CHAPTER 24

723 Words
"Tin.." Habang gumagawa ng assignment sa library ay may tumawag sa akin sa pabulong na paraan. Nilingon ko ang tumawag at nalamang si Tom iyon. Naupo ito sa tabi ko nang walang paalam. "himala at may oras kang kausapin ako, nasaan ang libro mo?"masungit na tanong ko dito without looking at him. I heard him chuckled kaya nilingon ko ito. "hindi pa ako makapagbasa dahil may nagwawala sa room namin."ani nito. "okay.."walang pakialam na sagot ko dito. "Tin.." "busy ako Tom pwede ka namang magbasa dyan."sabi ko. "nagwawala si Art sa room."binitiwan ko ang ballpen ko dahil sa sinabi nito bago ito hinarap. "anong magagawa ko? Hindi ko kaya ang lalaki na 'yun at isa pa nandoon naman ang mga kaibigan niya.."inis na wika ko dito bago ako muling nagsulat. "Tin galit na galit siya.." "so what? Anong kinalaman ko doon?"pikon na baling ko dito. "malaki,ikaw ang dahilan kaya galit' yun."nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nito. "ako?!"tinuro ko pa ang sarili ko, tumango naman ito. "stop bugging me, wala akong ginawa sa kaibigan mong topakin." Hindi ko makakalimutan na pinaalis niya ako noon para kausapin 'yung Hazel at hindi ko rin alam kung bakit pagtapos nilang mag usap ay mainit ang ulo niya sa akin at mas hindi ko maintindihan kung bakit naroon naman siya pero si Renz ang nagdala sa akin pauwi sa bahay. Kung talagang totoo na gusto ako ng lalaking' yon ay mararamdaman ko naman iyon kahit na hindi ko pa siya type. "galit siya dahil nakita ka niyang kausap mo si Renz kahapon.."napangisi ako sa narinig mula kay Tom. "ang daldal mo yata ngayon? Kung nagalit siya edi buti nga sa kanya, alis nga busy ako."tinaboy ko na ito at hindi na pinansin. Paglabas ko ng library ay nakakita ako ng kumpulan. Anong palabas? Lumapit ako doon habang hinahanap ko ang mga kaibigan ko, baka narito din sila. Hindi nga ako nagkamali dahil ang mga bruha ay nasa harapan pa talaga. Sa dami ng naroong students ay hindi ako makasingit para tawagin ang tatlo. Mamaya na nga lang, uupo nalang nga ako sa malapit na tambayan. Tumalikod ako at naglakad na palayo ng may sumigaw. "stop it Art!" "don't mess with me!" "ano ba tama na!" Napahinto ako sa paghakbang. I sighed bago ako naglakad pabalik sa kumpulan. This time ay siniksik ko na talaga ang sarili ko para lang makarating sa harapan. Napatda naman ako nang makarating ako sa unahan. Napatakip ako sa bibig ko ng makita kong puro pasa na si Arthur at putok na ang labi. Nilingon ko ang kaaway nito, napailing ako. Dan and Ricky? Mga kaibigan niya ang kaaway niya? Then naalala ko ang sinabi sa akin ni Tom. "sinabi na kasing tama na!"napabaling ako sa sumigaw. Nandoon iyong Hazel at naiiyak na. Hinanap ko si Renz dahil baka naroon din ito at sinaktan ni Arthur pero wala naman. "awatin mo na Haze!"sabi pa ng mga kaibigan nito. Nagulat ako ng lumapit ito kay Arthur. "please tama na.."naiiyak na sambit nito kay Arthur. "move Hazel at tuturuan ko ng leksyon ang dalawa na 'yan!"labas na ang ugat sa leeg ni Arthur ng sumigaw. "bakit Art? Totoo naman sinabi namin ah, bakit galit na galit ka? Hindi mo maamin ang totoo?"umiiling na sambit ni Rick. "damn you!" Nang akmang susugurin nito si Rick ay tumakbo ako at humarang doon. Natigil sa ere ang kamao nito na dapat ay dadapo sa pisngi ni Rick. "Tin.."bulong ni Rick ng makita ako sa harapan niya. "alis na, umalis na kayo ni Dan.."wika ko sa kanila. "huwag kang mangialam dito Celestine!"nag iigting ang panga na sabi ni Arthur. "alis na.."hindi ko pinansin si Arthur at nilingon lang ang dalawa. Tumango sila at iika ikang naglakad palayo. "Arthur.."nang lingunin ko ito ay nanlilisik ang mga mata nito sa akin. "kahit ano pang dahilan mo, you have no reason to hurt them, kaibigan mo sila."ani ko dito. "wala kang alam.."sabi nito na nagbigay ng pait sa panlasa ko. "siguro nga wala akong alam sa issue niyo, pero alam ko na ang kaibigan ay hindi sinasaktan, kung ikaw na kaibigan nila sasaktan sila sino pa ang tatawagin nila kung kailangan nila ng kaibigan? You call yourself their friend? Funny."mahabang litanya ko dito bago ko ito tinalikuran. "Tin!"pagtawag sa akin nila Gela pero patuloy lang ako sa paglalakad para makalayo na doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD