwento tapos ito pa ang nangyari. "P*tang inang yan," Malutong na mura ni Lana. "Kakaiba din ang trip ng author na yan, pinublish tapos hindi pa pala tapos." Dismayadong umiiling na dugtong ng best friend ko. "Nasa exciting part na eh, tapos putol!" Gigil kong sagot. O baka publishing company defect? "Totoo yan, Bessy. Pero kung may kasunod yan paniguradong tataas ang dugo ko dyan sa dalawang babae, ito kasing si Thalia ang choosy pa!" Gigil na rin si Lana sa mga eksena, at mukhang magkakaroad rage pa kami dahil bigla nalang niyang binusinahan ang sasakyang mali ang pagkakaover take sa amin. "True, bat pa kasi niya ipinipilit ang sarili sa lalaking may asawa na." Napasapo ako ng noo nang maalala ang nakakainis na eksena sa POV ni Thalia kung saan hindi pa din ito nakakapagmoved on sa nararamdaman niya para kay Declan. "Oo nga, tapos dagdagan pa nitong si Zoey, napaka spoiled brat talaga. Hindi ko alam kung paano nakayanan ng mga magulang niya ang masamang ugali nya." Habang sinasabi iyon ni Lana ay tinatahak na namin ang paliko-likong daan na nasa gilid ng bangin. "Tama! Sarap pag-umpugin ng ulo ni Zoey at Thalia eh no? Kuhang kuha ang inis natin." Sagot ko, na agad ikinatawa ni Lana, at tulad ng lagi naming nakasanayan kapag may napagkakasunduang bagay ay sabay naming itinaas ang mga kamay namin para mag-apir. Kaso nang ibalik namin ni Lana ang atensyon namin sa daan ay nagulat kami nang biglang may nagcounterflow at sinalubong ang sasakyan namin. Bumubusina ito na parang ito pa ang galit kahit siya naman ang nasa maling lane. Mabilis na tinabig ni Lana ang manubela para iwasang bumangga kami sa sasakyan, pero dahil sa ginawa niyang iyon ay sumalpok kami sa railings at sa lakas ng impact ay hindi nito napigilan na mahulog ang sinasakyan namin sa bangin. Pareho kaming napasigaw ni Lana sa takot, at sa unang umpog palang ng sinasakyan namin ay namilipit na ako sa sakit. Ilang ulit pang gumulong ang sinasakyan namin at bawat pag-ikot ay matinding sakit ang siyang kasunod dahil para bang nadudurog ang mga buto ko. I don't think we'll make it out alive, kaya bago pa man tuluyang mawala ang malay ko ay nagpaalam na ako kay Lana. Gusto kong sabihin sa kanya na thankful ako na naging best friend ko siya, pero alam kong wala na akong sapat na oras para sabihin kung gaano ako kagrateful sa kanya kaya isang maiksing 'i love you, bessy' nalang ang sinambit ko bago tuluyang lamunin ng kadiliman ang paligid ko. Ilang sandali pa matapos balutin ng kadiliman ang paligid ko ay nakadama ako na para bang nahihirapan akong huminga. Ang kaninang nananakit kong katawan ay napalitan ng pakiramdam na para ba akong kinakapos ng hangin. I panicked, lalo na ng maramdaman kong para akong lumulutang pero para ring lumulubog. Para akong nalulunod. Out of desperation ay sinubukan kong bumangon, and I started gasping for air na para bang isda na inalis sa tubig. Habang hinahabol ko ang paghinga ko ay hinihilamos ko din ang mga kamay ko sa mukha ko para maalis ang likidong nararamdaman kong umaagos sa mukha ko. Nang kumalma na ako ay doon ko lang narealize na nakalublob ang katawan ko sa bathtub. May bath caddy pa nga sa harapan ko kung saan may nakapatong na charcuterie board at isang baso ng champagne. May tablet pa nga kung saan may TV series na nakaplay mula sa isang kilalang streaming app. "Anong nangyari?" Nagtatakang tanong ko. Hindi ba nasa daan kami ni Lana, at pagkatapos ay naaksidente? Nagtatakang nagsalubong ang kilay ko. Ano yun? Panaginip lang? Nakatulog ba ako? Did Lana and I stayed in a hotel because the long drive is tiring? Pero kahit anong pag-iisip ang gawin ko ay hindi ko talaga maalala na naghotel kami dahil sa pagod. Mas fresh at mas totoo pa yung sensasyon na naaksidente kami ni Lana. Nakakatakot talaga yun. Akala ko katapusan na namin. Nasa isipan ko pa nga ang takot sa mukha ng best friend ko bago nagdilim ang lahat. Tumayo ako at kinuha ang bathrobe hanging at the clothing rack sa bandang uluhan lang ng tub at sinuot, saka lumabas ng bathroom. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng makita ang napakalaking kwarto. Oh my goodness, sa sobrang broken ata ni Lana lumabas lahat ng pera nya for us to stay in this very luxurious hotel. Hindi kaya ng poorita kong bulsa ang ganitong klase ng lugar. "Lana? Bessy?" Pagtawag ko sa kanya. Pero walang sumagot. I tried looking for my phone near the bedside table at tatawagan ko nalang sana siya, but I can't find my phone anywhere in the enormous room. "Lokong Lana yun ah. Iniwan pa ata ako. Baka naglalasing na yun somewhere." Lumapit ako sa may pinto para silipin ang hallway, pero bago ko pa man mahawakan ang knob ng pinto ay marahas itong bumukas, at kamuntik pa nga akong tamaan. "Hoy, konting ingat naman!" Saway ko sa best friend ko. Pero laking gulat ko ng hindi si Lana ang siyang pumasok sa loob, kundi isang lalaking hindi ko naman kilala. Salubong ang mga kilay nito, halatang galit. "What the hell is wrong with you?" Bulyaw nito at marahas na hinawakan ang braso ko. "Ay ano ba!" Gulat at may takot kong sambit. "Bitawan mo nga ako! Ay, ano ba! Nasasaktan ako!" Lasing ba tong lalaking to kaya nagkamali ng room number na pinuntahan? Kahit nagpupumiglas na ako ay ayaw pa rin niya akong bitawan. "I said let go!" Dahil sa takot at pagkataranta na baka ano ang gawin niya sa akin ay isang malakas na sampal ang ibinigay ko rito, baka sakaling mahimasmasan. "Zoey!" He yelled even angrier. "Zoey?" Nagtatakang ulit ko, pero bago ko pa siya maitama na hindi Zoey ang pangalan ko ay napansin ko ang repleksyon ko sa vase na nasa malapit. It's blurry, pero pansin kong hindi ako ang siyang nasa repleksyon, kaya naman tumakbo ako sa may vanity malapit sa kama, at nanlaki ang mga mata ko ng makitang ibang tao ang siyang nasa repleksyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD