Bilang kilalang girlfriend ni Arthur ay tungkulin ko daw na suportahan ang bawat laro nito. Iyon ang isa sa mga bilin sa akin ni Diego.
Pero ngayon na halos mapaos na ito kakatili dahil sa mga bolang naishoot ni Art ay pakiramdam ko na ginamit lang ako nito para makapanuod ng laro.
Nilingon ko ang kaliwa ko at ganoon din sila Gela at Jinky. Ako lang yata ang bored na nakaupo dito.
"hawak niya uli ang bola!"napapalakpak pa si Gela ng sabihin 'yon.
Magaling sa defense si Art, nakarami na ito ng steal na nagiging points nila.
Nang manalo ito ay tinuro pa nito ang kinauupuan ko dahilan para kiligin ang mga kasama kong bruha na kulang nalang ay sabunutan ako sa kakatili.
Typical basketball player.
Para sa akin ay iyon naman ito, papogi lang tapos magpapafall ng mga babae then boom. Wasak ang pwedeng mawasak.
Now I can see it clearly. He's not really into me. He's trying to prove that he's much better than his cousin.
Nasaktan ako, but not because I love him, nasaktan ang pride ko that's the right term.
Nilingon ko si Hazel, even if she's with Renz now ay halata na kinikilig parin ito kay Art.
I sighed.
Paano ba akong nadamay sa kanila?
"Celestine.."nilingon ko si Art na pawis na pawis pa at may towel sa ulo.
"shower lang tapos hatid na kita pauwi.."ani nito.
Tumango naman ako na para bang no big deal kahit na ang mga kaibigan ko ay kinikilig sa tabi ko.
Wala namang kakilig kilig sa sinabi nito.
Nasa hallway na kami palabas ng gym. Sunday ngayon at dapat ay nasa bahay lang ako pero dahil nga sa tungkulin ko daw ay narito ako sa school.
"Tin bili lang kami sa cafeteria."paalam ni Jinky sa akin.
Si Diego ay nag c.r kaya naiwan akong mag isa doon sa hallway.
"Tin.."nilingon ko ang tumawag sa akin.
"Dan.."
"nag enjoy ka ba sa laro?"napasimangot ako sa tanong nito.
He chuckled.
"halatang bored ka I even saw you yawned."nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.
"don't worry hindi malalaman ni Art.."natatawang usal nito.
"kahit ipaalam mo pa sa kanya wala naman sa akin 'yun.."ingos ko.
"maybe sa' yo wala lang pero paano naman sa kanya? He's trying to win you by making you see how good he is tapos ay wala lang pala sa'yo.."napangiwi ako sa sinabi nito.
"I told him to just be himself."komento ko.
Napatango naman ito.
"wala sa vocabulary niya 'yan Tin.."napatingin ako dito nang sabihin nito iyon.
"bakit?"I asked.
"curious ka na?"pang aasar nito sa akin.
"forget it then.."mataray na sambit ko.
Tumawa naman ito.
"since bata pa ay lagi siyang kinukumpara kay Renz, his dad, mom and cousins kahit tita at tito niya, lumaki siya na laging kinukumpara sa mas magaling, so he thinks that he needs to be better dahil ayaw niyang nakukumpara at baka kapag siya na ang best ay tumigil na ang pamilya niya sa pangmamaliit nito sa kanya."
Hindi ako nakapagsalita sa nalaman.
"so don't be someone na dadagdag pa sa kung ano dapat ang gawin niya, be someone who's proud to have him, support him."anas pa ni Dan.
Natahimik kami pareho ng makita naming naglalakad na palapit si Art.
"where's your friends? Hatid na ba kita o papaalam ka muna sa kanila?"tanong nito bago nakipag fistbump kay Dan.
I sighed.
Mabuti at okay na ang dalawang 'to.
"text ko nalang sila, tara na.."wika ko dito.
Kumaway din ako kay Dan na tinanguan naman nito.
"mukhang close mo ang mga kaibigan ko ah.."he commented nang iistart niya ang sasakyan.
Natawa naman ako sa sinabi nito.
"I need to get to know them.."kibit na sagot ko.
"bakit?"he asked.
"knowing your friends means knowing you, gusto kong malaman at makilala ang mga nakakasalamuha mo so I can fully support you."napapreno ito kaya nagtatakang nilingon ko ito.
"stop being cute Celestine baka hindi na kita iuwi nyan.."
Natawa ako sa sinabi nito.
"try and my dad will hunt you."sagot ko dito.
"better be good to your dad then."kumindat pa ito nang sabihin iyon.
Better?
Muli ay naisip ko ang sinabi ni Dan.
Is he trying his best para matanggap?
Hinawakan ko ang kamay nito kaya napalingon ito sa akin.
"I'm driving Celestine.."natatawang anas nito.
"I like you better when you're smiling.."napalunok ito sa sinabi ko.
Nagulat ako ng itabi nito ang sasakyan bago humarap sa akin.
Hinawakan nito ang pisngi ko.
"I like you too Celestine.."he whispered bago ako kinintilan ng halik sa noo.
"need to get you home baka hindi na talaga kita iuwi.."
Pareho kaming natawa sa sinabi nito.