CHAPTER 6

853 Words
"paano na 'yan ngayon Tin?"tanong sa akin ng kaklase ko. Nandito kami ngayon sa victory party ng basketball team, hindu ko na nagawang tumanggi dahil maging ang mga kaibigan ko lalo na ang baklang si Diego ay gustong gustong pumunta. Kausap ko sa phone si Rica ang kaklase ko. Nandito ako sa labas ng bahay ni coach Park para makausap ito ng tahimik. Maingay kasi sa loob dahil sa mga nandoon na varsity at cheerleaders. "kailangan natin iyon para sa marketing!"napapikit ako sa lakas ng boses nito sa kabilang linya. "what do you want me to do Rica? Ang part ko ay ang mga goods na ibebenta hindi ako ang nakatoka sa marketing strategies, ask Paula siya ang nakatoka doon."paliwanag ko dito. Pinag uusapan namin ang isang subject namin na tungkol sa event marketing. College life! "may mga gagawin pa daw siyang seatworks at online quizzes sa iba niyang subjects."naiirita na ito pero mas naiirita na ako. "you are the leader Rica at tsaka bakit ba ako ang kinukulit mo sa bagay na iyan? Ask your boyfriend instead! Hindi ba at siya naman ang may kasalanan kung bakit lumipat ng group sila Diego? Masyadong mayabang."simangot na komento ko. Natahimik ang kabilang linya. Medyo nakaramdam ako ng guilt kaya naisipan ko sanang magsorry pero naunahan na ako nito. "wala na kami Tin.."napakurap ako sa narinig mula dito. Wala na sila? Parang kailan lang ng maging sila ah! "p-please Tin.. Help me."ngayon ay umiiyak na ito. I sighed. "wala ba talagang magagawa si Paula?"huling pagkakataon na tanong ko. "a-ayokong tanungin iyon, s-sila na kasi ni Fred.."nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. "w-what?!"gulat na bulalas ko. Hikbi nalang nito ang narinig ko. Now I understand kung bakit sa akin ito lumapit imbes na kay Paula. That's why I don't want to fall inlove, baka sa maling tao ko lang iyon maramdaman at magaya pa ako kay Rica. "iisip ako kung anong magandang strategy."sabi ko nalang. "s-salamat Tin.."sumisinghot na wika nito. Nagpaalam na ako kaagad para makabalik ako sa loob at matanong ko ang mga kaibigan ko ng pwedeng paraan para makabenta. Pero pagbaba ko ng tawag ay napatalon ako sa gulat ng makita ko sa hamba ng pinto si Tom, isa sa basketball team. May hawak itong libro at tila nagbabasa. "kanina ka pa ba dyan?"dahan dahang tanong ko. Lumingon ito sa gawi ko bago nagkibit ng balikat. Okay deadma, makapasok na nga lang sa loob. Pahakbang na ako papasok ng magsalita ito. "boyfriend mo?"he asked. "ha?"hindi ko kaagad nakuha ang ibig sabihin nito. "'yung kausap mo, boyfriend?"ulit nito. Bigla ay namula ang pisngi ko. Nag init ang mukha ko at mabilis na umiling. "hindi! Wala akong ganoon.."mabilis na sagot ko. I saw the side of his lips rose. "okay."he said bago tumabi para makadaan ako. Nahihiyang pumasok ako sa loob at bumalik sa tabi ng mga kaibigan ko. "saan ka ba nanggaling? Nag spin the bottle kami gaga! Ang saya!"malaking ngisi ni Diego ang sumalubong sa akin. "magpapaalam na sana ako, para umuwi.."nag aalangang wika ko. Ang pagsingkit ng mata nito at pagkunot ng noo ay senyales na hindi nito nagustuhan ang sinabi ko. "pwede naman na ano, na ako lang ang uuwi kahit dito muna kayo--" "bruha ka talaga! Alam mong kaya kami nandito ay dahil ikaw ang ininvite tapos uuwi ka?"Diego rolled his eyes. "bakit anong mayroon?"singit ni Gela sa amin ng makita ang simangot na mukha ni Diego. "gustong umuwi!"sabat ni Diego sa amin kaya nakita ko ang paglaki ng mata ni Gela. "no way!"she hissed. "kailangan kong umuwi kasi hindi kaya ni Rica na tapusin ang project namin sa events."totoo naman ang sinabi ko at isa pa ay hindi ako sanay na masyadong maraming tao. "anong ginagawa ni Fred? Ang yabang ng jowa niya para sabihing kaya niya iyon tapusin kahit nakapikit at hindi niya kami kailangan.."pati si Jinky ay nakisali na din. I sighed. "wala na sila, Fred cheated, sila na ni Paula."halos lumuwa ang mata nila Diego sa sinabi ko. Malamang chismis e. "true?!"biglang naging interested ang tatlo at sa akin itinuon ang pansin nila. "iyon ang sabi ni Rica, kaya nga kailangan ko nang umalis para matulungan ko iyon, kawawa at brokenhearted pa." Sa wakas ay pumayag din sila sa dahilan ko. Siguro ay naawa din sila kay Rica dahil mabait naman ito. "hey.."lumapit ako sa team at agad na nakuha ko ang atensyon nila. "ahm, magpapaalam na sana ako na uuwi na kami.."Nahihiyang wika ko. Tumingin si Leo sa relo nito bago bumaling sa akin. "maaga pa ah.."komento nito. "oo nga, hindi ka pa namin masyadong naentertain dahil sa mga cheerleaders."ani ni Ricky. "ayos lang, walang problema sa akin iyon."usal ko. "pero--" "sinong kasabay mo pauwi?"naputol ang sasabihin ni Leo ng magtanong si Arthur. Nang mag salubong ang tingin namin ay napalunok ako. S-Sino nga ba ang m-mga kasabay ko? Bigla ay nakalimutan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD