Excited ako.
Iyon ang nararamdaman ko ngayong intrams. Dati ay kapag ganitong may event sa school ay tamad na tamad ako dahil wala naman akong ibang gagawin kung hindi sumama at sumunod sunod sa mga kaibigan ko.
Dati kasi ay bawat booth ay pinupuntahan namin to check kung anong maiooffer nila sa amin.
Pero ngayon ay maaga akong nagising kahit tanghali pa naman ang umpisa.
Isang oras na nga yata akong nakatanga dito sa harapan ng kama ko habang pinagmamasdan ang mga damit na nakalabas.
"alin dito ang babagay sa akin?"naguguluhang bulong ko.
Ngayon lang din ako na conscious sa kung anong susuotin ko. Ayoko kasi na parang simple lang ang ayos ko habang nanunuod sa laro nila Art.
I sighed.
Sa dami ng mga babaeng titili para dito mamaya ay gusto ko sanang kahit paano ay maging maganda ako sa paningin nito.
But at the same time, bakit ba big deal sa akin kung maganda ako o hindi ngayon?
Kaya sa tagal ng pagbibihis ko ay napili ko nalang ang t-shirt na kulay red at pants. Nag rubbershoes din ako para sa mahabang lakaran mamaya for booths.
Tinali ko ang buhok ko into a ponytail at naglagay lang ako ng lip gloss at powder.
"hahatid na kita.."umpisa ni mom nang makita akong bumababa sa hagdan.
Tumango ako sa kanya at nauna nang lumabas.
"hindi ka naman maaga kapag intrams ah.."umpisa ni mom nang nagmamaneho na ito palabas ng garage.
"muse ako ng basketball mom.."sabi ko nalang.
Nilingon naman ako nito ng nakangisi.
"muse pero naka loose t-shirt, dapat ay nagpalda ka man lang or mas better kung naka dress ka and look at your make up paano kang mananalo sa muse ng kalaban niyo."
Mom is always like that, ayaw patalo, gusto niya laging maayos, laging maganda at laging nakakaangat.
I sigh.
"I'm not used to make ups mom."
"better practice wearing then lalo na at napapansin naman nila na maganda ka."
I rolled my eyes on what she said.
"that's the point mom, I can be pretty even without make up.."simangot na sabi ko.
"but prettier with it.."
Hindi na ako sumagot pa sa sinabing 'yon ni mom. Alam ko naman na hindi ito magpapatalo sa ano mang sasabihin ko.
Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa school.
"thanks mom."humalik ako sa pisngi nito bago bumaba.
"behave."bilin nito bago ako hinayaang lumabas.
Naglalakad na ako papasok ng gate ng marinig ko ang tilian sa bandang gilid.
Nakita ko si Renz kasama niya si Hazel. Sila ang kinakikiligan ng mga students.
Perfect pair daw.
I shrugged my shoulders bago nagpatuloy sa paglalakad. Nang malapit na ako sa building namin ay may humatak sa akin.
"Tin dito!"
Ang tatlo ang nabungaran ko. Nakangisi sila sa akin habang hila ako papunta sa gym.
"mamaya pa ang laro ah!"nagtatakang ani ko sa kanila.
"kailangan ng star player ng motivation ano ka ba!"sita sa akin ni Diego.
Hays.
"bakit ganyan ang suot mo?"puna sa akin ni Jinky.
Tinignan ko naman kung may mali sa suot ko.
"bakit? Maayos naman ah! Walang butas at hindi kupas."sabi ko.
Umiling sa akin si Gela habang pumapalatak bago nito tinuro ang bench.
"see those girls? Mga nakaabang lang 'yan para maakit ang team."nang lingunin ko ang tinuturo nito ay bigla akong nagsisi kung bakit hindi ko ginawa ang sinabi ni mom kanina.
Lahat sila ay nakadress ang iba ay nagkulot pa ng buhok. Sa sobrang ikli ng damit nila ay parang skin type na ang mga 'yon.
"Tin naman argh!"si Diego na para bang bigong bigo ito sa naging suot ko.
"sorry na ito kasi ang nakasanayan ko, simplicity is the best for me.."nangingiwing saad ko.
Ang sinabi kong' yon ay hindi ko napanindigan nang hilahin ako ng mga kaibigan ko palapit sa huddle nila Art. Nakita ko ang mga babaeng nandoon na nakamini skirt at halatang pinaghandaan ang pormahan.
"Celestine.."lumapit kaagad sa akin si Art ng makita ako.
"ikaw lang ang babaeng nakapants ngayon Tin ah!"natatawang anas ni Rick sa akin.
Sa sinabi nito ay hindi ko maiwasang tignan ang reaksyon ni Art.
Ngumiti ito sa akin bago ako hinalikan sa noo.
"so much to be my girl, she knows how to please me Rick, alam niya na hindi ako makakaconcentrate sa laro kung ganyan din ang damit niya tulad sa iba. I won't let them see her body, not her."
Sa mga negative kong narinig about my clothes today ay siya lang ang nakahanap ng positive comments.
"salamat Art.."anas ko dito.
Umiling ito sa akin.
"I should be the one thanking you, thanks for inspiring me.."
Narinig ko ang hiyawan ng mga nandoon dahil sa sinabi ni Art.
Ngayon na kami ang kinakikiligan ng mga nandoon ay feeling proud ako.
Proud ako na hindi ako mali ng piniling boyfriend.