CHAPTER 23

786 Words
Nang magising ako ay si dad na ang nakita kong nasa tabi ko. Nilibot ko ang tingin ko at narealize kong nasa bahay na ako at nasa mismong kwarto ko. "dad.."nilingon ako nito sabay ngiti. "kamusta ang pakiramdam mo?"hinaplos nito ang noo ko na ramdam kong may bukol. "paano po ako nakauwi?" "may nagdala sa'yo dito, student council daw sila at nabully ka raw sa school.."kumunot ang noo nito sa huling tinuran. Hindi ako nakakibo. Sinong student Council? May ganoon ba kami sa school? Parang wala naman dahil batas doon ang may ari ng school--Arthur??? Baka siya ang nagpakilalang SC kay dad. "the president of your Student Council told me na sila na ang magrereport at magbibigay ng punishment sa gumawa sa'yo nito, but anak sino ba ang gumawa nito at lagi ka bang nasasaktan sa school? Nalaman kong pati ang mga kaibigan mo ay nasa clinic ng oras na 'yun.."nakagat ko ang ibabang labi sa tanong ni dad. Paano ko ba sasabihin? "napagtripan lang po kami dad, alam mo naman si Diego medyo maingay kaya hindi naiwasang mapaaway.."nakakaintinding tumango si dad sa sinabi ko. Bumukas ang pintuan sa kwarto ko at pumasok si mom. "nagulat kami nang walang malay kang bitbit ng lalaki na 'yun, kinabahan ang daddy mo, Saira Celestine mag iingat ka naman baka mamaya ay ikaw pa ang maging dahilan ng ikamamatay namin.."ani ni mom habang nilalapag ang pagkain sa side table ng kama ko. "hayaan mo na hon, atlis siya ang maglilibing sa atin, ayoko naman na ako ang maglilibing sa anak ko.."ngumiti sa akin si dad habang si mom naman ay napailing sa sinabi nito. Kinabukasan ay pumasok na ako kahit pa pinipigilan ako ni dad, gusto kong mag thank you kay Arthur sa ginawa nito. "Tin!"niyakap kaagad ako ni Gela nang makita niya akong papasok ng room. "bruha!"maging si Diego ay inakbayan ako. Jinky stood there watching us pero naiiyak kaya hinila ko na rin ito at nag group hug. "hindi ko gets kung bakit ang init ng mata sa'yo ng mga cheerleaders."sabi ni Diego nang paupo na kami. Kibit lang ang naisagot ko dito. Umirap naman 'to sa akin. "wala talaga akong makuhang matinong sagot sa' yo Tin."pumapalatak na ani nito bago kumuha ng compact para mag retouch. "bakla huwag dito baka makarating sa ama mo.."suway ni Gela dito, parang natauhan naman ang bakla at pasimpleng tinago ang salamin. Nang matapos ang klase namin sa morning ay may ilang oras kaming bakante bago namin maging kaklase sila Arthur. "sinong hinahanap mo?"baling sa akin ni Diego na kanina pa pala nakatingin sa akin. "si Arthur.." "ayiii!namimiss mo?"pang aasar nila nang marinig ang sinabi ko. "gusto ko lang magpasalamat para sa ginawa niya kahapon.."sagot ko sa mga nang uusig nilang tingin. "bakit sa kanya?"napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang abong mata ni Astrid. The Ice Queen. Pati ang mga kasama ko ay natahimik, bihira lang itong mamansin kaya nakakagulat at nakakapagtaka. "ahm, ano 'yon?"nakangiting tanong ko dito. "ang sabi ko bakit sa kanya ka magpapasalamat?" "ah kasi hindi niya ako iniwan at iniuwi niya ako--" "then you should thank that man instead.."sinundan ko ng tingin ang tinuturo nito. "I saw him carrying you like a bride anyway, it's not your boyfie but him."ani nito bago kami iniwan. Napatulala naman ako sa nalaman. Muli kong binalikan ng tingin ang tinuro niyang lalaki kanina. He's eating with his team. Nakikipaglokohan at tumatawa pero halata ang kaseryosohan sa katawan. "hindi si Arthur?"gulat din na bulalas ni Diego. "wow.."hindi makapaniwalang bulong ni Gela. Si Jinky naman ay tinapik ang balikat ko kaya napalingon ako dito. "magpasalamat ka na, kahit hindi si Arthur ang gumawa 'nun ay kailangan mong magpasalamat sa taong nag bigay ng oras niya sa' yo." I sighed. Tumayo na ako at lumapit doon, napansin ako ng mga kasama nito kaya tinuro ako. "ahm.. Axel.."pagtawag ko dito. Nakataas naman ang kilay nito ng bumaling sa akin. "gusto ko sanang magpasalamat sa ginawa mo kahapon.."tumayo ito dahil sa sinabi ko. He shyly smiled at me. "bumabawi lang ako sa kasalanan ko nung nakaraan at tsaka hindi naman ako ang nag uwi sa'yo at humarap sa parents mo kaya okay lang, binuhat lang naman kita papuntang sasakyan."kumunot ang noo ko sa nalaman. "kung ganoon sino ang--" "ayan na pala siya! Captain!"nilingon ko ang tinawag nito. Maging ito ay natigilan sa paghakbang nang makita ako. "nandito si Gitana gusto daw magpasalamat sa'yo.." Umuwang ang labi ko sa narinig. Nang tapunan ako ng tingin ni Renz ay ngumiti ito sa akin at lumabas muli ang dimples nito. "no problem, ako naman ang dahilan 'non."he said. Hindi na ako nakapagsalita. Paanong siya at hindi ang pinsan niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD