Kaagad kong kinurot sa singit si Diego nang makaalis na si Arthur.
"aray!"daing nito.
"bakit hindi mo sinabi sa akin na siya ang kukunin mo?!"nasa boses ko ang iritasyon ng sabihin iyon.
"hoy babae dapat nga matuwa ka noh! At isa pa hindi naman siya ang hiningan ko ng pabor kaso narinig niya kaya siya na nag alok ng tulong at dahil magandang bakla lang naman ako how can I refuse mamang? Yummy na ang lumapit!"napasinghap ako sa mga sinabi nito.
"you mean natikman mo?"maging si Gela ay gulat na nagtanong dito.
Umiling si Diego, hindi ko alam kung bakit nakahinga ako ng maluwag sa sinagot nito.
"mailap! Pero dahil nagkusa naman siya ay hinayaan ko na.."maarteng sabi pa ni bakla.
"so he just wanted to help?"may pagdududa sa tono ni Jinky ng itanong 'yun.
Kibit naman ng balikat ang sinagot ni Diego dito.
Natuwa kami ni Rica dahil mataas ang nakuha naming grades kahit pa halos walang naitulong ang ibang kagrupo namin.
Araw ng Sabado at nakaset na ang gig namin ni Gela.
"uwi before 10pm."paalala ni dad bago ako umalis ng hapon.
"opo.."humalik ako sa pisngi nito pagtapos ay si mom naman ang hinalikan ko na tahimik lang at halatang tutol sa pag labas ko.
"ready?"excited na salubong sa akin ni Gela sa van nila.
Masayang tumango ako dito at binati ang mga kabanda namin na naroon din.
Tahimik man si Gela ay magaling naman itong gitarista at drummer namin si Diego na nakasimangot nanaman dahil nagkakamuscle daw siya sa pagdadrum pero dahil kailangan niyang ipakita sa parents niyang astig siya ay wala siyang magawa kung hindi ang pag aralang mag drum.
At naroon din ang kapatid ni Gela na si Miko mas bata ito sa amin at ito ang base. Namana yata nila ang galing sa pagtugtog ng gitara.
At ang dakilang audience s***h supporter namin ay si Jinky. Siya daw ang manager namin.
Pagdating sa isang high end bar ay kinuha na namin ang mga gamit.
"ready Geeks?"umpisa ni Diego.
"ready!"sabay sabay na sigaw namin bago kami isa isang bumaba at pumasok sa likod ng bar diretso sa stage.
Hindi mo aakalin na ganito ang bonding namin tuwing walang pasok. Kakanta at iyong kikitain namin ay ipangkakain namin or minsan ay nag enchanted kingdom kami.
Atlis ang mga pambubulakbol namin ay galing mismo sa sarili naming bulsa.
Pagtapos ng gig ay nagka ayaan na kumain sa bahay nila Gela at bumili ng pwedeng ihawin pero dahil sinabi kong hanggang 10pm lang ako ay nakiusap si Gela sa mommy nito na kung pwede ay ipaalam ako na mag sleep over sa kanila.
Mabuti at kasundo namin si tita kaya talagang nagagawa namin ang mga kalokohan namin pero syempre alam namin ang limits.
"oo daw sige.."napangiti ako ng marinig 'yon kay tita.
"the best talaga si momshie!"tili ni Diego sa saya ng marinig ang sinabi ng mother ni Gela.
Talagang nilubos namin ang bonding pagkatapos namin kumain ay nanuod pa kami ng movie bago nakatulog sa sala nila.
Nagising ako when I heard my mom's voice.
"I'm really sorry for the trouble.."
"no worries, mabait na bata si Tin kaya walang kaso sa akin.."
Bumangon ako at naupo, nang medyo nakapagmunimuni na ako ay tsaka ako tumayo at sumilip sa labas.
Naroon si mommy kasama si dad at siguro ay sinusundo na ako.
"mom dad goodmorning, goodmorning din po tita.."bati ko sa kanilang tatlo.
"thank God you're awake, halika na iha at samahan mo kaming mamili ni mommy mo ng gagamitin niyo sa company event."nakangiting wika ni dad.
"po? Pero dad hindi pa ako naliligo.."ani ko.
"it's okay baby you're not that stinky.."natatawang bulalas nito.
Wala na akong nagawa at sumama na dito, nagpaalam na ako kay tita dahil tulog pa ang dalawa kong kaibigan ay itetext ko nalang sila.
"I really want you to stop doing whatever you're doing Celestine, it's not helpful lalo na at delikado dahil gabi ang mga gimmick mo."mom said.
I heave a sigh at nakita ni dad iyon.
"let her love, she's having fun so what's bad about it?"napangiti ako sa sinabi ni dad.
"what I'm saying is maraming pwedeng pag aksayahan ng oras na magiging masaya din naman siya."mom reasoned out.
"everyone has its own kind of happiness, maybe it is too boring for you but for our daughter it's not kaya hayaan mo na, let her explore her likes and experience whatever she wants to feel and achieve."dad winked at me ng hindi na nakasagot si mom.
Nang makarating kami sa mall ay kumain muna kami bago naglibot.
"Saira?"napalingon ako sa likod ko ng may tumawag sa akin.
"Renz remember?"pagpapakilala nito.
"ah oo..hi!"bati ko dito.
Magsasalita pa sana ako ng makita nito si mom na palapit na sa amin.
"I-I have to go, nice seeing you here!"nagmamadaling sabi nito bago naglakad palayo.
Huh?
Natakot siya sa mommy ko?
Sabagay kahit sila Diego takot kay mom.