After that confrontation ay iniwasan ko na magtagpo ang landas namin ng pinsan ni Art.
Halos magtago na ako sa library tuwing break time para lang hindi kami magkita.
"Celestine.."napaangat ang ulo ko mula sa pagbabasa ng may tumawag sa akin.
Iisang tao lang ang tumatawag sa akin ng ganoon.
"Art.."ngumiti ako dito nang maupo ito sa tabi ko.
"your hiding spot is very obvious."nakangiting sabi nito kaya bigla ay nakaramdam ako ng hiya.
"I heard what happened, you should have told me.."nasa boses nito ang pag aalala.
Salubong ang kilay nito at halatang galing sa practice. Dalawang araw din kaming hindi nagkita dahil nga sa pagtatago ko hindi ko naman alam na sasadyain niya ako dito sa ikatlong araw.
Ngumiti ako dito at hinawakan ko ang kilay nito sa pagtataka nito. I caressed his brows hanggang sa mawala ang pagsasalubong nito.
"no need to worry Art I'm perfectly fine.."natatawang anas ko dito.
"you're fine hiding here?"maang na tanong nito sa akin.
"yes, actually I find it peaceful and quiet."ani ko.
"Celestine of course, nasa library ka."nasa mukha nito ang pagka amused.
"why are you here by the way?"tanong ko dito.
"do you really need to ask? Syempre dahil kahit sa akin ay hindi nagpapakita ang girlfriend ko."he said while smirking.
Napangiwi ako nang makita ang nanunuyang mukha nito sa akin.
"sorry Art ano kasi--"
"it's okay as long as hindi tayo masisira, I'm actually glad na ginagawa mo 'to because you are thinking about me."he smiled at me kaya bumilis nanaman ang t***k ng dibdib ko.
Be still my heart.
I gulped.
"kumain ka na ba?"sa kaba ko ay iyon tuloy ang nasabi ko.
He grinned at me.
"you starting to sound like a caring girlfriend.."he teased.
Umirap ako dito bago ko kinuha ang mga gamit ko at tumayo na.
"stop dreaming Mr. Yee I am not, nagduda lang ako dahil pumunta ka dito baka kako gutom ka lang."ani ko dito ng nakanguso bago naglakad palabas.
Sumunod naman ito sa akin at kinuha ang ibang gamit na bitbit ko.
"why? Galit ka ba na ngayon lang ako pumunta sa'yo?"nilingon ko ito sa sinabi nito.
"of course not!"iling ko.
"e ano? Tampo? Nagtatampo ka?"pangungulit parin nito habang nakangiti.
Sasabihin ko sana dito na wala akong pakialam kung hindi na ito magpakita pa sa akin pero ng makita ko ang nakangiting mga mata nito, as if asking and wishing that he could be right, na nagtatampo ako dahil hindi niya ako hinanap ay pinigilan ko ang sarili ko.
"ewan ko sa'yo.."sabi ko nalang.
Humalakhak ito kaya pati ako ay napangiti na rin.
"hey Celestine, aminin mo na, miss mo ko?"nang lingunin ko ito dahil sa sinabing 'yon ay nagtaas baba pa ito ng kilay sa akin.
Hindi ko tuloy napigilang matawa ng malakas.
"oops!"napatigil ako sa pagtawa ng takpan nito ang mukha ko.
"problema mo?"takang baling ko dito.
"you looked cute kaya tinakpan ko, that smile is exclusively for me only."ani nito.
Napairap ako dito pero nangingiti pa din.
"possessive."bulong ko.
"hey lady, malamang! Ang ganda mo kaya!"nagulat ako ng akbayan ako nito.
"ahm, nakaakbay ba dapat?"pagpuna ko dito.
"ay sorry!"binaba nito ang braso tapos ay hinawakan ang kamay ko.
"I should aim for your hand right?"
Nang sabihin nito iyon alam ko naman na holding hands ang ibig nitong sabihin pero hindi ko alam kung bakit at kung saan sa salita nito ako nag umpisang umasa.
Yes please Art, aim for my hand and ask my parents for their blessings.
At that moment I knew it. I'm in trouble, I am starting to like this man.
Nang tignan ko ang kamay naming magkahawak habang naglalakad palabas ng campus ay may na realise ako.
This is where I'm lacking. The thrilling sensation, the excitement feeling.
Nang tumigil ito sa paglalakad ay tumigil din ako at nagtatakang tumingin dito.
He gave me a sheepish smile.
"can you read?"he asked.
"oo naman!"
"read those.."sinundan ko ng tingin ang tinuro nito.
It's a banner.
I MISS YOU CELESTINE DID YOU FEEL THE SAME WAY?
Napailing ako dito.
"you don't?"bumakas sa mukha nito ang disappointment.
I saw the glimpse of sadness in his eyes.
"Art you don't need to ask I mean, of course I will miss you, you are my boyfriend."
Nang sabihin ko 'yon ay nagthumbs up siya at tinaas iyon hanggang sa ulo niya.
Napaigtad ako sa gulat ng biglang may sumabog na petals sa kinatatayuan namin.
"what is this Mr. Hopeless Romantic?"nanunuksong tanong ko pero ang totoo ay kinikilig ako.
"hindi kita naligawan ng maayos Celestine, let me make it up to you, I will court you everyday for the rest of our lives."bulong nito.
"hep!"napatingin kami ng may magsalita.
I saw my friends.
Inggit na inggit ang mga itsura ng mga bruha.
"hindi pa kayo kasal kaya wala pang rest of our lives eme!"ani ni Jinky.
Natawa ako ng makitang napakamot sa noo si Art.
"are they your friends or bodyguards?"tanong nito sa akin.
Ako naman ang ngumisi ngayon dito.
"both.."