"Lawrence? Iyong pinsan ni Arthur?"tumango sila sa akin.
"anong kinalaman ko doon?"hindi ko parin maintindihan ang connection ko doon.
"nabugbog si Renz.."nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jinky.
"pinabugbog ni Arthur dahil hinawakan ka daw.."ani ni Gela.
"hinawakan?"napaisip ako sa sinabi nila.
Kailan ako hinawakan ni Renz?
"s**t!"napatingin sila sa akin ng marinig ang mura ko.
"inakbayan lang ako pinabugbog na niya?!"inis na tinignan ko sila.
"malandi ka daw, sabi ng iba gusto mo daw magpapansin sa mga sikat para daw sumikat ka rin at mapansin, nagalit kami nila Gela kaya ito pinagtulungan ang beauty namin.."ani ni Diego.
Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Ako? Nagpapansin? Kailan?
Hinayaan kong magpahinga ang mga kaibigan ko sa clinic at naisipang bumalik na sa classroom.
"kamusta ang mga friends mo?"natigilan ako sa paglalakad nang may humarang sa akin.
Lima sila.
Cheerleaders.
"kayo ba ang may gawa sa kanila--"
Pak!
Napahawak ako sa pisngi ko sa lakas ng sampal ng babaeng nasa gitna.
"inagaw mo sa akin si Renz.."manghang nilingon ko ito.
"inagaw? Wala akong inaagaw sa'yo!"asik ko dito.
"o talaga ba?! Ano 'to?!"napatingin ako sa picture.
Nakaakbay sa akin si Lawrence habang nakatingin naman ako dito ay nakangisi naman ito.
"siya ang kusang umakbay sa akin!"
"ang kapal mo! Ilsusyunada!"napaupo ako ng hatakin nito ang buhok ko.
"aray ko ano ba?!"daing ko nang nakisali din ang mga kasama nitong alipores.
"he's my fiance tapos ay lalandiin mo pa!"napapikit ako ng maramdaman ang kuko nito sa anit ko.
"Hazel!"
Tumigil ito ng may sumigaw. Teka pamilyar sa akin ang boses na 'yon. Nang lingunin ko ang bultong papalapit sa amin ay hindi nga ako nagkamali.
Si Arthur.
"stop this.."ani ni Arthur dito.
"stop?! Pinabugbog mo siya para sa babaeng higad na' yan!"
"Hazel hindi sa ganoon iyon--"
"e anong dahilan mo?! Galit ka dahil siya ang pinili ko?!"
Napatda ako sa narinig. Nilingon ako ni Arthur bago bumuntong hininga.
"Celestine can you leave us?"parang may mali sa narinig ko.
Diba dapat hahatakin niya ako palayo doon pagkatapos niya akong ipagtanggol? Ganoon dapat diba?
"ha? P-Pero--"
"leave!"napaigtad ako sa sigaw nito.
Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako, disappointed ba ako? Umasa ba ako sa mas magandang ending?
Ngayon ko lang nalaman, I'm such a hopeless romantic. Tumango ako dito habang pinipigilan ang sarili ko sa pag iyak.
Tumakbo ako palayo doon. Wala na akong pakialam kung anong pag usapan nila o kung baligtarin pa ng babae na 'yon ang kwento basta ako labas na ako dyan.
"Tin.."
Napadilat ako ng may humatak sa akin. Nilingon ko ito para malaman kung sino' yon.
"Tom.."
Huminga ito ng malalim bago ako binitiwan. Naglakad ito papuntang likod ng building kaya sumunod ako dito.
Nang lingunin ako nito ay seryoso na ang mukha nito.
"sorry.."ani nito.
"sorry saan?"takang tanong ko dito.
"kung nadadamay ka.."napaiwas ako ng tingin dito.
"aaminin ko, may mga kalokohan kaming magkakaibigan pero seryoso kami kapag nagmahal, gagawin namin lahat kahit pa mali.."
Ang pagbugbog ba kay Lawrence ang tinutukoy nito?
"ahh,okay lang naman Tom--"
"hindi mo naiintndhan Tin.."naputol ang sasabihin ko dito.
Tumingala ito at pumikit na para bang hirap na hirap.
"ano ba 'yon?"naguguluhang tanong ko dito.
"Tin--"
"Celestine.."napalingon ako sa likuran ko at nakita ko doon si Arthur na seryoso ang mukha.
"Tom anong ginagawa mo dito?"tanong nito sa kaibigan.
"hindi mo dapat hinahayaang mag isa ang girlfriend mo.."wika ni Tom bago kami tinalikuran.
Nang lingunin ko si Arthur ay nakatingin parin ito kay Tom. Don't tell me ipapabugbog din nito ang kaibigan?!
"ahm, tapos na kayo mag usap nung Hazel?" pag iiba ko ng usapan para makalimutan nito ang nakita.
Seloso e.
"oo, tara na hatid na kita sa room niyo."tinalikuran na ako nito at nauna nang naglakad.
Nagseselos ba'to?
Galit much?
Napangiwi ako ng may basa akong maramdaman sa anit ko. Kinapa ko iyon, halos himatayin ako ng makakita ng dugo.
"A-Arthur!"anas ko.
"keep on walking baka mahuli ka sa klase mo.."walang ganang wika nito habang patuloy sa paglalakad.
Nag uumpisa na akong mahilo. May phobia ako sa dugo bata palang ako.
Dahil sa pinsan kong si Gio. Kinulong ako nito sa kabinet at binuhusan ng pulang pinturan at tinakot na dugo daw iyon.
Pinakita din nito sa akin noon kung paano nito pinatay ang alagang pusa ng kapitbahay nila.
Mula noon ay nagkaphobia na ako sa dugo.
Nag uumpisa nang umikot ang paligid ko. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig.
"A-Art--"
"what?!"sigaw nito.
Hindi ko na natuloy ang pagtawag dito dahil nahilo na ako at tumumba.