CHAPTER 12

686 Words
Monday nanaman at syempre ito ako at naglalakad na sa corridor malapit sa room. Nasa loob na si Gela at kumakaway na sa akin kaya kakaway na rin sana ako kaso may bumangga sa akin kaya napasandal ako sa pader. Tinignan ko ang bumangga sa akin pero ni hindi man lang ako nito nilingon. Ang aga agang mambwisit. Pumasok ako ng room na salubong ang kilay. "hindi nag sorry?"tanong sa akin ni Gela. "hindi nga e."sagot ko bago ko binaba ang mga gamit ko. Dumating na rin sila Arthur at Tom mukhang sabay sila o siguro ay naghintayan sa gate dahil sa subject lang na ito kami magkaklase ngayong Lunes. "Tin!"Napabaling kami pareho ni Gela ng makita ko si Jinky na hinihingal. "o bakit?"takang tanong ko dito. "sino nga uli iyong kaibigan mo sa pinagganapan ng finals ng basketball?"napaisip ako sa mga sinabi nito. Kaibigan? "iyong gwapo!"hinihingal na singhal nito sa akin. "huh?"naguguluhang sambit ko. "Sai!"nang lingunin ko ang nakabukas na pintuan ng room ay napanganga ako. Nakauniform ito ng tulad ng sa mga boys namin. May dalang bag at nakangisi. "J-James..?"duda pa ako sa nakikita ko pero nang lumapit ito at basta akong niyakap ay nanlaki na ang mga mata ko. Napansin ko na nakatingin sa amin sila Arthur, nakatitig lang ito habang si Tom naman ay may hawak na libro at halatang nagulat sa pagyakap sa akin ni James. "Tin boyfriend mo?"tanong ni Paula nang dumating ito at naabutang yakap ako ni James. Kumalas ako kay James at nagtatakang tinignan ito. "bakit nandito ka?"tanong ko. "transferee.."puno ng kumpiyansang sagot nito. Hindi ko maiwasang tignan si Arthur na ngayon ay busy sa pagbuklat ng kung ano sa botes nito. I sighed. "oy jowa?!"tanong din ng iba kong kaklase pero umiling lang ako bilang sagot. "1-2 ka pala? 1-3 ako sayang sana pala dito nalang ako para kasama kita."napasimangot ako sa sinabi nito dahil narinig iyon ng mga kaklase ko na isa isa nang nagdadatingan ang masama pa ay pati sila Arthur ay naririnig ito. Masama? Kaibigan ko naman siya kaya bakit ang iniisip ko ay masama? E ano naman kung marinig nila? Hay! "may bagong boylet ka nanamang bibihagin.."bulong ni Jinky sa akin pero napailing lang ako. "bumalik ka na sa room mo James at baka abutan ka ng prof namin."sabi ko nalang. "sige, basta mamayanh lunch sabay tayo ah!"wika pa nito bago tumakbo palabas ng room. "naku po bagong biktima.."umiiling na bulong ni Gela. "bago kamong iiyak.."gatong ni Jinky. "Tin.."napakurap ako nang lumapit sa akin si Tom. "may notes ka ba nung last meeting? Naiwala ko kasi iyong akin."nahihiyang tanong ni Tom sa akin. "oo, ito oh.."inabot ko dito ang notes ko. Ngumiti ito sa akin at nagpasalamat bago kinuha ang notes ko. Nanlaki ang mata ko ng makitang binigay niya ito kay Arthur. "t-teka Tom akala ko ba naiwala mo iyong sa iyo?"natatarantang tanong ko dito. Nilingon ako nito. "oo, naiwala ko kasi kinuha niya, kaya ito nalang ipapagamit ko.."gusto ko mang tumutol ay wala na akong nagawa lalo na ng magtagpo ang mata namin ng tsokokateng iyon. Brown eyes. Means Arthur. He smirked at me. "bawal ba akong humiram?"tanong nito sa akin. Anong isasagot ko? Baka kasi mapangit iyong sulat ko dyan nakakahiya! "ha? Hindi.."iling ko. "then can I read this now?"nakagat ko ang labi ko sa sinabi nito. Tumango nalang ako. Wala na akong nagawa. Ang daya naman kasi! Akala ko si Tom ang gagamit iyon pala ay si Arthur! "bakit parang takot na takot ka dyan?"puna sa akin ni Gela. "hindi ah!"pagtanggi ko. "weh?"patuloy nito. Hindi ko na ito pinansin lalo at dumating na si bakla. Baka mas lalong asarin ako nito kung papatulan ko pa si Gela. Nang sulyapan ko si Arthur ay tutok na tutok ito sa notes ko. Magulo ba ang sulat ko? Sana pala ginandahan ko ang sulat ko doon. Para hindi siya mahirapang intindihin. Kainis! Hay! Hayaan na nandyan na e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD