Dahil Sabado na at P.E lang ang subject ko for today ay naka P.E uniform na akong pumasok.
Habang naglalakad sa hallway ay nagbubulungan ang mga nadadaanan kong students. May idea na ako kung sinong pinag uusapan nila.
Ako.
"okay class we will play volleyball, sa court tayo."tamad na tumayo ako palabas ng classroom.
Wala ang tatlo dahil hindi sila kumuha ng P.E subject kaya alone ang peg ko ngayon.
Nang makarating kami sa court ay gusto ko nalang magtago dahil naroon pala ang basketball team at mukhang may meeting sila kasama ang coach.
Gumilid ako para hindi ako mapansin kung sakali ng team.
"Miss Gitana dito ka sa group B."napangiwi ako ng isigaw pa ng prof namin ang apelyido ko kaya tuloy napalingon sa akin ang lahat maging ang nasa bench na sila Rick.
Nakayukong naglakad ako palapit sa group B.
Habang naglalaro ay naiilang ako dahil ramdam kong may nakatingin sa bawat kilos ko. Mabuti nalang at maayos naman ang performance ko.
Naupo ako sa bench para magpahinga, ang group C at D naman ang maglalaban.
"nice seeing you play.."nilingon ko ang nagsalita.
"anong ginagawa mo sa basketball court?"gulat na tanong ko kay Renz.
"try outs."maikling sagot nito.
"sasali ka sa team ng basketball?"gulat na bulalas ko dito.
"ayaw ba ng muse?"nakangiting baling nito sa akin.
"h-hindi naman nagulat lang ako.."wala sa sariling anas ko.
Tumango ito sa akin bago ngumiti.
"drinks.."inabutan ako nito ng gatorade.
"thanks."usal ko nang tanggapin iyon.
"Renz.."nag angat ako ng tingin nang may tumawag dito.
Si Hazel.
"bakit nandito ka? Doon tayo sa kabila.."hinila nito si Renz.
"baka magkagulo kung nandoon ako.."ani naman ng huli.
Nakarinig kami ng ingay na bumagsak na upuan kaya napalingon kami at nakita kong tumayo na si Arthur at mukhang aalis na.
Tinignan ako ni Hazel bago nagsalita.
"mas magkakagulo kung dito ka."
Umiwas nalang ako ng tingin sa kanilang dalawa.
Bahala kayo dyan.
Nang matapos ang laro ng natirang groups ay tinawag na kami ng prof namin at nagpaalam nang tapos na ang klase.
Pumunta muna ako ng c.r para magpunas ng pawis at mag ayos na rin para sa pag uwi.
Pagod na kinuha ko ang gamit ko sa room, wala na ang nga kaklase ko at mukhang nagmadali ding magsiuwi.
I sigh.
"Celestine.."natigilan ako sa tangkang pagkuha ng bag ko ng may tumawag sa akin.
Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng ganyan.
"bakit?"tanong ko dito nang hindi tumitingin.
"I'm sorry kung hindi kita naihatid pauwi nang araw na 'yon.."nakagat ko ang ibabang labi ko sa sinabi nito.
"naroon naman si Renz kaya ayos lang.."kaswal na sagot ko.
"right, still I'm sorry pati kahapon, tama ka hindi ko dapat iyon--"
"sa kanila ka mag sorry Arthur huwag sa akin.."putol ko dito.
"sige alis na ako.."nagmamadaling lumabas ako ng classroom ng pigilan nito ang braso ko kaya wala akong choice kung hindi ang lingunin ito.
"galit ka ba?"
Binasa ko ang mga mata nito nang itanong nito sa akin iyon.
"hindi ko alam kung bakit lumapit ka sa akin Arthur, pero kung gagamit ka ng babae para magselos si Hazel o sino mang babae 'yang talagang gusto mo, please huwag ako. Madami naman dyan na mas willing spare me."wika ko dito.
Mas humigpit ang hawak nito sa braso ko kaya napatingin ako dito uli.
"ikaw ang gusto ko Celestine, at kung talagang nagseselos ka ngayon dahil naiisip mo 'yan ay pakakasalan na kita."napamaang ako sa sinabi nito.
"Hazel is Renz's fiancee. Oo aaminin ko ako ang boyfriend ni Hazel noon pero noon pa 'yon bago kita nakilala. Ikaw ang ngayon ko Celestine at balak kong ikaw na hanggang sa huli.."hindi ako nakahinga sa gulat.
Parang hindi ko dapat naririnig ang confession na ito pero bakit sinasabi na niya sa akin?
I'm not that serious being his girlfriend kaya bakit parang seryoso ito?
"Art.."anas ko dito.
"I got mad Celestine nang makita kita kasama si Renz, natakot ako at nagalit na baka pati ikaw ay maagaw niya."
"Art,I'm not a trophy or prize na makukuha dahil nanalo ka. I don't want you to fight for it, just be you at sigurado akong wala tayong magiging problema.."paliwanag ko dito.
Hinatak ko ang braso ko dito at umalis na.
Kung magiging totoo ka lang Arthur siguro ay magagawa ko ring maging totoo sa'yo.