Walang pasok ngayon dahil Sunday. Nagpunta lang kami ng simbahan nila mom and dad tapos ay umuwi na.
Boring ang buhay ko kapag linggo kumpara sa mga kaedad ko na siguro ay nagshoshopping o kaya ay nag aout of town.
Kaya naman nang maglunes ay tagapakinig lang ako sa mga kaibigan kong galing sa galaan galor nila.
"ikaw ba? I'm sure preso ang peg mo kahapon.."nanunuyang pansin sa akin ni Diego.
I sighed.
Alam na nila kung ano ang isasagot ko kaya mas pinili ko nalang na huwag magsalita.
"nabalitaan ko na sabay kayo umuwi ni Arthur ah!"tuksong kiniliti ni Gela ang tagiliran ko nang sabihin 'yon.
Kitang kita ko naman ang panlalaki ng mata ng dalawa pa naming kasama dahil sa sinabi nito.
"upgraded na ah! May hatid version na!"ngising segunda ni Jinky sa akin.
Napasimangot tuloy ako dahil alam ko na ako nanaman ang tampulan ng tukso nito.
Dahil malapit na ang intrams ay todo practice ang basketball team, napansin ko din na nandoon na nga si Renz at kasali na sa team.
As usual ay nanunuod ako dahil nga sa girlfriend ako ng captain ng basketball. Minsan nga ay naiisip ko tuloy kung pwede bang hindi manuod.
Katabi ko si Gela sa kaliwa ko habang sila Jinky at Diego naman ay medyo malayo sa amin dahil mas gusto daw nila ng malapit sa mga players.
Kami naman ni Gela ay ayaw dahil takot kaming matamaan ng bola.
"bakit nga kaya sumali siya e captain na siya sa Soccer team."narinig ko ang pag uusap ng mga katabi ko sa bench.
"ang alam ko ay dahil sa babae."sabi pa ng isa.
"babae? Ah! Kasi cheerleader ng basketball si Hazel, sabagay babantayan niya ang jowa niya kahit ako naman, kung mas malapit ang ex syempre ayoko."nagtawanan ang dalawang estudyante.
"talaga naman kasing kakabahan ka kung si Arthur ba naman ang ex.."napalingon na ako sa kanila dahil sa naging usapan nila.
Nakita ko pa kung paanong siniko ng babaeng may mahabang buhok ang katabi na nakatingin lang sa court para tumigil sa sinasabi nito.
I know why she looked terrified. Ako nga naman kasi ang current girlfriend ng pinag uusapan nila.
"ano ba?!"piksi ng kaibigan nito ng tumingin sa gawi ko. Kitang kita ko ang panlalaki ng mata nito ng makita ako. She looked guilty bago yumuko at humingi ng sorry sa akin.
Umalis ang dalawa sa kinauupuan malapit sa akin at lumipat sa kabilang dulo.
"natakot sa'yo.."natatawang komento ni Gela ng makita ang ginawa ng dalawa.
"hindi sila sa akin takot kung hindi kay Art.."ingos ko dito.
"wow Art, nickname basis na?"pang aasar nanaman nito.
Hindi ko alam kung bakit lahat nalang ng lumlabas sa bibig ko ay nagagawan nila ng pang asar laban sa akin.
Nang matapos ang practice ay tumayo na din ako para umalis tutal ay tapos na ang duty ko na panoorin ang jowa ko.
"Tin.."natigil ako sa pagtalikod ng pigilan ni Gela ang dulo ng uniform ko.
"bakit?"nagtatakang tanong ko dito.
Ngumuso naman ito sa baba kung nasaan ang court. Sinundan ko ng tingin ang tinuturo nito at bumilis ang t***k ng puso ko ng magtama ang mata namin ni Art.
Ngumiti ito sa akin habang kumakaway na para bang nagpapaalam na magpapalit lang.
Tumango ako dito at kumaway nalang din bago umalis dahil kailangan ko pang pumunta sa library para sa assignment namin na ipapasa mamayang bago mag uwian.
Palabas na kami nila Gela ng gym ng may humarang sa daraanan ko.
"uuwi na?"tanong ni Renz sa akin kaya pati ang ibang kasabayan namin na palabas din ay napapatingin, ang iba siguro ay narinig ang tinanong nito.
Para hindi na magkaroon ng chismis ay sinagot ko ito.
"hindi pa, hinihintay ko pa si Art."nabura ang ngiti nito pagkatapos ay tumango sa sinabi ko.
"sige.."paalam ko dito bago ito lagpasan.
Nakakadalawang hakbang palang ako ay nagsalita ito uli.
"kung nauna siguro ako, ako ang hinihintay mo ngayon at hindi siya.."
Rinig na rinig ko ang pagsinghap ni Gela sa gulat dahil sa sinabi ni Renz.
Nilingon ko ito ng may kunot na noo.
He really wanted to compete. If Art is trying his best to be recognise this guy is trying to steal every opportunity na magpapasaya kay Art.
I sighed ng makita itong nakatingin sa akin habang naghihintay sa sasabihin ko.
"that won't happen."wika ko dito.
Tumaas ang kilay nito sa sinabi ko.
"why? Kung ako ang boyfriend mo hindi kita paghihintayin Tin.."pinigilan ko ang sarili ko na irapan ito dahil sa tinuran.
"I said that will never happen dahil kahit magpapansin ka hindi kita papansinin."ingos ko dito.
"at bakit hindi?"biglang naging seryoso ang mukha nito ng magtanong.
Inis na tinalikuran ko nalang ito pero nagulat ako ng pigilan nito ang kamay ko kaya napilitan akong sagutin ito.
"dahil hindi ka si Art!"