CHAPTER 5

778 Words
Tilian ang naririnig ko habang naglalaro ang team. Kahit ibang school ay tumitili sa kanila. Wala tayong magagawa mga gwapo nga naman kasi. Nang maghalf time ay naisipan kong mag c.r. Nagpasama ako kay Jinky dahil hindi ko alam kung saan ang c.r dito. Paglabas ng gym ay naroon ang c.r. Papasok na kami ni Jinky nang may humarang sa amin. "ikaw iyong muse ng kabilang team hindi ba?"napaatras ako sa takot sa tatlong lalaki. "Tin.."bulong ni Jinky sa akin at halata rin sa boses nito ang takot. "Tin!"nilingon ko ang tumawag sa akin at laking pasalamat ko ng makita ko si Leo isa siya sa basketball team namin. "ahm.. Leo.."pagtawag ko dito. Lumapit ito sa amin bago bumaling sa tatlong lalaki na biglang tumalikod para umalis. "may problema ba dito?"agad na umiling ako kay Leo kahit na ang totoo ay naipagpasalamat ko na dumating ito. "hinahanap lang namin ang c.r."sagot ko. "sige hintayin ko kayo dito."sabi ni Leo bago pasimpleng sinulyapan ang tatlong lalaki na pinili nalang umalis. "muntik na tayo.."halatang namutla si Jinky sa nangyari kanina. Kahit ako ay kinabahan. Bakit nila kami nilapitan? Anong balak nilang gawin? Nang makabalik kami sa gym kasama si Leo ay dumiretso ito sa bench at kinausap na si Arthur na tumatango naman bago sumulyap sa gawi ko. Seryoso ang tingin na binigay nito sa akin kaya napaisip tuloy ako kung ano ang sinabi ni Leo dito. Nang magpatuloy ang laro ay nalibang na uli si Jinky at nawala na ang takot nito sa nangyari kanina. Nakafocus lang ako sa panunuod nang may tumabi sa akin sa gulat ko. "Saira.." Nagulat ako ng mamukhaan ang lalaking nasa tabi ko. Ang pamilyar na asul na mata nito dahil sa ama nitong americano at ang dimples nito sa tuwing ngingiti. Ang kapitbahay namin noon na lagi kong kalaro. "James?"ngumiti ito sa akin at kinurot ang pisngi ko. Magrereklamo sana ako sa ginawa nito pero naagaw ng pito sa court ang atensyon ko kaya napabaling ako doon. Tumumba si Arthur at tinawagan ng foul ang nagbabantay dito. "sa YU ka pala nag aaral.."muli akong bumaling kay James nang magsalita ito. "oo.. Hindi ko alam na dito ka pala.."nakangiting wika ko din. "kanina ka pa pinag uusapan ng mga kasama ko doon.."sinundan ko ng tingin ang tinuro nitong mga lalaki na nakatingin sa amin. "nung una hindi ako nakikisali pero nang nakilala kita ay agad akong lumapit.."tumatawang sabi pa nito. "oy pre huwag mong bakuranan!"sigaw ng isa sa mga kasama niya. "back off! Kababata ko ito!"sagot ni James sa mga lalaki bago tumingin uli sa akin. "crush ka nila, hindi ko din alam na ikaw ang muse ng basketball team niyo, alam ba nila ang itsura mo noong uhugin ka pa?"pang aasar nito. "tigilan mo ako!"ingos ko. Tumawa ito at kinurot muli ang pisngi ko. "ehem! Baka naman gusto mong ipakilala.."singit sa amin ni Diego. "ay oo nga pala! James sila Diego Jinky at Gela mga kaibigan ko."pakilala ko. Nakita ko ang pangngiti ni James sa akin bago tumayo. "I have reasons to play now."mayabang na sabi nito. "naglalaro ka?"hindi makapaniwalang tanong ko. "watch me Sai, panis 'yang captain niyo sa akin."napasinghap ang mga kasama ko ng tanggalin nito ang suot na t-shirt at tumambad sa amin ang Jersey uniform nito. Kumindat sa amin si James bago bumaba sa bench nila. Sinundan ko ito ng tanaw at nakitang tinapik ito sa balikat ng mga player sa kabilang bench. Totoo? Napalingon ako sa bench namin ng marinig ang pag awat nila Leo kay Arthur. Sinisipa nito ang upuan siguro ay nainis sa foul kanina. 4th quarter na nang pumasok si James. Tumingin muna ito sa akin bago kumaway. Nakakahiya nga dahil maging iyong taga ibang school ay napatingin sa akin. Baliw talaga. "ang unfair ng mundo, ang gwapo ng mga lalaking lumalapit sa'yo."si Jinky ang nagsalita kaya nilingon ko ito. "nagkataon lang.."sagot ko. Ngumiti ito sa akin at muling bumaling sa court. Arthur caught my attention nang maglakad ito palapit sa amin. "b-bakit?"bigla akong kinabahan ng lumapit ito. "I will win this game para ako ang tignan mo." Napakurap ako sa sinabi nito, bumalik na sa court si Arthur at lahat ay tulala pa din ako. Sila Gela naman sa tabi ko ay kinikilig nanaman. At dahil sa sinabi nito ay hindi ko na nga naalis ang mga mata ko dito hanggang sa matapos ang laro at maipanalo nila. One point lang ang lamang pero parang nakarami ng points sa akin ang isang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD